AMONG US I

By exoleyxion

355 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)

6 2 0
By exoleyxion

HINDI MUNA ako pinapasok nina mom kinabukasan dahil nanghihina pa ako, pero nakalabas na ako sa ospital. Hindi rin sana papasok si Wave para may kasama ako sa bahay, pero hindi naman ako pumayag, ‘noh.

Hindi ko alam kung nagising na ba si Tobias, pero binilin namin sa mga doktor at maging kay Hillary at sa mama niya na huwag ipaalam dito na kami ang nag-donate ng dugo sa kanya. Mas mabuti nang hindi niya alam dahil baka makonsensya siya. Ayaw kong maramdaman niyang parang may utang na loob pa siya sa amin.

It was Wednesday and I’m finally back at Maple High after a day of being absent! Ah, hindi talaga ako sanay umabsent kahit isang araw lang. parang ang dami ko tuloy na miss na ganap sa classroom huhu.

“You look happy,” nakangiting komento ni Wave habang naglalakad kami papunta sa school. Dumadaldal kasi ako sa kanila at panay pa ang pagtawa ko. Nakangiti rin sina Donna at Paris samantalang may sariling mundo naman ang dalawa sa likod.

“Gusto kong magbakasyon tayo sa Korea sa summer! Siguro miss na rin ni Wave ang ho—“

Napatigil ako sa pagsasalita nang makasalubong namin si Tobias na papunta na rin sa school. Mukhang masakit pa rin ang parte kung saan siya sinaksak dahil nanghihina pa rin siya. Nawala ang ngiti ko at napaiwas ng tingin nang tumingin siya sa’kin. Binati siya nina Donna samantalang ako ay dire-diretso lang na naglalakad. Agad kong hinawakan ang kamay ni Wave at hinila siya. “Tara na, Wave! Baka maubusan tayo ng champorado!”

Hindi na ito nagreklamo at nagpatanghay nalang. Pagdating namin sa Lugawan ni Auntie Ysa ay agad kaming bumili ng champorado. Akala ko ay nauna na si Tobias pero hinintay pa pala kami nito. Hinayaan ko nalang siya at muling hinila si Wave palayo sa kanila. Kumakain kami ng champorado habang naglalakad.

“Yum… sarap talaga ng Champorado ni Auntie Ysa,” I complimented and took a spoonful of it. “Tignan mo oh, sobrang dami ng binigay niya sa’tin tapos 15 pesos lang.”

“I agree,” sang-ayon nito. “Uhm, I noticed that that you’re avoiding Tobias,” he suddenly said. Natahimik ako kaya muli itong nagsalita. “I’m sorry.”

Nilingon ko siya nang makita kong nakayuko siya. “What? It’s ocakes! Huwag ka ngang ganiyan, para kang bata,” wika ko sabay tawa. “Let’s just, uhm, not talk about it, okay?”

Tumango-tango ito sabay ngiti ulit. Napapadalas na yata ang pagngiti niya kaya mas lalong sumasaya ang araw ko. Nakakatuwa rin ang pagiging madaldal niya lalo na kung magsasalita siya ng Tagalog. Nabubulol kasi siya kaya natatawa talaga ako. Pero kahit gano’n, bakit ang sexy pa ring pakinggan?

Habang nagsusulat ako ay may biglang lumipad na papel sa harap ko. kinuha ko ito at binasa, pero nangunot lang ang noo ko dahil sa nakasulat doon. Nakalista kasi roon ang pangalan ng ilan kong kaklase, pero natuon ang atensyon ko sa pangalan nina France at Mia na isinulat gamit ang red ballpen.

“Mix and match?” I whispered after reading the last words. “Ano ‘to? Magmi-mix and match ang mga ‘to? Bakit nakalista pa ang mga pangalan nila at ibang kulay ng ink ang ginamit dito sa dalawa? Sila ba ‘yung naka-tokang mag-order?”

“Stop talking to yourself. They might think you’re crazy,” wika ni Wave nang hindi nakatingin sa’kin. He’s busy writing something on his notebook. Tsk.

Kumibit-balikat nalang ako sabay tupi sa papel at nilagay sa bulsa ko. Mga makukulit talaga ‘tong Section A. magmi-mix and match na nga lang, magkakalat pa.

Nakapilig lang ang ulo ko ngayon sa desk habang pinagmamasdan si Wave na busy pa rin sa ginagawa niya. Maya’t maya naman ang pagsulyap nito sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. Natawa nalang ako nang ihagis niya sa mukha ko ang hoodie niya. Naiilang na siguro siya sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

“Why do you keep on staring?” kunot-noong tanong nito habang nakatingin sa akin.

“Pogi mo kasi,” nakangiti kong tugon. Nakita ko namang namula ang tainga nito kaya umiwas siya ng tingin. Ewan ko ba, pero parang bigla akong nawalan ng hiya sa kanya. Dahil siguro best buddies na rin kami kaya gano’n.

Hindi na ito nagsalita pa at nag-focus nalang sa ginagawa niya. Napa-ayos naman ako ng upo nang maramdaman ang presensya ng isang tao sa harap ko. It was Celeste. She was standing there with shyness on her face.

“Uhm, Zivienne, I just want to say I’m sorry for being so full of myself,” biglang saad nito. Uhm, wow, ang ganda naman ng bungad niya. Wala man lang, “Hey, Zivienne, can we talk for a while?” gano’n? “I’m so sorry for trying to take your place. Nasanay lang ako na ako ang President since Grade 1 at hindi ko matanggap na hindi ako magiging President ngayong grade 10.”

“Uh…” I don’t know what to say so I just smiled at her. “It-It’s fine.”

“So…” Inilahad nito ang kamay niya sa akin. “Can we be friends?”

Tumayo at tinanggap ang kamay niya. “Sure.”

Nakita ko ang mabilisang pagsulyap nito kay Wave sabay ngiti. Binitawan ko na rin ang kamay niya at bumalik sa pagkakaupo. Si Celeste naman ay lumapit kay Wave.

“Hi, Wave! Ano ‘yang sinusulat mo?” tanong nito sabay tingin sa notebook. “What’s this?” May kinuha itong litrato na sa tingin ko ay nakaipit sa notebook ni Wave. Biglang nag-iba ang reaksyon ni Celeste nang makita niya ang litrato. Bahagyang nalukot ang mukha niya pero nagplastar din naman siya ng ngiti pagkatapos. But why do I feel like it’s fake?

Biglang inagaw sa kanya ni Wave ang litrato kaya nagulat siya. “I don’t like it when someone touches my stuffs,” masungit nitong saad tiyaka muling inipit ang litrato. Nag-sorry naman si Celeste at tahimik na umalis.

“Ano ba ‘yon? Patingin,” I said. Sinubukan kong kunin ang notebook sa kanya pero itinaas niya iyon sa ere. Hayss, nagiging bata na naman siya. Parang notebook lang eh.

Napadighay nalang ako bago sinubukang abutin iyon. Dahil masyado siyang matangkad ay sinubukan kong tumalon, pero na out of balance ako at natumba sa kanya. Bigla akong nahiya nang makita ang posisyon namin. Nakaupo kasi siya sa upuan niya habang nakaupo ako sa hita niya’t nakayakap sa kanya.

Agad ko namang inabot ang notebook niya at umayos ng upo. Wala na siyang nagawa nang makita ko ang litratong tinitignan ni Celeste kanina. I looked at Wave after I saw the picture. Nag-iwas lang ito ng tingin sabay lunok.

It was a picture of the two of us. The one that was taken on Barangay Pilapil. We’re both smiling in this picture. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil meron pala siya nito? “I didn’t know you have a copy of this.” Nakangisi kong ibinalik sa kanya ang notebook tiyaka ‘yung picture, pero napasimangot din ako nang may maalala. “Sorry, kakasabi mo lang pala na hindi mo gustong pinapakealaman ang gamit mo.”

“What? Of course, you’re an exemption,” bawi nito na ikinatawa ko. May favoritism, yawa HAHAHAHA.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng klase katabi si Wave dahil chini-check namin ang attendance. “Buenaventura.” Ilang beses ko nang tawagin ang apelyido ni Mia ngunit walang sumasagot. “Is Mia absent?”

“Nakita ko siyang pumasok kanina, pretty Zivienne!” masiglang sagot ni Caryl. “Hindi siya absent.”

“Yeah, her bag is here,” sagot naman ni Zero sabay taas ng bag ni Mia.

“Nakakapagtaka namang lumabas siya eh nandito si Zero?” ani Quialla. “Parang linta na ‘yon kung makalingkis kay Zero eh.”

“Baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi,” mahinhin na wika ni Vivian tiyaka tumayo. “Hahanapin ko siya sa labas.”

Tumango nalang ako dahil vacant naman namin. Si Wave ang nag-check ng attendance ng boys at kagaya ng sa girls ay may kulang din. Si France.

“Nandito rin bag ni France,” pagbibigay-alam ni Winona.

“Saan ba nagpupunta ang mga iyon?” Luigi asked. “Napaka-unusual namang nasa labas sila.”

I suddenly remembered the piece of paper that I saw. I took it out from my pocket and called Kiana since her name was written here. “Baka bumili sila ng mix and match sa Jollibee?” Nangunot ang noo nito. “I got this paper earlier and your names are written here. Nagplano ba kayong mag mix and match at sila France at Mia ang nakatokang mag-order?”

“Huh?” Naguguluhan itong umiling. “H-hindi naman, Pres.”

“Eh para saan ‘to?” I asked and stared at the paper for a while before an idea crossed my mind. Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Dali-dali kong binuksan ang phone ko at tinignan ang dummy acc na nagpopost ng threats noong nakaraan. Huwag naman sanang tama ang hinala ko.

Natutop ako sa kinatatayuan ko nang makita ang bago nitong post. It says, “Let’s do mix and match next! Watch who’ll be missing today…”

It was posted 15 minutes ago. Mix and match sa Jollibee means to combine to meals. So, ibig sabihin ba nito ay dalawa ang mamamatay? Sina F-France at Mia ang… mamamatay?

“Hey, what’s wrong?” Wave asked softly. He held my shoulders and made me face him. Concern is visible in his eyes when I saw my worried expression. Nanginginig ang kamay kong may hawak na papel.

“F-France and M-Mia…” garalgal ang boses kong sagot. “T-They’re… they’re next.”

SOMEONE’S POV

Malaya akong naglalakad at nagliliwaliw sa tahimik na corridor nang mapadaan ako sa likurang parte ng campus kung saan may talahiban. May natanaw akong parang lumang gusali sa may dulo na sa tingin ko’y lumang building. Hinawi ko ang mga talahib at naglakad papunta roon ngunit napatigil ako nang may marinig akong nag-uusap sa gilid.

“I like you, Mia,” sabi nung lalaki.

Nagtago ako sa isang gilid upang hindi nila ako makita. They look familiar, but nye whatever. I’ll just eavesdrop to their conversation. Mukhang interesting kasi eh.

“I’m sorry,” nakayukong wika ng babae. “You know that I like Zero.”

“Pero hindi ka naman gusto ni Zero.” Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. Mabuti na lamang at napigilan ko. “Gusto niya si Bridgette.”

“But Bridgette’s gone!” Tumayo si Mia at umupo rin agad dahil hinawakan siya ng lalaki sa braso. “Sobrang natuwa ako nang mawala na si Bridgette dahil finally, sa akin na si Zero.”

Napatingin ako sa kabilang dako dahil may napansin akong tao roon. Isang pamilyar na babae ang nanunuod din sa dalawa habang nag-uusap ang mga ito. Bored itong sumandal sa pader habang pinaglalaruan ang hawak niyang baseball bat. Maya-maya lang ay may dumating din na lalaki at tumabi doon sa babae. Ilang minuto lang silang nag-usap bago nila dahan-dahang nilapitan ang dalawa.

Dahil nakatalikod ang mga ito sa kanila ay madali lang nilang nahampas ng mga dala nila sina Mia at ang kasama nito. Kinaladkad nila ito paalis sa lumang building at isinakay sa kotseng nakaparada sa hindi kalayuan. Doon na sila dumaan sa likod ng lumang building dahil bakanteng lote na ang nandoon.

I smirked. Mangingidnap na nga lang, hindi pa nag-iingat. Hindi man lang nila ako napansin? Hindi pa nagsuot ng disguise. Masyado yata silang pakampante na sila lang ang naroroon. Pero, anong kailangan nila kina Mia? Bakit nila sila kinuha?

ZIVIENNE

“I want you all to be honest with me,” seryoso kong sambit sa gitna ng katahimikan sa classroom namin. “Who else in this section had bullied the late Coraline Castronuevo?”

Nagsinghapan sila sa tanong ko at tinignan ang isa’t isa. I can see that some of them became pale. Naging balisa rin ang ilan sa kanila maliban na lamang sa mga kaibigan ko at kay Zhaivo na inosenteng pinagmamasdan ang mga kaklase namin. Maging si Tobias ay prenteng nakaupo lang sa upuan niya na parang may sarili itong mundo at walang pakealam sa paligid.

“B-bakit po, Pres?” nagtatakang tanong ni Jane.

“You don’t need to know,” masungit na tugon ni Wave at nilagay sa loob ng bulsa ang dalawang kamay niya. “Just stand up if you had once bullied the said person and be quiet if you hadn’t.”

Nakayukong tumayo si Winona kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Hindi naman nagtagal ay sabay ring napatayo sina Pristine at Ian. Tamad namang tumayo si Neon at inirapan si Hillary na naka-smirk habang nakatingin sa kanya.

“Oh? Bakit hindi ka tumayo?” taas-kilay na tanong ni Neon kay Hillary.

Tinaasan din siya ng kilay ng huli. “Why would I? Ni minsan, hindi ko naisip na e-bully si Coraline… unlike you,” malamig nitong tugon tiyaka umirap.

“Wow, feeling angel ang bitch ng section A,” sarkastikong saad ni Neon sabay halukipkip.

“What? Who?” inosenteng tanong ni Hillary bago tinuro si Neon. “Oh, are you referring to yourself? Or your best friend Enara?”

“How dare you?!”

“Enough already!” saway ko sa kanila at malakas na pinalo ang toy hammer sa teacher’s table na ikinatahimik naman nila. “May namatay na’t lahat-lahat, nag-aaway pa rin kayo.”

Sunod na tumayo si Gian at panghuli si Kiana. Makalipas ang ilang minuto ay wala nang tumayo kaya pinaupo ko na ulit sila. I also told them to meet me one by one after dismissal.

“I saw France and Mia,” biglang sabi ng kararating lang na si Vivian. “Nakita ko silang nag-uusap doon sa lumang building sa may likurang parte ng campus. Mukhang seryoso kaya hindi ko na tinawag.” Nakahinga naman ako nang maluwag na malamang ligtas sila.

“Mukhang hindi na by alphabet ang order ng pagpatay,” Hazel said after swallowing her food. Vacant pa rin namin kaya nasa cafeteria kami. Iilang estudyante lang ang nandito kaya okay lang na dito kami mag-usap. Wala nga lang si Sir Villejo dahil may klase ito sa grade 7.

“Baka nalaman na nung killer na nag-eembestiga tayo kaya hindi na by alphabet ang pagpatay,” hula ni Shaun. “Ingay kasi ni Hazel.”

“Hoy! Ako na naman nakita mo ah.” Binatukan niya ito. “Inaano ba kita ha?”

“Pretty Zivienne, oh.” Kumapit si Shaun sa kabilang braso ko sabay turo kay Hazel.

“Kayong dalawa talaga, para kayong mga bata,” umiiling na saad ni Donna. “Kumain na nga lang kayo. Magbabardagulan pa eh.”

“Sorry, mamsh. Si Shaun kasi eh, mukhang paa,” pangungutya pa ni Hazel. Shaun just rolled his eyes at her. “Anyway, bakit ka pala maraming pasa, Tobias? Tiyaka, absent ka rin kahapon… kayong dalawa ni Zivienne. Ano ba ang nangyari sa inyo?”

Hindi ako sumagot sa tanong ni Hazel at maging si Tobias ay natahimik din. Napansin naman ni Hazel na ayaw naming pag-usapan kaya hindi na ito nagtanong pa. Gusto kong ipaalam sa kanila na nag-donate ako ng dugo kay Tobias dahil nasaksak ito pero baka saksakin ako bigla ni Donna. Hindi nila alam ang nangyari noong gabing dinala si Tobias sa ospital at wala rin silang alam na kakambal ko si Tobias. Ang alam lang nila ay posibleng kambal ko ‘to.

“Naligtas natin si Enara sa killer, diba?” Donna asked. “Baka nga nahalata na nung killer na nag-eembestiga tayo kaya nag-decide nalang siya na mag random selection kung sino ang isusunod niya.”

“If that’s the case—“

Pareho kaming napatigil ni Tobias nang sabay kaming magsalita at parehas pa. Sandali pa kaming nagkatinginan bago ako umiwas at tumahimik. Naguguluhan namang tumingin sa amin sina Shaun.

“Problema niyo?” he asked.

“If that’s the case…” Si Tobias na ang nagsalita. “It’ll be hard for us to guess who’s next.”

“I think, dalawa rin ang papatayin nila if we’ll base on Jollibee’s mix and match,” wika ko naman. “Nakita niyo na rin siguro ‘yung post nung dummy account. I’m pretty sure now that it was owned by the killer and it is giving updates on who’s going to be next.”

“Ang bilis mo namang mag-deduce, Zivienne,” Shaun commented. “Sa bagay, malakas naman talaga senses mo at palagi pang tumpak!”

“Kung dalawa nga ang mamamatay, mahihirapan talaga tayo niyan,” Hazel said, agreeing to Tobias. “Oh, Paris, bakit parang ang tahimik mo yata? Si Wave, acceptable pa na tahimik ‘yan, pero ikaw? Naur.”

Oo nga, napansin ko rin. Kanina pa ‘to hindi nagsasalita ah. Malalim din ang iniisip niya at mukhang may gumugulo na naman sa kanya.

Umiling ito. “I-I’m fine, don’t worry.” Isang pilit na ngiti ang binigay nito kaya alam ko agad na may mali. What is it that you’re hiding, Paris?

KILLER’S POV

“N-nasaan ako?” tanong ng kakagising lang na si Mia. May piring ang mata nito at nakagapos din ang mga kamay at paa niya sa silya. Sa likod naman nito ay si France na nakatali rin ang parehong kamay at paa, pati may piring din siya sa mata at may busal sa bibig. Sa sobrang pagkarindi ko kay Mia ay nilagyan ko rin ng busal ang bibig nito.

“Let’s start.” Napatingin ako kay Kuya nang maglakad ito papunta kay Mia at pinunit ang suot nitong uniform. Oh crap! Tigang na tigang na yata siya.

“Before that, Kuya, gusto ko munang malaman kung ano klaseng pambubully ang ginawa niyan kay Coraline,” saad ko na nakapagpatigil sa kanya.

“Hindi mo na kailangang malaman,” malamig na saad nito bago gawin ang nais niya sa babae.

Pinahiga niya ito sa sahig at doon ginawa ang kahalayan niya. Nagpupumiglas naman si Mia, pero wala siyang magagawa dahil nakatali ang mga kamay niya. Maging si France ay nagpupumiglas din sa pwesto niya dahil sa mga naririnig niyang pagdaing ng kasama niya.

Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan. Hinila ko si France palapit kina kuya at inalis ang piring nito sa mata. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang senaryong nagaganap sa harap niya. Umiiyak ito habang pinipilit lumapit kina kuya pero hinihila ko lang ito pabalik. Hinang-hina si France habang lumuluhang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya na binababoy ng lalaking hindi niya maisip na magagawa ito sa kanila.

Paulit-ulit na ginalaw ni kuya si Mia hanggang sa magsawa ito. Nagulat na lamang kami ni France nang bigla niyang kunin ang itak sa gilid at hinati ang katawan ni Mia. Mas lalong nagwala si France sa nasaksihan. Maging ako ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ni kuya kaya nakatunganga lang ako’t pinapanood siya habang kinakatay si Mia.

“Papanoorin mo lang ba ako?” baling nito sa’kin.

Umiling-iling ako bago lumapit sa kinaroroonan niya. Sinuot ko ang gloves tiyaka siya tinulungan sa ginagawa niya. Bigla akong napatingin kay France nang maalalang nanonood ito sa amin at wala akong suot na pantakip sa mukha. Gulat itong nakatingin sa akin, but I just gave him a sad smile. Hindi na mahalaga kung nakita na niya ang mukha ko dahil mamamatay rin naman siya.

Isinilid ko ang mga bituka ni Mia sa isang plastic kagaya ng inutos sa’kin ni Kuya. Kahit pa sukang-suka na ako ay pinigilan ko iyon dahil baka magalit siya sa’kin. Gustong-gusto ko tuwing nakakakita ako ng brutal, pero sa isiping ido-donate niya ‘to sa canteen namin para gawing dinuguan is really gross. Hindi ko naman inexpect na maiisip niya ‘to.

Sandaling umalis si Kuya para kunin ang cooler sa sasakyan kaya naiwan kaming dalawa ni France na ngayon ay nanlilisik ang matang nakatingin sa’kin. I can’t blame him. We just kidnapped them and kuya just banged and chopped the woman he likes in front of him. Who wouldn’t be mad at that?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya’t inalis ang busal sa bibig nito.

“WALANGHIYA KAYO! MGA HAYOP!” sigaw nito kaya bahagya akong napalayo sa kanya. “A-ANONG KASALANAN NAMIN SA INYO?!”

“Sa amin wala, pero sa kapatid namin, meron,” madiin kong sagot sa kanya.

“W-WALA AKONG ALAM SA SINASABI MO!” tanggi nito. “PAKAWALAN MO NA AKO, VIVIAN!”

Vivian? Huh?

My name’s not Vivian…

|•|end of chapter 16|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

29.9M 991K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
4K 246 14
Book 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta...