The Tale Of Marahuyo

By Dimasilaw_101

833 93 683

Paano kung isang araw ay napadpad ka na lamang sa kakaibang mundo? Pipilitin mo bang makaalis o hayaan ang sa... More

Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12

Kabanata 5

44 5 94
By Dimasilaw_101

V: Kalimbahing Sandalyas

NANG makabihis si Lily ng baro at sayang itim ay agad siyang tumungo sa malaking silid na kung saan naroroon ang mga ibang panauhin na nakaupo sa mahabang mesa. Sa kaliwang kabisera nakaupo si Eulalia at sa kanang kabisera ay si Lauro. Hindi niya maiwasan na tumingala sa tatlong aranyang kumikinang sa kisame.

"Umupo ka, binibining Ah Eh." Maarteng saad ni Eulalia, "Umupo ka sa aking tabi."

Nahihiya man ang dalaga ay napaupo na lamang siya. Pinagmasdan niya ang mga panauhin na nagtatawanan at nag-uusap ng pabulong dahil na rin sa malakas na tugtog ng mga instrumentong bandurria sa paligid. Napansin niya na ang mga kababaihan ay may malaking dibdib at mahahabang baba na parang si babalu. Ang mga lalaki naman ay parang mga bangkay na muling nabuhay.

"Silencio!"

Napaigtad si Lily sa sigaw ni Eulalia. Natigil ang lahat na tila ba dumaan ang Diyos sa kanilang harapan.

Tanging paghigop lamang ni Lauro ng tsaa ang kanilang narinig. Walang pakialam sa sigaw ni Eulalia.

"Bukas ay ang aking kaarawan! Nais kong makita ang lahat na may  magagarbong sapatos at sandalyas. Ang makikita kong may pinakamaganda ay may regalo mula sa akin!" May pagmamalaking saad ni Eulalia sa lahat.

Agad naman na napuno nang galak ang mukha ng mga panauhin.

Napayuko lamang nang bahagya si Lily at pinagmasdan ang mga nakahandang pagkain. Hindi niya masikmura ang mga ito sapagkat nangingitim na ang nakahandang pie, may mga ipis din na labas pasok sa loob ng hamon.

"Iyon lamang at pwede na kayong kumain lahat," Muling saad ni Eulalia. "Ikaw, binibini, kumain ka. Kain."

"B-busog pa po a--" Hindi natapos ang pagsasalita ng dalaga nang hinainan na siya mismo ni Eulalia ng pagkain na hindi niya maarok. Isdang bulok na may kamatis.

"Kain" Seryosong saad ni Eulalia.

Naipikit na lamang ni Lily ang kaniyang mga mata at iisiping ito ay napakasarap na fried chicken sa Jollibee. Napamulat siyang muli at nagsimulang hiwain ang tiyan ng isda. Bumukadkad doon ang mga maliliit na uod. Alam niyang may mga matang nakabantay sa kaniya ngayon, lalo na itong si Eulalia na para bang lahat ng kinikilos niya ay bantay-sarado na.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Agad niyang isinubo sa bibig ang laman ng isda. Halos maluha-luha na siya dahil sa matinding pagkasuklam. Pero habang ngumunguya siya ay nalalasahan niya ang fried chicken sa bibig. Nanlaki ang kaniyang mga mata, "Ang sarap!"

"Kumain ka nang marami."

"Opo, salamat, senyorita!" Galak na saad ni Lily. Kinain niya rin ang mga uod na nagtatalsikan, lasang french fries na ito.

"Matanong kita, hija. Saan ka nanggaling? Bakit ka nakarating dito sa aming lugar? Alam mo bang pinagbabawal ang makapasok dito sa Marahuyo?" Hindi mapigilang sunod-sunod na katanungan ni Eulalia. Naiintriga na siya sa katauhan ng dalaga dahil sa mga kakaibang kinikilos nito at sa maging sa kasuotan.

"H-hindi ko po alam. Hinigop na lang ako papunta rito." Tugon ni Lily habang nasisiyahan siya sa pagkain ng mga pan de crema na may nakapatong na malalaking bangaw.

Napasingkit ang mata ng senyorita sabay sandal sa makintab na upuang gawa sa kahoy ng Narra. Pinagmasdan niya si Lauro, may sigla itong nakikipag-usap sa mga panauhin. Ibinaling niya muli ang sarili sa dalagang abala sa pagkain. Gumuhit sa kaniyang labi ang nakakalokong ngiti.


NAGLAKAD-lakad si Lily sa isang mahabang pasilyo. Malalim na ang gabi at nais niyang magbakasaling mahanap ang silid ni Lauro.

Ilang minuto ang nagdaan ay narinig niya ang tunog ng makinang pantahi. Lakad-takbo siyang tumungo sa silid na pinanggagalingan ng tunog.

"Lauro!" Tawag niya pa, medyo mahina ang boses pero sapat na iyon para lumingon sa kaniya ang binata pero pagkuwa'y ibinaling muli nito ang sarili sa pananahi.

Pumasok siya kahit na hindi naman siya pinahintulutan ni Lauro. Napangiti siya sa mga nakikitang sandalyas, "Ang ganda naman ng sandalyas na ito. Alam mo bang gusto kong makasuot ng ganito tapos rarampa ako sa stage na parang isang sikat na model! Idol ko kasi si Shalom Harlow!" Aniya habang tinitingnan ang kabuuan ng sandalyas. Kulay lila ito at may mga palamuting bato na kulay lila rin.

Si Lauro naman ay nagpatuloy sa ginagawa, seryoso siya at halos walang kurap ang mga mata.

"Lauro? Hindi ka ba matutulog?"

Natigil ang binata sa pagtatahi at napatingin siya kay Lily. "Tama, matutulog nga pala ako."

"Kung hindi kita sinabihan na matutulog ay wala sa vocabulary mo ang salitang tulog?" Sabay halukipkip ni Lily, "Napapagod din tayong mga tao, Lauro."

"Ngunit hindi na ako nakakaramdam ng kapaguran, binibini."

Napahinga nang malalim ang dalaga, "Bakit?"

Natulala saglit ang binata sa katanungan. Pagkatapos ay nagsalita siya, "Hindi mo ba nahahalata? Baliw ang turing nila sa akin!" Sabay tayo.

Napapaatras si Lily nang dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Lauro, ang mga mata nito'y puno ng panaghoy.

"Baliw ako, Lily!" Sigaw ni Lauro sabay waksi ng iilang kagamitan sa silid.

Halos hindi na magkandaugaga si Lily sa pagpigil sa nagwawalang binata, "Lauro!" Sabay hawak sa braso nito at agad na sinapo ang dalawang pisngi, "Lauro, kumalma ka."

Napatitig si Lauro sa mga mata ng dalaga, mga matang alam niyang nakita niya na dati pa, "Tuluyan na ba akong nabaliw, Lily?"

Napailing-iling si Lily, "H-hindi, hindi ka baliw. Hindi ko nakikitang may saltik ka sa utak o ano pa ba ang sinasabi nila, alam mo ano ang espesyal sa'yo?"

Hindi makaimik si Lauro, nanatiling nakakulong ang kaniyang mga pisngi sa malambot na palad ni Lily.

"Dahil kakaiba ka, wala kang kaparehas." Dugtong ng dalaga sabay ngiti nang marahan na siyang magpapagaan sa kalooban ni Lauro.

NAALIMPUNGATAN na lamang si Lily nang marinig ang mga musikang nakakaindak sa labas ng kaniyang silid na tinulugan.

"Binibini!"

Napalingon siya sa gawing durungawan nang marinig ang pamilyar na boses, "Hugo?"

"Ako nga! Kumusta si Lauro?"

Lumapit pa siya sa gawi ni Hugo. Napansin naman niya ang kalangitan, nabalutan ng dilim. "Gabi na ah? Paano ka nakapasok dito?"

"Hindi mo alam? Walang umaga rito sa teritoryo ni Eulalia." Saad pa ni Hugo, "Ano? Nalinawan ka na ba, binibini? Kumusta na si Lauro?" Pag-uulit niya pa dahil mukhang hindi pa rin arok ni Lily ang tanong.

"Ha? Eh, ayos lang siya. Nagwala siya" Malungkot na saad ni Lily.

Kahit na si Hugo ay napaarkong pababa ang bibig.

"Halika, Hugo. Magtago ka lang sa aking bulsa, isasama kita sa piging." May siglang saad ni Lily. Agad niyang inilahad ang palad upang makaakyat si Hugo.

Pagkatapos ay lumabas na sila. Doon ay nadatnan niya ang klase-klaseng bisita. Nakita niya pa si Kapitan Tuna na may dalang bote at nilalagok iyon. Hindi niya na lamang ito pinansin, bagkus ay hinahanap sa kaniyang mata ang presensya ni Lauro.

"Nasa entablado si Lauro, binibini!" Pabulong ngunit mariin na saad ni Hugo.

Narinig iyon ng dalaga at agad na tumungo. Sumuot siya sa mga nagkukumpulang bisita.

Nakikita na niya ngayon na sinusuotan ng binata si Eulalia ng sandalyas na kaniyang hinawakan kagabi.

Malapad ang ngiti ng babae na tila ba isa siyang pinaka-swerteng nilalang na napasuot ni Lauro ng magarang sandalyas. Hanggang sa napadako ang tingin sa dalagang nakatayo na parang tuod, "Binibining Ah Eh! Halika! Maganda ba?"

Lumapit si Lily, "Oo, ang ganda. Sobrang ganda." Puri niya, "Kakaiba kang tunay, ginoong Lauro."

Napataas ang kilay ni Eulalia sa pagtatagpong iyon. "Lauro, tumabi ka sa akin."

"Sandali lang." Ani Lauro pagkatapos ay kinuha ang isang kahon, lumapit siya kay Lily.

Napakunot-noo naman ang dalaga, "Para saan 'to?" Nang matanggap ang kahon.

"Buksan mo, binibini."

Agad naman itong binuksan. Tumambad sa kaniya ang napakagarang sandalyas. Kulay kalimbahin ito. Katulad ng kay Eulalia ay may palamuti rin itong mga kristal. Nabalutan ang kaniyang puso ng saya, para bang may drums sa loob dahil sa paglakas ng tibok, "Salamat, ginoo! Napakagara ng ganitong sandalayas." Buong galak niyang saad pagkatapos ay napayakap siya sa binata.

Narinig niya ang bawat hangos ng mga panauhin dahil sa gulat. Agad siyang lumayo kay Lauro, napatingin siya sa mga taong nakatingin na lamang sa kanila ngayon. Kahit na ang tugtugin ay nahinto. "Pasensya na po sa inyo! M-masaya lang po ako. S-sa lugar kasi namin, k-kapag may mga regalong natanggap a-ay hindi m-maiwasan ang p-pagyakap sa isa't-isa." Nauutal niyang sabi, umaalingawngaw ang kaniyang boses sa buong bulwagan.

Pagkatapos ng ganoong eksena ay nakita niya ang mga taong sabay-sabay napatango at sabay ding nagsabi ng "Ah, ganoon ba?"

Nakahinga siya nang malalim, "Ginoo, umupo ka na. Pasensya sa aking naging kilos."

Datapwa't sa ganoong eksena ay biglang nawalan ng gana si Eulalia, nakataas ang kaniyang kilay at taas noong nakatitig sa madla.

"Nagustuhan mo ba, ang nagawa kong sandalyas, senyorita?" Nakangiting tanong ni Lauro nang makaupo sa tabi ng dating kaibigan.

Naibaling ni Eulalia ang sarili sa binata at napangiti ng peke. "Magkakilala kayo ni binibining Ah Eh?" Pag-iiba niya pa, sabay baling ng tingin sa dalaga na ngayon ay nasisiyahan na sa pakikipaglaro sa mga duwende.

"Hindi." Walang pagdadalawang-isip na tugon ni Lauro. Ibinaling niya agad ang sarili sa nakakaindak na musika, kinukumpas-kumpas ang daliri na para bang isang maestro sa orkestra.

"Bakit mo siya binigyan ng sandalyas?"

Napalingon si Lauro, nakakahalata na siya ng selos na namumutawi sa boses ni Eulalia. Napangiti siya sabay sabing, "Dahil wala siyang sandalyas."

Napapikit si Eulalia sa inis at palihim na napayukom ng kamao.

UNTI-unti ng nagsisiuwian ang mga bisita. Ang tanging nagawa na lamang ni Lily ay umupo sa hagdanan at magsalong-baba. Wala na si Hugo sa kaniyang bulsa dahil kanina lamang sa bulwagan ay nagkita na sila ni Lauro nang palihim at marahil ngayon ay nag-uusap na sila.

"Lilia!"

Halos mapatalon sa gulat si Lily nang biglang bumulaga sa kaniya si Kapitan Tuna, "Lily." Pagtatama niya pa.

"Ah, Lily. Ako'y nagagalak na makita kang muli, hija." Saad pa ni Kapitan Tuna, nababakas sa boses nito ang pagkalasing.

"Ako rin, Kapitan." Tugon ng dalaga.

"O siya sige, kami'y aalis na. Mag-ingat ka kay Eulalia o si Eulalia ang mag-iingat sa'yo." Biro pa nito sabay halakhak. Pagkatapos ng ganoong eksena ay pagewang-gewang siyang naglakad. "Arrr! Handa na ba kayo mga pirata?" Gamit ang kaniyang malaking boses ngunit malalim.

Biglang nagsulputan ang mga kalalakihang maskulado sa harapan ni Kapitan Tuna, "Opo, Kapitan!" Sabay-sabay nilang saad sa iba't-ibang boses. May malalim, may malaki, may matinis at may pumipiyok.

"Hindi ko kayo marinig!"

"Opo, Kapitan!"

"Oh, sino'ng pirata ang nakatira sa bangka?"

"Kapitan Tuna!"

"Laging lasing at pupungas pungas pa!"

"Kapitan Tuna!"

Sa ganoong eksena ay hindi mapigilang matawa ni Lily. "Lakas amats nitong si Kapitan Tuna." Saad niya sa sarili habang pinagmamasdan ang grupo na nag mamartsa at lumalambitin na ngayon sa lubid para makasakay sa barkong papuntang langit. Naalala niya tuloy ang paborito nilang palabas ni Lilo na Spongebob Squarepants, ganoon ang tono na nasa intro ang ginawa ni Kapitan Tuna at mga kasamahan niya.

Bigla siyang nakaramdam ng pangungulila sa kapatid at ama, "Kumusta na kaya sila? Ilang araw na kaya akong wala? Hinahanap na kaya ako ni papa at Lilo?"

Sa ganoong pag-iisip ay hindi mapigilang mangilid ang luha niya sa mga mata.

----

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
75.5K 4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...