Unsolved Love - Student Serie...

De JustUnUglyGirl

60.8K 1.5K 20

[COMPLETE] Pamie Natividad and Cian Dheo Almazon Ang gusto lang naman ni Pamie ay ang magkaroon ng payapang... Mai multe

UNSOLVED LOVE
PROLOGUE
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

5

1.2K 40 0
De JustUnUglyGirl


"Hoy Cian, si Xiena na ang aawit mamaya," tawag sa akin ni Josh, isa sa mga kabanda ni Xiena.

Napangiti na lang ako sa kaniya at tumango, kaibigan ko si Josh, kahit marunong ako sa music ay mas pinili ko ang sports club dahil ayaw ko ring mapalapit kay Xiena. Simula ng malaman ko na dito siya nag-aaral sa Supreme Academy ay lagi ko na siyang nakikita at tinitingnan sa malayo.

May event kase ngayon ang school namin kaya open ang school para sa mga outsiders na gustong dumalo sa event namin, wala muna kaming laro kaya manunuod kami ng banda nila Yxiena na inaabangan ng lahat.

Napangiti ako habang pinapanuod siya sa stage na kumakanta pero ramdam ko yung sakit na iniinda niya, gustong-gusto ko siyang lapitan at tulungan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong may ibang gagawa nun para sa kaniya at hindi nga ako nagkamali dahil umakyat sa stage si Ajero para tulungan siya.

Nang matapos silang kumanta ay tumayo na ako, gustuhin ko mang magpakilala kay Xiena na ako yung kababata niya ay hindi ko magawa, pinangungunahan ako ng takot sa 'di malamang dahilan, siguro kase gusto ko siya at natatakot akong malaman niya yun dahil may Ajero na siya.

Naglakad-lakad ako sa Field kung saan halos wala ng tao, nandon kase sila lahat sa covered court kung saan ginaganap ang event ng school.

Nakakita ako ng puno kaya doon muna ako umupo, tinanaw ko ang langit hanggang sa humiga na ako sa mga sanga nito. Ipinikit ko ang mata ko, handa ng matulog.

"Kainis naman, saan ba kase yung cr dito? Iniwan pa ako ni Lexi," rinig kong reklamo ng isang babae, hindi muna ako kumibo at nagpanggap lang na tulog. Ramdam kong umupo siya sa ugat ng puno sa kabilang side. "Paano ako makakabalik nito? Hindi ko na alam ang daan," dagdag niya pa.

Inis akong bumangon dahil hindi ako makatulog sa ginagawa niya, ang ingay-ingay.

"Miss, pwede bang pakihinaan naman ang boses mo?" Reklamo ko ng hindi siya hinaharap.

"Oh my god, is there a engkanto in this place?" Napatawa ako ng malakas dahil sa pagkagulat niya.

"Oo, engkantuhin kita dyan eh," sagot ko naman.

"Oh my god!!" Napatawa ako ng malakas nang mabilis siyang tumakbo paalis, doon ay napailing ako ng ilang beses bago humiga ulit at pumikit.

"Sino kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko. Muli kong ipinikit ang mata ko at tuluyan ng natulog.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pumapatak sa mukha ko, ang lalaki pa man din ng butil, yun pala ay umuulan. Mabilis akong tumayaw ng makita ang kalangitan, subrang dilim na nito. Palakas na ng palakas ang ulan kaya tumakbo na ako papunta sa gate, halos wala na rin palang tao dito sa school.

Bago pa tuluyang bumuhos ang ulan ay sumakay na ako ng jeep pauwi sa amin, mabuti na lang at nakasakay na ako sa jeep bago pa lumakas ang ulan. Nang maka-uwi ako ng bahay ay agad kong hinanap si Mama.

"Andito sa kusina, Cian," sigaw niya, hinubad ko ang id at bag ko saka pumunta sa kusina.

"Mano po,"

"Kumusta ang klase? Balita ko malapit na ang laban niyo sa kabilang school ah?" Napangiti ako sa sinabi ni Mama.

"Ayos naman po, sa biyernes po ang laban namin," nakangiti kong sagot at tiningnan kung ano ang niluluto niya.

"Paborito mo," sagot naman ni Mama kahit hindi pa ako nagtatanong.

"Siyempre naman Ma, ikaw ba naman ang nagluto," tinapik niya lang ako at sinabihang maglinis na dahil kakain na kami, mamaya pa kase ang uwi ni Papa galing sa trabaho.

Pagkatapos naming kumain ni Mama ay umakyat ulit ako sa kuwarto ko para magpahinga, nakakapagod kase yung practice namin kanina sa badminton, kailangan naming matalo ang SSA sa intrams na darating.

Pag-upo ko sa study table ko ay nakita ko yung mga pinamili ko kahapon sa bayan, yung fish crackers na pinag-awayan pa namin nung kaibigan ni Lexi, nakaraan fishball ngayon naman yung fish crackers, kung hindi lang talaga siya babae baka kung ano ng nagawa ko sa kaniya.

Napangiti ako ng maalala ko yung mukha niya, ang sungit-sungit kase tapos lagi pang magkasalubong yung kilay kapag galit, she's really cute.

Kinabukasan maaga akong lumabas ng bahay para makapag jogging bago pumunta ng school para sa training namin, napaalam na rin naman kayla Mama at Papa. Habang tumatakbo ay 'di ko napansin na napunta na pala ako sa park dito sa bayan, dahil nagugutom na rin ako ay pumunta muna ako sa isang tindahan para magkape, yung maghuhulog ka lang ng limang piso may kape kana, bumili rin ako ng tinapay para may partner ang kape ko.

Pagkatapos kong bumili ay umupo muna ako sa isang bench dito sa park, may mga bata akong nakita na naglalaro ng badminton, gusto kong sumali kaya tinapos ko kaagad ang kape at tinapay ko.

"Hi kuya, ikaw pala yan, laro po tayo?" Napangiti ako ng makilala ako ng mga bata.

"Sige ba," sagot ko naman.

Puro lang ako tawa habang kalaro sila, minsan naman ay tinuruan ko sila kung paano yung tamang paghampas ng shuttlecock.

"Alam mo kuya may magandang babae rin dito ang naglalaro ng badminton, kagaya mo rin po siya, magaling din po," biglang sabi ni Angel.

"Really? Maganda?" Pabiro kong tanong sa kanila, sabay-sabay naman silang tumango. "Magaling kaysa sa akin?" Tumango ulit sila. "Oh, gusto ko siyang makalaban," nakangiti kong dagdag.

"Mamaya kuya, pupunta yun dito, lagi din yung nakikipaglaro sa amin eh, sabi niya bibigyan niya daw po kami ng maraming raketa at shuttlecock," nakangiting dagdag ni Angel.

Yamanin naman pala ng babae na yun eh. Maghihintay pa sana ako ng matagal kaya lang biglang nag text si Josh na kailangan daw kami sa school kaya nagpaalam na ako sa mga bata na sa susunod na araw na lang.

Hindi pa pala tapos yung event ng school, akala ko hanggang kahapon lang kaya dali-dali akong nag-asikaso. Sumabay na ako kay Papa maglakad dahil madadanan niya lang din naman yung school, naka motor kami, angkas niya ako.

Pagdating ko ng school ay dumiretso kaagad ako ng sports club, nakita ko doon si Ajero na naka-upo habang nakikinig kay Pres. Umupo ako sa tabi niya at nakinig na lang din, nginitian niya naman ako kaya ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

Sana lang hindi niya mahalata na may gusto ako kay Xiena, hindi naman siguro kase hindi naman kami close. Nang matapos ang meeting namin ay dumiretso ako sa field kung saan kami magpa-practice.

Kalaban ko yung isa sa mga magagaling sa amin, this not my first time na sumali pero hindi ako nilalaban sa SSA dahil magagaling daw yung mga player's doon, wala silang tiwala sa akin. Tinatanggap ko na lang kase wala naman akong magagawa, lahit gustong-gusto kong maglaro hindi ako pinapayagan ni coach.

"Ang galing mo Cian," puri nito sa akin ng matalo ko siya. Nginitian ko lang siya at umupo na sa bench, kailangan pa naming sumali sa event dahil mayron din kaming booth doon.

"Cian tara na?" Sumunod ako kay Migz ng yayain niya ako.

Actually wala akong permanenteng kaibigan maliban may Josh na nasa Music club, kung wala lang sana doon si Xiena malamang na nandoon din ako.

Pinapanuod ko lang sila na tumugtog sa stage, nakatingin lang ako kay Ajero at Xiena sa malayo habang nagtatawanan at nagbibiruan silang dalawa. Sana pala noon pa ako nagpakilala kay Xiena.

"Shit!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nakatayo lang kase ako habang nakatingin sa stage, nasa likuran ko naman siya, nakayuko siya habang pinupunasan yung damit niya na natapunan ng mango shake. Dinukot ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sa kaniya.

"Here," dahan-dahan naman niyang tinaas ang ulo niya at nagulat ako ng makilala ko kung sino yung babae na yun. "Nevermind." Bigla kong bawi.

Napangiwi naman siya ng bawiin ko yung panyo sa kaniya, hindi niya deserve ang panyo ko, sa kamalditahan niya ba naman na yan.

"Excuse me?" Maarte nitong tanong.

"Deserve mong mabuhusan ng shake, maldita ka kase," halos matawa ako sa itsura niya ng makita ko siyang inis na inis na.

"Hindi ko naman hinihingi ang tulong mo, ikaw nga itong nagpahiram ng panyo tapos babawiin mo rin," reklamo niya naman.

"Kung alam ko lang na ikaw yan hindi ko na ipapahiram sa'yo, malay ko bang ikaw pala yan Miss Maldita," sagot ko naman.

"Arghhh, kainis!" Bigla siyang tumalikod kaya sinundan ko siya.

"You really don't need this?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.

"I don't, bibili na lang ako ng tissue sa cafeteria," inis niyang sagot sa akin.

"Walang tissue doon," sagot ko naman. Napapadyak siya dahil sa mahina kong tawa.

"Ano ba namang school 'to, pati tissue wala tapos may basura pang estudyante." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Sino naman yung basurang estudyante na tinutukoy mo?" Taas kilay kong tanong.

"Ede yung nagtanong," inirapan niya ako at nag cross arm pa.

"Here, I'm not a thrush Miss, Cian nga pala," pakilala ko.

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo," inis niyang kinuha ang panyo sa kamay ko at pinunasan niya na ang damit niya, puti pa naman yun kaya halata ang dilaw na stain noon.

Dahan-dahan kong binuksan ang bag ko at kinuha ang jacket mula doon.

"Use this, hindi matatanggal sa punas yang mantya sa damit mo, ang panget tingnan dahil puti yang damit mo," nagdadalawang isip pa ata siya kung tatanggapin niya ba o hindi ang jacket ko, per sa huli ay tinanggap niya pa rin.

"Ibabalik ko na lang kapag nagkita tayo ulit," sabi niya pa.

"No need, sa'yo na yan, baka hindi na rin tayo magkita, mauna na ako," paalam ko sa kaniya.

"T-Thank y-you," pahabol niya sa akin, kinawayan ko lang siya ng hindi humaharap sa kaniya.

Yung panyo at Jacket ko napunta sa malditang babae na yun.

Continuă lectura

O să-ți placă și

759K 19.4K 54
❝ oh 𝓛𝓸𝓿𝓮.... You make such fools of us all ❞ .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. .✫*゚・゚。.☆.*。・゚✫*. (Y/N) grew up as an aristocratic noble who...
HATE ME NOT (BOLS #1) De Ate Gem

Ficțiune adolescenți

41.7K 5.1K 73
Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a woun...
မခွဲအတူ De yoonnay177

Ficțiune adolescenți

214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
22.1K 471 38
What if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dre...