Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Treinta y nueve

17.9K 656 297
By cursingfaeri

~39~
"Louie, wait up!"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag. "Why, what's wrong?"

"You're living around Ortigas complex, right?" nakahingal pang tanong ni Dale na sinagot ko lang ng tango. "Do you know where Richmonde Hotel is? I mean, can you tell me a familiar place perhaps. I'm meeting someone there eh. One of the org's sponsor and I don't know where that is."

Saglit kong inisip ang eksaktong lugar na binanggit nito. Then thought of a landmark.

Hmm. Medyo may kalayuan din ng konti kung lalakarin mula sa condo ko, pero pwede na. Kaya naman. Alam kong malapit lang sa Philippine Stock Exchange iyon.

"Malapit lang sa Philippine Stock Exchange. Alam mo yun? Uhm... Lagpas ng San Miguel Corporation yung Richmonde. Corner San Miguel Ave and Lourdes street. "

Nakita ko sa mukha nito ang confused look kaya napabuntong-hininga ako. Katamad mag-explain.

"Tara na nga. Samahan na lang kita," saad ko dito at nauna na sa paglakad.

It took me a few seconds to realize na walang may sumusunod sa likod ko. Paglingon ko, nakita kong nakatayo pa din ito sa eksaktong lugar na kinatatayuan niya kanina.

Unbelievable. "Wuy, ano?" nagtatakang tanong ko dito.

"H-Ha?" saad nito na tila naalimpungatan sa pagkakahimbing saka ikiniling ang ulo. "Ah, wala. Magko-commute ba tayo?" nagsimula itong maglakad palapit sakin.

"Hmm. Wala akong sundo ngayon eh, kaya yup. We'll take a cab," kibit-balikat na sagot ko habang kinakapkap ang wallet sa sling bag.

"Okay lang ba na kotse ko na lang ang-"

"May kotse ka?" mabilis akong napalingon dito kasabay ng pagbalik ng wallet sa bag. "Yun naman pala eh. Tara. Saan?"

Makakalibre pa yata ako ng pamasahe, hehehe.

Nakita kong alanganing ngumiti lang ito habang binabaybay namin kung saan ito nagpark ng sasakyan.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Ah, wala naman."

"Sa Katipunan na tayo dumaan ha?" sabi ko pa dito bago sinenyasan itong huwag na akong pagbuksan ng pintuan ng- shit.

Parang ayaw ko pang maniwala sa kotseng tinigilan namin. Ang gara ng Nissan Patrol niya. It was the latest of its kind. Last weekend lang namin napag-usapan nila Kuya ang tungkol sa mga brand ng kotse while we were browsing the models that we like.

Nauna pa akong pumasok sa kotse ni Dale nang marinig ko ang tunog na senyales na pwede ng buksan ang sasakyan. Pasimple kong pinagsawa ang paningin sa interior ng kotse nito.

And I just wished my mom would think of giving me one of my own on my eighteenth birthday.

Inggitera lang, Louie? Ang inggitera mo!

***
"Mabuti pala sumama ka sakin?" Dale said while we were stuck in a traffic along Katipunan.

Matagal na sandali pa akong napaisip ng sasabihin ko bago mahinang natawa.

I also cannot believe that I would be talking with the Dale Anthony Montemayor like this. Like we were having some casual conversation. My decision of accompanying him sa pupuntahan nito ay medyo may kabiglaan, oo. But for the past weeks, hindi ko alam kung paano pero medyo humupa yata ang inis ko dito at pansamantalang nagkaroon kami ng truce. It was when our Chemistry prof decided to divide us into groups of two para sa three weeks thesis work. At yes, ka-buddy ko si Dale. I was expecting a power-struggle teammate. But he was so patient, considerate and open-minded. Hindi ko lang talaga in-expect na para sa isang katulad niyang competitive, ilang araw niyang pagtitiisan ang pagmamaldita ko, hahahaha.

I was really giving him a hard time. Pero habang tumatagal, his actions were telling me how bratty I was to him when we were supposed to do a group work together. Kaya naglie low ako ng konti. Hanggang sa hindi ko napansin na ang tingin ko na dito, 'parang okay naman pala siya'. To top if off, our work got the highest grade. Sabi pa nga ng mga kaklase namin, they already expected that considering na kami pa ang magka-grupo. I didn't understand that dahil tingin ko naman, matatalino lahat ng kaklase ko.

At sa ilang linggong pagsasama namin para sa mga paper works at research works, parang malapit na din yata ako nitong ma-convince sa organization na sinasabi nito.

I don't know how the hell did that happen.

"Is that the reason why you looked dumbfounded earlier?" saad ko dito habang bahagyang nilingon.

Nakita kong napatingin ito sa kanan at napakamot ng ulo. "You could say that."

Then I caught him smiling at nang makita akong nakatingin dito ay mabilis na umiwas ito ng tingin. He then cleared his throat. "Uhm. Last time I checked, I think... you don't like my presence."

Kibit-balikat lang ang sinagot ko dito.

Nakarating kami sa Richmonde Hotel ng quarter to six. Seven PM pa naman daw ang appointment niya. Nagtanong ito kung gusto ko ng maiinom, pasasalamat na lang daw sa pagsama ko sa kanya pero magalang lang akong tumanggi. I was in a hurry to go home so I can eat and do my homework so I can sleep early. O baka matulog muna ako nang konti bago ang lahat. Bahala na mamaya.

"Hindi na. Sa bahay na lang, inaantok na din ako eh."

"Salamat sa pagsama sakin. Are you sure na ayaw mong ihatid na kita sa bahay niyo?" muling tanong nito sakin.

Umiling ako dito. "You go grab something to eat habang naghihintay ka. May milktea shop banda sa Shang, yung Zen Tea. Sa likod banda ng street ng Richmonde, if you're okay with that. Madaming kainan sa vicinity."

Fifteen to twenty minutes walk lang naman ang condo mula sa hotel. Pag binilisan, baka makuha ko pa ng ten minutes. Ayoko nang maabala pa siya. Hindi hamak pa naman ang traffic ng mga oras na iyon.

Hindi na din ito namilit pa. Ngunit nang akmang tatalikod na ako dito upang magpaalam, narinig ko pang nagsalita ito mula sa likod ko.

"Let me buy you a drink some other time, Louie."

Matagal na sandali akong napatigil sa kinatatayuan bago ito nilingon. Nakita ko sa mukha niya ang antisipasyon. And apprehension?

Napatango ako dito. "Some other time, sure. Sige."

Hindi ko na nakita ang tipid na ngiti na sumilay sa mga labi nito.

***
Thursday

What a day.

Wala na nga si Tatay para sunduin ka, nakalimutan mo pang dalhin ang wallet mo. Yan tuloy, ano'ng mabibili ng laman ng coin purse mo para maibsan ang gutom mo?

Bakit kasi hindi ko napansin kanina habang magkasama pa kami ni Buhangin, naka-utang pa sana ako bago siya sinundo ng kuya niya.

Try mong isanla muna ang 64G mong USB dyan sa coin purse mo Louie, sakaling may pumatol.

Ulyanin ka kasi.

Eh ano naman kung makakalimutin ako? According to research, people with high intelligent quotient tend to forget trivial things. Kaya normal lang sakin yun, huh.

So trivial pala ang allowance mo? Ano ka ngayon?

"Louie."

Napatigil na lang ako sa paglalakad as I just felt my body stiffened. And my heart... skipped a beat.

Alam mo yung boses na sobrang pamilyar sa pandinig mo na kahit siguro nakapikit ka habang nakalambitin na pabaliktad ay hinding-hinding-hindi mo makakalimutan?

I couldn't help to discreetly bite my lip while gathering my wits. I still managed to smile nang lumingon ako dito. Kahit na pakiramdam ko ng mga panahong iyon ay bigla akong nagpakalunod sa kape sa klase ng pagkabog ng dibdib ko.

"Mase! Long time no see ah," I said, while somehow feeling that something in him looked... "Nagpaputi ka ba? Or namumutla ka? It's just me o parang ilang araw kang hindi nakakita ng araw?"

To be honest, nabigla din ako sa sinabi ko pero huli na para bawiin iyon.

I didn't know if I saw him flush, maybe he did because of what I said, but his sheepish smile... God. It was enough to make my heart do some somersault.

Say what, Louie?!

I can't even imagine myself saying this!

"May pinaghahandaan lang ako nitong nakaraang mga linggo. Natanggap mo ba ang text ko?" narinig kong pakli nito.

"Kelan?" kinabahang tanong ko. Hindi ko na kasi tinitingnan ang cellphone ko maya't-maya sa takot na ma-disappoint lang. Like every. Single. Time.

Alam mo yun? muntik ko nang isatinig dito. Pero sigurado akong hindi siya kahapon nagtext. Nagcheck pa ako kagabi eh, hehehe.

"Ano-"

"Teka," nakangiting putol ko habang kinukuha ang iPhone sa bag. "Pasensya na ha? Hindi ko talaga best friend 'tong cellphone ko eh," natatawa pang saad ko.

Shit, bakit ako parang natataranta na ewan eh text lang naman 'yon, argh.

Nang pindutin ko ang lock button ng phone at umilaw iyon ay hindi ko na kailangang buksan pa ang telepono para mabasa ang maikling mensahe nito. Na halos ikaihi- este ika- ikaw. Ako. Tayo. Ay panghalip panao.

Mason:
Are you free after your class today?

Pasimple akong napalunok ng laway bago tuluyang in-unlock ang phone matapos pindutin ang code upang makapagtipa ng reply ko. Parang bigla akong nahiyang tumingin ng diretso dito. Umurong yata bigla ang self-confidence ko.

Ngayon pa talaga?!

Manginig-nginig na yata ako sa pagtype eh ang walanghiyang daliri ko, tatlong letra lang naman pala ang kayang i-type.

To Mason:
Yes

Narinig ko agad ang pagtunog ng telepono nito, senyales na dumating na ang reply ko. And while he was checking his phone and looked like he was composing a message, it was a chance I ought not to miss. My eyes didn't leave his face because I have this strong desire of watching his expression. His amused face, for that matter. Nakita ko kung paanong napakagat labi ito ng ilang beses, napapakamot ng ulo at napapangiti.

I can't help but smile too kaya nagulat pa ako nang magvibrate ang cellphone ko. Mabuti na lang, hindi ako napamura sa harap nito.

Mason:
Saan mo gustong kumain? :)

Hindi ko na kaya. Hindi na. Nakakanginig na ng laman 'to. Nakakasira na ng konsentrasyon. Malapit ng lumabas ang puso ko sa rib cage.

Ano ba 'to, dala pa ba ng gutom 'to? Ang OA ha, Louie. Ang OA lang.

Pikit-matang lumunok ulit ako para bumuwelo bago diretsong tumingin kay Mason pagkatapos kong isinuksok pabalik sa bag ang hawak na cellphone.

Oo nga pala, gutom nga pala ako.

"Sa Jollibee, Mase. Na-miss ko ang spicy chicken joy nila at peach mango pie."

***
Nakarating kami ni Mason sa Robinson's Magnolia sa Quezon City.

He ordered my request of spicy chicken joy thigh part, pineapple juice and peach mango pie. He ordered the same by the way. Hindi ko alam kung bakit siya gaya-gaya, pero bakit kiniki- eherm- hindi ko nga alam kung paano kami napadpad dun eh.

Ah, ano pala. Kasi pagkatapos naming daanan sa apartment nila ang kotse ng kapatid niya para magamit namin, nagtanong siya kung nakapunta na daw ako ng Robinson's Magnolia. I told him yes, pero once pa lang. I was with my family nang magbuffet kami dun. Then he asked kung nagustuhan ko ang lugar. I told him I find it cozy and nice. Kasi mukhang hindi congested ang lugar, dagdagan pa ng magandang ambiance.

"So okay lang na doon na tayo magJollibee?" tanong nito sakin.

Bahagya pa akong nagtaka. "May Jollibee pala dun?"

"Meron. Sa lower ground floor," sagot nito kasabay ng pagbukas ng passenger seat para sakin.

"Mukha kasing sosyal ang lugar eh," nakangiti kong saad dito upang pansamantalang aliwin ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagka-ilang sa biglang pagkakalapit ng distansya namin lalo na nang ito pa mismo ang nagkabit ng seatbelt sa upuan ko. I can literally smell his perfume combined with his own manly scent at muli na naman akong napalunok ng wala sa oras.

Tama na! Be still, heart. This is false alarm. False alarm lang 'to di ba? Huhuhu.

Nakarating naman kami nang matiwasay sa Jollibee kahit medyo matagal ang byahe dahil rush hour. Mga saktong six thirty ng gabi, we had our food ordered and served on our table dahil may 20 minutes to wait daw sa part ng manok na pinili namin.

For the first time since my short-tempered hungry self would usually react, I didn't mind.

Strange, Louie. Strange.

Habang kumakain, napag-alaman ko ang rason kung bakit abala ito ng mga nakaraang araw. He was preparing for a departmental quiz bee. Hindi na ako nagtanong pa tungkol doon after he told me how he had been studying for it. Ayoko lang madagdagan ang stress niya. Kahit ako naman sa sitwasyon niya, gusto ko ding makahinga pansamantala. He was obviously being too hard on himself by studying too much. Baka ito na nga lang ang time niya para makapag-unwind tapos ire-remind ko pa sa kanya 'yon.

Tsaka hello? Halata namang importante dito ang quiz bee. Nagmukha ba naman siya biglang model ng whitening soap sa pagpapakamongha niya nitong nakaraang linggo. Kaya nawala na din bigla ang tampo ko dito sa hindi niya pagtetext- OO NA! Inaamin na nga di ba. Nagtampo ako. Tsaka ano. Nahiya lang din ako ng konti na tanungin kung kumakain pa ba siya sa oras. O nakakatulog ba ng sapat. Baka kasi kung ano isipin nito.

GUSTO KO LANG MALAMAN. WALANG IBANG KAHULUGAN IYON 'NO! Pwede ba?!

"Kamusta ka na pala?"

"Ako?" Hindi Louie, si Charlie tinatanong niya. Kasi best friend kayo.

Napangiti ako nang tumango ito.

"Okay lang naman. Ikaw ba, okay ka pa?"

Bahagya itong natawa. "Okay pa. Sorry ha. Hindi ako nakakapagtext lately."

Nakakainis kaya maghinta- I smiled. "Naku, okay lang. You have no responsibility naman na itext ako lagi."

"It's my-"

"Tsaka sabi mo nga di ba? You're prepping yourself sa quiz bee."

Nakakakaba naman ang pag-uusap na 'to.

Nakita kong ngumiti ito sakin. Maya-maya pa ay nakaramdam kami ng pagvibrate. Na ang salarin ay ang cellphone ko.

"Anak, nakauwi ka na ba?"

Bahagya pa akong napatalon sa kinauupuan nang marinig ang boses ni Mama.

"Ay, Ma sorry. Hindi na ako nakatawag. Nandito po pala ako sa Robinson's Magnolia." Napatingin ako kay Mase habang pasimpleng pinindot ang mute sa cellphone. "Excuse muna ha?"

Tumayo ako nang tumango ito.

"Ano'ng sabi mo Ma?"

"I was worried kasi hindi ka man lang nagsend ng message. Ano bang meron diyan ngayon?"

"Sorry po. Okay lang naman ako. Ano. Dinner lang po. Uuwi din naman ako pagkatapos nito," kagat-labing saad ko dito.

"Kasama mo ang mga kaklase mo? Group work?"

Matagal akong hindi nakasagot.

"Anak? Nandyan ka pa ba?"

"Ma... Nandito pa ako."

"May sinabi ka ba?"

"Wala po."

Bigla kong narinig sa kabilang linya ang boses ng mga pinsan ko. Parang nagkakasiyahan ang mga 'to. Maya-maya pa ay napahalakhak na lamang si Mama.

"Kausapin ka daw ng pinsan mo. Date tayo bukas anak, wala ka namang pasok sa hapon kapag Friday di ba?"

Pero hindi na ako nakasagot ng 'Oo' kay Mama nang maulingan ko na ang boses ni Kuya J.

"Bunso. Ehem..."

"Bakit?" Ano'ng problema ng lalaking 'to?

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit biglang kinabahan ako sa approach ng boses ni Kuya.

"Kilala namin ang kasama mo ngayon," himig panunudyong saad nito.

"What? Ma, oh!" Mabilis na gumapang ang init sa magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Kuya J. "Ibigay mo nga kay Mama ang phone, Kuya. Magpapaalam na ako. Hindi pa ako tapos kumain."

"Asus. For the record, hindi naman talaga worried si Mama. Everyone is just curious. Mason called earlier to ask permission kung pwede ka niyang ayaing kumain sa labas..."

And just like that, I ended the call.

Define doomed in two words?

Louie Antoinette.

Kagat-labi akong napatingin kay Mason at mabilis ding napaiwas ng tingin ng makitang kanina pa yata ito nakatitig sakin.

Bahala na nga.

Continue Reading

You'll Also Like

945K 30.4K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
170K 1.4K 6
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
60.8K 4.8K 25
Jazmine Allison and Sofiera
672K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...