The Rare Ones

By EvasiveSpecter

136K 4K 83

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 19

2.2K 71 2
By EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 19.
Abducted
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Ellesse's Point of View

"Sino ba kayo? Walang ginagawa 'yung tao tas nanggugulo kayo." sabi ko sa kanila sa seryosong boses.

Araw-araw na lang may nanggugulo. Nakakabanas na!

"Oh, Look! Daniela, Cath. The Olivia pakialamera is here." Sabi niya.

"What a waste, palagi ka nalang nakikipagkaibigan sa mga losers!" dugtong pa niya.

Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi nong nagngangalang Stella. Kaagad ko silang ginamitan ng kapangyarihan kong water att. Gumawa ako ng malaking bula na gawa sa tubig at ikinulong ko silang tatlo doon.

"Oh, ayan! Loser pala a!" galit kong asik.

Umirap ako at tsaka nag-walkout. Naramdaman ko naman na sumunod sa 'kin si Elleanor.

"Les! Why did you do that?" tanong niya sa'kin na hindi makapaniwala.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tinawag niya tayong loser Lea! Dumagdag lang siya sa nararamdaman kong galit ngayon."

Galit ako kay Gianna. Hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan ko nga ba talaga ang tao na iyon. Ayoko rin naman magpakampante dahil baka kakampi siya ng kalaban namin at marahil ay hindi aksidente ang pagkakakilala namin.

"Eh, ba't ka ba nagagalit sa kaniya Les? Hindi nga raw siya ang gumawa non? That's enough reason. We just need to trust her." Pangungumbinsi pa ni Elleanor sa 'kin.

Nakalayo na kami sa kanila at alam kong matatagalan pa bago makalabas ang tatlong iyon sa bula na aking ginawa.

"Trust her? I won't, Lea unless we can know the truth. I am certain that that supreme president was mistaken. Dapat sa 'kin niya binigay ang ebidensya. Imposibleng wala, Lea. Malinaw ang usapan namin sa araw na nag usap kami."

She's my mission as a mafia. Recently nakausap ko siya and I said to her na kapag feeling niya ready na siyang magbigay ng ebidensya ay magteleport lang siya sa room namin. Iyon ang kasunduan.

I am also angry sa katotohanan na hindi ko lang naman nagawang protektahan ang babae na iyon. Nangako ako sa kanya e. Nangako ako na magiging okay lang ang lahat kapag makikipagtulungan lang siya sa 'min.

It was all my fault. But there's a part of me saying that Gianna is not an ordinary girl. What if it's true that she's the one who killed the supreme president? Na tiyempuhan lang niya kasi wala kami?

It's just a what-if.

"Then let's go to the boss and do what we usually do in this kind of situation." Nahinto ako sa paglalakad sa sinabi ni Elleanor.

Is she crazy? Gianna is somehow our friend now. Kahit galit ako ay hindi ko naisip ang bagay na iyan kay Gianna.

"Don't look at me like that! I just wanted to ease your mind so let's do it. Beside magugustuhan din iyon ni boss. Remember, he was mad when he heard the news."

Napaisip ako sa sinabi ni Elleanor.

●∘◦❀◦∘●

Luna's Point of View

I am here in our dorm now. Ngayon lang natapos ma ayusin at ngayon lang din kami pinahintulutan na pumasok na uli. Gabi na ngayon at nasa kwarto na ako habang tinitingnan itong maliit na notebook na nakita ko sa kwarto ni Luna.

I'm trying to break it but it won't even budge a little. Napairap na lang ako out of frustration. Feeling ko talaga diary niya 'to e. It will be a big help kapag nabasa ko 'to.

Olivia is not here and so do the twins. Hindi pa raw nila kayang bumalik knowing na may namatay raw dito or maybe they're scared of me. I don't know.

Wala naman akong pake kung hindi nila ako paniwalaan. Basta nagsasabi ako ng totoo sa kanila. It's their choice if they'll believe it or not.

Ibinalik ko na lang ang notebook sa secret drawer ko. Kinuha ko ang phone at tumalon sa kama. I check the time.

It's already 12:01 at midnight. I was hoping na sasamahan ako ni Olivia rito sa dorm but then she refused. Ayoko rin naman makitulog doon sa bagong dorm na pansamantalang tutuluyan namin kasi mas komportable ako rito sa kwarto ko ngayon. Sinabi rin sa 'kin ni Olivia kanina na kilala raw niya ang mga babaeng nakaaway namin sa cafeteria.

Nagkibit balikat nalang ako nong tinanong niya ako kung natatandaan ko ba raw ang mga iyon. It's a good thing talaga na nag-disguise ako dahil hindi ako nakilala ng mga iyon.

Naisipan ko nang matulog nang biglang may kumalabog sa labas. Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo.

"Again?" bulong ko sa ere.

This time ay hindi na baril ang dinala ko dahil muntik na akong mabuking noon kung hindi ko kaagad naitago ang baril at ang bagay na ibinigay sa 'kin no'ng babae bago makarating ang mga pulis dito.

I'll use this baseball bat na nakuha ko sa loob ng kwarto ni Luna doon sa mansiyon. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at kaagad na lumabas.

To my surprise, wala akong nakita na tao. Tanging pintuan lang na nakabukas. Kumunot ang noo ko sa aking nakita.

"Hello, may tao ba diyan? Olivia? Elleanor? Ellesse?" sambit ko habang dahan-dahan na naglakad papunta roon.

Nang makarating ay tiningnan ko ang hallway. Tahimik na ang gabi at wala man lang akong nakita ni kahit isang tao sa hallway. Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko naman ang malamig na hangin.

Minumulto ba ako ng babae na iyon?

Naisipan ko na lang na isara ang pintuan at sinigurado ko na naka-lock talaga ito. Tumalikod na ako at naglakad na pabalik sa kwarto nang may naramdaman akong kakaiba.

Out of my reflexes. I did a backbend kickover of the hand of that someone na nagtangkang paluin ang ulo ko.

I heard her hiss! She's a woman.

Mabilis kong pinulot ang baseball bat at nang papaluin ko na sana siya ay bigla akong nastatwa. Nanigas ang katawan ko dahil nabalutan ito ng ice.

Dang! Powers!

Pinilit kong kumawala sa ginawa ng babae ngunit hindi ko man lang matabig ito. I can't lose with these people! Shit!

"Let me go!" asik ko sa kanila.

Isa lang ang nakalaban ko kanina ngunit sa nakikita ko ngayon ay dalawa na sila. Tinakpan nila bigla ang mukha ko ng isang telang-sako. Nagpumiglas pa ako sa abot ng aking makakaya bago ko naramdaman ang isang matulis na bagay na tumusok sa leeg ko.

Para siyang injection at tuluyan na nga akong nakaramdam ng panghihina.

"W-Who the h-hell are you?" huling wika ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

---

"Damned! I think she's a gymnast." girl 1

"Muntik na 'yun." girl 2

"What do we do kapag nagising siya?" girl 1

"Hintayin muna natin si boss." Boy 1

'Yan ang dinig kong usap-usapan nila. Kakagising ko lang at ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Masasabi ko na nakagapos ako sa upuan ngayon dahil nasa likod ang kamay ko at ramdam ko ang pagkakatali nito.

An image pops up in my head. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi makagawa ng tunog dahil sa biglaang pagsakit ng ulo.

An image na nakagapos din ako sa isang upuan at may tatlong tao na pinagtatawanan ako sa itaas ng rooftop. Hindi masiyadong malinaw ang mukha nila kung kaya't napadaing ako sa sakit ng aking ulo.

"F*ck!"

"Gising na siya? Matagal pa ba si boss?"

"Just wait okay," ani nong lalake.

"Anong kailangan niyo sa 'kin?" matapang kong tanong sa kanila.

"Just shut up!" asik nong isang babae.

"Boss," bulalas nilang tatlo.

Naramdaman ko ang pagtanggal ng telang-sako na nasa mukha ko. Doon napapikit ako ng bahagyang masilaw ako sa flashlight.

"Ano ba! Ilayo niyo nga 'yan sa 'kin! Sakit sa mata!" asik ko.

Bigla naman itong in-off ng may hawak nito. Ngayon ay natanaw ko na sila pero hindi iyon sapat para makita ko ang mga mukha nila.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na nasa lumang building pala kami at tanging kakarampot na ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag namin dito sa loob.

Bigla na lang may umilaw na apoy sa may gilid ko. It's a bonfire na nagpaliwanag sa loob ng building. Napansin ko na gawa iyon sa isang lalaking balot na balot ang buong katawan.

Ngayon ay kitang-kita ko na talaga sila but they're in disguise at halos balot na balot na ang katawan nila. Sino ba sila?

"Give us the thing at pakakawalan ka na namin. Let's finish this quickly." Kumunot ang aking noo sa sinabi ng lalaki. Mukhang ito ata ang boss nila.

His voice is so deep. A baritone voice na mas malamig pa sa boses ng dati kong ama.

"Anong thing ba ang tinutukoy ninyo? Tsaka, sino ba kayo?" kunyari kong tanong.

"You kill that woman, right?"

Umiling ako, "Isa rin ba kayo sa kaibigan ng supreme president na 'yun? Ni hindi ko nga siya kilala e. Ba't ko naman siya papatayin? At wala akong alam sa 'thing' na sinasabi ninyo, jusko naman!" asik ko.

Nagsalita naman ang babaeng nasa tabi nito.

"Wala ba talaga siyang ibinigay sa 'yo? Or any last word man lang?"

"Bakit ba maraming obsessed sa kaso ng babaeng 'yun? 'Di ko kayo maintindihan? Okay, her last word was 'Rare Ones'. Happy?" I sarcastically said.

"Rare ones," pag-uulit ng boss nila.

"Anything else?"

I greeted my teeth in anger. "Wala na! Kaya pakawalan niyo na ako kasi may pasok pa ako bukas. Kapag pinatay niyo naman ako dito ngayon ay lagot kayo sa ate ko!" pananakot ko sa kanila.

I play dumb, ayokong ipahalata sa kanila na malapit ko nang matanggal ang lubid na nakatali sa kamay ko rito sa likod. Kailangan kong kunin ang atensiyon nila para tuluyan ko silang matakasan. Talong-talo ako sa kanila ngayon kasi wala along kapangyarihan.

"Gianna Abigail Hansen. You're just a scholar yet look at this?" pinakita niya sa 'kin ang bago kong phone.

Sabi na e.

"Big time 'yung ate ko! E ano naman kung may ganyan ako. Wala naman akong inaapakang tao! Matinong pera ang ginamit ni ate diyan kaya wag na wag niyo 'yang sirain kundi malilintik-" Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko nang binali na niya ito.

"Boss!" reklamo ng isang babae.

Umawang ang labi ko sa kanyang ginawa.

"That's a bit too much, wala sa usapan natin 'yan." Ani nong isang babae.

Inawat naman siya nong isa pang lalake.

"Enough blue! Red, take her outside. Doon kayo maghintay."

Bahagya akong napangisi. Blue? I think I heard that name before.

"Are you part of an organization?" I ask amusingly.

"No comment," sagot nong isang lalake habang ang dalawang babae ay naglakad na palabas.

"Kapag hindi mo ibibigay ang hinihingi namin ay mapipilitan kaming saktan ka. You won't like what we'll do to you." Pananakot pa ng boss nila sa 'kin.

"Kahit bugbugin niyo pa ako dito ay wala akong maibibigay sa inyo kasi wala naman talaga akong natanggap sa babae na iyon. May pakay kayo sa babae na 'yun noh? Katulad ng mga pulis."

"Tell me what's the tea para naman maintindihan ko kung ano talagang tinutukoy ninyo."

"Finish her," tumalikod ang boss nila at naglakad palayo.

"Hey! Palitan mo 'yung phone ko! Bago pa lang 'yun!"

Bigla na lang na-off 'yung bonfire na nasa gilid ko at dumilim na naman kaagad ang paligid. Thankfully, natanggal ko na ang lubid na nakagapos sa kamay ko.

But then hindi ako nakagalaw ng bigla na lang may anino na sumakal sa leeg ko.

"Argh! F*ck! Dark att!" asik ko.

As I struggle to fight back ay kinuha ko na lang ang maliit na kutsilyo na ginamit ko pantanggal sa lubid. Mabilis akong tumayo ng hindi napapansin nong isang lalake na sumunod lang din sa boss niya at ginamit lang niya 'yung attunement niya para patayin ako.

They're really going to kill me.

Walang pasabi ko iyong iwinasiwas sa lalaki natamaan siya sa likod at sa pagharap niya ay sinaksak ko kaagad siya sa tiyan niya. Napadaing siya ng dahil doon.

"Dark!" bulalas nong boss nila.

Kaagad na nawala ang nakapulupot sa leeg ko at napahandusay sa sahig ang lalakeng tinawag na dark ng boss nila.

Matalim naman akong tiningnan ng boss nila. Unang pumasok sa isip ko ay ang tumakbo. Mabilis akong tumakbo na dala pa rin ang maliit na kutsilyo.

Muntik na akong atakihin sa puso nang makitang may biglang lumabas na apoy sa harapan ko. Iniwasan ko kaagad ito at tumakbo muli. Muli na namang may apoy na humarang sa dadaanan ko kaya iilagan ko na sana ulit ito nang may humila sa buhok ko ng marahas.

Napadaing ako sa sakit.

"You're not going anywhere! You'll die here, peacefully. I don't like liars!"

Tumalikod ako at tinira siya nitong hawak kong kutsilyo.

"Why aren't you using your power?" tanong niya nang mabitawan niya ang buhok ko.

Napangisi ako sa tanong niya.

"My power is just too strong for someone like you," pang-iinis ko kahit na ang totoo ay kinakabahan na ako ngayon.

Hindi ko alam kong makakalabas pa ba ako rito ng buhay. Well, I need to, marami na akong napatay na mga katulad nila. Ngayon pa ba ako aatras.

"Well then, I won't use power too. Seems like you can-" inunahan ko na siya.

Nakipag-combat ako sa kanya without any disguise. Bahala na! Ang importante ay makalabas ako dito ng buhay para matingnan ko kung ano nga ba talagang laman doon sa hinahanap nila sa 'kin.

"Great, you can fight." He happily said.

Sa gitna ng paglalaban namin ay sinipa ko ang suot niyang sumbrero kung kayat lumantad sa 'kin ang mukha niya. Naka mask siya kaya mata niya lang ang nakita ko.

He's hazel brown eyes. I was distracted by his eyes kaya hindi ko napansin ang atake niya. Nasuntok niya ako sa mukha kung kaya't tumilapon ang eyeglass na suot ko.

Shet! Hindi pa naman ako naka contact lens ngayon. Ayokong malaman nila ang totoong itsura ko.

But without knowing ay napalingon pala ako sa kaniya dahil sa bilis ng pangyayari. Nagtama ang mata naming dalawa bago ko inilihis ang tingin ko at tinakpan ang mukha ko sa aking buhok.

Kaagad kong kinuha ang eyeglasses ko at isinuot kaagad ito. Nagtaka ako ng maistatwa siya sa kinatatayuan niya. I think he's done fighting kung kaya't kinuha ko na ang pagkakataon at tumakbo na papalabas.

Narinig ko naman ang dalawang babae na kakapasok pa lang.

"Boss!"

"Dark! What happened to him?"

"Don't! Let her go."

Dinig ko pang salita nila bago ako tuluyang nakalayo.

Hinihingal ako nang makahinto ako sa gilid ng kalsada. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para tingnan kung saang lugar ako napadpad.

"Sh*t! Malayo sa school ang lugar na 'to. Mukhang kailangan kong takbuhin ang daan kung gusto kong makarating doon ng hindi pa sumisikat ang araw. Nakakainis!"

Napabuntong hininga ako at nagsimula nang tumakbo. Nakalayo na ako sa kanila at nakasisiguro naman ako na hindi na nila ako hahabulin pa dahil iyon ang sabi ng boss nila. Muntik na akong mamatay.

Habulin pala talaga ng kamatayan si Luna.

Huminto muna ako dahil sa pagod. Hinihingal ako nang bigla ko na lang maramdaman na may malamig na tubig na umaagos sa likod ng ulo ko.

Hinawakan ko ito. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na isa itong dugo.

"What the..."

Bigla na lamang umikot ang paningin ko. This is it. Mamatay na talaga ako ngayon. Hindi ko na nagawang kumilos pa dahil sa panghihina ng katawan ko. Bumagsak ako sa malamig na lupa.

Sinipat ko ang mga anino na nakita ko sa harapan ko. Marami sila, sa bilang ko ay nasa anim sila at ang isa sa kanila ay may dalang kahoy na ipinatong pa nito sa kaniyang balikat.

Iyon siguro ang tumama sa ulo ko ng hindi ko man lang namalayan. Hindi ko alam kung kasamahan ba nila 'to o iba na namang grupo.

"We got her. Akala ko pa naman mahihirapan tayo."

"Kaya nga, ayaw pa kasing ibigay doon sa ibang grupo e. Easy to catch na lang sana kung pinalabas na niya 'yung thing na sinasabi nong kumuha sa kanya."

Narinig ko ang munting halakhak nila. Pinilit kong bumangon ngunit hindi na talaga kaya ng katawan ko. Mapait akong napangiti. Bigla ko na namang naalala sina ama at ina. Nakahandusay din ako sa kalsada noon at hindi man lang kayang tumayo para labanan ang bumaril sa kanila.

"Paglaruan muna kaya natin siya? Boss?"

"Tsk! Tsaka na pagnakuha na natin ang hinahanap natin sa kaniya."

"Then ako na ang kakapkap sa kaniya." parang nae-excite pa na sabi nong isang lalake.

Tsk! Manyak!

Just when the man will touch me ay nakita ko na bigla na lang itong tumilapon. Nanlalabo na rin ang paningin ko at ang huling nakita ko na lang ay isang pigura ng naka-itim na lalake.

Pumasok pa sa isip ko ang picture na ipinakita sa 'kin sa kuya ni Olivia na si Enzo. Para kasing, magkatulad sila e.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Basta ang huling narinig ko lang ay ang tunog ng labanan nila.

And everything went black...

─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

166K 8K 56
A single but stable woman got in a car accident and found herself in a Duchess' body who will die at the age of hundred twenty six due to the curse o...
252K 8.1K 71
©2017 -Unedited- Sword of Justice. The missing sword. The sword that no Swordailes can able to summoned for almost a decade or two. The sword that pl...
19.9K 863 38
In the majestic world of Magos Zarroah, rain is special to many beings. But little did they know that every drop of rain is made by the drop of her t...
230K 5.1K 46
The Runaway Girls Series #1 Euphony Rae Salazar is the perfect example of a woman with principles. Lahat gagawin niya upang umahon sa hirap dahil nan...