Embracing my Serotonin

By rajixx

195K 5.2K 707

[Unedited] Alex Lenon Roa a respected Head Engineer of Roa Corporation and a Professor in Custadio Imperium U... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

2.7K 82 1
By rajixx

Ilang minuto ko na atang tinitingnan si Caellum habang palakad-lakad sa living room at may kausap sa telepono. Kanina ko pa gusto siyang tanungin. Iisipin ko palang parang natatanga ako.

Paka bobo Cassidy sino naman kasing tanga ang gustong ipagpaaral ang isang taong tapos na magaral. Di ko na kasi siya pina imbestiga noon nang dalhin siya ni Dad para gawing butler ko kasi personal na kilala raw nila mommy.

Pero nakakatampo siya. Hindi man lang niya sinabi na Lawyer pala siya. Ako na kaibigan niya, wow talaga.

"When are you going to come here instead of sneaking your eyes on me." supladong turan nito habang binaba na ang telepono nito at seryosong nakatingin sakin dito sa taas.

"A-ano busy ka?"  sabi ko at dahan dahan na bumaba sa hagdan.

Tinaasan lang ako nito ng kilay bago tinupi hanggang braso ang puting long sleeve nito.  Naglakad ito palapit sakin. Bakit ang ayos niya naman atang tingnan ngayon. May event ba siya? Lawyers are busy bakit andami niya naman atang free time sa bahay.

"I need to deal with things. Do you need something?" he asked while staring at me.

Napansin ko naman ang butones nito na hindi na isarado. Lumapit ako rito at inayos ito sakanya. Napansin ko naman na napatigil ito, ngayon ko lang napagtantong anlapit niya pala masyado sakin.

" Di mo naman sinabi sakin na marami kayong event Attorney."

Nanlaki ang mata nito pero kalaunan rin ay nagsusupladong tumingin nanaman ito sakin.

"You didn't ask." walang ganang sabi nito pero randam ko ang tingin nito sakin.

Kinuha ko naman ang necktie sa kamay nito pero pinigilan lang ako.

"I can handle this. Go back upstairs."

Akmang tatalikod na sana ito nang ipulupot ko ang necktie nito sa leeg nito tsaka ito hinila palapit sakin.

"Where are you going Attorney? I'm not done yet." I smirked. Ang sarap niya asarin ngayon. Ang suplado kasi eh.

Napapikit ito ng mariin bago ako hinarap. Walang nagawang binigay nito ang necktie niya.

"There ayos na. Magingat ka, tanga kapa naman baka mag-amok ka ng away dun"

Natatawang tinapik ko ang balikat nito habang masama ang tingin nito sakin. Sinuot nanito ang tuxedo na black niya. Tangina may ibubuga talaga ang isang to. Napaka gwapo pero ubod naman ng suplado.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nitong paalis na. Naramdaman ko ang gilid ng phone ko. Text galing kay Jazer. Alas 6 na pala kailangan ko ng maghanda.

......
"Hand, you stay upstairs. Check the victims. Bring Rico with you." sabi ni Rajim. Nasa DPO kaming lahat pati mga kanang kamay namin.

"Brain. You're in charge of the operator downstairs. Bone, check the back portion of the Auction House. Eyes, you stay inside the auction."

Ilang minuto pa kaming nagplano bago nagkanya kanyang pumunta sa equipment area para magbihis. I used my usual suit along with my pistol.

"Hand, do you hear me?" rinig kong sabi ni Zayah sa ear piece na naka kabit sa tenga ko.

"Yeah, i already planted the bombs." sabi ko habang isa isang tiningnan ang kinabit ko sa mga gusali. I'm going upstair after this.

Dahan dahan akong naglakad hawak ang baril ko na may silencer. Narinig kong nagsimula na yung auction kaya naman ay dalidaling umakyat na ako.

"Ayoko po parang awa niyo na!" rinig kong sabi ng isang dalaga ata base sa boses nito. Sinilip ko ito at nakitang bitbit ito ng isang lalaki.

Tatlo silang lahat habang pinipilit ng mga nakabantay para sa auction. Ambabata pa nila tangina.

Mabilis ang kilos na pinagbabaril ko ito sa mga paa nila at isa-isang pinatulog ang mga ito.

"Fuck, what is she doing here." rinig kong sabi ni Zayah sa earpiece nito.

"Sino?" tanong ko rito habang tinulungan palabas ang dalawang babae palabas.

"Nothing. Just someone i know. Focus Cassidy." sabi nito kaya naman ay di ko nalang ito pinansin.

Biglang nawala yung mga ilaw, mukhang
nagsimula na silang kumilos.

"Rico,kunin mo yung mga biktima na sasalubong jan." I said. " Copy miss."

Mabilis na umakyat ako sa taas. Binaril ko naman yung mga nakabantay sa mga pintuan.

"All of you get out of here. We're going to save you all."

Nakita ko pa ang iilan sakanila na umiiyak. Naaawa ako, how cruel this world is.

"All clear." sabi ko sakanila tsaka mabilis na umalis. Pumunta naman ako sa baba para gabayan yung mga biktima.

Narinig kong na clear narin ng iba yung ibang lugar kaya dali dali na kaming umalis. Aalis na rin sana ako nang makita ko si Zayah na kaladkad si Miss Alliyah? Ano ginagawa niya dito??

Susundan ko sana sila nang may mahagip ang mata ko. Caellum? Ito ba ang event na dinaluhan niya? May mga kasama itong mga armadong lalaki rin na ka edad nya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong kumasa ng baril at walang emosyon na pinagbabaril ang mga gwardya sa auction house.

Napalingon ito sa gawi ko kaya naman ay agad² akong nagtago. What the fuck was that? Andami niya naman pasabog sakin ngayon araw tangina.

Kilala ba talaga kita Cae?

Dali daling naglakad na ako paalis nang marinig ang boses ni Rajim sa earpiece.

"Hand what are you doing? Ano pang hinihintay mo pasabugin mo na yung building"

Shit tangina mo talaga Caellum pati dito ba naman sumusuot ka parin. Maya ka sakin sa bahay bwesit ka lumabas kana jan tukmol ka.

"Cassidy ano ba!" narinig kong sigaw ni Rajim pero hindi ako nakinig. Kunti pa teka lang.

Nakita ko naman ang isang sasakyan na nagmamadaling nagpatakbo, di ako pwedeng magkamali kay Caellum yun.

Mabilis na pinindot ko ang remote sa bomba at pinasabog ito. Napahingal ako sa pagod. Fuck kotang kota kana ngayon Suarez.

Mabilis na pinasibad ko ang sasakyan sa DPO. Hindi ko na pinansin ang iilang bumati sakin sa gulo ng isip ko. Una yung pagiging Lawyer ni Cae. Pangalawa yung nangyare kanina. He killed a person. Although deserve naman ng mga yun pero hindi naman trabaho ng Attorney yun.

Ano ba siya? May organisasyon na kabilang rin ba siya? I don't want to think badly to him dahil alam kong mabuting tao siya kahit wala siya modo.

Nagbihis lang ako saglit tsaka bumaba na. Mabilis na umalis ako at nagtungo sa bahay. Nandito narin ang sasakyan nito. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko itong bagong ligo na habang naka sando at white na pajama. Nagkakape ito at naka dyaryo.

"Where did you go?." bungad nito sakin habang di ako tiningnan. Binaba nito ang dyaryong hawak at seryosong tiningnan ako.

" None of your business."

Lalampasan ko na sana ito nang bigla nitong hawakan ang braso ko. Napamura naman ako nang hawakan nito ang braso ko na mukhang nasabidan ata ng matulis na bagay. Pota bat di ko to naramdaman?

" What happened to you? Where did you get this? Stay here." nagmadaling umakyat ito sa taas at may kinuhang medical kit.

Mabilis naman itong bumaba dala ang medical kit tsaka nilapag sa mesa. Kakaiba ang tahimik nito na di ko mawari. Seryoso lang itong gumamot habang naka igting ang pangabg nakatingin sa sugat ko.

"Nagbar kasi kami magkaibigan, mukhang na talsikan ng piraso sa baso." dahan dahan kong sabi sakanya. Nakatingin lang ito sakin.

Nagulantang ako ng bigla nitong nilapit ang mukha nito sakin. He suddenly tapped my head in a gentle manner. Pota ginawa pakong aso.

"Be careful next time."

Nakatungangang nakatingin lang ako sa papalayong pigura nito paakyat ng hagdanan dala ang medical kit.

He's weird.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 3.6K 41
"Shhh I know you want me too. I can see it in your eyes. And you wearing all those tight office dresses didn't help at all." He connected his lips to...
865K 21.8K 200
FOR OFFLINE PURPOSE ONLY! STORY NOT MINE! This story is only for offline purpose. I don't intend to earn any fame or praise or any kind of reward fro...
3.6K 128 7
"My goal...is to find out who you are, Nakahara Chuuya" His eyes dilated at the doctor's truthfully spoken comment. Numerous assumptions began to ov...
2.5K 105 10
за спойлеры-в рот ебут