How To Be The Villain (Comple...

Vis-beyan28

23.8K 862 34

Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the boo... Еще

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogo

Kabanata 19

377 15 1
Vis-beyan28

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


SA dorm section ng paaralan ay may dalawang parte kung saan may tig pitong palapag at bawat palapag ay may labing lima'ng kwarto.

Sa kaliwang parte ng dorm section ay nakabase ang mga may mataas na antas sa lipunan samantala sa kanang parte ay duon nakabase ang mga kabilang sa mababang antas ng lipunan.

Ngayon, nasa kaliwang parte ako ng dorm section dahil mataas ang antas ng pamilya ko. Samantala si silas at caden ay napunta sa kanang parte.

"*Squek*? *Squek*?"- ingay ng kuneho na nasa lamesa habang ako ay nakahiga sa kama.

"Bakit ka pa kase sakin ka sumama?"- tamad kong tanong at nilingon ang bintana kung saan tanaw ko ang mga puno sa kaliwang bahagi ng kastilyo.

Napansin kong malawak ang silid sa kaliwang parte ng dorm section. May sariling kama, malaking cabinet, lamesa, sofa, banyo at beranda. Talagang mas pinagtuunan nila nang maiigi ang disenyo ng bawat silid.

"Gusto mong dalhin kita kay caden?"- tanong ko at bumaling sa kaniya.

Umiling naman ito at tinuro-turo ako.

"Ba't ba gusto mong suklian yung tulong na ginawa namin? Atsaka paano mo naman ako matutulungan?"- tawa ko at naupo sa kama.

Pinakita naman niya ang mga kamay niya na para bang sinasabing malakas ako.

Natawa na lamang ako at tinapik ito sa ulo bago tumayo.

Bukas pa naman kami papasok sa klase kaya mamamasyal muna ako dito. Gusto kong maging pamilyar sa lugar na ito para alam ko ang gagawin ko.

Nagpalit ako ng damit na mas komportable; abong longsleeve na button down shirt, itim na vest, itim na pantalon at bota.

Nang makaayos ay muling sumampa sa balikat ko ang kuneho at lumabas na kami.

Nasa ika-apat na palapag ako kung kaya't kailangan ko pang maglakad ng hagdan.

Oras naman ng klase kaya wala pa akong nakikitang estudyante dito.

Pagkababa ay lumabas ako ng dorm section at napadpad sa kantina ng paaralan. Napakalawak ito at napuno ng lamesa at mga upuan. Sa kanang bahagi nito ay mga tauhan na magbibigay ng pagkain. Mukhang kakaluto pa lang nila dahil maaga pa naman at mamaya pa ang tanghalian.

Sa likuran ng mga nagbibigay ng pagkain ay may pinto kung saan may nagluluto sa loob.

Nang madaanan ko ang kantina ay pumasok ako sa ibang building na nakakonekta pa din sa kastilyo. Mas malawak ito kaysa sa dorm section.

Maraming silid-aralan ang nadaanan ko dito sa unang palapag. Bale mayron ding pitong palapag ang lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay may mga opisina pa sa taas at mga library at iba pang kwarto na magagamit sa bawat organisasyon ng paaralan.

Pagkalabas ko ng kastilyo ay napansin ko ang hardin sa kanang bahagi naman ng kastilyo.

"Napakaraming bulaklak."- komento ko habang nagmamasid.

Masayang tumalon ang kuneho at gumulong-gulong sa bermuda grass.

Napakalawak pala ng lugar na ito.

At saan naman kaya nakabase ang kontrabida ng nobelang ito? Sino kaya siya? Siya ba'y estudyanteng tulad ko? O guro? O baka tauhan dito?

Alam kong mahirap siyang hanapin dahil maraming tao ngayon sa loob ng paaralan. Pero kahit ganun may ideya naman ako sa katangian nito. Kailangan ko lang obserbahan ang mga tao sa paligid ko.

"Nagustuhan mo ba dito?"- tanong ko sa kuneho at naupo sa harapan nito.

"*Squek!*"- tango nito.

"Wala ka bang pangalan?"- taka kong tanong.

"*Squek* *Squek*"- umiling ito

"Hmm...kung ganun bibigyan kita ng pangalan para may itawag ako sayo. Gusto mo ba ng pangalang zuku?"- suhestiyon ko ng biglang may naisip akong pangalan.

Masayang tumango naman ito. Napangiti ako at tinapik ito sa ulo.

"Ikaw ba'y estudyante dito, ginoo?"

Agad akong napalingon sa lalaking nagtanong saking likuran.

Nakasuot ito ng uniporme; puting longsleeve buttondown shirt, black na vest, dark blue na coat na may logo sa right side sa mismong dibdib ng coat. Habang itim naman ang slacks na suot. May gold badge pa sa kaliwang bahagi ng coat kung saan may nakaukit na presidente.

Pakiramdam ko mas matanda ito kaysa sakin ng ilang taon. Mas matangkad kaysa sakin, blond ang medyo mahabang buhok na naka suklay palikod, may manipis na kilay, maputlang kahel na mata, mahabng pilikmata, matangos na ilong at manipis na labi. Maputi siya at mukhang sumisigaw ang pagkasociable niyang aura. Pakiramdam ko kaya niyang makilugar kahit anong sitwasyon o kahit sinong kausap. Approachable siya at palangiti.

"Isa nga akong estudyante dito."- pagsang-ayon ko sa tanong niya at tumayo.

"Ngunit oras ng klase. Anong ginagawa mo dito?"- mahinahon nyang tanong at may kinuhang orasan sa bulsa para tignan ang oras.

"Nahuli akong naimbitahan dito sa paaralan kung kaya't bago pa lamang ako dito. Bukas pa ang aking klase."- paliwanag ko at nagpamulsa.

"Ah, pasensya kung ganun."- paumanhin nito at yumuko. "Nabalitaan ko nga na may dadating na mga bagong estudyante. Ah, nga pala ako si Zamir Morin, presidente ng konseho ng mag-aaral (student council). Kinagagalak kitang makilala."- ngiti nito at inabot ang kamay.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakasuot ito ng puting gwantes

"Yael. Yael Thiago Esquivel ng Hilagang Rehiyon."- pakilala ko at inabot ang kamay nito.

Ngumiti ito ng maaliwalas at saka napatingin sa kunehong nasa tabi ko.

"May alaga kang kuneho?"- tanong nito at lumuhod sa harapan ni zuku.

"Nakakatuwa naman ang iyong alaga."- komento nito habang hinahaplos ang ulo ni zuku.

"Anong ginagawa mo naman dito, ginoong zamir?"- tanong ko naman at hinarap ito sa aking gilid.

"Hindi ba't oras ng klase?"- nanunuri kong tanong.

"Tama ka."- napakamot ito sa ulo at tumayo na. "Kagagaling ko lamang sa arena dahil inihahanda namin ang lugar na iyon para sa pagsusulit ng bawat estudyante. Nagutom ako kung kaya't patungo na ako sa kantina ngunit nadaanan kita."- nahihiyang tawa nito.

"Arena?"- tanong ko.

"Hindi mo pa ba nakikita? Nakabase ang arena sa likuran ng kastilyo. Doon nangyayari ang pagsusulit ng bawat estudyante para makita kung ang kanilang kapangyarihan ay may progreso ba."- paliwanag niya atsaka ngumiti.

"Kailan magaganap ang pagsusulit?"- tanong ko at binitbit na si zuku saking kamay.

"Sa susunod na linggo."- imporma niya atsaka napasilip sa orasan niya. "Naku anong oras na. Mauuna na ako ginoong yael, baka hinahanap na ako ng aking mga kasama. Bibili pa ako ng pagkain."- napapakamot niyang paalam.

"Kung meron ka mang katanungan ay hanapin mo lamang ako sa aming opisina."- kaway niya habang naglalakad papasok ng kastilyo.

Tumango lang naman ako.

Ah oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.

May arena pala dito ayon sa nobelang nabasa ko kung saan bawat estudyante ay maglalaban-laban. Dito nila nasusukat ang level ng kanilang kapangyarihan. Kung meron ba silang natutunan at kung ano nang antas ng mahika nila. Sa pagkakaalam ko, nagaganap ito kada buwan.

Tsk. Kung ganon kailangan kong maghanda. Dahil ang pagsususulit na ito ay kaya mong gawin lahat ng gusto mo maliban lang sa pumatay. Napaka brutal pa naman ang mga estudyante dito lalong-lalo na sa mga kabilang sa mataas na antas. Wala silang pake kahit na anong mangyari sa tao basta makuntento sila.

Tsk. Mukhang mapapasubo ako nito.


~ vis-beyan28
MelancholyMe

Продолжить чтение

Вам также понравится

250K 9.7K 60
(1/3) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a plac...
281K 9.6K 46
-I may look enchanting,but don't make me lose my sanity,or else you will be six feet under. -𝐂𝐞𝐥𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐃𝐚𝐰𝐧 𝐅𝐥𝐞𝐮𝐫 𝐝𝐞 𝐟𝐞𝐮
76.4K 4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
FEARLESS LadySephi

Фэнтези

4.7K 272 38
A girl with special ability was born 100 years ago. Complete family but not that happy. Her parents wasn't strict but their attention was always on h...