How To Be The Villain (Comple...

Par Vis-beyan28

23.5K 861 34

Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the boo... Plus

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogo

Kabanata 21

346 16 1
Par Vis-beyan28

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"ANONG nangyayari dito?"- nagtatakang tanong ni zamir ng makapasok sila kasama ang mga gaya niyang student council.

"W-wala."- ngiti nung babaeng nagsimula ng gulo at nilayasan si maki at vaughn.

Sumunod naman ang mga alipores nito at naglakad na paalis ng kantina. Nilampasan pa nila ang mga student council na nagmamadali at nakayuko.

"Ayos lang kayo?"- tanong ni zamir ng makalapit sila sa tatlo.

Tumango naman si vaughn bilang tugon.

"Mabuti kung ganun. Kapag nangyari pa ito ay huwag kayong mahihiyang magsabi sa amin."- ngiti nito.

"Ah nga pala, isa ka sa mga bagong estudyante, tama ba?"- baling nito kay silas.

"Tama."- tipid na sagot ni silas.

"Kinagagalak kitang makilala."- ngiti nito at nagpaalam na sila.

Nagtungo silang lahat sa linya para pumila.

"Ayos lang kayo?"- tanong ni caden ng makabalik ang tatlo sa lamesa.

Pakiramdam ko lahat ng estudyante ay takot sa student council. Kakaiba ang aura nila. Pagpasok pa lang nila ay agad ng tumahimik ang lahat. Pati ang mga naka silver badge ay hindi pumalag at walang nagsalita.

Malaki pala ang kapangyarihang dala ng pagiging myembro ng student council.

"Tutal tapos naman na tayong kumain, maaari na ba tayong umalis?"- nakangiti kong tanong.

"T-tama."- naiilang na pagsang-ayon ni vaughn at nauna ng tumayo.

Sumunod naman kami at naglakad na paalis. Ang ilan pa ay tinignan kami at nagtaka bago tuluyang makalabas.

"Maaga pa naman kung kaya't babalik muna ako sa aking silid."- ngiti ko sa kanila.

Nagtaka pa si silas at caden sa biglaang ugali ko. Alam na nila ang katangian ko kaya hindi na ako nagulat pa sa reaksyon nila.

"At saan kayo pupunta?"- biglang may nagsalita sa likuran ko.

Napintig ang tenga ko at nawala ang ngiti ko.

Late na akong nakatakas.

Dahil alam ko na ang susunod na mangyayari ay binalak ko talagang umalis ng mabilisan para hindi madamay sa bagong gulo. Ngunit dahil naantala kami ng ilang minuto ay hindi ako nakatakas.

Sh*t!

"Ahahaha. Nakalimutan pala nating kumain ng panghimagas."- palakpak ko at tinulak silang apat papasok ng kantina ngunit hinarangan na nila kami.

"Kinakausap ko pa kayo."- sinamaan kami ng tingin ng lalakeng nagsalita kanina sa likuran ko.

Napakatangkad nito at maskulado.

"Sundan niyo ako."- yaya niya na may nagbabantang tingin.

Napalunok si vaughn at kumapit sa kambal niya.

______________________________________


"Napasunod mo sila?"- narinig naming tanong ng naunang lumabas yung maskuladong lalake sa hardin.

Nang sumunod kami ay nakita namin ang babaeng bumully kanina kay maki kasama pa din ang alipores nito ang tatlong lalakeng nakita namin sa lamesa nila.

"Ha! Kung hindi lang sana pumasok ang mga konseho ng mag-aaral (student council) ay nabigyan na kita ng leksyon!"- galit na saad nito ng makalapit kami sa kanila.

Mabuti naman at walang ibang tao kundi kami. Ayoko pa namang madamay ang pangalan ko pag nagkataon.

"At talagang tumawag pa sila ng tulong."- komento ni caden na narinig nila.

"Anong sabi mo?!"- singhal nung isang lalake na mukhang aso.

"Itikom mo yang bibig mo bata kung ayaw mong ipakain kita sa alaga ko."- takot niya at biglang nag transform ang kamay niya sa isang ahas.

Nanatili ang walang pakeng mukha ni caden at hindi man lang natakot.

"Mga maralita lang naman kayo pero kung umasta kayo para kayong sino ha? Sino bang mga magulang niyo?"- ngisi nung isang lalake at lumapit samin.

Pinagmasdan pa niya kami mula ulo hanggang paa.

"Aba, may isang napadpad dito na pilak ang tsapa (silver badge)."- natigil sa harapan ko ang lalake. Magkasingtangkad lang kami pero yung mukha parang demonyo.

Tinapik niya ang badge ko.

"Ba't ka nasali dito? Mayron ka ngang pilak na tsapa ngunit nagmumukha kang katulad nila."- natawa silang lahat.

"Saang lugar ka galing? Kaninong pamilya ka kabilang?"- usisa pa niya.

Nanatili naman akong kalmado at nakapamulsa.

"Ba't di ka nagsasalita? Pipi ka ba?"- insulto pa niya.

Napintig bigla ang tenga ko sa narinig.

"Ako? Pipi? Hindi bulag ako. Ni hindi ko nga napansin yang pagmumukha mong parang demonyo eh!"- bigla kong sigaw habang may maasim na mukha.

Nagulat ito sa biglang pagsigaw ko at napangiwi ng makita ang mukha ko.

"Ano?! Ba't aatras ka halika dito! Ang yabang mo ah. Sino ka ba? Kilala ko ba pamilya mo? Ba't parang hindi kita namumukhaan?"- hawak ko pa sa baba ko at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Hiiii!"- singhap niya at namutla sa biglang sumbat ko.

"Mukhang demonyo din ba ang pamilya mo? Mukha kaseng galing kang impyerno! Hahahahahaha! Huwag mong sabihing si satanas tatay mo?!"- parang nababaliw kong puna.

Bigla namang natahimik ang paligid na para bang nakakita sila ng multo.

"A-anong sabi mo?!"- sigaw niya sa inis.

"Naninigaw ka na?!"- pinandilatan ko siya ng mata at sinampal ang ulo niya.

"Hiiii!"- gulat nilang singhap.

"Wala kang respetong bata ka ha! Sinong may sabing sagutin mo ko!"- sigaw ko at sinampal ito sa mukha.

"Hiiiiiiiiiiii!"- namumutlang singhap ng mga nanonood.

"I-isususmbong kita sa punong-guro!"- mangiyak-ngiyak na saad nito habang hawak ang pisnging namumula.

"Hmmm....hindi pantay."- komento ko ng mapagmasdan ko ang mukha niya.

"Punong-guro?"- saad ko at ngumisi. "Edi magsumbong ka! Pake ko ba?!"- at muli itong sinampal sa kabilang pisngi niya.

"Sinong gustong sumunod maging tocino ang mukha?!"- hamon ko sa kanila.

"Hiiiiiii!"- angil nila at napaatras pa.

"Ang pangit ng mukha."- komento naman nung maskuladong lalake.

Mabilis ko siyang nilingon at nilapitan. Umiwas naman ang ilan sakin ng malapitan ko ang pwesto nila.

"Ah? Ha? Anong sabi mo?!"- maangas kong tanong habang inuusisa siya.

Hindi naman nagpakita ng takot ito habang nakababa ang tingin sakin.

Palihim akong napalunok.

Hindi ata gumana sa kaniya yung angas ko.

"Di ka ba tinuruan ng nanay mo na huwag manlait ng iba kung ang mukha mo ay mas pangit pa kaysa sa kanila?"- kunot-noong tanong ko.

"Ha?"- inis niyang reaksyon at mas lumapit pa sakin.

Hindi naman ako umatras at tinignan siya sa mata. Naging seryoso ang mukha ko.

"Pag-alis mo dito umakto ka na parang walang nangyari."- bulong ko habang nanatiling nakatitig dito.

Natulala siya sakin na parang estatwa. Ngumisi ako.

Gumana nga! Akala ko sa totoong mundo ko lang kaya itong gawin.

"Pag pitik ko ng daliri ko ay saka ka aalis."- dagdag ko pa habang hindi inaalis ang tingin ko sa mata niya.

Tinaas ko ang kamay ko at pinitik ang daliri ko.

Napakurap-kurap siya at walang imik na naglakad paalis.

"S-saan ka pupunta?"- tanong ng mga babae ng makita ito paalis.

"H-hoy!"- nagtatakang tawag nila pero nakaalis na ito.

"Tsk. Hindi pa tayo tapos."- duro niya kay maki at padabog silang umalis.

Nang lingunin ko naman yung tatlong lalake ay takot na silang nagsitakbuhan habang inaalalayan yung binully ko.

"HAHAHAHAHAHA! Mga duwag!"- tagumpay kong tawa.

"Ehem."- umayos ako ng tayo at nilingon silang apat.

Namumutla sa takot si vaughn habang nagtataka naman ang mukha ni maki sakin.

"May saltik ba sa ulo to?"- tanong ni maki kay silas.

"Ganiyan lang talaga siya."- tugon naman niya.

"Sanay na kami."- buntong hininga naman ni caden.

"Ang galing mo silas. Napaalis mo sila."- ngiti ko at tinapik ito sa balikat.

"Ha? Diba't ikaw ang gumawa nun?"- taka niya akong nilingon.

"Anong ako. Wala nga akong ginawa. Magpasalamat kayo sa kaniya."- ngiti ko sa kambal at tinuro si silas

Mas lalo silang nagtaka.

"Ang galing mo!"- thumbs up ko pa sa kaniya.

"Anong ako? Wala nga akong ginawa!"

"Anong wala? Ikaw gumawa nun."- nakangiting pinandilatan ko siya ng mata.

"Bueno, ako'y mauuna na dahil malapit ng magsimula ang klase."- imporma ko at umalis na.

|Habang paalis si yael ay sinundan siya ng tingin ang magkambal. Hindi nila aakalain na ang lalakeng yun na parang may saltik sa ulo ay galing sa mataas na antas.|





~ vis-beyan28
MelancholyMe


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

100K 5.1K 55
No one knew her name nor her face. The only identity she had is that she is the adopted daughter of the Zaragoza and the person behind the success of...
Alive Par lxch

Fanfiction

788 125 42
A 19 year old girl finds herself in the middle of an apocalypse alone, but she came across some new people in Tiere De Vañez, will she survive until...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
4.6K 271 38
A girl with special ability was born 100 years ago. Complete family but not that happy. Her parents wasn't strict but their attention was always on h...