If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 25

354 1 0
By SirIncredible

LVC Padala Manila Branch.


Kulay asul ang kalangitan at banayad ang daloy ng trapiko. Ang mga tao sa mall ay maagang pumila para sa simula ng kanilang 5-day Sale at All-Out Concert ng mga artista. Nasa labas nito ang isang babaeng namimigay ng flypapers para sa Job Hiring ng isang Agency papuntang abroad. Ilang metro rito ang isang bulag at kaniyang mga gitarista na kumakanta ng 'Pangako SaYo' sa kanyang baong mikropono at stereo. Dahil sa nakakaantig na galing at istilo ng boses, marami ang naghuhulog ng barya o kung minsan ay salaping papel pa sa kanyang inihandang malaking lata. Isang babae... nasa 53 anyos na matandang dalaga, may puti-puting buhok, nakasalamin at naka-bestida ang naghulog dito ng bente pesos na barya at umalis sa umaawit pagkatapos ang Chorus ng kanta. Bitbit ang bayong-bayungan, saglit na naglagay ng lipstick na pink ang matanda at tinungo ang overpass. Sa kanyang pagbaba sa kabilang bahagi ay mapapansin niya ang dalawang magkasintahang tinedyer na magkaharap na nagyayakapan at naglalandian. Dahil humaharang ang mga paa nito sa pababang hagdan ng overpass, sinita sila ng matanda.



"Excuse Me! Hindi ba kayo pumapasok sa eskuwelahan? Pwede kung landian lang din pala gagawin niyo... Mag-motel na lang kayo! Mga batang ito! Sinasayang ninyo ang pinapaaral ng mga magulang ninyo sa inyo", masungit na banggit ng matanda at agad layas ng babae't binatilyo


Pagkatapos makapag-unat unat ay pasuray-suray na pupunta ang matandang babae sa LVC Padala kung saan siya nagtatrabaho. Halos tapat lamang ito ng malaking mall sa may kalsada at katabi ng isang kakumpitensiya. Kukunin niya ang susi sa bulsa para sa nakababang metal sliding cover pero napansin niyang bukas na ang lock nito! Kahit nagtataka ay iniangat niya na lang ang cover para lumantad ang glass-type door at wall. Sa gustong makapasok sa loob ay napansin niya ring hindi naka-lock ang kanilang main door hanggang sa lalo pa siyang kabahan at sa pagbukas ng ilaw ay lalantad ang isang lalaki.



AAAAAAAH! MAGNANAKAW!!!! TULONG!!!!! AAAAAAAH! RAPIST! RAPIST!!! WAG!!!!



Sa malakas na paghiyaw ng matanda ay magagambala ang lalaking kanina pa natutulog sa tapat ng pintuan at saktong dating din ng isa pang maskuladong kayumanggi na lalaki sa trabaho.

"Aaaaaah...", patuloy ng matandang si Madam NJ

"Oh!", gulat na sambit ng bagong dating na si Trumpet at ibabaling ang tingin sa lalaki sa loob, "Tol! Ikaw lang pala yan!"

"Ha???", pagtatakang banggit ni Madam NJ, "Ikaaaaaw lang pala!"

"Ah eh...", banggit ng lalaki pagtayo mula sa pagkakahiga, "Pasensiya na po dito na ako natulog Madam kasi magulo po sa ami..."

"Hayop ka! Aatakihin mo pa ako sa puso!", patuloy ng matanda na may paghampas ng dalang bayong sa lalaki, "Walang hiya ka!"

"Madam Tama na! Tol... please!", pagpigil ni Trumpet sabay senyas ng pag-alis sa lalaki

"Madam!!!", malakas na sigaw nito na magpapahinto sa matanda

"Ah...", nakanga-ngang banggit ng matanda habang yakap ni Trumpet na nasa lampas trenta ang anyos at binata pa. Mapapatitig sa kanyang makisig na mukha ang matanda

"Lalo kayong nagmumukhang pangit kapag nagagalit kayo...", malambing na tinig ni Trumpet, "Tingnan niyo, ang ganda pa naman ng nilagay niyong lipstick sa labi niyo... Ang sarap siguro niyan halikan!"

"Tselaga... Trumpet?", kikay na boses ng matanda sabay pikit at lapit ng nguso sa binata ngunit may iistorbo sa kanilang bagong dating na customer sa pinto.

"Oh Sir! pasok po! Welcome to LVC!", bungad ni Lawrence pagkatapos makapag-ayos ayos mula sa pagkakatulog. Iiwanan na rin ni Trumpet ang matanda upang asikasuhin ang tao at magsisimula na sa gawain ang lahat.








Ang Padala Branch ay pinamumunuan ng isang Filipino-Chinese na negosyanteng si Louie Vitton Chan. Nasa ikalawang taon pa lamang ito sa tapat ng mall na ang pinaka-cashier at secretary ay ang matandang si Nerissa Jane o mas tinatawag sa loob na Madam NJ. Nasa Cagayan Valley ang pamilya ng matandang itong nagbo-board na lamang sa may 'Pedro Gil' malapit sa pinagtatrabahuhan. Ang nakuhang dalawang assistant for delivery and auditing ng matanda ay sina Trumpet at Lawrence. Magkababatang magkaibigan ang dalawang ito na parehas lumaki sa makipot at maalinsangang Tondo. Sa tuwing walang trabaho, madalas na pag-bondingan ng dalawa ay ang Basketball... ang bilyaran... inuman sa mga tambay ngunit hindi naglalasing... tumutulong sa mga construction... nagbubuhat sa mumurahing gym... pagpapart-time model sa mga LVC magazines at pambababae. Kapag may oras, sinasadya nilang maglakad-lakad sa Bay Walk sa gabi upang manood ng mga banda at makipagkuwentuhan sa mga chicks. Ngunit madalas kapag maraming kustomer ang dadaan sa branch nila ay ang imbiyernang chick ang kanila laging nakakausap... si Madam NJ.

"Tol... bakit mo naman kasi ginawa yun?", tanong ni Trumpet kay Lawrence habang parehas na naglilinis ng Package Section sa isang kuwarto

"Eh... badtrip ako sa bahay! Alam mo na... kapag nandoon lang ako, Pahingi dito! Pahingi doon! Gastos dito! Gastos doon! Lagi na lang ganito buhay namin! Nakakasawa na!"

"So... kaya ka pala natulog kagabi sa opisina? Buti hindi ka sinita ng guwardiya"

"Oo Tol! Pagka-alis niyo ni Madam NJ eh bumalik ako sa loob at isinara ang mga pinto at ilaw para kahit saglit eh malimutan ko problema sa bahay!", banggit ni Lawrence

"Eh, bakit ayaw mo pa kasing umalis doon? Pwede ka naman sa amin! May isang kuwarto pa dun!", wika ni Trumpet

"Gustuhin ko man pero naaawa naman ako kay Gilson! Parang anak ko na yun! Tsaka kailangan pa rin nun ng kalinga ni Ate! Yung pantustos ng pag-aaral niya... Siya na lang 'tol ang pag-asa namin sa pamilya... Ayaw kong mawalay sa kanya", sagot ni Lawrence

"Hay naku... Ganyan talaga ang buhay! Kahit naman ako may pinagdaraanan din lalo na't gusto ni nanay patirahin yung bagong boyfriend niya sa bahay. Eh... nagmamahalan ang dalawa eh! Pero wala pa ring papalit sa yumaong tatay namin! Nag-iisa lang yun sa kabaitan at pag-aaruga!", wika ni Trumpet na pinipigilang umiyak



"Alam mo 'Tol... may awa ang Diyos! Makakamit din natin ang walang hanggang kaligayahan... Maghintay lang tayo... Maghintay lang!", banggit ni Lawrence habang tinatapos ang pagpupunas ng box ng mga sulat at envelope na ipapadala sa iba-ibang lugar. Makikita rin sa labas ng bintana ang isang truck na package galing sa ibang bansa. Ilang saglit pa pagkatapos pirmahan ng matandang babae ang papel ay kumaripas na ng takbo ang truck at lumisan. Kakatok sa pintuan nila si Madam NJ na may hawak na long bond paper.

"Hep! hep! Lawrence... Trumpet... Itigil niyo muna iyan!", sambit ng matanda

"Wow! Meryenda na po ba Madam?", nakangiting wika ni Trumpet

"Oo!", mabilis na sagot ng matanda na agad babawiin, "Pwede... Ay! Hindi!"

"Pinoy Henyo???", usisa ni Lawrence

"Ano ba!", patuloy ng matanda, "Gamitin niyo ang van at marami kayong idedeliver ngayong araw na ito, okay? Tapos pagbalik niyo tsaka kayo kumain... Now na!"

Sumapit ang tanghaling tapat nang marating nina Trumpet at Lawrence ang isang barangay sa Pasay. Malinis ang daan at mauulinigan ang ilang paghampas ng mga numero sa inaalog na bingo bottle. Lumapag ang dalawa sa isang bahay na may mga orchids at hugis puso na gate... ang tahanan nina Janice. Si Lawrence ang unang bumaba ng van at kinuha ang package, agad din naman niyang kinatok ang gate: "Miss Janice Behosano!!!"

Makailang tawag din ang ginawa ni Lawrence nang pagbuksan siya ng isang babae, "Ah, Ma'am... package po! pakipirmahan na lang po itong papel sa received part"

"Package? Teka, tawagin ko lang si...", banggit ng lola na nakausap ng binata. Lumingon sila pareho sa pintuan sa likod at lalabas ang maalindog na dalaga.

HUWAAARH! Makinis, mukhang bagong ligo, bakat sa kanyang nighties na cream ang hubog ng katawan, iniikot ang ulo nang dumiretso sa gate at pawang ramp model kung tumingin sa paligid.



"Ako na lola!", sambit ng dalaga habang nakatitig ang napalunok na si Lawrence at eexit ang matanda. Biglang hahangin ng malakas at liliparin ang mahabang buhok ni Janice. Sasayaw din ang telang suot hanggang sa bumagsak sa braso ang maluwang na nakakapit na strap sa isang parte. May biglang babasag ng moment.



"Ma'am Sir! Abaniko po! pamaypay! sale po! Tatlo isang daan! May one month warranty pa!", sabi ng dumaang mama na may hawak na pamaypay na kaninang ipinapaypay kay Janice sa gate. May dalang shoulder bag ito na maraming klase ng pamaypay.



"Naku... manong sa iba na lang po! Gumagana pa naman ang electric fan sa bahay..." ika ni Janice na ibinalik ang nahulog na strap at huminto ang hangin

"Ah... Okay po!", sabi ng mama at sabay alis upang maglako, "Pamaypay kayo riyaan!"

"Anyway...", balik ni Janice kay Lawrence na may hawak ng package at papel

"Ah... Ma'am, pakipirmahan na lang po!", banggit ni Lawrence nang ihain ang papel.


Kinuha ni Janice ang box at tsaka nagpasalamat. Pagkasara ng gate ay matutulalang maiiwan si Lawrence sa tapat.

Mula sa side mirror ay makikita siya ni Trumpet galing sa driver's seat.

"Huy! Tol! Yung isa ibigay mo na rin para makabalik na tayo! Gutom na ako eh!"


"Ah, oh! Sige Tol!", sagot ni Lawrence kay Trumpet at agad kukunin sa loob ng van ang isa pang package para naman sa tapat nina Janice.


Isang matabang babae na may hawak ng bingo card ang kumuha ng package at ilang saglit pa'y makakarinig ng malakas na hiyaw sina Lawrence.


HUWAAAH!


Gumambala kay Lawrence ang malakas na pag-iyak ni Janice sa bakuran. Nang matapos pirmahan ng katapat na kapitbahay ang papel ay dahan-dahang bumalik si Lawrence sa sasakyan na madidinig ang mga tinig ng dalagang nakita.


"Hindi na ako mahal ni Julius, Lola! Kailangan na niya akong kalimutan! Wala na! Wala na siiiiiiiyyyyaaa! hu hu hu!"

May kabang umupo katabi ni Trumpet sa van si Lawrence at lumayas nang nakatitig sa bahay ng Behosano.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...