DG Series #3: Never Gonna Let...

Galing kay lhiamaya

795K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Higit pa

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 11

15.5K 514 25
Galing kay lhiamaya

Jolene

SIMULA ng may nangyari sa amin ni Atlas ay mas naging malambing at clingy pa sya sa akin. Mas naging overprotective at seloso pa sya. Pero di na namin naulit pa ulit ang bagay na yun dahil parang nadala ako. Nilagnat kasi ako kinabukasan at masakit ang buong katawan ko. Inalagaan naman nya ako. Pero sabi nya sa umpisa lang daw yun. Kapag palagi na daw namin yung ginagawa ay masasanay rin daw ang katawan ko. Inuto pa nya ako.

"Ay!" Tili ko ng biglang undayan ng suntok ni Atlas ang lalaking nakainom. Sumadsad ito sa isang upuan.

Mabilis akong lumapit kay Atlas at inawat sya. Lumapit na rin ang dalawang bouncer at nilayo si Atlas sa lalaki. Pero matigas si Atlas at dinuro ang lalaki na dinaluhan ng mga kasama nito.

"Pipiliin mo ang babaeng babastusin mo gago!"

"Atlas ano ba. Tama na." Saway ko sa kanya.  Sa amin na nakatingin ang lahat.

"Ang mabuti pa Jess, ilabas mo muna yang jowa mo at magpalamig muna ng ulo." Sabi ni Anette na nilapitan din ang lalaki.

"Oo, pasensya na." Hinila ko na palabas ng bar si Atlas. Hindi naman sya nagmatigas pero bakas pa rin sa mukha nya ang galit.

"Ano ka ba. Dapat hindi mo na pinatulan yung customer kanina. Nakainom lang yun." Sita ko kay Atlas pagpasok namin sa kotse nya.

"Kahit nakainom sya wala syang karapatan na bastusin ka." Galit pa rin na sabi nya.

"Hindi nya ako binastos nagbibiro lang sya." Medyo may pagkagreenminded nga lang ang biro kanina ng isang customer na nakainom at hindi iyon nagustuhan ni Atlas. Pero normal na lang kasi sa mga customer ang magbiro ng ganun. Noong una nababastusan ako pero nasanay na rin ako.

"Pambabastos yun at hindi ko mapapalampas yun. Hindi ko hahayaang bastusin ka lang ng kung sino sino. Makakalumpo talaga ako ng tao" Giit nya at marahas na bumuntong hininga.

Napakagat labi ako. Naiintindihan ko naman ang galit nya. Nag aalala lang sya sa akin dahil mahalaga ako sa kanya at na a-appreciate ko yun. Pero nag aala din ako na baka i-ban sya sa bar dahil ilang beses na syang nanapak ng iba naming customer.

"Nag aalala tuloy ako kapag umalis ako sino ang magbabantay sayo mula sa mga bastos na customer."

Natigilan ako sa sinabi nya. "Aalis ka?"

Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin. Naging mapungay ang mga mata nya. "Uuwi ako ng Cebu."

"Uuwi ka na sa inyo sa Cebu? H-Hindi ka na babalik?" Parang bigla akong nanghina sa sinabi nya. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"Syempre babalik ako dito. Kailangan ko lang umuwi ng Cebu dahil nagkaproblema ang isang site doon at kailangan kong personal na tingnan."

Lumunok ako. Tila may bikig na nakabara sa lalamunan ko. Nalungkot ako sa sinabi nya.

"K-Kelan ka aalis?"

"Sa makalawa sugar. Dalawang linggo lang ako doon at babalik din ako dito agad."

Kumagat labi ako at yumuko. Sa totoo lang ayoko syang umalis. Sanay na akong nandito sya at lagi kong kasama.

"Sugar." Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. "Wag ka ng malungkot. Babalik din ako agad. Mabilis lang naman ang dalawang linggo. Saka madalas akong tatawag sayo. Sobra kitang mamimiss. Kung pwede nga lang isama kita. Pero alam ko namang hindi pwede dahil pumapasok ka sa school."

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at sumandig sa dibdib nya. Tumulo ang luha ko sa pisngi.

Niyakap din nya ako at hinaplos haplos ang likod ko. Hinalik halikan din nya ang tuktok ng ulo ko.

Dumating na nga ang araw na umalis si Atlas. Marami syang binilin sa akin bago sya umalis. Binilin nya sa akin ang bahay nya. May susi naman ako nun na binigay nya. Pwede akong pumunta doon anytime pero di nya ako pinapatulog doon dahil ako lang mag isa. Delikado daw dahil baka may manloob. Iniwan rin nya sa akin ang atm card nya baka daw may gusto akong bilhin yun daw ang gamitin ko. Pero wala naman akong balak na gamitin yun. Kahit na boyfriend ko sya ay nakakahiya pa ring gamitin ang perang di akin. Araw araw din syang tumatawag at kinakamusta ako lalo na sa gabi. Nagbi-video call din kami kung minsan.

"Hanggang kelan daw si Atlas sa Cebu?" Tanong ni Ate Lucille.

"Two weeks sya doon ate tapos babalik din dito sa Zambales." Sabi ko. Mag iisang linggo pa lang naman na nakakaalis si Atlas.

"Naku, baka di na bumalik yun." Sabi ng isang gro na humihithit ng sigarilyo.

"Uy, wag ka ngang ganyan." Saway ni Ate Lucille.

"Nagsasabi lang ako ng totoo Lucille. Dito sa trabaho natin marami ng lalaking dumating at umaalis at hindi na bumabalik."

"Pero iba naman si Atlas. Babalik sya. Nangako sya sa akin." Confident na sabi ko. Meron bang aalis na hindi na babalik na nagiwan pa ng susi ng bahay at atm card. Pero di ko na yun binanggit sa kanila.

"Kunsabagay, mukha namang seryoso sayo yung si Atlas. Ang swerte mo talaga day. Sanaol."

Natawa na lang ako sa sinabi ng gro. Breaktime namin at nandito kami sa labas at nagkukwentuhan lang habang nagmemeryenda. Bawal kaming uminom sa oras ng trabaho. Pero ang mga gro ay pwede pero moderate lang dahil minsan may mga customer na pinapainom din sila.

Sa ilang gabi na hindi ko nakikita si Atlas dito sa bar ay sobrang namimiss ko sya. Lagi akong tumitingin sa madalas naming pwesto. Napapawi lang ang lungkot at pagkamiss ko kapag tumatawag sya. Mamaya pag uwi ko sa bahay ay tatawag sya para tanungin kong nakauwi na ako tapos magbi-video call kami bago matulog.

"Jolene!"

Napapitlag ako ng may tumawag sa akin. Lumingon ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Tito Rene na padaan sa bar. Salubong ang kilay nya at madilim ang mukha. Kinabahan naman ako.

"Sino yun Jess?" Tanong ni Ate Lucille.

"T-Tito ko. Sandali lang." Tumayo ako nilapitan si Tito Rene.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tito Rene na pinasadahan ng tingin ang suot ko. Nakasuot ako ng black skinny jeans na butas ang dalawang tuhod at high heels. Crop top na sleeveless blouse naman ang pang itaas ko.

"T-Tito -- "

"Dyan ka sa bar nagtatrabaho? Pokpok ka?"

Pumikit ako ng mariin. "Di ako pokpok tito, bokalista ako dito."

"Parehas na rin yun. Halika! Umuwi ka sa bahay!" Hinawakan ako ni Tito Rene sa braso at hinila.

"Sandali lang tito di pa ako pwedeng umuwi. Di pa tapos ang oras ko."

"Wala akong pakialam! Umuwi ka na! Naghihirap sa kakatrabaho ang mama mo sa ibang bansa tapos ikaw nagpopokpok."

"Hindi nga sabi ako pokpok tito. Bitiwan nyo ko. Nasasaktan ako!" Naiinis ng sabi ko at pilit binabaklas ang kamay nya sa braso ko.  Nakita kong napatayo na rin sila Ate Lucille at nakatingin sa amin.

"Uuwi ka o masasaktan ka sa harap ng mga kasama mong pokpok. Mamili ka." Mariing sabi ni Tito Rene na nandidilat pa ang mata at dinuduro ako.

Tumingin ako kanila Ate Lucille at sumenyas. Ayokong gumawa ng eksena dito sa bar kaya sumama na lang ako kay Tito Rene.

Pagdating sa bahay ay lintek ang sermon na inabot ko kay Tita Emie. Sinampal at sinabunutan pa nya ako. Nakatikim din ako ng sampal kay Tito Rene. Kaya siguradong magpapasa ang pisngi ko. Kung ano ano pang mura at masasakit na salita ang mga sinabi nila sa akin.

"Huminto ka na sa pagpasok dyan sa bar. Mahiya ka!" Sabi ni Tita Emie.

Namilog ang mata ko. "Anong hihinto? Hindi po ako hihinto."

"Aba't matigas ka talaga! Anong gusto mo magpopokpok ka na lang? Kahihiyan ka sa pamilya natin!" Dinuro ako ni Tito Rene.

"Hindi ako pokpok sa bar ilang beses ko bang sasabihin sa inyo. Bokalista ako doon at maganda ang trabaho ko doon. Sabihin nyo na ang gusto nyong sabibin pero di ko kayo susundin." Pagmamatigas ko sa kanila.

"Napakawalanghiya mo na talagang babae ka! Proud ka pa talaga dyan sa trabaho mo ha. Isusumbong kita sa mama mo at siguradong pahihintuin ka rin nya dyan sa kapokpokan mo." Tungayaw ni Tita Emie na parang gusto na naman akong saktan.

"Eh di isumbong nyo. Dyan naman kayo magaling ang magsumbong kay mama para kayo na naman ang mabait at ako na naman ang masama. Kahit pahintuin ako ni mama hindi pa rin ako hihinto."

"Aba't bastos ka na talagang bata ka! Wala ka ng respeto!"

"Kayo ang nagturo sa akin na maging bastos! Ako na nakatira dito di nyo ko nirerespeto tapos kayong nakikitira lang gusto nyo irespeto ko kayo? Hindi naman ako magtatrabaho sa bar kung sapat ang natatanggap ko kay mama. Eh hindi eh, dahil kahati ko kayo! Barya na lang ang napupunta sa akin kaya natural lang na maghanap ako ng extra income kesa umasa ako sa bigay lang. Dapat nga matuwa kayo. Kung gusto nyo sa inyo na rin ang parte ko." Punong puno ng hinanakit na sabi ko. Para ng baldeng umaapaw ang sama ng loob ko sa kanila.

"Sumusobra ka na ha." Lumapit sa akin si Tito Rene at akmang sasampalin ulit ako.

"Sige saktan nyo ulit ako. Bugbugin nyo ko. Pero pagkatapos nun pupunta ako sa pulis at isusumbong ko kayo sa pananakit nyo sa akin. Ewan ko lang kung hindi kayo makulong." Banta ko sa kanila. Marahas na pinalis ko ng kamay ang luhang lumandas sa pisngi ko. Luha yun ng galit at sama ng loob sa kanila.

Tumayo ako at dire-diretsong tinungo ang pinto.

"Hoy Jolene! Saan ka pupunya?" Galit na tawag sa akin ni Tito Rene.

"Hayaan mo na sya Rene. Kung gusto nyang magpakapokpok eh di gawin nya. Sino ba ang nakakahiya? Akala mo kung sino magsalita eh pokpok naman. Pwe!" Dinig kong sabi ni Tita Emie.

Tuloy tuloy akong humakbang palayo sa bahay. Habang tumatagal nagiging impyerno na para sa akin ang bahay na yun. Gusto ko ng umalis doon. Pero bahay yun ng papa ko. Nandun ang mga alaala ni papa.

Ng may dumaang traysikel ay pinara ko at sumakay. Nagpahatid ako pabalik sa bar.

"Omg, anong nagyari sa fezlak mo girl? Di ka pwedeng lumabas at humarap sa customer ng ganyan." Bulalas ni Anette na kapapasok lang ng dressing room.

"Pwede naman sigurong takpan na lang ng make up." Napangiwi ako ng muling idampi ni Ate Lucille ang ice pack sa pisngi ko.

"Wag na, magpahinga ka na lang muna ngayong gabi. Siguradong exhausted ka dahil sa nangyari sa sayo. Hindi ka rin makakakanta ng maayos."

"Oo nga girl, magpahinga ka muna ngayong gabi." Sabi ni Anette.

"Paano si Madam Luz? Hahanapin ako nun."

"Kami ng bahala sa kanya. Sasabihin na lang namin na sumama ang pakiramdam mo. Maiintindihan naman nya." Ani Ate Lucille.

Ngumiti ako. "Salamat Ate Lucille." Mabuti pa ang ibang tao may malasakit sa akin kesa sa mga kamag anak ko.

"Wala yun, tayo tayo lang naman ang magtutulungan dito."

"Pero ano ba kasi ang nangyari girl? Sino ang jumombag sayo?" Tanong ni Anette.

Bumuntong hininga ako at bahagyang yumuko. "Yung tiyuhin at tiyahin ko.."

Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari kahit masakit sa loob.

"Grabe naman yang tiyuhin at tiyahin mo. Sa bar lang nagtatrabaho pokpok na agad. Tapos binugbog ka pa. Nakakagigil ha. So pano yan, di ka makakauwi sa inyo mamaya." Nag aalalang sabi ni Anette.

"Makakauwi pa rin ako. Bahay ko yun eh. Bahay ng mga magulang ko at nakikitira lang sila. Pero hindi muna ako uuwi doon nagyong gabi. Siguro dito muna ako matutulog sa dressing room. Pwede naman di ba?" Pwede naman akong matulog sa bahay ni Atlas pero wala akong makakasama doon at ako lang mag isa. Ayokong pag alalahanin si Atlas. Atleast dito may makakasama ako. Mababait naman ang mga kasama ko dito.

"Oo naman. Dito rin naman ako natutulog dati. May unan at kumot dyan sa cabinet tapos ilatag mo na lang yung folding bed." Sabi ni Ate Lucille.

Nagpaalam na silang dalawa sa akin dahil tinatawag na sila sa labas kaya naiwan na lang akong mag isa dito sa dressing room.

Dinampot ko ang ice pack at dinampi sa pisngi ko. Tumingin ako sa salamin. Bahagyang namumugto ang mata ko. Namumula din ang pisngi ko. Masakit pa nga ang anit ko dahil sa sabunot ni Tita Emie. Sana nga lang ay hindi ito mapansin mamaya ni Atlas kapag nag video call kami. Siguradong mag aalala sya.

Ng medyo humupa na ang pangangapal ng pisngi ko ay tinabi ko na ang ice pack. Kinuha ko ang cellphone na nasa bag ko at binuhay. Napangiti ako ng may pumasok na text galing kay Atlas. Video call daw kami mamaya.

Binuksan ko ang epbi account ko at hinanap ang account ni Atlas. Pinindot ko ito. Bagong gawa lang ang account nya. Ang profile pic nya ay picture naming dalawa. Wala talaga syang social media dahil hindi daw sya mahilig sa ganun. Gumawa lang sya para sa akin para magkapag video call kami. Lalo na ngayon na nasa malayo sya.

*****





Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
7.9M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
490K 35.8K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...