Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLIII
โ€ขCapรญtulo Especialโ€ข
Aรบn No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XLII

41 5 82
By Dimasilaw_101

Sa ilalim ng punong kalatsutsi ay naroroon si Liyong at panatag ang kalooban na nakasandal. Magaan sa pakiramdam ang sinag ng araw na nakakubli sa nagkukumpulang dahon sa itaas. Maraming paruparo ang nag sisiliparan kasabay sa ihip ng sariwang hangin. Pinagmasdan niya ang luntiang daanan, may mga talulot ng mga lantang kalatsutsi at nagdadala iyon ng halimuyak sa paligid.

Kanina pa siya nakaupo at parang may hinihintay na hindi niya mawari kung ano at sino. May mga imaheng kumukubli sa kaniyang isipan--- ang ngiti ng isang dalaga at ang mga mata nitong nagtataglay ng karisma.

Napahilot siya ng kaniyang sintido at napatingala sa kalangitang kulay asul.

Muling may sumagi sa kaniyang isipan, isang eksena na kung saan may malapit siyang mabangga. May eksenang pumasok na naman na kung saan nakikita niya sa isang puting panyo ang nakaburdang pangalan.

'Via Dolorosa'

Napapikit siya.

"Kailangan mo siyang puntahan Kailangan mong bumalik,"

Naimulat niya muli ang mga mata, hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang kaniyang ina. Napatayo siya at agad na sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"Liyong, anak, makinig ka..." Mahinhin na saad ng kaniyang ina. "Kailangan mong imulat ang iyong mga mata at harapin ang kasalukuyan, hindi pwedeng maiwan ka sa ganitong kasarinlan."

Sinamsam ng binata ang pagyakap, tumulo ang kaniyang luha. Nangulila siya nang matagal sa kaniyang ina, "Ina, gusto kong sumama na sa iyo."

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa anak at tiningnan nang maigi ang mga matang alam niyang puno ng pait at pagod, "Anak, hindi. May naghihintay sa'yo."

Ilang segundo rin ang pananahimik, puno man ng pagtataka ang mukha ni Liyong ay napapunas na lamang siya ng mga luhang nag-uunahang umagos sa kaniyang pisngi.  "Mahal na mahal kita, ina. Ayaw kong mawalay na sa iyo."

"Hindi muna puwede, may oras na magkakasama tayong muli."

"Bakit? P-patay na ba ako?" Wala sa sariling katanungan ng binata.

"Hindi,"

Napalingon siya sa gawing likuran, nakita niya ang lalaking may katandaan na. Payat ito at may kulay abong buhok at bigote.

"Hindi pwede..." Pagkatapos ay mas lumapit pa, "anak"

Doon napagtanto ni Liyong na ang kaniyang kaharap ay ang ama.

"Patawad, anak." Ang tanging nasambit ni Alfonso.

Sa ganoong eksena ay unti-unting naghahalo ang binata sa hangin, pero kahit ganoon ay nararamdaman niya pa rin ang pagdampi ng mga malalambot na palad ng ina sa kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang pulsuhan nito na tila ayaw niyang bitawan, "Ina, ama..."

----

UNTI-unting nagkakaroon ng malay si Liyong. Malabo man ang nakikita ay alam na alam niya ang boses ng humihikbi. Nakaramdam siya nang kaginhawaan, nakasandal siya sa dibdib ng sinisinta na tila isa siyang batang nawala. "D-dolor..."

Bakas sa mukha ni Don Xavier ang pagkagulat, kahit na si Dolorosa ay hindi makapaniwala sa nakikita ngayon.

Nabuhay muli si Liyong.

"Liyong?!" Bulalas ni Dolorosa, hindi maawat sa kaniyang mga mata ang butil ng mga luha.

Napangiti ang binata habang pinagmasdan ang mukha ng sinisinta, namumula na ang pisngi nito dahil sa kaiiyak. Pagkatapos ay nagawi ang kaniyang paningin kay Don Xavier. Napangiti ito sa kaniya at sabay nito ang paghinga nang malalim dahil sa kaginhawaan.

"N-nabuhay kang muli..." Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Dolorosa.

Dahan-dahan naman na lumayo nang kaunti si Liyong, napaupo siyang tuluyan. Tinitigan niya si Dolorosa sa mga mata, ang mga matang mapupungay at labing mapupula ay kaniyang naalala, "Hindi ko kayang iwanan ka, Dolorosa."

Napangiti ang dalaga at napayakap nang mahigpit kay Liyong.

ANG buwan ang siyang nagbibigay ng liwanag habang tinatahak nila ang daanan patungo sa malawak na lawa.

Paika-ika mang naglalakad si Don Xavier habang siya'y inalalayan ni Liyong ay nakaramdam siya ng saya kahit papaano.

Habang si Dolorosa na nasa likuran ay hindi mapigilang mapasulyap sa buwang tila kinakausap siya. Kanina'y pula ito, ngayo'y kasing-puti na ng gatas.

Nang marating nila ang lawa ay nakita nilang naghihintay na pala sa kanila si Marco at Adrian.

"Ama!" Sabay na sambit ng dalawa at agad na napayakap.

"Liyong, ikaw ba ay ayos lang?" Hindi mapigilang tanong ni Adrian.

Napangisi naman si Don Xavier, "Pangalawang buhay na niyan, talagang hindi kayang iwan si Dolor." Biro pa niya. Napansin naman niyang napahimas ito ng batok na para bang nahihiya.

"Si Dolor?" Tanong ni Marco.

Napalingon silang apat nang mapansin ang dalaga na kumikinang habang natatamaan ng sinag sa ilalim ng buwan.  Natigilan sila sa nasaksihan.

Pinagmasdan ni Dolorosa ang mga kamay na ngayon ay parang may kung anong awrang puti ang umaaligid sa kaniya. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari.

Tumatalas ang kaniyang kuko at maging ang pangil. Nag-iiba ng kulay ang balintataw, nagiging pula. Maging ang kaniyang tainga'y tumatalas.

Umarkong pabilog ang bibig ni Liyong, kitang-kita niya sa kaniyang dalawang mata kung gaano kaganda tingnan si Dolorosa sa bago nitong kaanyuan. Puti ang kulay ng buntot nito at hindi siya lubusang naging taong-lobo.

Puno ng kagalakan ang puso ni Don Xavier sa nakita, sa wakas ay nakamit din ng kaniyang unica hija ang kakaibang kakayahan ng pagiging taong-lobo.

Natunghayan din nila Don Mateo at ng alcalde ang pangyayaring iyon, nagka-akbay pa ang dalawa at may ngiting tagumpay.

ISANG linggo ang lumipas magmula noong nagkagulo ang lahat at natapos ang kasakiman ng mga bampira ay unti-unti na ring bumangon ang barrio Querrencia maging ang buong San Fernando.

Ang mga katulong na nakaligtas ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya. Ang iba'y piniling manilbihan na lamang sa pamilya Sarmiento.

Sa isang mahabang mesa ay naroroon ang lahat at masayang nagsasalo. Sa kabisera nakaupo si Don Xavier katabi si Doña Araceli.

Ang dalagang si Aina ay hindi makapaniwala sa pangyayari, niyaya siya ni Adrian na makisalo sa piging. Nahihiya man ay napapangiti na lamang siya sa pagiging mapagkumbaba ng pamilya Sarmiento. Nakita niya ring ngumiti sa kaniya si Immaculada na katabi si Marco.

Samantala, si Liyong naman at Dolorosa ay magkatabi at nagkakangitian at sinasabayan ng pagtawa dahil na rin sa mga biro ni Don Mateo.

"Bueno, yaman din lamang na naririto tayo, ito na ang pagkakataon na ipagbigay alam ko sa inyo," Panimula ni Don Xavier, "Nagagalak akong ipakilala sa lahat si Ginoong Leopoldo Sevilla na siyang magiging kabiyak ng aking unica hija!"

Napuno ng palakpakan ang buong silid.

"Ang kanilang kasal ay mangyayari sa mismong araw ng pasko." Dagdag pa ng Don.

Napapangiti si Liyong sa mga taong bumabati sa kanilang dalawa ni Dolorosa.

Hindi maiwasang maiyak ni Doña Araceli dahil masayang masaya siya sa mga nangyayari. Kahit papaano'y may kaligayahang namutawi na sa kaniyang puso.

"Ginoong Leopoldo, nawa'y pagaingatan mo ang aming anak na si Dolorosa. Mahalin mo at alagaan." Bilin ni Don Xavier pagkatapos ay itinaas ang kupitang may naglalamang vino, "Tayo'y magdiwang sa ating nakuhang tagumpay!"

"Salud!" Biglang saad ni Don Mateo. Sinundan naman ito nang lahat.

Nagkatinginan si Dolorosa at Liyong, tinginang magtatatak sa kanilang puso magpakailanman.

SA kabilang dako ay nagkaroon nang malay si Emilia. Inilibot niya ang kaniyang paningin, isang silid na napapalamutian ng mga magarbong kagamitan.

Napabangon siya't nakita ang repleksyon sa salamin. Napasigaw siya at napahawak sa kaniyang kaliwang pisngi, "H-hindi!" Kitang-kita niya ang sunog na bahagi ng mukha.

Napansin din niyang wala na ang umbok sa kaniyang tiyan. Lalo siyang nagtaka. "Ang aking sanggol!" Sabay hagulgol niya dulot ng pagkadismaya.

"Hija, huwag kang kikilos nang sobra."

Napatingin siya sa gawi ng isang pari, pamilyar sa kaniya ang mukha, "Saan ang aking sanggol?!"

"Nasa ibang silid sila at inaalagaan ng mayor doma at ibang kasambahay sa monasteryong ito." Saad ng pari sabay bigay ng pagkain kay Emilia.

"Anong sila?" Kunot-noong tanong ni Emilia sa pari.

"Kambal ang iyong anak, Emilia." Tugon ng pari, "Kung hindi mo ako natatandaan ay marahil hindi pa ako gaanong kilala noon. Ako si Padre Sanchez, kanang kamay ni Padre Castillo."

Napasingkit ang mata ni Emilia, natatandaan na niya ito.

"Alam kong iniisip mo na ngayon kung paano maghiganti, Emilia, pero huwag muna." Biglang wika ng prayle, "Nakakapagod din maging kaaway, palipasin ang panahon at hayaan mo silang samsamin ang kanilang tagumpay. Kapag lubusan ka nang handa ay pwede na, kung sabagay eh, immortal ka naman."

Napatulala si Emilia sa tinuran ni Prayle Sanchez. Kapag lubusan na siyang magaling, ang una niyang gagawin ay ang pabagsakin si Marco. Kahit na si Liyong ay hindi niya mapapatawad sa ginawa nito sa kaniyang mukha.

"TIYO Marco, bakit ka nag-iisa rito? Ayaw mo bang makisalo kina tiya Dolor?" Inosenteng tanong ni Luna. Nasa likuran niya naman si Giovanni.

"Dahil po ba may kaparehas sila, at ikaw ay wala?" Singit na katanungan ni Giovanni.

Nakita ni Marco kung paano humagik-ik ang dalawa na tila tinutukso siya kung kaya ay napangiti na lamang siya sabay pisil ng pisngi sa dalawang bata. Pagkatapos ay napadako naman ang kaniyang tingin kina Dolorosa at Liyong na masayang nag-uusap, kahit na si Adrian at Aina ay nagsusubuan ng pagkain. Napailing na lamang siya at nailipat muli ang paningin kay Luna at Giovanni na ngayon ay naglalaro na sa bahaging patag ng hardin.

"Kakanin?"

Napalingon siya nang tumambad sa kaniyang paningin ang makikinis na kamay dala ang isang kakanin, "Binibining Immaculada, m-maraming salamat." Pagkatapos ay kinuha niya sa kamay ng dalaga ang kakanin.

Napaupo naman si Immaculada sa kaniyang tabi, pinagmamasdan ang mga panauhin. Masaya, walang problema, at higit sa lahat ay ang makitang masaya ang kaibigan sa piling ni Liyong.

Katahimikan ang naghari sa dalawa, tanging mga tawa at pag-uusap lamang ang kanilang naririnig sa paligid.

"K-kung may isang taong maglalakas-loob muling hingin ang iyong kamay, kahit na ito'y iyong tinanggihan na, tatanggihan mo pa rin ba?" Wala sa sariling tanong ni Marco, nakaramdam siya ng pagkailang dahil na rin sa niligawan niya ang dalaga noon pero mas pinili ang kapatid na si Adrian.

Napatingin si Immaculada kay Marco sabay tabon ng abaniko sa bahaging bibig, hindi niya mapigilang matawa dahil alam niyang nagpapahiwatig ito sa pinagdaanan noong nanliligaw pa ito sa kaniya.

Napailing na lamang ang binata sa naging reaksyon ni Immaculada sa kaniya. "Pasensya na sa aking naging katanungan, binibini. Alam kong nakakasukot ang ganoong katanungan." At bigla siyang tumayo ngunit  biglang natabingi ang kanilang kinauupuang mataas na kahoy at nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at agad niyang nayakap ang dalaga upang hindi ito tuluyang bumagsak sa lupa.

Napapikit si Immaculada. Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakayapos sa bewang ni Marco. Hindi na magkamayaw ang kaniyang hiya nang maimulat niya ang mga mata, halos ang paningin ng mga panauhin ay nasa kanila.

Nahampas pa nang mahina ni Kahimanawari ang kapatid dahil sa kilig. Napangiwi naman si Kalayaan nang magulat sa hampas kahit na hindi naman masakit, napangiti na lamang siya.

Kahit na si Dolorosa ay naisiksik ang mukha sa braso ni Liyong dahil sa pagtatagpong iyon sa dalawa, napatawa siya nang mahina. Si Liyong naman ay napataas nang kilay at napangisi.

Agad naman na inalalayan ni Marco si Immaculada para makatayo na ito. "P-pasensya na sa ganoong eksena. Hindi ko sinasadya. Nasaktan ka ba, binibini?"

"H-hindi naman, salamat, ginoo." Nahihiyang tugon ng dalaga.

"Mukhang may susunod kina Dolor at Liyong ah?" Biro pa ni Don Mateo, "Mabait at maganda ang aking apo, amigo." Pagmamalaki pa niya sa kaibigan.

Naibuga naman ni Don Xavier ang usok at napatawa, "Nawa'y sila nga."

LUMIPAS ang ilang buwan at sumapit na rin ang buwan ng Disyembre. Abala na ang lahat sa paglalagay ng mga parol at ibang palamuti sa kanilang mga kabahayan.

Tatlong araw na lamang bago magpasko at ang maging kasalan nina Liyong at Dolorosa.

Nakahanda na ang lahat, mula sa karwahe, bulaklak, ang mga sangkap panghanda at ang mga dadalo.

Isa sa magiging abay ay si Edelmira at Teofilo. Nangako na rin ang taga-Kongregasyon na sila na ang bahala sa palamuti sa simbahan at maging sa mga regalo na matatanggap ng mag-irog.

Hindi mapigilan ni Liyong na yakapin ang magiging asawa mula sa likuran, naaamoy niya ang pabango nitong kasing-amoy ng sampaguita. "Kung dati'y inaasam lamang kita sa aking panaginip, ngayon ay nagkatotoo na rin."

Napangiti naman si Dolorosa na abala sa paglalagay ng mga bulaklak ng Paskuwa. "Aba'y nabihag ka sa aking kagandahan ano?"

Tumawa naman si Liyong, "Puntos na rin iyon. Pero, mas nahulog ako sa iyong pagiging matapang at palaban."

"Sus! Kung tatanggihan kita, malamang ay baka nagliyab na ako" Biro pa ni Dolorosa at napaharap sa magiging esposo na bigla na lamang humagalpak sa tawa.

"Aba'y nagiging mapagbiro ka na, sinta ah?"

Napangiti muli si Dolorosa at napayakap kay Liyong, pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito sabay titig sa mga mata. "Masaya lamang ako dahil hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo."

Idinikit ni Liyong ang kaniyang noo sa noo ni Dolorosa sabay halik niya sa ilong nito.

Napatigil na lamang ang dalawa sa paglalambingan sa isa't-isa nang may tumikhim mula sa pintuan.

Nakatayo si Teofilo sa bungad ng pintuan at napangisi. Sumunod naman si Edelmira na nagpakita sa dalawa.

"Magandang tanghali, sa mag-irog." Bati ni Teofilo sa kanila. Agad niyang nasalo ang paparating na yakap sa kaniya ni Liyong. Kung dati ay kasama niya lang ito sa mga kalokohan at panunukso kay Edelmira, ngayon ay talagang seryoso na ito sa buhay pag-ibig niya.

Kahit na si Edelmira ay hindi mapigilang mapangiti sa pagtatagpong iyon.

---

A/N: Ilang chapters na lang at ba-bye na tayo sa mundo ni Via Dolorosa. ❤️

Dedicated ko ang chapter na ito kay Senyor_Nephesh -- ang loyal kong reader mula pa sa nobelang 'Xavier'. Maraming salamat! ✨🖤

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 234K 41
"Who was your first kiss?" Ares asked very seriously and my face started reddening. "I. . . haven't been kissed. Yet." I looked away as I didn't have...
1.6M 28K 98
Some games can end well. You just have to play the game right. Harry, Aria, and their friends are apart of the game life. Each chapter is the next le...
6.5K 287 10
"๐˜„๐—ต๐˜† ๐—ฑ๐—ผ๐—ป'๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐˜๐—ฒ๐—น๐—น ๐—บ๐—ฒ, ๐˜„๐—ต๐˜† ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—บ๐—ฒ ๐˜€๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—น๐˜†?" " '๐—ฐ๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐˜†๐—ผ๐˜‚'๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ณ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ" ___________...
512K 20K 31
This book is a sequel to His Miracle Mate. *** **** *** Orla learns the secret of her ancestry, a secret that will make her a target if reveal...