AGS 5: Kiss of the Red Lotus

By LenaBuncaras

49.9K 3.5K 1.2K

ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a... More

Kiss of the Red Lotus
Prologue
Chapter 1: The Ticking Bomb
Chapter 2: Breakfast
Chapter 3: Past Deal
Chapter 4: The Brother
Chapter 5: Right Hand
Chapter 7: Possession
Chapter 8: Hope
Chapter 9: Dependence
Chapter 10: The Oasis
Chapter 11: Plans
Chapter 12: Heir
Chapter 13: Couple
Chapter 14: The Wife
Chapter 15: Wifezilla
Chapter 16: Wedding Disasters
Chapter 17: Dream
Chapter 18: Assassin
Chapter 19: Backup
Chapter 20: Rest Day
Chapter 22: New Head
Chapter 23: Indisputable
Chapter 24: Tiring
Chapter 25: Superiority
Chapter 26: Prepared
Chapter 27: Dawned
Chapter 28: Unwanted Deals
Chapter 29: Luncheon

Chapter 21: Nostalgia

1.1K 131 30
By LenaBuncaras


"Hindi ka ba kakain nang maayos?"

Kanina ko pa tinititigan si Calvin. Hawak ng kaliwang kamay niya ang phone at chopsticks naman ang kanan. Imbes na tumutok sa pagkain, doon lang siya nakatitig sa phone niya. Umaasa ako ng tahimik na hapunan pero may iba siyang mga kausap kanina pa.

"Sigurado ka bang may ginawa ka kay Nin Chua?" tanong niya imbes na ayusin na lang ang pagkain.

"Nakakailang tanong ka na niyan."

"Nakakailang presinto na rin ako sa Bacoor, wala pang nagre-report sa kanila tungkol kay Nin Chua."

"Sinabi na kanina n'ong isang pulis na matagal nang wanted si Chua, di ba?" katwiran ko. "Bakit ayaw mong sabihin ang shabu lab niya sa Bacoor?"

Ang sama agad ng tingin sa akin ni Calvin nang lingunin niya ako. "Galing ka doon gamit ang pangalan ni Ky. May alibi si Kyline kasi magkaiba kayo ng mukha kapag nag-profile na at maraming way para patunayang siya ang totoong Kyline. Pero ikaw, ipapa-trace ka nila using me kasi nahuli nila ako. I can't give any specific place sa mga pulis kasi paniguradong hahabulin tayo ng mga 'to for investigation."

"Ayaw mo palang ma-trace, bakit nakikibalita ka pa?"

"Para malaman ko kung nakita ka sa CCTV malapit sa lugar or what? Gusto mo bang malagay sa wanted list?"

Hindi ako nakakain nang maayos. Hindi ko rin masabi kung maayos ding bang nakakain si Calvin kahit pa naubos niya ang niluto ko. Ilang text at call din ang sinagot niya habang kumakain, tinatanong ang tungkol kay Nin Chua kung nakita o nahuli na ba.

Pero halos lahat, iisa lang ng sagot. Matagal nang wanted si Nin Chua at hindi pa nahuhuli hanggang ngayon.

Inutil ang mga pulis? O malakas lang ang kapit ni Nin Chua sa mga awtoridad? Kung ano man ang rason kaya hindi siya mahuli-huli, then pasensiyahan na lang. Kung siya man ang salarin sa nangyari kay Clark, kung puwede lang siyang buhayin ulit para patayin, malamang na ginawa ko na. Makaganti man lang para kay Clark at sa mga atraso nitong hayop na 'to kay Syaho.

Si Calvin ang naghugas ng mga plato kahit pa alam kong masama ang loob niyang magtrabaho. Ako naman ang naglinis ng mesa at nagligpit ng mga nahugasan na niya.

Akala ko, oras na para matulog dahil tapos na ang hapunan namin.

"Kailangan na nating umalis," sabi niya na ikinataka ko.

"Pupunta na ba tayo kay Bobby Lauchengco?"

"Hindi. Lilipat tayo ng bahay." Kinuha agad ni Calvin ang kamay ko at tangay-tangay ako palabas.

Lilipat daw kami ng bahay.

"Bakit?" tanong ko nang paunahin na niya akong pasakayin sa sasakyan.

Nakasagot lang siya nang makasakay sa driver's seat. "Hindi ka puwedeng makita ng mga tanod dito. Baka hulihin ka na."

"Paano ang mga binili kong gamit dito?"

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan dito. Babalik din naman tayo kapag okay na lahat."

Gano'n pala.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko na lang.

"Sa bahay ko sa San Juan."

Maraming bahay si Calvin. Hindi siya napermanente sa iisang lugar magmula noong fourteen kaming dalawa—magmula noong pinagalitan siya sa araw-araw niyang pagdalaw sa akin at pang-aaway sa unang asawa ko, kay Ricky Chi.

Naglayas siya sa kanila. Kinupkop siya ng mga Phoa. Si Madame Qi, o mas pamilyar sa lahat ang pangalang Carmencita Phoa, ay mas malakas ang impluwensiya kaysa kay Mama pagdating sa negosyo. Noong tinanggap ng mga Phoa si Calvin, aminado akong sumamâ ang loob ko kasi ibig sabihin din, babalik siya kay Melanie.

Iba ang sakit n'on para sa akin kasi nangarap na ako ng buhay kasama siya. Gusto ko nang lumayo kami, gusto ko nang magkaanak kami para lang hindi ako maikasal kay Ricky Chi, gusto ko nang ikasal kaming dalawa kahit katorse anyos pa lang kami—mga desperasyon ko noong bata pa 'ko kasama si Calvin.

Hanggang sa naging sama ng loob ang pagtira niya kina Melanie. At noong nasa resto na ako, panibagong sama ng loob kasi nakikipag-date na siya sa kung kani-kaninong babae.

Naisip ko pa na wala talaga akong maaasahan sa kanya. Sa sobrang inis ko, binalak kong paliguan siya ng bagong lutong sopas sa minsang kinainan nila ng ka-date niya. Na may pagkakataong nasa loob ako ng kotse, naghihintay lang ako ng tamang tiyempo para sugurin sila dahil masama ang loob ko.

Hindi lang 'yon natuloy—at walang natuloy sa mga balak ko—nang makita ko na kada may babae siyang inilalabas, may pera siyang tinatanggap mula sa kanila.

Pagkatapos ng isa sa umaga, may isa na naman sa hapon. Babayaran siya, lilipat ng isa pang babae sa gabi. Babayaran ulit siya. Hanggang sabihin niya sa akin nang personal sa resto na lumipat na siya sa condo. Na siya na ang nagbabayad ng renta niya.

Tinanong ko siya kung saan niya kinukuha ang pera—kung sa papa ba niya na nagpapaaral sa kanya. Sinabi lang niya na huwag na 'kong magtanong basta pera niya 'yon at hindi galing sa pamilya niya. Hindi man siya nagsinungaling, pero hindi pa rin siya nagsabi ng totoo.

Alam ko kung gaano katamad si Calvin. Hindi siya magtatrabaho nang mabigat para lang kumita ng pera para sa sarili niya.

Itong bahay niya na pupuntahan namin? Sigurado akong hindi ito gastos ng pamilya niya. Kasi kung sina Uncle Roy ang magdedesisyon, baka doon sila magpatayo ng bahay sa Tagaytay o kaya sa Forbes.

Maluwag ang biyahe pagsapit ng alas-onse lalo't Sabado. Hindi ganoon kabigat ang traffic hindi gaya tuwing araw na may pasok. Isa pa naman sa mga kinaiiritahan ko ang traffic lalo na kung kasama ko sina Achi sa iisang sasakyan.

Lumiko sa kaliwa ang sasakyan ni Calvin mula sa U-turn slot na dinaanan namin. Kumanan naman siya sa pangalawang kalsada mula sa nilikuan. Dere-deretso lang ang biyahe hanggang makarating kami sa tapat ng isang subdivision sa kanang panig ng daan.

Nagbukas lang ng bintana si Calvin. Pagkakita sa kanya ng guard, tumango lang ito at walang sinabi. Pero huminto pa rin ang sasakyan sa may gate para inspeksiyunin ng mga guard ang ilalim gamit ang salamin. Nang matapos, tumuloy na kami sa loob ng subdivision. Pero hindi gaya sa subdivision sa Las Piñas, mas marami nang bahay roon. Hindi man magkakatabi pero marami kada street na nalalampasan namin.

Ilang street din ang nilampasan namin at saka kumanan. Sa dulo huminto ang sasakyan ni Calvin. Doon sa bahay na may bakod na magandang klase ng tabla at masisilip mula sa labas ang swimming pool sa ibaba. Two-story modern house iyon na halatang ginastusan ang pagpapagawa.

Naunang bumaba si Calvin ng sasakyan. Sinusian ang single door ng gate at pumasok sa loob. Mula roon, binuksan niya ang mas malaki pang double swing gate. Lumipat ako sa driver's seat at pinaandar ako ang sasakyan para hindi na siya bumalik pa. Mukhang nagulat din siya sa ginawa ko at natigilan sa pagbubukas ng gate sa mas malawak na distansya.

Ang layo ng itsura ng bahay niya sa Las Piñas kompara dito sa San Juan.

May second floor ang bahay na tanaw ang balcony na may mga mesa at upuan pa. May swimming pool at maliit na puno sa bakuran. May mga mesa rin sa gilid n'on at wooden bench.

Pag-park ko ng sasakyan sa blangkong espasyo sa tapat ng gate, bumaba agad ako para obserbahan ang paligid.

Kompara sa naunang bahay, mas ramdam kong bahay nga iyon ni Calvin. Kulay itim at puti pa lang na pintura mula sa labas, masasabi agad na lalaki ang may-ari. Para ngang pinagpatong-patong na cube ang disenyo ng exterior pero hindi pantay-pantay ang pagkakahilera.

"Tara na sa loob," aya ni Calvin nang mai-lock ang gate.

Nilakad namin ang kaliwang gilid kung nasaan kami. Kahoy ang nilalakaran namin at ang kanang gilid ay salamin na kung saan kitang-kita ang sala sa loob.

Tumiim ang pagkakasara ko ng bibig nang makita ko ang malaking family portrait doon nina Calvin—pero kasama pa si Cai at sobrang bata pa nilang dalawa. Siguro, huling family portrait nila 'yon na buhay pa ang kapatid niya.

Nauna na si Calvin para buksan ang glass door para makapasok kaming dalawa. Doon pa lang, tanaw ko na ang dining area sa kaliwa at kitchen na rin. Napataas ang mukha ko nang makitang may mga nakasabit doong mga sandok at mga gamit na wala sa naunang bahay na tinirhan naming dalawa.

"Sa taas tayo," aya na naman niya at pinauna na akong umakyat sa hagdanan ng bahay na nasa gilid lang din ng sala.

Naaamoy ko si Calvin sa loob—yung Calvin na kilala ko bago pa kami ikasal. Yung Calvin na hindi ko pa nakakasama sa iisang bahay. Yung Calvin na laging amoy lalaki, siguro para makahatak ng babaeng magbabayad para pondohan ang mga capricho niya.

Pagdating sa itaas, nalingon ko agad sa kanang gilid ang balcony na kanina ko pa tinatanaw sa ibaba.

"Dito," sabi niya at inaya ako sa kaliwang pasilyo. Unang pintuan ang binuksan niya at pinapasok ako sa loob.

Inaasahan kong kamukha lang iyon ng kuwarto niya sa naunang bahay na tinirhan namin, pero hindi. Mas marami na iyong laman. Mas ramdam kong kuwarto niya.

May mahabang sidetable na puro lang picture frame na nakahilera. May mga picture nila ni Cai. May ilang picture nila ni Meng. Kahit kaming dalawa, meron. Pero isa lang ang nakita ko. 'Yong picture namin bago mamatay si Cai—katabi ako ni Calvin, nakaipit sa tainga ko ang puting bulaklak na bigay niya at nakangiti kaming dalawa. Hindi pilit, hindi peke. Mga panahong alam kong masaya na akong makatanggap kahit maliit na bulaklak sa kanya basta bigay niya.

Tiningnan ko ang dingding sa kaliwa na puro lang medals at certificates na naka-frame. Napakarami. Sa sobrang dami, dikit-dikit na halos lahat at wala nang iniwang espasyo pa. Nasa ibaba ang mababang cabinet na may salaming sliding door. Nandoon naman nakahilera sa loob ang mga trophy niya.

"Inilipat mo na rito lahat ng gamit mo sa inyo?" usisa ko habang iniisa-isa ng tingin ang bawat sulok ng kuwarto.

"Ilan lang. Bibilhan ulit kita bukas ng damit. Hindi ko na aalisin ang mga damit mo sa bahay sa kabila para kapag nag-stay tayo roon, may damit ka."

Napatingin tuloy ako nang masama sa kanya. "Wala kang biniling damit para sa 'kin na magagamit ko pag-stay roon. Tigilan mo 'ko sa kahangalan mo, Calvin Dy."

Imbes na sumagot, tumalikod lang siya at bahagyang binuksan ang nakasarang makapal na kurtina sa kabilang gilid ng malaking kama. Natanaw ko ang ilang view ng mga puno mula sa labas. Walang nakaharap na bahay sa amin maliban sa napakaraming pine trees.

Binuksan na rin ni Calvin ang AC at ibinagsak na naman ang sarili sa kama niyang kulay madilim na asul at puti lang mula kobre-kama hanggang mga unan at kumot.

"Pupunta ba tayo bukas kay Bobby Lauchengco?" tanong ko agad sa kanya nang mahiga ako sa kabilang gilid ng kama. Eksakto ang bagsak ng ulo ko kapantay ng ulo niyang nakapaling sa kabilang direksiyon.

"Oo nga. Ilang beses ba dapat itanong 'yan?" naiinis na sagot niya.

"Naniniguro lang ako kasi tulog ka kanina."

"Natatandaan ko. Hindi ako tulog. Pupunta tayo bukas. Mga lunch na."

"Hindi ba puwedeng umaga?"

"I doubt na available si Uncle sa umaga. Malamang na nasa site muna siya bago sabayan si Tita Liz sa lunch." Bigla siyang pumaling sa akin at bahagyang bumangon. Dumapa siya sa kama at tiningnan ako mula sa pagkakahiga ko. "Bakit mo pala siya gustong kausapin?"

"Tungkol sa plano ni Mama na dispute sa botohan."

"Dispute?" kunot-noong tanong ni Calvin. "For what? Hindi naman mananalo si Mama kay Uncle Bobby, especially now."

"Exactly. Kaya nga gusto ko siyang kausapin kasi gagawa raw siya ng paraan para matigil ang kahibangan ni Mama."

Napanguso lang si Calvin sa kanan at nag-isip. Napatango-tango na lang siya at tiningnan ulit ako. "All right. Lunch bukas, punta tayo."

Akala ko, 'yon lang 'yon. Saglit akong nandilat nang halikan niya ang noo ko. Paglayo niya, nagtanong agad ako.

"Para saan 'yon?"

"Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kagabi, please lang, Shin," nakasimangot na niyang pakiusap. Napatingin ako sa kamay niyang inaayos ang mga hibla ng buhok kong sabog-sabog sa gilid dahil sa pagkakahilata ko.

Mas napansin ko roon ang ilang kalmot sa kamay niya—ang kamay niyang ilang beses ginamit bilang modelo ng kung ano-anong relo, singsing, bracelet, at phone.

Hinawakan ko ang kamay niya at inusisa kung gaano kababaw ang mga kalmot na gawa ko.

"Masakit ba 'to?" tanong ko at marahang pinasada ang hintuturo sa pulang linya na natuyuan na ng dugo.

"Hindi."

Tumingala ako sa kanya para makita ang timpla ng mukha niya.

"Nagagalit ka ba sa ginawa ko kagabi?" tanong ko.

Ang lalim ng buntonghininga niya nang hindi ako agad sagutin. Ipinagsalikop pa niya ang mga kamay namin at saka siya padapang humiga sa puwesto niya para lang titigan ako sa malapitan.

"Galit ka?" tanong ko na naman.

"Nararamdaman mo bang nagagalit ako?"

Bahagya akong umiling. "Hindi."

Saglit siyang natawa at bigla akong hinalikan sa pisngi. "Huwag ka na lang kasing matigas ang ulo. Napapagod ako sa ginagawa mo, e."

"Kung hindi kita iniwan sa presinto, mas lalo kang mapapagod."

"Napuyat naman ako."

"Sino ba'ng may sabing hintayin mo 'ko?"

"Tatawag ka kasi."

"Si Meng ang tinawagan ko. Hindi ko alam kung paano ako tatawag sa 'yo."

"Wala kang nakitang police station sa pinuntahan mo?"

"Ayokong pumunta ng police station, baka mahuli ako."

"Tsk, tsk, tsk. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kagabi."

"Ayaw mo na bang makulong ulit?"

"Ayaw kong mag-alala na wala kang kasama. Hindi ka na masusundo ni Syaho kapag tumakas ka na naman." Mas matunog ang buntonghininga niya ngayon, at mas naintindihan ko ang punto niyang 'yon kaysa sa pag-iwas niyang magtagal na naman sa kulungan.

Humilata na siya sa kama at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Nakakapagod habulin ka . . ." bulong niya. "Pero natural lang 'yon. Nangako akong gagawa ng paraan para makasama kita. Okay lang mapagod basta kasama kitang magpahinga."




♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 178K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.4M 33.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
418K 6.1K 24
Dice and Madisson