AMONG US I

By exoleyxion

357 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 15: FAMILY LOVE

5 2 0
By exoleyxion

HINDI NAMAN ako nagtagal sa ospital dahil hindi naman masyadong malubha ang natamo kong sugat sa noo kaya na-discharge na ako kinabukasan. Muntik pa masapak ni Tobias si Wave dahil sa pagpapabaya nito sa’kin. Mabuti nalang at napigilan ko siya.

“So, siya si Tobias?” maingat na tanong ni mom habang nakatingin sa katabi ko.

Nasa bahay kami at kumakain ng dinner. Mom invited all of them to come over. Pasasalamat niya na rin sa kanila dahil nandito sila nang ma-kidnap ako.

“It’s weird because you are somehow… identical,” wika ni dad habang pinabalik-balik ang tingin sa amin ni Tobias. “If you don’t mind me asking, hijo, who are your parents?”

Natagalan pa bago makasagot si Tobias. “I don’t know. I’m an orphan,” sagot nito na ikinagulat namin. Huh? Pero, pinsan niya si Hillary…

“So, paano mo naman naging pinsan si Hillary?” si Donna na ang nagtanong.

“I was adopted by her mother’s brother,” walang emosyong sagot niya. “We’re just step cousins.”

“But it’s impossible that he’s my son because he was dead,” naluluhang wika ni mom. “He didn’t survive the fire.”

“He did, actually,” sabat ni kuya na siyang ikina-kunot ng noo ni mom. “Dad was able to save him. Unfortunately, he was baby-napped while we’re looking for you.”

“Apollo?” baling ni mom kay dad. “You owe me a lot of explanation.”

“Kung gano’n, may possibilidad na k-kambal kita,” mahina kong saad sa kanya. Nilingon niya ako at tinignan gamit ang blanko niyang ekspresyon. Sunod siyang tumingin kina mom at dad bago siya tumayo.

“Excuse me,” paalam nito at lumabas. Tumayo rin ako at sinundan siya sa labas.

“Tobias,” I called. Tumigil siya paglalakad at hinarap ako. “Are you not considering it?”

“No,” diretsang sambit nito. “Ulila ako. Inabandona ako. Pinabayaan ako. Wala akong magulang at mga kapatid. So, why would I consider?”

“B-baka kasi totoo—“ he cut me off.

“Eh ano naman? Ano naman kung totoo?” he asked. “Anong mababago kung magkapatid tayo?”

“Marami, Tobias,” sagot ko sabay ngiti. “May totoong pamilya ka na at—“

Umiling ito. “I don’t want to be a part of your family, Zivienne,” anito gamit ang malamig niyang boses na ikinabagsak ng mga ngiti ko. “I don’t want you to be my sister.”

“B-bakit ayaw mo s-sa’kin?”

Hindi niya ako sinagot bagkus ay iniwan niya akong umiiyak at nanlulumo dahil sa mga sinabi niya. Umiyak akong parang bata sa frontyard namin habang tinatanaw ang papalayo niyang pigura. Malakas ang kutob kong siya ang kakambal ko… pero bakit ayaw niya sa’kin? Bakit ayaw niya akong maging kakambal?

“Stand up, Zivienne,” malamig na utos ng tao sa likod ko. Hindi ako nakinig sa kanya. Tumingala ako at kinusot ang mga mata ko. I just can’t stop crying.

“B-bakit gano’n?” I sobbed. I felt him sat beside me. “O-okay naman ako, diba? Hindi naman ako m-maldita, hindi rin naman masama ang ugali ko…”

“Pero bakit ayaw niya sa’kin? Bakit ayaw niya akong maging kapatid?” Mapait akong ngumiti. “Maayos naman akong maging kapatid, hindi ba, Wave?”

He shrugged while looking blankly on the stars. “How would I know?” he asked. “I never looked at you as my sister.”

Umurong bigla ang luha ko pero mas lalo akong sumimangot. “Ang sama mo naman! Ayaw mo pala akong maging kapatid. So, hanggang friends nalang ba tayo?”

Pareho kaming napatigil sa tanong ko. Matalino si Wave kaya alam kong may ibang meaning sa kanya ang tanong ko. Iba rin ang dating no’n sa’kin. Para ko siyang tinatanong kung may pag-asa bang maging kami. “I-I mean, hanggang friends nalang ba tayo at hindi magkapatid?”

“I already told you. Hindi kapatid ang tingin ko sa’yo, Zivienne.” Napasimangot ako. “But more than friends? Pwede pa.”

Mahina akong natawa sabay hampas sa kanya. “Marunong ka rin palang magbiro, Wave,” natatawang saad ko, pero natigil ang tawa ko nang lumingon ito sa akin at seryoso akong tinignan. What he said next left me in aw. Sabihan ba naman kasi akong hindi siya nagbibiro. Mag-aasume na ba ako nito? Na may gusto siya sa’kin? “HAHAHA loko ka.”

“There you go.” Muli akong napatingin sa kanya at nakitang nakangiti ito habang pinagmamasdan ako. “You look more beautiful when you smile.”

Nawala ang ngiti ko. “So, you mean na hindi ako maganda kung hindi ako nakangiti?”

Mabilis itong umiling. “I said, you look more beautiful when you smile,” he repeated, emphasizing the word ‘more’. Napaiwas naman ako ng tingin nang maramdamang umiinit ang pisnge ko. Bakit ba ako kinikilig sa simpleng compliment niya? Dahil siguro si Wave na crush ko ‘yung nagsabi?

“Ah, HAHA,” nasabi ko nalang. “Anyway, masama pa rin loob ko sa’yo dahil hindi mo ako pinansin buong araw. Tapos lakas mo pa makipagtawanan doon sa transferee.”

He smirked. “Why? Are you jealous?” direktang tanong niya.

Nanlaki naman ang mata ko sabay iling-iling. “Bakit naman ako magseselos do’n? Mas better naman ako sa kanya,” I said with full of confidence. What makes me confidence is the support that the Section A is giving me. 

“Truth be told, I don’t like her. Every word she speaks irritates me,” anito. “I just want to see your reaction that’s why I’m interacting with her.”

I playfully rolled my eyes at him. “Oh, satisfied ka ba sa reaksyon ko?”

“Hindi, dahil hindi ka naman nagselos,” sagot nito at nag-pokerface. Nagselos ako, Wave, sobra. “And I didn’t do that just to get your reaction.” Bahagya itong yumuko para itago ang mukha niya. “I’m jealous, and I want you to be jealous as well.”

“Huh?” Kumunot ang noo ko. Nalulutang yata ako ngayon kaya hindi ko siya masyadong maintindihan.

Umiling lang ito tiyaka tumayo. He offered his hand to me in which I gladly accepted. He pulled me up and escorted me in, but before we reached the door, he called me.

“You’re much better than her,” he said. “Our classmates are right. No one is much better than you, Zivienne. Nag-iisa ka lang sa mundo at wala ka nang katulad.”

Tinago ko ang mukha ko sa mga palad ko dahil sa hiya at kilig, pero kinuha lang iyon ni Wave. “Y-you’re fluttering me,” nahihiya kong sambit sabay yuko. Inangat nito ang ulo ko at pinatingin sa kanya.

“Cute.” He pet me and gave me a warm smile. “Let’s get inside now. You need to rest. Forget about what Tobias said for a while.”

Tumango ako bago sumabay sa kanya papasok. Tapos na silang kumain pagdating namin pero nasa hapag pa rin sila at nagkukuwentuhan. Nagpaalam na kami ni Wave na mauuna nang umakyat sa taas para magpahinga.

“’Yung totoo, Wave, pangit ba akong maging kapatid?” I asked again. Nakatagilid ako ng higa paharap sa kanya habang siya naman ay nakatihaya’t nakatingin sa kisame. “Hindi pa naman sure kung siya nga ang kakambal ko, pero nasasaktan ako sa mga sinabi niya.”

“Again?” Umiling ito. “Tobias must have his reasons why he said those painful words to you earlier,” tugon nito. “Growing up without a family is really hard, Zivienne. All you can do right now is to understand Tobias and don’t overthink too much.”

Tumango-tango ako at hindi na nagsalita. I tried not to overthink just like what Wave said, and I succeeded. I immediately fell asleep after minutes of staring at the ceiling. Kaso lang ay nanaginip ako nang masama. Pinagtulungan daw ng isang gang si Tobias. Hays.

Marahas akong napabuga ng hangin nang maabutan kong sobrang gulo ng classroom. Chairs and desks are scattered everywhere. Parang dinaanan ng bagyo ang classroom namin.

“What is this behavior, Section A?” seryoso kong tanong habang naglalakad sa likod nila. Nakalinya sila ngayon sa harap habang nakayuko. “Anong bagyo ang dumaan dito sa classroom natin at parang hindi naman yata naibalita sa tv?”

“Uhm, hindi rin kami nanunuod ng tv, Pres eh,” inosenteng sagot ni Uno kaya napatampal nalang ako sa noo ko. Napadighay rin ang mga kaklase namin.

“Now, why is our classroom so messy?” I asked.

“This is just a proof that you’re not a good leader, a President rather,” singit ng kararating lang na transferee habang naglalakad ito papunta sa pwesto namin. “Section A, clean the room! Now!”

Humalukipkip naman ako at sumandal sa isang desk habang nakaharap sa kanya. I looked at her with bored expression when our classmates just stayed in their places. Parang wala silang narinig kaya nainis ang babae.

“I SAID, CLEAN! NOW!” she shouted. Napapitlag ang ilan naming kaklase kaya napatayo na ako at taas-noong nakipagtitigan sa kanya.

“What’s your name again?” I asked. Nakalimutan ko kasi talaga ang pangalan niya.

“It’s Celeste,” naiinis na sagot niya. “C-E-L-E-S-T-E.”

“Right. C-E-L-E-S-T-E, that’s not the correct way on asking them to clean the room,” walang emosyon kong wika sa kanya. “For someone who says she’s better than me, you’re doing it wrong.”

“They won’t listen if I talk softly like you—“ I cut her off.

“Xavion, Zero, Uno, Owen, Luigi… chairs.” Agad naman silang umalis sa linya at mabilis na inayos ang mga mesa at upuan na nagkalat. “Ysabelle, Hillary, Quialla, Jane, Mia… floor.” Kinuha nila ang mga walis at nagsimula nang maglinis. “Others, please do your assigned tasks.”

Napanganga si Celeste habang tinitignan ang mga kaklase naming abala sa paglilinis. “W-what…”

“Kung gusto mo silang paamuhin, kailangan mong maging mahinahon sa kanila…” wika ko.

“Na si Zivienne lang din ang nakakagawa,” sabat ni Neon. “Si Zivienne lang ang nakakapag-paamo sa amin. So, don’t expect na mapapaamo mo rin kami.”

“Neon,” mahinang saway ko. She rolled her eyes at Celeste and left. “Sorry for that. Ganiyan kasi talaga sila.”

Saktong dumating ang teacher namin sa mathematics nang tapos na ang paglilinis nila. Si Wave ay bumalik na sa tabi ko kaya mas lalong nainis si Celeste dahil naiwan siyang mag-isa sa likod. Napatingin naman ako sa upuan ni Tobias at napansing wala siya roon. Napasimangot ako dahil baka umabsent siya dahil sa’kin.

Pasado alas sinko na kami nakalabas ni Wave sa campus dahil tumulong pa kami kay Sir Villejo sa pag-aayos ng mga files at records namin. Pinauna ko na rin sina Paris dahil baka gabihin kami. Hindi naman na sila umangal dahil kasama ko naman daw si Wave. Si Wave na inaasar na naman ako habang naglalakad kami pauwi.

“Celeste looks beautiful,” he said. Tunog nang-aasar ang pagkakasabi niya no’n kaya nalukot ang mukha ko. “She’s also smart and talented.”

“Luh, sino nagtanong?” pamimilosopo ko na siyang ikinangisi niya. “Tiyaka, bakit mo ba siya kono-compliment? You said that you don’t like her.”

“Why are your face like that? You look like a jealous girlfriend,” pagbibiro pa nito sabay mahinang natawa. “Anyway, you just made her realize that she can’t take your place. That’s my girl.”

Namula ako sa huling sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Nahuli ko pa ang pagngiti nito dahil sa reaksyon ko. Dios mio! Bakit ba siya ganiyan? Aware ba siyang kinkilig ako sa mga simpleng salita niya?

“Alam mo, ang weird mo ngayon,” saad ko. “Nagiging mapang-asar ka na tiyaka kumukulit ka na rin at dumadaldal. True colors mo ba ‘yan at pinapalabas mo na? Or character development?”

“Sa’yo lang naman ako gan’to,” mahinang sagot niya pero narinig ko naman, pero hindi ko nalang pinansin. “I also don’t know that I have this kind of side. Why? You don’t like me being like this?”

Umiling ako tiyaka ngumiti. “Hindi. Gusto ko nga ang side mong iyan kahit naiinis ako sa pang-aasar mo,” natatawa kong sagot na tinawanan niya rin. “Para sa’kin, true colors mo na ‘yan na lumalabas dahil kumportable ka sa’kin, gano’n.”

Napaisip ito bago tumango-tango. “Maybe…”

Magsasalita pa sana ako nang may marinig kaming dumadaing sa isang eskinitang nadaanan namin. Madilim kaya hindi namin makita kung ano iyon. Nagkatinginan pa kami bago kami naliko roon. Nauunang maglakad si Wave at nakasunod naman ako sa kanya. Nagulat ako nang damputin niya ang isang steel na tubo sa gilid bago niya ako itago sa likod niya. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa pinagmulan ng mga daing.

“Shit! Fuck you!”

Bigla akong sinalakay ng kaba nang makilala ko ang may-ari ng boses na iyon. Kinuha ko rin ang isang tubo sa gilid at inunahan si Wave. Parang nawala ang takot ko nang makita ang tatlong lalaking halos kaedaran lang namin na pinagtutulungan si Tobias. Hinang-hina na siya pero parang walang pakealam ang mga lalaki at patuloy lamang na pinagsisipa ito. Hindi na ako nakapagpigil kaya malakas kong hinampas ng tubo ang isang lalaki sa ulo. Natumba ito sa sahig at nawalan ng malay kaya napatigil ang dalawa at napatingin sa amin.

“Pakealamerang babae!” sigaw ng lalaki at lalapitan na sana ako pero nahampas na ito ni Wave bago pa man siya makalapit sa akin. Galit siyang nilingon ng lalaki at sinalakay, but knowing Wave, kayang-kaya niya nang patumbahin iyon.

Agad akong napabaling kay Tobias na nakahandusay sa semento at agad itong dinaluhan. “Tobias! Halika, tumayo ka.” Sinubukan ko siyang itayo nang muli ko siyang mabitawan dahil may humila sa akin mula sa likuran. Dinikit ako nito sa dingding at inamoy-amoy ang leeg ko. Nanindig ang balahibo ko dahil sa ginawa niya at nanumbalik na naman ang nangyari sa faculty room.

“Shit! Not her!” sigaw ni Tobias. Mabilis itong tumayo at marahas na hinila ang lalaki palayo sa akin sabay tulak dito kaya napahiga ang lalaki. Kinubabawan niya ito at pinaulanan ng suntok sa mukha. “You motherfucker! How dare you lay your dirty hands on her?!”

Bago pa man niya mapuruhan ang lalaki ay niyakap ko na siya sa likod at hinila palayo. Ang bigat niya, pero nagawa ko pa rin siyang mahila tiyaka siya isinandal sa may pader. Hinarap ko siya at pinagmasdan. “O-okay ka lang ba?”

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at pinagpalit kami ng pwesto. He stared at me for a minute, studying every part of my face before he rested his head on my shoulder. Saka ko lang napansin ang nakangising lalaki na nakatayo sa likod niya. Napasinghap ako nang itaas nito ang kutsilyong may dugo.

“Tobias?” Niyugyog ko ang katawan nito nang maramdamang bumibigat ito. I hugged him back, but I stopped when I felt something wet and hot on his back. Tinaas ko ang kamay ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang dugo iyon. “W-Wave!”

He knocked off the last guy who stabbed Tobias before he called the police. Lumapit naman agad siya sa amin at tinulungan akong akayin si Tobias na wala nang malay ngayon. Sakto namang paglabas namin sa eskinita ay siyang pagdating ng mga pulis. Tinuro ni Wave ang mga lalaki kaya agad naman nilang dinampot ang mga iyon at pinosasan bago isinakay sa police car. Sinakay naman namin sa ambulance si Tobias at sumama rin kami sa pagdala sa kanya sa ospital.

I called mom at sinabing sinugod namin si Tobias sa ospital. Nataranta rin siya at agad silang pumanhik dito nina dad at kuya. I also sent a message to Hillary and she replied that she’s on the way with her mom.

“Sino po dito ‘yung kamag-anak ng pasyente?” tanong ng doktor pagkalabas nito sa OR. Sabay namang umabante si mom at ang mom ni Hillary kaya nagkatinginan sila. Bahagya pang nagulat ang mama ni Hillary nang mapatingin ito kay mom.

“Ako po ang Tita niya,” Hillary’s mom said. “Kumusta po siya, doc?”

“The patient has lost a lot of blood and we need someone compatible to be his donor,” the doctor said. “We need a type AB.”

“I can’t be his donor,” Hillary said. “I’m a type B.”

“No one in the family is a type AB,” sagot naman ng mama ni Hillary.

“I’m a type AB,” singit ko na ikinatingin nila sa’kin. “I can donate blood.”

“Type AB rin ako,” mom said. “And I’m also willing to donate blood.”

“Please follow me. Kailangan niyo munang sumailalim sa ilang test para makasigurado tayong pwede kayong mag-donate,” wika ng doktor na tinanguan naman namin ni mom.

Pagkatapos ng ilang test ay hinanda na kami ni mom para kuhanan ng dugo. Kaunti lang ang pwedeng kunin kay mom for some reasons, pero okay lang dahil dalawa naman kaming magdo-donate kaya marami rin silang makukuha. Hindi naman ako payat at sakto lang din ang pangangatawan ko.

“Do you want me to come with you inside?” clingy na tanong ni Wave habang tinatali niya ang buhok ko. Pinaharap niya ako sa kanya pagkatapos. “I heard it was painful.”

Natawa ako sa bahagyang pagkunot ng noo niya. “No need. Matapang kaya ako,” proud kong sagot sa kanya na ikinataas ng isa niyang kilay.

“Yeah, and we got into trouble because you attacked that guy who was beating Tobias,” bored nitong sabi. “When he wakes up and throws painful words at you again, I’ll surely put him in comma.”

I pouted. “Hayaan mo na siya. Ikaw nga mismo ang nagsabi na intindihin ko siya eh,” sagot ko at ngumiti.

“I did. But I won’t understand him if he makes you cry again,” walang emosyong tugon nito.

Kahit pa sinabi kong huwag na ay sumama pa rin si Wave sa loob. Maging si dad ay sinamahan din si mom sa kabilang room. Magkahiwalay kasi ang kwarto namin.

“Magsisimula na po tayo, Ma’am. Medyo masakit po ito ha,” pag-iimporma ng nurse.

Napapikit ako sa sakit nang naiturok na sa balat ko ang karayom. Napaluha rin ako dahil sa kirot na hatid nito. Naramdaman kong hinawakan ni Wave ang kamay ko at pinunasan ang basa kong pisnge. Maya-maya lang ay hinahaplos na nito ang ulo ko habang marahang dinadampian ng halik ang noo ko. Unti-unting kumakalma ang sistema ko dahil sa ginagawa niya.

Gano’n lang ang ginawa niya hanggang sa matapos na ang pagkuha ng dugo sa’kin. Pinalipat ako ni dad sa isang private room at paggising ko’y may nakakabit na ring dextrose sa’kin. Napadaing ako nang maramdaman ang pagkirot ng parte kung saan ako kinuhanan ng dugo.

“You’re awake.” Napatingin ako kay Wave na ngayo’y nagbabalat ng orange sa tabi. Sinusubuan niya ako dahil hindi ko pa nagagalaw nang maayos ang mga kamay ko. Nakakahina pala kapag kinuhanan ka ng dugo. “How’s your feeling? Tell me if something hurts.’

Tumango-tango ako. “How’s mom?” I asked. “And Tobias?”

“Your mom’s fine, and Tobias also,” he replied. “He’s already taking his rest in his private room.”

I nodded. “I want to go to him…”

“Hmm, I’ll take you to him later,” anito. “You have to regain strength first.”

Pagkatapos niya akong pakainin ay nagpahinga muna ako. Paggising ko’y hindi na masyadong masakit ang katawan ko kaya dahan-dahan akong bumangon at bumaba sa kama. Wala si Wave kaya iika-ika akong lumabas ng kwarto. Una kong pinuntahan si mom at nadatnan kong nag-uusap sila ni dad. Sandali akong nakipagkuwentuhan sa kanila bago ako pumunta sa kwarto ni Tobias.

He was sleeping when I entered his room. Puno ng pasa at mga galos ang mukha’t katawan niya kaya nanlumo ako. Nanghihina rin ito, pero alam ko namang malakas siya. Nakakabit din sa kanya ang dugong kinuha sa amin kanina.

I walked towards him and sat on a chair beside his bed. Inabot ko ang kamay niya at marahang hinaplos iyon. Bigla na lamang tumulo ang luha ko kaya agad ko namang pinunasan iyon. “Tobias, alam mo ba, s-sobrang saya ko ngayon,” mahina kong saad sa kanya. “Sorry, Tobias. Pina-DNA ka ni dad nang walang permiso mo.”

“But you know what? Our DNA matched,” nagagalak kong kuwento sa kanya. “I-ikaw nga ang kakambal ko, Tobias. Pero, hindi ko na ‘to sasabihin sa’yo kapag nagising ka na ha dahil ayaw kong mas lalo ka pang mainis sa’kin. Nasasaktan kasi ako tuwing naiisip ko ang sinabi mo na… na a-ayaw mo ‘kong maging k-kapatid.” I bit my lower lip. “Iintidihin kita… iintindihin ka namin, at ang d-desisyon mo.”

“Gusto ko ring sabihin na hindi ka kinalimutan nila mommy at mahal na mahal ka nila,” patuloy ko. “Pinapasabi rin pala nila na sorry… dahil naiwala ka nila.”

“B-basta, Tobias, maging masaya ka ha,” I said and smiled while my tears keep falling down my cheeks. “Tiyaka, alagaan mo naman ang sarili mo. Palagi ka nalang nasasangkot sa gulo eh. Muntik ka na naman kanina. Napaka-basagulero mo,” pangangaral ko sa kanya. “But, thank you for saving me. Ako dapat ang nasaksak eh.”

“Also, huwag kang umalis sa team natin ha?” Para akong tanga rito na kinakausap ang isang walang malay. “Hahanapin pa natin ang killer at ipapakulong siya.” Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. “Okay lang sa’kin kahit huwag mo na akong pansinin basta huwag ka lang umalis, please? Hindi na rin kita guguluhin pa.”

“You’re still a part of our family, Tobias. A-and, we love you.”

Tumayo na ako at marahang hinaplos ang pisnge niya. Bibitawan ko na sana ang kamay niya nang maramdaman kong parang pinigilan niya ito, pero agad ko rin namang iwinaksi sa isip kong gising siya dahil nakaipit lang pala ang isang daliri ko sa mga daliri niya.

Nanghihina akong lumakad palayo, pero tumigil din ako at muli siyang nilingon.

“Feel our love, Tobias… the love of a real family.”

|•|end of chapter 15|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

854K 41.3K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...
7.9M 393K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
10.5M 468K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
4.1K 161 19
Warning: Mature Content | R18 HIGHEST RANK: #81 in mystery out of 32k stories Zefarino Hawthorne is a famous author in the country. His masterpieces...