Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 14

113K 6.3K 1.4K
By Yanalovesyouu

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Lucian. I was shocked, as in totally shocked sa sinabi niya. Pero deep inside gusto kong mag-pagulong-gulong dito mismo sa kinatatayuan ko. Tama naman ako ng narinig diba? This isn't a dream right?

Tatawag na ba ako ng pari para maikasal na kami ni Lucian ngayon?! My goodness! Gusto kong magpa-party at pakainin ang buong Pilipinas sa sobrang tuwa na nararamdaman ko. Kaso naalala ko, hindi nga pala ako mayaman.

Nakatitig sa'kin si Lucian. He's waiting for my answer, and all the ancient Gods and Goddesses knows how much I want to say I love you too kaso iniisip ko si Eureka. Tapos isa pa 'tong si Narkissa. Sabi niya ikakasal na sila ni Lucian sa susunod na kabilugan ng buwan.

I faked a sarcastic laugh. "Wala akong panahon sa mga sinasabi mo. Uuwi na ako" Ginaya ko ang line pati ang tono ng sinabi niya sa'kin kagabi. Saka ako naglakad papunta sa kotse niya. Hindi ako bitter okay? At mas lalong hindi ako pakipot. It's just that, ayokong makasakit ng ibang tao. Lalo na kung bestfriend ko pa.

Malapit na ako sa kotse when he appeared right in front of me. Like what the fuck?! How the hell did he do that?! Lumingon agad ako sa likod ko to check if he's there pero wala. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko. "N-nanaginip ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Hindi totoo ang mga panaginip. Ito ang totoo" He held my right cheek gently kaya halos mapalundag ako dahil-"A-ang lamig ng kamay mo" Bulong ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko and damn! Ang lamig ng kamay niya. "Bakit ganon?" Takhang-takha na tanong ko. I don't get it. Unti-unting inilapit ni Lucian ang mukha niya sa'kin. Until I felt na his lips are brushing mine. He's gently kissing me. I want to respond pero hindi ko maiwasan na mapaisip dahil pati ang labi niya malamig.

And alam na alam ko kung sino ang mga creatures na ganito.

"Vampires" Bulong ko, in between our kisses. Unti-unting inilayo ni Lucian ang mukha niya sa'kin. There I saw his fangs. I am running of words to say. Kahit isip ko bahagyang natigilan. Dapat sa mga oras na 'to nakakaramdam na ako ng takot dahil isang bampira ang nasa harap ko, pero I feel comfortable and safe. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya. "Hindi 'to panaginip?" Tanong ko.

Umiling sya at saka hinawakan ang kamay ko. Ghad! Ang lamig-lamig niya talaga!

"Lord Lucian"

Napabitaw agad ako kay Lucian at umatras palayo sa kanya dahil biglang sumulpot si Loki. Nung ibalik ko ang tingin ko kay Lucian ay wala na ang mga pangil niya. Balik na ulit sya sa itsura niyang normal. Bahagyang tumungo si Loki bago sya ulit nagsalita. "Lord Lucian ano pong ginagawa nyo?" Tanong niya.

Pinagmasdan ko silang dalawa na parehas na natahimik at magkatitigan lang. 'Volo legere mentibus' I unconsciously said on my mind.

"Ipagpaumanhin nyo po ang aking panghihimasok ngunit kailangan kong burahin ulit ang ala-ala ni Lady Alexis dahil baka maging sanhi ito ng panunumbalik ng memorya niya"

"Alam ko. Ngunit maaari mo ba muna akong hayaan na kausapin sya bago mo burahin ang ala-ala nya?"

Naririnig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa pero hindi ko nakikitang bumubuka ang mga bibig nila. Ibig sabihin, nababasa ko rin kung anong pinag-uusapan nila?

"Masusunod po"

Tumungo si Loki kaya napatingin ako sa kanya. "Ipagpaumanhin nyo po ang aking pang-aabala. Mauuna na po ako" Magalang na paalam niya at saka naglakad paalis. Inilipat ko ang tingin ko kay Lucian ng may pagtatakha.

Hindi nila alam na narinig ko ang pinag-usapan nila? I even heard him na tinawag akong Lady Alexis. Pero bakit niya buburahin ang memories ko? Dahil ba nalaman kong bampira si Lucian?

At anong sinasabi ni Loki na magiging sanhi ng panunumbalik ng memorya ko?

Hinintay ko na maunang magsalita si Lucian. Pero instead na magpaliwanag sya ngumiti sya at saka hinawakan ang kamay ko.

"Ang tagal kong hinintay na dumating ang panahon na 'to at masabi ko ulit sa'yo kung gaano kita kamahal, Alexis" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wow ha! Makatagal? Eh wala pa nga kaming isang taong magkakilala.

"Ulit?" Nagtatakhang tanong ko. Anong ibig niyang sabihin sa ulit? Eh ngayon lang naman niya 'to sinabi sa'kin. Ngumiti sya ng mapait at saka tumango. "Mula noon, hanggang ngayon. Ikaw lang ang babaeng iniibig ko"

"Pero diba si Eureka ang-"

"Ikaw ang babaeng tinutukoy ko"

Ngumiti sya ng mapait at saka ako hinalikan. God! I don't want to end this feeling. I respond to his kisses at hinigpitan ang yakap sa kanya, hanggang sa huminto sya at dahan-dahang inilayo ang mukha niya sa'kin. "Mahal na mahal kita" He whispered. Unti-unti syang bumitaw sa pagkakahawak sa bewang ko, hanggang sa isang kamay ko na lang ang hawak niya.

Iniba niya ang direksyon ng tingin niya so I followed his gaze. And there I saw Loki once again. Akala ko ba aalis na 'to? Bakit nandito na naman sya?

"Maaari ko nap o bang alisin ang memorya niya?" Shit! Aalisin niya ang memory ko?

"Sige" Inilipat ko ang tingin k okay Lucian. Mahigpit ang hawak niya sa isang kamay ko. Kaya ang ipinagtatakha ko ay kung bakit kailangan pa nilang alisin ang memory ko. Kapag nagkataon, hindi ko maaalala kung ano ang nangyari ngayon.

Masasaktan ulit ako, dahil aakalain kong si Eureka ang ex-girlfriend niya. Palapit ng palapit si Loki sa'kin kaya napahawak ako sa braso ni Lucian. Ayoko! Ayokong alisan ng memorya!

'Uirtutem cunctis protégé me mittere probabo' Bigla na lang akong nagsalita sa isip ko ng salitang kahit ako ay hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin.

Nag-snap si Loki kaya unti-unti akong nakaramdam ng pagbigat ng mga mata ko. Naramdaman ko ang pagsalo sa'kin ni Lucian nung bumagsak ako.

At bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay narinig ko pa silang nag-usap.

"Wala na ulit syang maaalala pagkagising niya"

"Patawad mahal ko, sinusunod ko lang kung ano ang hiniling mo sa'kin"

**

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at-"Balak mo pa bang magpaumaga dyan sa loob ng kotse?!"

Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya hindi pa ako makasagot kay Lucian. Kinatok niya ulit ang bintana ng kotse kaya lalong uminit ang ulo ko. "Saglit lang naman!" Bulyaw ko sa kanya.

"Shit! Ang sakit talaga ng ulo ko" Daing ko, habang hawak-hawak ang ulo ko. Pakiramdam ko mina-migraine ako eh. O parang mas malala pa.

"Alexis" Tawag ulit ni Lucian.

"Saglit lang kasi" Sumandal ako saglit sa upuan ng kotse at hinilot-hilot saglit ang magkabilang temples ko para medyo mawala ang sakit ng ulo ko.

After a while, nung medyo magaan na ng konti ang pakiramdam ko ay umayos na ako ng upo. "Alexis ano ba?!" Galit na ang tono ng boses ni Lucian, at nung tignan ko ang digital clock sa loob ng kotse ay napamura na lang ako. "Shit! 4:30AM na pala!" Dali-dali akong nag-ayos ng sarili para makababa sa kotse.

"Ano ba?! Wala ka bang balak lumabas sa kotse?" Galit na tanong niya.

"Oo na! Maghintay ka ha! Bakit ba kasi hindi mo ako ginising?" Bwisit na bwisit na ako. Nung inilibot ko ang tingin ko sa paligid ay nandito na kami at nakaparada na ang kotse sa kanto namin. Nasa labas na sya ng kotse, katapat mismo ng bintana kung saan ako nakaupo at mukhang galit na galit na kakahintay kung kailan ako lalabas.

Padabog kong binuksan ang pinto at saka ko isinara ng malakas. 'Yung halos masira talaga sa sobrang lakas para lalo syang mainis. "Balak mo bang sirain ang kotse ko?" Galit na tanong niya.

"Kung hindi ka ba naman kasi sira-ulo. Pwede mo naman akong gisingin kanina pa, hindi mo pa ako ginising. Talagang trip mo pang magmuni-muni muna dito sa labas ano?" Galit na sagot ko sa kanya habang nakapamewang. Ibig sabihin kung hindi pa ako magigising, balak niya talagang maghintay hanggang magising ako?

Mas lalo syang napikon dahil sa pagsagot ko, pero hindi na sya nagsalita. Kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. "Oh bakit?" Takhang tanong ko kung makita kong nasa tabi ko na sya at naglalakad kasabay ko. "Sasamahan lang kita hanggang makabalik ka sa apartment mo" Walang-ganang sagot niya.

Tumango lang ako saka ko sya hinayaan na maglakad kasabay ko hanggang makarating kaming dalawa sa may pinto ng apartment. "Papasok na ako sa loob" Paalam ko.

"Sige" Tipid na sagot niya.

"Umalis ka na" Utos ko, kasi nakatayo pa rin sya sa harap ko at nakatingin sa'kin. Ano bang iniisip pa niya at ayaw pa niyang umalis?

Tumango sya at saka ako tinalikuran.

Kaya lihim akong napangiti habang pinagmamasdan sya na naglalakad palayo.

Kunwari pa sya na naglalakad, eh babalik din naman sya dito mamaya. Natawa ako ng mahina nung maalala ko kung ano ang sinabi niya sa'kin noon sa kotse.

-Flashback-

"Ahh. Eh saan ka nakatira?"

"Sa bahay nung babaeng itinakda para sa'kin,"

-End of Flashback-

God! He's really a vampire, and he's freaking hot! Mas lalong lumapad ang mga ngiti ko nung may maalala ako.

Mahal na mahal mo pala ako ah. Ngayon, kailangan kong mag-investigate kung bakit nila ako inaalisan ng memory. I don't know what the hell happened. Basta ang alam ko lang ay tandang-tanda ko lahat ng nangyari kanina. Pati ang conversation nilang dalawa ni Loki bago ako makatulog tandang-tanda ko pa.

Maybe it has something to do with the words I've said, kaya hindi nawala ang memorya ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng apartment ay tumingin ako sa bintana na nakabukas. After a cold wind blew ay isinara ko na ang bintana. He's not invisible, but his reflexes are so fast. Kaya ihip na lang ng hangin ang nararamdaman ko.

Gusto kong tumawa, pero I can't dahil malalaman niya na hindi umepekto ang ginawa ni Loki. Pumasok ako sa loob ng banyo para maligo saglit. Hindi ko ugaling maligo ng ganitong oras, kaso ang dungis-dungis ko eh. Alangan matulog ako ng ganito.

**

Pagkatapos kong maligo at magbihis sa loob ng banyo ay naupo ako sa kama. Gusto kong mag-type at dugtungan ang story na ginagawa ko dahil ang dami-daming ideas ang gusto kong isama. Pati mga panaginip ko gusto kong isama sa story kaso hindi pa pwede sa ngayon dahil mababasa ni Lucian.

Humiga ako sa kama at huminga ng malalim habang nakatingin sa kisame. "Goodnight" I whispered. At saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakapikit at walang kagalaw-galaw nung may madinig akong bumulong sa kanang tenga ko. "Matulog ka ng mahimbing mahal kong prinsesa" Doon ko lang naramdaman ang pagod kaya tuluyan na akong nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

803K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
18.2M 452K 115
BOOK 1: Unlike Your Ordinary Fairytale BOOK 2: Journey To A Happier Ending BOOK 3: A Spell To Eternity All three books are published under Viva-Psico...
576K 28.1K 72
What if there is a world where things that you could only read in fantasy books, exists? A place that you wouldn't believe in, even seeing it on your...
11.2M 205K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...