When Borj Falls in Love

By borj_roni

15.6K 653 84

Borj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nag... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven - Finale

Chapter Six

958 50 8
By borj_roni

"PARA PO!" Halos mapaos na si Roni sa pagpara ng sasakyan pauwi. Tatlumpung minuto na siyang nag-aabang ng masasakyan ay wala pa ring humihinto sa tapat niya. "Nakakainis naman! Mukhang uulan pa yata!" daing niya nang unti-unting kumulimlim ang langit. Hindi pa naman siya nakapagdala ng payong dahil kaninang umaga bago niya naisipang pumunta sa mall ay maayos pa naman ang panahon.

Sinubukan niyang parahin ang nagdaang jeep pero puno na iyon. Ayaw niyang abutan siya ng ulan dahil siguradong mas mahihirapan siyang umuwi.

Nagsisimula na siyang mag-panic dahil parang uulan na nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at handang bulyawan sana ang driver nang bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Hi! Do you need a ride?"

Nanlaki ang mga mata ni Roni nang makilala ang lulan ng sasakyan. It was Justin, ang may-ari ng bar na muntik nang makaaway ni Borj. "Ha? Ah, eh, hindi. Okay lang ako," tanggi niya. Nakakahiyang makisakay siya gayong hindi naman talaga sila magkakilala maliban sa nagpakilala ito two nights ago.

"It's not okay. Malapit nang umulan saka pagabi na rin. For sure mahihirapan kang makakuha ng masasakyan."

"Hindi na talaga. Nakakahiya namang makisabay pa ako."

He smiled and open the door. "I insist. Hindi ako masamang tao. I recognized you kaya kita hinintuan. So, hop in."

Hindi nag-atubili si Roni dahil nagsimula nang bumuhos ang ulan. "Salamat, ha? Nakakahiya namang isinakay mo pa ako," wika niya nang makasakay. Naalala niyang hindi pa pala siya nito kinilala. "By the way, ako nga pala si Roni."

"I'm Justin. You do recognize me, don't you?"

"Oo naman. Anyway, salamat sa concern mo two nights ago. Teka nga pala, lagi akong pumupunta sa bar mo pero ngayon lang yata kita nakita doon?" It was true. Kapag nagkakayayaan sila ni Missy na gumimik ay sa bar na iyon sila pumupunta pero nang gabing nagpunta sila ni Borj doon lang niya nakita si Justin.

"Ang daddy ko ang dating nagma-manage ng bar. Nang magpasya siyang manirahan sa Dubai, saka ako nag-takeover," paliwanag nito. "Boyfriend mo ba yong lalaking kasama mo?" bigla nitong tanong na muntik nang magpaubo sa kanya.

"Si Borj? Hindi! He... He's just a... friend." Parang asido sa kanyang lalamunan ang mga salita. Why? Hindi ba at totoong magkaibigan lang naman sila ni Borj? Ngunit bakit parang hindi na iyon ang turing niya kay Borj?

"I see. Pero kung umakto siya ay parang boyfriend mo."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

Nagkibit-balikat ito. "Pareho kaming lalaki kaya alam ko ang mga kilos ng kapwa ko lalaki. And I tell you, your friend is into you. Man, kung gaano siya kahandang labanan ako nang gabing yon? Parang handang-handa siyang masaktan nang todo." Natawa si Justin sa sinabi.

Alam ni Roni na apektado si Borj sa pagbabago niya at umaayon iyon sa kanyang plano na maturuan ito ng leksyon. Ngunit inaasahan din ba niyang magustuhan siya ni Borj bilang isang tunay na babae at higit pa sa isang kaibigan? And what exactly was her feeling towards him? Did she also like him as a man?

"I-imposible naman yata iyon." Pakiramdam ni Roni ay ang init ng kanyang pakiramdam gayong malakas naman ang aircon ng sasakyan.

Justin shrugged again and concentrated on driving. "Well, wala siguro ako sa tamang lugar para sabihin iyon sayo."

Tumango na lamang siya at minabuting huwag nang pahabain pa ang usapan tungkol kay Borj dahil pati siya ay naguguluhan sa sariling damdamin.

Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nasa tapat na sila ng bahay niya. Huminto na rin ang ulan kaya inimbitahan muna niya si Justin na pumasok bilang pasasalamat ngunit tumanggi ito.

"Sigurado ka?" paniniyak niya. She sensed the beginning of a good friendship between them. Palakuwento at masayahin kasi si Justin. Sa maikling sandali nga na magkasama sila sa sasakyan ay nakapagkuwento ito tungkol sa sariling buhay.

"Yeah. Kailangan ko rin kasing bumalik sa bar."

"Okay. Salamat uli ha, Justin?"

"No problem. It was really nice to see you again."

She smiled. Hinintay muna niyang makaalis ang sasakyan nito bago siya pumasok sa bahay.

"Where have you been? Bakit kasama mo ang lalaking yon?"

"Ay, anak ng--- Borj?" Halos himatayin si Roni nang mabosesan ang biglang nagsalita sa may kadilimang parte ng kalsada. Borj was sitting on his big bike, soaked in rainwater and definitely not in a good mood. "Ano ka ba? Kung may sakit ako sa puso, baka kanina pa ako bumulagta sa kalsada," bulyaw niya habang tumatahip ang dibdib. "Saka ano ang ginagawa mo diyan sa dilim?" Pinasadahan niya ng tingin si Borj. He was wearing a white linen T-shirt and jeans. Basang-basa ito ng ulan kaya bakat sa suot ang matipunong pangangatawan. Parang may init na dumaloy sa kanyang katawan. Ipinilig niya ang ulo at binalewala iyon.

"I've been waiting for you. I'm sorry kung nagulat kita."

"Bakit ka ba nagpunta rito? Anong kailangan mo sa akin?"

Tila nag-atubili si Borj sa sasabihin dahil ilang sandaling nanahimik.

"Borj? Are you okay?"

"Sa tingin ko ay hindi ako okay. Puwede bang mamaya mo na ako interview-hin?"

Nilapitan niya ito. "Gaano ka na katagal diyan? My gosh! You're so wet!"

"Two hours."

Nanlaki ang mga mata ni Roni. "Two hours!"

"Yeah."

"Borj!" Wala siyang nasambit kundi ang pangalan nito. How could he possibly wait for her for two hours under the rain? Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa sa ginawa ng binata. Pero parang may mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso sa ginawa nito. "You're so stupid..."

"I know," matipid nitong sabi, saka ngumiti.

Umiral ang katahimikan. Ilang sandali ang lumipas bago nito binasag iyon. "Siguro mas maganda kung papasukin mo muna ako. Nanginginig na kasi ako sa lamig, Roni." Pilit itong ngumiti kahit halatang nangangaligkig na sa lamig. His lips were pale, too.

"Ha? Oo naman! Halika. Bakit mo ba kasi naisipang magpaulan?" Niyakag niya ito papasok sa bahay. Somehow, she was glad that Borj was there.





"HERE. Ito na lang ang isuot mo. Kay Tatay ang mga yan at sa tingin ko ay kakasya naman sa yo." Iniabot ni Roni kay Borj ang mga nakalkal na mga damit sa aparador ng ama. "Magpalit ka na at baka magkasakit ka pa."

"Thanks." Tumayo si Borj at pumasok sa banyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ito. "So, bagay ba?" Nag-pose pa ito suot ang sando at six pocket shorts ng kanyang ama.

Tumaas ang isang kilay ni Roni. In all fairness, kahit siguro basahan ang isuot ni Borj, guwapo pa rin itong tingnan. "Hmm... Puwede na."

Pumalatak ito. "I think I need coffee. Want some?" Alok nito na tinanguan niya. Dumiretso ito sa kusina na tila ba nasa sariling bahay. "Nasaan si Tatay Charlie? Mukhang wala siya," tanong ni Borj habang nagtitimpla ng kape.

Umupo si Roni sa katapat na silya. "Bumisita sa kapatid niya sa kabilang bayan. Maya-maya lang siguro ay darating na yon," sagot niya. "Bakit ka nga pala nadalaw?"

"Ah... May sasabihin sana ako sa yo."

"Ano yon?"

Kagaya kanina ay tila nag-alangan na naman si Borj.

"Hey, are you blushing?"

"What?"

"Borj? Oh, my gosh! Nagba-blush ka ba?"

"Hindi, ah! Dahil lang sa ulan yan. Ikaw naman kasi, ang tagal-tagal mo!" parang bata na maktol nito.

"Hindi mo naman sinabi na pupunta ka, eh."

He was silent again, pero saglit lang. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, Roni." Umasim uli ang mukha nito pagkaabot sa kanya ng tasa.

"Ang alin?"

"Bakit magkasama kayo nong lalaking yon?"

"Borj, Justin ang pangalan niya."

"Whatever! Eh, bakit kayo magkasama? Tapos, inalok mo pa siyang pumasok sa loob ng bahay nyo, eh, hindi mo naman yon kilala."

Roni took a deep breath. Walang mangyayari kung patuloy niyang tatapatan ang tantrums ni Borj dahil sigurado siya na hindi siya mananalo. "Wala akong masakyan kanina kaya no'ng nakita niya ako ay inalok niya akong sumabay sa kanya. Happy?"

"Why didn't you call me instead? Di sana sinundo kita at hindi iyong kung sino-sino ang sinasamahan mo."

"You're being ridiculous. Mukha namang mabait si Justin."

"At kailan pa kayo naging on a first name basis, ha? Kung maka-Justin ka riyan, parang close na close na kayo," dagdag pa ni Borj at lalong lumalim ang kunot sa noo.

Roni did not know whether to get pissed or laugh sa inaasal ni Borj. She surrendered dahil baka lalo lang itong mainis. Alam niyang mainit ang dugo nito kay Justin dahil sa nangyari sa bar. "Fine. You win. Sorry na. I should have called you. Masaya ka na?"

She saw him smirk. Muli siyang napabuntong-hininga at tinitigan lang ito. Napaka-weird ng inaasal nito lately. Hindi siya kadalasang sinesermunan ni Borj sa mga ganoong bagay, ngunit ngayon ay daig pa nito ang selosong boyfriend.

Biglang pumasok sa isip ni Roni ang mga sinabi ni Justin na baka nga nagkakagusto na si Borj sa kanya. Ang original niyang plano ay turuan ng leksyon si Borj dahil sa pangmamaliit nito sa kakayahan niyang maging tunay na babae, na hindi siya lesbian at hindi lang pagmemekaniko ang alam niyang gawin kundi higit pa roon. Na sisiguruhin niyang matatalo si Borj sa dare ng mga kapatid nito sa pamamagitan ng pakikipag-mingle sa mga babae at kasama na siya roon. Inilagay niya ang sarili na prime object ni Borj.

Ngunit ang isiping baka nga nahuhulog na ang loob ng binata sa kanya ay wala sa mga plano. Lalong wala sa mga plano niya ang kakaibang damdaming umuusbong sa sistema niya para kay Borj?

"Did I pass?"

"A-ano?" Napakurap si Roni.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin. I think you like what you're seeing," he teased. A sexy smile instantly formed on his lips.

Nag-init ang mga pisngi ni Roni. Napabilis tuloy ang paghigop niya ng kape and it was too late to realize that it was too hot. "Shit!"

"Damn it! Roni, are you okay?" Natatarantang nilapitan siya ni Borj.

"O-okay lang ako. Huwag kang mag-alala." His face was so close that she could actually feel his breath on her face. Parang may nagtatalunang mga palaka sa kanyang dibdib. "B-Borj..."

"Kung bakit kasi napaka-careless mo, eh," hindi siya nito pinansin at in-examine nito ang kanyang mga labi. "Sa susunod huwag kang bara-bara sa mga kilos mo, Roni."

"Borj..."

"Hmm?" He looked straight into her eyes for a minute, then down... down to her lips. It was as if time slowed at parang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Would he kiss her? Would she kiss him back? Ano? Hindi niya alam ang gagawin. "Roni... You're really beautiful. I should have noticed that before." Borj's thumb caressed her lips bago dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha.

Oh gosh! There was no time to think. Roni just closed her eyes and waited for Borj's lips to touch hers.

Ngunit bago pa man lumapat ang mga labi ng binata sa kanyang mga labi ay pumailanlang ang malakas na ringtone ng kanyang cell phone. She heard Borj curse at kusang naglagay ng distansiya sa pagitan nila.

"I...uhm...need to take the...call." Hindi niya matingnan ang binata nang deretso sa mga mata.

"Go ahead."

Kinuha ni Roni ang kanyang cell phone at sinagot ang tawag. "H-hello, Tay. Opo, nasa bahay na." Huminto siya sandali para pakinggan ang sinasabi ng ama na nasa kabilang linya. "Hindi po kayo makakauwi ngayon? Sige, Tay. Ingat po kayo diyan." Then she hung up.

"Guess you're home alone," Borj said. His eyes were still fixed on her.

"P-parang ganon na nga..." Roni felt a bit of awkwardness. Muling nag-rewind sa kanyang isip ang pangyayari kanina. Gosh! Would he really kiss her? Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ni Borj? She cursed silently dahil somehow, she would like him to kiss her. "S-sa tingin ko, dapat ka na ring umuwi. B-baka hinahanap ka na sa inyo."

"Are you kidding? Itinataboy mo na ba ako?"

"Borj, it's late."

"Not a good idea, Roni. Isa pa, wala kang kasama rito. I'm willing to be your bodyguard."

"G-gabi na kasi kaya dapat ka nang umuwi," wika niya, sabay tayo. Naramdaman niyang sinundan siya ni Borj sa sala.

"I'm not sorry, you know," he said.

Hinarap niya si Borj at nilabanan ang emosyong nagsisimulang mamayagpag sa loob niya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Sorry saan?" patay-malisya niyang tanong bagaman alam niyang ang muntik nang paghalik sa kanya ang tinutukoy nito.

"For trying to kiss you."

She was not sorry either. In fact, there was a big part of her that wanted to kiss him, too. "H-huwag mong isipin yon. B-baka nadala ka lang at ah...hindi mo sinasadya."

"Honestly---"

"Bukas na lang tayo mag-usap. Inaantok na kasi ako," putol niya sa sasabihin nito.

Borj stared at her for a moment, then he took a deep breath in exasperation. He looked resigned. "Okay. I'd better go then."

He was about to leave when the rain started to pour again. Mukhang lalo yatang lumakas ang ulan dahil may kasama nang kulog.

"So, do you still want me to go home?" may kung anong kapilyuhang tanong nito.

"Unless, gusto mo uling mabasa ng ulan at tuluyang magkasakit."

"Sa tingin ko, makikitulog ako ngayong gabi."

Bumuntong-hininga si Roni. Malamang nga dahil tila walang balak huminto ang ulan. Hindi naman niya mahahayaang sugurin ni Borj ang ulan dahil baka mapahamak pa ito sa daan.

"So, where am I supposed to sleep?" He asked. Something playful crossed his eyes.



💞💞💞💞💞💞💞💞

End of Chapter 6.

Please hit the ⭐.

Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading.

Thank you. 💝

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 95 22
basta basahin nito nalang
1.2M 108K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2.6K 53 21
⚠️ Disclaimer: Most of these chapters are literally just smut⚠️ Since no one else writes these anymore, I figured I'd take matters into my own hands...
2.3M 136K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...