AMONG US I

By exoleyxion

357 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 14: ABDUCTED

4 2 0
By exoleyxion

“NAG-AWAY BA kayo ni Wave, Zivienne?” takang tanong ni Donna habang kumakain siya ng fries. Lunch time at nasa cafeteria kami ngayon at hindi namin kasama si Wave. Bumalik na naman ata siya sa pagiging introvert at cold person niya. “Hindi yata kayo nagpapansinan.”

“Oo nga,” sang-ayon ni Hazel. “Buti pa nga ‘yung Celeste na ‘yon eh pinapansin niya. Argh! The guts of that girl to say that she’s much better than you?!”

“I don’t like her,” Zhaivo said. “Masyadong mayabang at bilib sa sarili.”

“I agree,” segunda ni Shaun. “Hindi pa makakalahati ang school year ay marami na siyang makakalaban sa campus sa ganiyan niyang ugali.”

“Hayaan niyo nalang siya. Hindi naman kayo inaano,” saway ko sa kanila. “If she can’t be nice to you, at least be nice to her. Just don’t mind her words.”

Hindi-makapaniwalang tumingin sa akin si Shaun. “How could you be like that, pretty Zi?” he asked. “Natatakot akong magkasala dahil sa’yo eh.”

“B0ang.” Mahina akong natawa. “Hindi naman ako Santa. Iniintindi ko lang talaga para makaiwas sa gulo. Mahirap na, baka matagpuan nalang ako bigla na palutang-lutang sa ilog.”

Napa-aray ako nang mahina akong hampasin ni Tobias ng naka-rolyong bond paper sa ulo. “Don’t think of those,” saway niya kaya napasimangot ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Mas lalo lang akong napasimangot nang makita si Wave na tumatawa kasama ‘yung transferee. Hindi naman sila pinapansin ng iba naming kaklase dahil tutok ang mga ito sa kani-kanilang gawain.

Kinuha ko ang toy hammer sa ilalim ng desk at hinampas iyon sa teacher’s table na nasa gitna. Agad ko namang nakuha ang atensyon nilang lahat. “Announcement, everyone!” Nagsi-ayos sila ng upo at panandaliang tinigil ang mga ginagawa nila. “I won’t be around this afternoon so I want you all to behave accordingly.”

“Just leave them to me!” bibong saad ng transferee sabay tayo. “I’m sure they’ll behave well under my watch! I’ll be your President for a while!”

Napailing ako. “Tobias, Mia, Al—“ Napatigil ako tiyaka tumikhim dahil nakalimutan kong wala na nga pala si Alyana. “Tobias, Mia, Paris, Owen, you’re in charge. Make sure to clean the room before you leave. Electricfans off, windows closed, doors are locked.” Nag-salute na naman si Owen samantalang tumango lang si Tobias. “Avoid bullying and unnecessary commotions. Strictly, no profanities. One profanity…”

“One punishment,” sabay-sabay nilang dugtong.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa kanila bago ako nagpaalam. Alam naman na nila Paris na sasamahan ko si mommy sa ospital ngayon dahil sa monthly check-up niya kaya hindi na sila umangal sa sumama. Hindi rin naman ako papayag na umabsent sila, ‘noh.

“Mom, by any chance, may kapatid pa po ba ako?” I suddenly asked mom while we’re waiting for her doctor. Napansin ko namang natigilan ito.

“Why so random, hija?” she asked back, smiling.

“Naisip ko lang po,” mahina kong sagot. “Sabi po kasi nina Sir Villejo ay magkahawig po kami nung kaklase kong si Tobias. He asked if we’re somehow blood-related, but I said no. Para raw po kaming kambal.”

Kita ko ang bahagyang pagkagulat nito. “Oh, really?” Napaisip ito. “Since you brought it up already, I’ll just tell you the story while we wait for doctor Santiago.”

Kinabahan ako bigla sa sasabihin niya. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa sinasabi nilang baka kakambal ko si Tobias kaya na open up ko.

“Well, you really do had a twin,” she revealed which made me stop. “But it’s impossible that he’s still alive.” Napasimangot ito. “There was a big fire at that hospital and both of you were in the nursery. We hurried there to save you, but unfortunately, only you were able to be saved.”

“M-my twin died? Mom, what if he’s alive? Is there a chance that he’s alive?” sunod-sunod kong tanong. Naiiyak na rin ako, hoping that my twin is still alive. But I lose hope when she shook her head.

“Na-recover namin ang katawan niya. We’ve confirmed that it’s him,” nalulungkot nitong saad. “We’re so sorry for keeping this to you, sweetie. I was diagnosed with depression and the doctor advised to forget about that… your twin, because it will just worsen my condition.” Tumango-tango ako. “No one spoke a word about this in the family until you brought it up today.”

Yumakap ako kay mom nang maramdamang nalulungkot ito. “I’m so sorry for asking, mom,” paumanhin ko. “I just got so curious. I was thinking that maybe Tobias is my twin. Really sorry, mom, you know that I’m always like this.”

“It’s okay, sweetie, you deserve to know the truth,” she said and smiled at me. Napatingin naman siya sa harap at hinawakan ang kamay ko. “Oh, Doctor Santiago is already here. Let’s go na.”

Hapon na kami nakauwi ni mom dahil nag-shopping pa kami pagkatapos. Wave is already there when we got home, but he only greeted mom. Mabuti at hindi napansin ni mom ang cold treatment sa’kin ni Wave. Ayaw ko pa naman ma interrogate dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko kapag nagtanong siya.

Dumiretso muna ako sa kwarto ni kuya at kumatok doon. Binuksan naman niya agad ang pinto at taka akong tiningnan. Agaran ko siyang niyakap na ikinagulat nito.

“Looks like my little princess got a problem,” he said and caressed my hair. “Tell kuya what it’s all about. Is it about boys? Did someone broke your heart?”

Umiling ako at tiningala siya habang nakayakap pa rin sa kanya. “May kambal pala ako?” mahina kong tanong. Kagaya ng reaksyon ni mom ay nagulat din ito at hindi agad nakapag-react. “Mom already told me everything. Kuya, kawawa naman ‘yung kambal ko.”

“Don’t tell mom what I’m about to tell you, okay?” he said. Wala sa sarili naman akong tumango. He sighed before speaking. “He’s alive. Your twin is alive. I just don’t know where he is right now, but I’m sure he is alive.”

My lips parted in shock. “W-what?” May alam si kuya Zievo. B-buhay ang twinnie ko.

“Mom thought he was dead, but he’s not,” sagot nito. “Dad actually saved Zywon when the hospital was burned, but he was baby-napped. I was with Dad who was carrying Zywon when a van stopped near us. They took all the babies from the parents. Dad fought for Zywon, but he was shot which caused him to lose Zywon.”

Zywon. So, he’s alive. There’s a high possibility that Tobias is Zywon. He could be my twin!

After hearing everything, I went back to my room. Naabutan kong nagsusulat si Wave sa study table. He took a glance at me for a while before turning his gaze back on what he’s doing. Naalala ko bigla na kailangan ko palang makipagkita kay kuya Lucas para kunin ang hinihingi kong files sa kanya. Pero maggagabi na.

Nagpalit lang ako ng pajama at plain white t-shirt bago ako humarap kay Wave. Magpapasama nalang ako sa kanya. “Uhm, Wave, pwede mo ba akong—“ Napatigil ako sa pagsasalita nang magsuot ito ng headset sa dalawang tainga niya, totally ignoring me. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdamang parang iiyak ako. “N-Nevermind…”

Agad akong tumalikod sa kanya at kinuha ang cap ko sa gilid bago lumabas ng kwarto. Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko kaya agad ko naman itong pinunasan sabay buntong-hininga. Sakto namang pagbaba ko ay nakita ko sina mom at dad na nanunuod ulit ng movie sa sala. I rushed towards them and hugged them. I don’t know why, but I just felt like I want to hug them.

“Mom, dad, makikipagkita po muna ako kay kuya Lucas, may kukunin lang ako sa kanya,” paalam ko sabay halik sa pisnge nila.

“Sure, but who’s with you?” dad asked. “Is Wave coming with you.”

Umiling ako bago ngumiti. “He’s so busy with the assignment so I didn’t bother to disturb him.” Half truth, half lie. “Okay lang naman po dahil diyan lang naman kami magkikita sa malapit na café.”

“Alright, you take care, okay?”

“I love you both!”

Before I rode my bike, I left a chat in our gc saying that I went out to meet with kuya Lucas. Every while kasi ay nag-a-update talaga kaming lima sa isa’t isa for safety purposes. Nag-send pa ako ng location bago sumampa sa bike ko.

Kumaway ako kay kuya Lucas nang makita ko siyang nakaupo sa isang table sa loob ng Café Rina. Pinark ko ang bike ko sa gilid at papasok na sana nang bigla na lamang may nagtakip ng panyo sa ilong ko at kinaladkad ako papasok sa puting van. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa kung paano humabol si kuya Lucas para iligtas ako.

A-ako na ba ang susunod?

TOBIAS

“Shit.” I cursed when I accidentally nudged a picture frame on my study table which caused it to fell on the floor. I cursed repeatedly when I saw that it was the baby picture of my sister. Kumalat ang mga bubog kaya marahas akong napabuntong-hininga. Such a dumbass you are, Tobias. So careless.

I groaned when a piece of shattered glass burried on my finger. Nagulat kasi ako sa biglaang pagtunog ng phone ko. Tinabunan ko muna ng tela ang daliri ko bago inis na tiningnan kung sino ang panay send ng message sa akin, pero biglang nawala ang inis ko at napalitan iyon ng kaba nang makita ang sunod-sunod na chat ni Hazeline sa gc naming pito.

“Kuya Lucas called me…”

“May kumidnap kay Zivienne!”

That made me rush to their house without even minding how I look. My mind suddenly went blank and all I could think of is Zivienne. Naabutan ko silang nagkakagulo na sa malawak na frontyard ng bahay. Hazel and Donna are crying together with a fine woman which I think is her mom. Paris and Shaun are busy talking on their phones while Wave is nowhere to be found.

“What happened?” I asked, maintaining my cold and blank expression. I approached them showing no emotion, but I’m screaming deep inside and my heart is beating so fast. I’m so damn worried! Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong mangbugbog. I swear, I’ll beat to death whoever abducted Zivienne.

“Si Z-Zivienne…” Umiiyak na lumapit si Hazel sa’kin. “T-Tobias… si Zivienne! Kinuha siya! K-kinuha siya!”

“Shh… calm down, Hazel.” Shaun embraced her before looking at me. “Makikipagkita sana si Zivienne kay Kuya Lucas, pero may kumuha sa kanya at sinakay siya sa van bago pa siya makapasok sa Café kung saan sila magkikita.”

Tumango ako hinarap si Paris. “Where is Wave in this situation?” I asked him. Medyo galit ako sa lalaking iyon dahil hindi man lang siya nagmagandang loob na samahan si Zivienne gayong nasa iisang bubong naman sila? What in the hell. I’ll really give that moron a good blow once I saw him.

“He’s with Sir Villejo and kuya Lucas,” sagot nito. “Na-track ang location ni Zivienne. Nagpasama sila sa mga pulis para puntahan ‘yung lugar.”

Whoever took Zivienne will be facing hell if I caught him. I’ll make sure that he’ll regret doing such thing. That motherfucker should hide carefully.

KILLER’S POV


Tinakpan ni Kuya ng panyo ang mata ng babae at nilagyan din ng isa pang panyo ang bibig nito. He even tied her hands. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng babaeng kinidnap niya, pero mukhang ito na ang sunod sa listahan namin. Nakakapagtaka nga lang na grabe ang pag-iingat ni kuya rito. Hindi kagaya sa mga nauna naming pinatay na halos mabali na ang mga buto dahil sa pagkaladkad niya. Hmm, something’s fishy.

Pagdating namin sa isang abandonadong bodega ay maingat nitong kinarga ang babae at pinaupo sa silyang nasa gitna. Lumuwang ang pagkakapiring ni kuya sa mata ng babae kaya inis kong kinuha ang panyo at ipipiring na sana ulit dito, pero nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ‘to.

WHAT THE FUCK, SI ZIVIENNE?!

“Kuya!” marahas kong tawag sa kanya. “Why is Zivienne here? Namali ka yata ng kinuha. Our next victim is Enara, not Zivienne! Zivienne’s not even included in the list!”

“I took her intentionally,” balewalang sagot nito at nagsuot ng gloves. “Hindi na ako nakatiis kaya kinuha ko nalang. Hindi ako papayag na mapunta siya sa pesteng Wave na ‘yon, o sa kahit na sino mang lalaki! Akin lang si Zivienne! Akin!”

Nagulat ako sa inasta niya. He’s obsessed with Zivienne kaya niya ito kinuha. At ano namang plano niyang gawin sa kanya?

“Dadalhin ko na siya sa ibang bansa at magpapakasal kami roon,” parang baliw na saad nito sabay ngisi. “Bubuo kami ng masayang pamilya at magkakaroon ng maraming anak.”

Umiling-iling ako. “Nahihibang ka na, kuya!” singhal ko. “Ang usapan natin, papatayin lang natin ang mga nagpahirap kay Coraline. Wala sa usapan na idadamay mo si Zivienne.” Tinapunan ko siya nang masamang tingin. “Nakipagtulungan ako sa’yo na ipaghigante ang kakambal ko, pero hindi natin pinag-usapan na ilalayo mo si Zivienne!”

“Just support me, dear.” Ngumisi ito. Masunurin naman akong tumango-tango at palihim na pinag-krus ang daliri ko sa likod.

No, Kuya, I won’t. Kaya kong patayin ang mga umagrabyado sa kakambal ko, but I will never tolerate this behavior of yours. Zivienne had been good to Coraline, and to me as well. Hindi ako papayag na mandamay ka ng mga inosenteng tao sa kahibangan mo.

Nagpaalam muna siya na aalis at bibili ng pagkain. Sobrang saya niya, pero wala akong pakealam. Nang marinig ko na ang papalayo niyang sasakyan ay agad kong binuksan ang cellphone ko. Gumawa ako ng dummy account at nag message kay Wave. I told him that I know where Zivienne is, then I sent him our location.

Demonyo ako sa mga nagkakasala sa’kin, pero anghel ako sa mga inosenteng tao. At isa pa, nangako ako kay Coraline na babantayan ko ang kaibigan niya at ilalayo kay kuya. Kaya pala binilin niyang ilayo ko si Zivienne kay kuya, alam niya siguro kung gaano ito ka obsess sa kaibigan niya. Freak, he’s a psychopath!

Saktong pagbalik ni kuya ay siyang paggising ni Zivienne. Nagpupumiglas ito habang nakagapos ang parehong kamay at paa niya. Kuya was about to approach her but I stopped him. Ako na ang lumapit sabay tanggal sa busal na nasa bibig niya.

“S-sino kayo? Please, pakawalan niyo ‘ko,” pagmamakaawa nito. Nanginginig ito sa takot. Hindi kagaya sa mga una kong pinatay, nakaramdam ako ng awa kay Zivienne. Well, may pagkakaiba naman kasi sila. Si Zivienne inosente, sila, hindi.

Nagsuot kami ng mask para hindi makilala ang boses namin. Lumapit na nga si Kuya kay Zivienne at hinaplos ang pisnge nito. Nagpumiglas naman ang huli at pilit nilalayo ang sarili niya kay kuya.

“Zivienne, magsasama na tayo. Gusto mo ba iyon?” malambing na pagkausap ni kuya rito. “Bubuo tayo ng pamilya… masayang pamilya.”

“Sino ka ba?” buong tapang na tanong ni Zivienne. “Pakawalan mo ‘ko! H-hindi ko alam ang sinasabi mo!”

“I love you, Zivienne.” Tanging hikbi lang ang sinagot ni Zivienne kaya nainis si Kuya. Inulit niya pa ang sinabi niya pero mas lalo lang siyang nagalit nang hindi sumagot ang kausap niya. Huli na nang mapansin kong marahas niya itong hinila patayo at inumpog sa pader. Agad ko namang kinuha si Zivienne sa kanya at tinulak siya palayo.

“Kuya! Don’t hurt her!” sigaw ko. Naramdaman kong bumigat si Zivienne kaya nilingon ko siya. Nawalan siya ng malay. Dumudugo ang kaliwang parte ng noo niya gawa nang pagbunggo sa kanya ni Kuya. “Look what you’ve done!”

Akmang lalapit pa siya sa amin nang makarinig kami ng sirena ng mga pulis sa labas. Galit akong tiningnan ni kuya. “You called them?!”

“No!” mariing tanggi ko. Inutusan niya akong kapkapan si Zivienne at tignan ang cellphone niya. I did. Palihim akong napangiti nang makitang naka-on ang location niya. Zivienne, you never failed to impress me. “Kuya, you should have known how clever Zivienne is. Look at this,” wika ko sabay harap sa kanya ng cellphone. “She turned her location on before you could even kidnap her.”

Marahas itong napasabunot sa buhok niya dahil sa inis. Napatayo ako nang kalampagin ng mga pulis ang pinto. Hinila ko si Kuya papunta sa trap door sa isang sulok. Nagalit pa ito sa’kin dahil iniwan namin si Zivienne, pero sinabi kong mahuhuli kami kapag dinala pa namin ito sa pagtago.

Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok na ang mga pulis. Agad binuhat ni Wave si Zivienne palabas ng bodega nang makita niya itong nakahandusay sa maalikabok na sahig. Muntik pa kaming mahuli, kung hindi lang tinawag ng isang pulis ang pulis na lumapit sa kinaroroonan namin.

Zivienne… saved.

ZIVIENNE

Nagising ako sa isang puting kwarto. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napansing may natutulog tabi ng kama ko. Si Wave ba ‘to? Hawak niya ang kamay ko habang mahimbing na natutulog. Teka, kung nakikita ko ngayon si Wave at nahahawakan, ibig sabihin ay buhay ako. Buhay ako?

Napaiyak ako sa tuwa dahil nakaligtas ako. Dahil sa paglilikot ko ay naggising si Wave. Nagulat ito nang makita akong gising na rin. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at dahan-dahang tumalikod nang maalalang hindi niya ako pinansin… hindi niya ako sinamahan. Kung nandoon ba siya, hindi kaya ako na-kidnap?

Bigla akong nanginig nang maalalang na-kidnap ako at muntik nang mamatay. Hindi ko alam kung sino ang mga kumuha sa akin. Kilala ako ng kumuha sa akin kaya siguradong kilala ko rin ang mga ito. Hindi nga lang ako sigurado kung sila ba ang killer o ibang tao.

“Zivienne…”

“Umalis ka muna, Wave,” wika ko. “Ayaw kitang makita. U-umalis ka na muna.”

“No, not unless we talk.”

Bigla akong bumangon kaya bigla ring sumakit ang ulo ko. Agad naman niya akong dinaluhan pero iwinaksi ko lang ang mga kamay niya. “Talk?” Naluluha ko siyang tinignan. “W-Wave, they abducted me! A-alam mo ba kung gaano ako n-natakot?”

“Sorry,” he whispered before looking down. “Zivienne, I’m sorry.” He pulled his hair out of frustration. I heard him whispering curses to himself after. “This is all my fault. Blame me, Zivienne. Hurt me.”

“Y-you said, you’ll protect me at all cost…” mahinang saad ko pero sapat na para marinig niya. “B-bakit? Bakit mo ‘ko p-pinabayaan?”

“Fuck!” I saw how a tear escaped his eyes when he looked at me. He walked towards me and embraced me. Nanghihina pa ako kaya hindi ko na siya magawang itulak. Mas lalo lang akong umiyak nang marinig ko ang mahina niyang hikbi. Mahigpit ang pagkakapit niya sa hospital gown ko habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. “I f-failed, Zivienne. Mas pinairal ko pa ang pagseselos ko. I’m such a bastard. I’m sorry, I’m sorry…”

“T-takot na takot ako…” Pinahiran ko ang mga luha sa pisnge ko. “A-akala ko k-katapusan ko na.”

“You can blame me, Zivienne. This is all my fault, and I will never repeat the same mistake again,” he whispered. Hinarap niya ako at siya na mismo ang nagtuyo ng basa kong pisnge. Nanlambot ako nang makitang namumula ang mata at ilong niya. Basa rin ang pisnge niya dahil sa pag-iyak at may iilang luha pang lumalabas sa mga mata niya. “Hindi ka sana na-kidnap kung hindi lang ako pabaya. I’m sorry.”

I cupped his face and gently wiped his tears away. Oh my gosh, I could never resist such a baby. “I still trust you…” bulong ko. “Hinayaan mo nga akong umalis mag-isa, pero binawi mo naman agad ako sa kanila.” I heard him called my name before I lost consciousness so I know that he came to rescue me last night. “Masama ang loob ko, pero may tiwala pa rin ako sa’yo.”

Mas lalo lang itong umiyak kaya mahina akong natawa. Ang cute niya kasing umiyak tiyaka first time ko rin siyang nakitang umiyak. “Now, you’re laughing at me,” parang-batang saad nito sabay simangot. Maya-maya ay ngumiti na ito at nagulat nalang ako nang lumapat ang labi niya sa noo ko. Napapikit ako at umusog palapit sa kanya at niyakap siya. “Thank you, Zivienne... for trusting me. Hindi na kita pababayaan ulit, and that’s a promise.”

I will trust you forever…

|•|end of chapter 14|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.4M 207K 52
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
1.6M 28.4K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA