The Rare Ones

بواسطة EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... المزيد

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 16

2.1K 62 5
بواسطة EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 16.
Suspect
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View 

Bumalik na ako sa paaralan pagsapit ng umaga. Hinatid ako ng chauffeur namin na si manong Dan. Medyo may edad na siya na sa wari ko ay magkasing edad lamang sila ni Dad. Wala kasi si Sally e, may inutos daw kasi si kuya sa kaniya na hindi niya kayang tanggihan.

“Young Lady Luna,” tawag ni manong Dan sa akin.

“Yes po,” magalang kong sagot.

May inilahad siya sa 'kin na gift bag. Kumunot ang noo ko sa aking nakita.

“Pinabibigay ng mommy ninyo. Sabi niya ay iyan daw po ang gamitin ninyo para madadala niyo na po kung saan-saan ang cellphone po ninyo.” 

So cellphone ang laman nito. Ba't nag abala pa si Mom. Kinuha ko na lang ito at nagpasalamat bago lumabas sa kotse.

Tahimik pa ang paaralan sapagkat linggo pa ngayon kung kaya't wala masyadong estudyante. Pero may makikita ka namang iilan at karamihan sa mga ito ay nag-eensayo.

Sa paglalakad ko patungo sa dorm ay naagaw ang atensyon ko sa nagkukumpulang estudyante sa may flat screen Tv na malaki. 

Nakita ko na may nakapaskil doon na sa tingin ko ay rank ng mga estudyante na nandito sa paaralan na 'to. Lumapit ako doon para tingnan kung nasali na ba ako kahit alam ko naman talaga na walang tiyansa dahil sa kakayahan ko ngayon. 

Hinanap ko ang pangalan ko at nakita ko ito sa may dulo ng listahan. Pang 999 ako, hindi ko alam kong paano ako nasali e wala naman akong kakayahan. Siguro'y dahil sumikat ako sa unang pasok ko pa lang dito.

But then naagaw din ang atensyon ko sa pangalan na nasa itaas ng pangalan ko.

“Shamil Jones,” mahinang usal ko.

This is that nerd na tumapon ng coke sa damit ni Lyka. 

Hinanap ko ang pangalan nila Olivia, Elleanor at Ellesse. Si Olivia ay 511, Si Elleanor ay 101 si Ellesse naman ay 102. Napangiti ako sa posisyon ng tatlo. Baguhan pa lang kami pero nasali na kaagad kami sa ranks. 

Siguro nag-aapoy na sa inis ngayon si Lyka. Gusto pa naman akong patayin no'n.

“Who's this f*cking Damonn? Pinalitan niya kaagad ang pwesto ko?” 

Naagaw ang atensyon ko sa lalakeng nagreklamo. Sinipat ko ang numero na kanyang tiningnan sa may flat screen. Umawang ang labi ko sa aking nakita. 

Damonn Kenji Mackenzie ranked 35
Matt Callum ranked 36

Dahil sa interesado ako ay inalam ko din kung anong rank si Lyka at 'yung Darcey na kasama niya. 

Ngumisi ako nang makitang hindi sila ang number 1. Lyka is in rank 6, in rank 7 naman ay nakapangalan na Atlas Jagor while in rank 8 ay si Darcey Hill. 

Umalis na ako doon. Naisipan kong maglibot sa buong campus kasi may mga area pa talaga akong hindi napuntahan. Gusto ko rin na matingnan kung anong itsura ng mga lugar na pinupuntahan ko gabi-gabi.

Tumungo ako sa may likod ng building dito sa boys dorm building. Tahimik lang ang lugar at may makikita kang malaking kahoy sa gitna. 

Nagtungo ako doon para umakyat sana sa puno nang mabigla ako sa nagsalita. Nasa baba na ako ng malaking puno nang marinig ko ang boses nito.

“Who are you?” 

Inangat ko ang tingin ko sa itaas ng puno. Doon ko nakita ang lalaki na bumugbog kay Zyriex. As far as I can remember, his name is Atlas. Bigla na lang siyang tumalon pababa kaya nasa harapan ko na siya ngayon.

“Ah! You're that girl na usap-usapan sa campus.” He said amusingly.

Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot. Naglakad naman siya at umikot pa sa 'kin. Animo'y ini inspeksyon ang buong pagkatao ko. 

“What brings you here?” Tanong niya pa.

“It's none of your business,” I answered.

He just smirk and slowly step forward towards me. Napaatras naman ako sa kanyang ginawa. Atras lang ako nang atras hanggang sa bumangga ang likod ko sa puno. 

What is he doing?

Bigla niyang hinawi ang damit ko sa dibdib na ikinalaki ng mata ko. Mabilis kong tinabig ang kamay niya gamit ang kamay ko na may benda.

I glared at him. Bastos!

“Bastos ka ah,” asik ko sa kanya.

“A troublemaker.” He said.

Napansin kong tiningnan niya ang kamay ko na may benda tapos dumapo naman ang paningin niya sa dibdib ko na kaagad ko namang tinakpan. 

Dahil sa ginawa niya ay walang pasabi kong pinatid ang tuhod niya kung kaya't napalayo siya sa 'kin na napadaing pa. Naalala ko na may sugat nga pala ako sa dibdib. Siguro ay iyon ang tinitingnan niya. I hope so.

Masama niya akong tiningnan nang mahimasmasan siya. Bigla na lang may pwersa na tumama sa 'kin dahilan nang pag-angat ko sa ere. Sinasakal ako ng pwersa na ito. Nakita ko ang kamay ni Atlas na nakaangat din sa ere na nakatutok sa 'kin. 

“Lakas ng loob mong saktan ako ah! I'm an upper rank, don't you know?” Asik niya sa 'kin. 

Ngumisi lang ako sa ginawa niya. 

Maraming beses ko nang nakaharap si kamatayan kaya hindi niya ako matatakot sa ganito. Nakita ko naman na nainis siya sa ginawa ko. 

“Wala ka bang magawa sa buhay mo at---” hindi ko natapos ang sinasabi ko nang tumunog ang cellphone niya. 

Bigla niya akong binitawan kaya bagsak ako sa lupa but I manage to land safely.

Masama niya akong tiningnan bago niya sinagot ang phone niya. Pinatay niya ito tsaka niya ako tiningnan muli bago nag martsa paalis. 

Tumayo na ako at pinulot ang Cellphone na regalo sa 'kin ni mom. Hindi ko pa naman ito binubuksan so I'll hope hindi ito nabasag sa pagbagsak ko kanina. 

Naisipan ko na lang na bumalik sa dorm at ilagay 'tong mga gamit ko. Naglakad ako na para bang walang nangyari. I am used to it naman. Ang kaibahan nga lang ay hindi ako nakakalaban dahil sa posisyon ko at pagpapanggap ko.

Nang nasa hallway na ako ay may biglang sumabay sa 'kin sa paglalakad. Nilingon  ko siya pero hindi ko siya nakilala. Well, hindi ko naman talaga siya kilala. 

Malapad siyang ngumiti sa 'kin. Ba't ba pinalilibutan ako ng mga lalaki ngayon? Kung nandito rin ang isang 'to dahil sa kasikatan ko ay hindi ko siya sasagutin sa kahit anong sasabihin niya. 

“Hi, I'm Miles, kaklase mo ako. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na ikaw ang kauna unahang newbie na napunta sa last ranking.” 

Nang-iinsulto ba siya o pinupuri niya ako?

Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Sumunod lang din naman siya sa 'kin ng tahimik. 

“Gusto mo bang mag-ensayo? Tuturuan kita kung---” 

“No thanks,” pagputol ko sa sinasabi niya. 

Nahinto naman siya nang dahil doon at naiwan siya sa likuran ko habang ako ay nagpatuloy lang din sa paglalakad.

Narinig ko naman ang mga yapak ng paa niya at pinantayan na nga niya ako ng lakad. 

“I do have what it takes to take out your att.” 

Nahinto ako sa sinabi niya at doon ko na siya nilingon. Napakamot ako sa ulo sa kaniyang sinabi. His offer is tempting me. 

May kinuha siya sa bulsa niya at iyon ay marker. Bigla niyang hinablot ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi sa kaniya at masama ko siyang tiningnan.

“Oh, sorry. Dito ko na lang isusulat.” 

Kinuha niya ang dala kong gift bag na may laman na cellphone. Doon may isinulat siyang numero tsaka niya iyon ibinalik sa 'kin. 

“That's my number. Call me if you'll change your mind,” malapad siyang ngumiti bago niya ako iniwan.

Tinanaw ko na lang siya at doon pumasok sa utak ko ang tanong. 

“Paano niya nalaman na wala akong attunement?” Usal ko sa aking sarili.

---

Nang makarating ako sa dorm ay mabilis akong nagtungo sa aking kwarto. Ni lock ko muna ang pinto para siguradong walang makakaistorbo sa akin. 

Binuksan ko ang bagong phone na ibinigay sa 'kin ni mom. 'Yung phone ko kasi na nakuha ko kay kuya ay sira na. Ang sabi pa ni kuya ay kasama daw ang cellphone ko sa kaso na ini imbestigahan nong kuya ni Olivia na isa palang detective. Ni hindi ko nga alam kung bakit napunta doon ang cellphone ko. Siguro ay ninakaw ito ng hindi ko namalayan. 

Napaawang ang labi ko sa laman nito. Sinong maniniwala sa 'kin na isa akong scholar kung hawak-hawak ko ang ganitong klaseng cellphone? Hindi naman siya gaanong kamahal pero nangangamba ako na baka magtaka ang iba kong kaklase kapag nakita nila ito. 

It's a foldable phone. A Samsung galaxy z flip 3 which cost $999 or ₱55,965.48 in Philippine peso back in my days. Hindi ko lang alam kung ilan na ang presyo nito sa ngayon kasi nga nandito na ako sa future. 

I opened it kasi balak kong mag-search ng mga impormasyon patungkol sa organisasyon na siyang dahilan kung bakit ako namatay. 

The Noxious Organization. A secret organization just like Ixtal Organization na siyang kinabibilangan ko noon. That's why I'm happy na buhay na buhay pa ito ngayon sa dark web. 

Hahanapin ko na sana ito sa internet nang bigla na lang akong makarinig ng kalabog sa labas. Nahinto ako saglit at pinakinggan ang tunog. Binalewala ko nalang uli ito at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko. Nang biglang na namang may kumalabog and this time mas malakas na ito. 

Tumayo na ako at nagtungo sa secret drawer ko. Doon may kinuha akong baril. Nag-iisa lang ako dito sa dorm kasi nasa bahay pa sina Elleanor at Ellesse. Si Olivia naman ay sa Monday pa raw siya makakabalik dahil sa tinutulungan niya raw ang kuya niya sa trabaho nito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko habang nakahanda na ang baril sa kabilang kamay ko. Hindi pa rin nawawala ang tunog at sa tingin ko ay nanggagaling iyon sa main door ng dorm namin. 

Nang makalabas sa kwarto ay dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Kumakalabog ito na para bang gusto niyang buksan ang naka saradong pinto. Nang malapit na ako ay itinutok ko kaagad ang baril dahil bigla na lang itong bumukas ng pwersahan.  

Nagulat ako sa aking nakita. Bumagsak ang isang babae na nandito ngayon sa harap ko habang naliligo siya sa pulang likido at nasisiguro ko na ang pulang likido na iyon ay isang dugo dahil na rin sa amoy nito. 

Kaagad kong isinuksok ang baril sa likod ng pants ko at nilapitan kaagad ang babae na tumayo pa talaga habang humahawak sa pader. Bugbog sarado ang mukha niya at ni hindi na nga niya mabuksan ang mga mata niya ng maayos. Malalim na rin ang paghinga niya na para bang nalulunod siya dahil sa paghihingal nito. 

“Who are you?” Kaagad kong tanong sa kanya nong mahawakan ko siya.

Humawak din siya sa 'kin pabalik ng napakahigpit habang hinihingal pa rin. 

“Sinong may gawa sa 'yo nito?” 

Pati buhok niya ay naliligo sa dugo at naging malagkit na ito. Nakasuot siya ng shorts at sleeveless lang habang may kung anong nakapulupot sa leeg niya na  parang device ata na hindi ko mawari kung ano talaga. 

Bumagsak siya sa sahig dahil nawalan siguro siya ng lakas sa tuhod kung kayat napatungo ako para alalayan siya. Bahagya akong nabigla nang kalmutin niya ang pulsuhan niya na may tahi. 

“Teka lang! Anong ginagawa mo?” Pagpipigil ko sa kanyang kamay. 

Pero hindi ko na siya napigilan pa kasi bumukas ang tahi niya at meron siyang kinuha sa loob doon na ikinawingi ko. Parang ako ang nasasaktan sa ginagawa niya.  May nakuha siyang kung anong bagay doon at mabilis niyang nilagay sa kamay ko tsaka niya tiniklop ang kamay ko na para bang sinasabi niya na itago mo ito. 

Nagtama ang paningin naming dalawa. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil sa hina ng boses niya kaya wala akong sinayang na oras at inilapit ko ang tenga ko sa kanya. 

Hindi ko naman inasahan ang sunod niyang ginawa. Hinawakan niya bigla ang mukha ko at lumapit sa tenga ko para ibulong ang gusto niyang sabihin. Kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang paghawak sa mukha ko ay wala akong nagawa. 

“T-t-the, evi--de-nce. Fi-le, rare ones. Dan-nger.” 

“Ano?” 

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya sapagkat putol-putol ito. 

“You m-must...d-defeat h-er. Pl-ease, end, I-i trust y-your o-organization.” 

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

“Ulitin mo, 'yung mas malinaw!” Asik ko. 

Pero hindi na niya ako sinagot. Bagkus bumagsak na lang siya bigla sa balikat ko. Niyugyog ko siya at tsaka hinawakan ang mukha niya. 

“Hey!” Yugyog ko pa sa kaniya.

Ngunit wala na talaga siyang malay pa. Bigla namang may mga estudyante na dumaan sa room namin at doon nakita nila ako kasama ang babae. 

Nanlaki ang mata nilang dalawa na nakatingin sa 'kin at sa babaeng duguan na wala nang malay ngayon. Hindi ko nga lang alam kung buhay pa ba 'to o patay na. 

“Ahhhhhhh!" Sumigaw ang dalawang babae pagkatapos non ay nag-unahan na silang tumakbo. 

“No, it's not what you think!” depensa ko naman.

---

“Hey! What are you doing? She said she didn't do it!” Galit na asik ni Olivia.

Pinusasan na ako ngayon ng mga police habang 'yung katawan ko ay puno ng dugo nung babae. Syempre magmumukha talaga akong killer sa paningin nila dahil sa itsura ko ngayon. 

Hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ako ni Olivia kaya nahirapan silang dalhin ako pababa. 

“It's okay, Olivia. Everything will be okay." I assured her. 

“Kapag nangialam pa kayo ma'am ay dadalhin din po namin kayo.” Pananakot pa nong isang pulis. 

I glared at him at saka niya ako marahas na hinila at tiningnan din ng masama. Attitude yarn? Tsk!

Nandito pa rin ang katawan ng babae at confirmed na nga na patay na siya. Naging crime scene tuloy ang dorm namin. Nang makababa sa ground floor ay maraming mga estudyante na rin ang nakikisawsaw at nakiki-chismis sa nangyari. 

Buti na nga lang at pinasuot nila ako ng sumbrero para hindi ako mamukhaan ng iba.  Papasok na ako sa sasakyan ng makasalubong ko sina Ellesse at Elleanor. Bigla nila akong hinawi at pilit na binawi sa mga pulis. 

“Why are you taking her?” Seryoso na sambit ni Ellesse. 

“No, she didn't do anything wrong, didn't she?” Asik naman ni Elleanor.

“Hoi! Kapag hindi mo sila pipigilan ay isasama ko sila sa'yo!” Masungit na saad na naman sa'kin nung pulis.

He's treating me as a real criminal e suspek pa lang naman ako. Ang sama pa ng tingin kala naman niya siya ang namatayan. 

“It's okay. Hindi ako makukulong. They'll just interview me." 

Tiningnan ko ang dalawa to reassure them that I am really okay. Kaagad naman silang tumango sa sinabi ko. But before I enter the car ay hinubad ni Elleanor ang hoodie jacket niya kung kaya't naka sports bra na lamang siya ngayon dahil isinuot niya sa akin ang jacket niya. Nginitian ko naman siya sa ginawa niya. 

A simple thing that is a really big help to me. 

“Pumasok ka na! Tagal e noh!" 

Muli ay masama kong tiningnan ang lalaki. Pinilit niya akong ipasok sa sasakyan na hinawakan pa ang ulo ko kung kaya't tinabig ko ang kamay niya.

“'Di makapag hintay kuya!” Mataray na wika ni Ellesse nang makita niya ang ginawa ng pulis sa 'kin. 

Dahil sa inis ko ay malakas kong isinara ang pintuan ng sasakyan at doon napadaing ang pulis. I intentionally did that at naipit nga  ang kamay niya. Narinig ko pa na nagmura siya ng malutong.

Hindi ko na siya nilingon pa nong tiningnan niya ako ng masama. Tsk! Kala mo ah.




─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

12.4K 561 34
Virago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kah...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
236K 7.7K 71
©2017 -Unedited- Sword of Justice. The missing sword. The sword that no Swordailes can able to summoned for almost a decade or two. The sword that pl...
6.6K 494 44
[TAGLISH] ''In this world, being alive is a curse.'' Special operations unit NEMESIS under the command of Captain Leon Dawson was ordered to retriev...