If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 20

291 1 0
By SirIncredible

"Uh... Love is in the hair!!!"


          Ito ang malakas na katagang pumukaw ng saglit na atensiyon sa buong Broadsheet Area. Abala  ang ibang staffs sa kani-kanilang mga assignments. May isang babaeng journalist na kagagaling lamang sa loob ng kitchen area upang magtimpla ng kape na pampagising sa kanya. Ang isang matandang writer naman ay nakikipagdiskusyon sa isang janitor dahil sa natabig na figurine na nabasag na binili pa ng writer sa Thailand noong bakasyon. Ang magkasintahan na bagong announced lang ang pagkakaroon ng anak ay nagpaplano sa isang gilid ng kanilang magiging baby shower at ang simpleng Beach Wedding na kanilang isasakatuparan bago lumabas ang bata. Ang unang cubicle malapit sa pinangyarihan ng krimen ay nanatili namang bakante at malinis para mas maging normal ang paggawa sa opisina. Kasama ni Janice sa kanyang cubicle ang dalawang kaibigan na halata sa mga pagmumukha ang pumapag-ibig.


          "...it is in the hair Sis!", ikalawang katagang sambit ni Rubie


          "Hair talaga?", sambit ng nakatayong si Janice na ang puwitan ay nakasandal sa kanyang desk

          "Oo Sis, ang haba haba ng hair mo! Daig mo pa si Cinderella... O si Princess Sarah!?", naguguluhang tanong ni Rubie

          "Tangiks! si Rapunzel!", wika ni Rhyna at titingin kay Janice, "Pero Sis, sana sinulit mo na! Sinagad mo na dapat hanggang sa gums yung halikan niyo ni Papa Julius!"

          "Hoy! grabe naman 'yun!", sambit ng blooming na si Janice, "Hindi naman namin sinadyang magkadikit ang mga labi namin eh tsaka mabait 'yung tao at alam kong kaibigan lang din ang turing nun sa akin"

          "Weh? as if kaibigan lang din ang tingin mo sa kanya Sis?", tanong ni Rubie

          "Ka... kai... bigan!", nauutal na sagot ni Janice

          "Hay naku Sis! Matanda ka na at napakarami mo nang kaibigan sa labas ng opisinang ito nuh! Mas kailangan mo ngayon ay 'yung taong magbibigay sa'yo ng magandang pamilya na maipagmamalaki mo sa future. Sayang naman ang 'beauty and brains' na nasa dugo mo... hello!", wika ni Rhyna

          "Ewan ko sa'yo Sis... kung kailan nandiyan na ang kidlat, ayaw mo pang magpatama. Gusto mo lumipat pa ang kidlat sa iba! Ikaw rin... kapag naakit 'yan sa akin si poging mayaman, maghuhubad talaga ako agad sa harap niya. Boom Buntis!", banggit ni Rubie na gigiling-giling

          "Ano ba kayo mga Sis... Ilang beses na akong na-in love sa buong buhay ko at ilang beses na rin akong nabigo at nasaktan... Ayaw ko nang maranasan 'yun ulit!", sambit ni Janice

          "Pero Sis... Try and try until you succeed nga 'di ba? Kahit ako, nakailang boyfriends na rin na iniwan ako ngunit hindi naman ako sumuko! Ang sarap kaya ma-in love...", wika ni Rhyna na mapapayakap sa sarili, "Na-miss ko tuloy si Vince"

          "Tama na nga 'yan! naiintindihan ka naman namin ni Rhyna, Sis eh... siguro you still need time to realize pa. Kung destined naman talaga na maging kayo for the future eh... kayo't kayo talaga ang magmamahalan sa dulo 'di ba?", banggit ni Rubie

          "Oo nga... mahirap na rin kasi ang umasa. Ang pagmamahal naman ay nakakapaghintay. Mas masarap kung nagsisimula kayong kilalanin ang isa't isa, ang maging magkaibigan... hanggang kayo ang magkatuluyan!", sambit ni Janice

          "...and the award for the Journalist Dream Girl of the Boys is...", wika ni Rhyna na gagawa ng sariling drum roll sa desk ni Janice

          "Janice Behosano!!!", sabay na banggit nina Rubie at Rhyna. Titingnan sila ni Janice na matatawa sa ginawang eksena. May daraan sa labas ng cubicle na isang babaeng staff na may bitbit na makakapal na folders. Mula sa mga bitbit ay may malalaglag na pirasong mga nai-print na papel mula sa babae na matuling nakalabas ng opisina. Mapapansin ito ni Janice na susubukang damputin ang mga nalaglag malapit sa kanyang cubicle at isauli ngunit hindi na siya maririnig ng babaeng staff. Magugulat si Janice nang basahin ang pirasong papel.

          "Mga Sis... nabasa niyo na ba ito?", tawag ni Janice sa kaniyang dalawa pang kasama at ipapabasa ang papel

          "One Thousandth and First Case?", basa ni Rubie sa papel

          "Grabe talaga iyang mga gatas sa bata na may nakalalasong kemikal! Alam ko may lead na ang pulisya sa imbestigasyon na 'yan pero hindi pa rin sila nakakasigurado kasi masyadong tago ang imbakan nila ng mga produktong 'yan galing Tsina", wika ni Rhyna

          "At ang balita pa, sa mga liblib na baryo sila nagbabagsak ng mga produkto na protektado ng mga armadong grupo kaya hindi mapuntahan basta basta ng ating Sandatahang Lakas", dagdag ni Rubie habang malalim ang pag-iisip ni Janice hawak pa rin ang papel

          "Naku... sana matugis na talaga agad ang mga promotor nito bago pa maging milyon ang bilang ng mga bata at sanggol na nagkakasakit at dahil sa walang pampagamot ay namamatay na lang kalaunan...", wika ni Rhyna at iiwanan sila ni Janice upang kunin ang bag.

          Pagkalapag ng papel malapit sa kanyang monitor ay naghalungkat muli si Janice sa mga laman ng shoulder bag niya ngunit wala siyang makita.

          "Ano ba 'yan!", napakamot sa ulong banggit ni Janice

          "Bakit Sis? Anong hinahanap mo?", usisa ni Rhyna

          "Ang Flash Drive para sa draft report ko... kinalimutan ko na naman!", sambit ni Janice

          "Ayun lang... hayaan mo Sis may bukas pa naman! Tsaka nakumpleto na rin naman ang bente kuwatro oras mo kahapon eh... Nandiyan naman si machong Julius Caesar!", banggit ni Rubie na lumalapit sa nagambalang si Janice

          "Haha! Oo nga... tsaka hindi na rin ako magtataka kung mamaya, i-page ka na naman sa lobby na meron kang gift from your admirer...", wika ni Rhyna na nakatingin kay Janice

          "Sis... minsan palit naman tayo ng mukha para ma-experience ko naman maging ikaw. Ang sarap mong i-impersonate eh! Ganda oh!", banggit ni Rubie na maiiwang nag-iisip ang kausap

Janice's POV

          "Ano daw?!?"

Sa Lobby Area.

          Uwian na ng maraming empleyado at boss sa buong gusali. Ang mga may dalang kotse ay dumidiretso sa basement parking area upang gamitin ang sasakyan. Ang iba naman ay nagtitiyaga sa may kalsada upang maghintay ng taxi o ibang pampublikong sasakyan na makakapagdala sa kani-kanilang tahanan. Ilang agwat mula sa exit ng glass door ay haharangin ng guwardiya ang pauwing si Janice na kasama pa ang dalawang kaibigan. Matapang na hinarap ni Janice ang nagbabantay.

          "Miss Janice! may nagpapabigay po sa inyo kanina...", sabi ng guwardiyang matabang babae na may kinuha mula sa locker ng reception at ibinigay sa dalaga

          "Ah! Ganun ba? Salamat...", wika ni Janice sabay kuha sa isang box ng tsokolate na may kasamang note:

          IT STARTED WITH A QUESTION

          AND ENDED WITH LIPS IN UNION

          BUT THE FEELING MADE ME ANXIOUS

          TO TELL YOU IN SERIOUS

          YOU LEFT AN 'INSPIRED JULIUS'

          "Hala! parang napanuod ko na 'to sa pelikula eh... 'yung naging magkasintahan sila kasi hindi nila makalimutan 'yung pagdikit ng mga labi nila sa isa't isa... 'yung hindi spark ang naramdaman nila kundi kidlat, malakas na kidlat!", sambit ni Rubie pagkatapos makibasa

          "Ano ba kayo... kapag na-inspire na-inlove na agad-agad? Hindi ba pwedeng natuwa lang? 'yung masaya lang?!", wika ni Janice

Rubie's POV

          "Eto si Janice, pakipot pa eh! Sampalin ko kaya ito... tapos isako at itapon sa ilog ng buhay nang matauhan..."

Rhyna's POV

          "Ano ka ba Rubie, painumin na lang natin ng gatas na nakalalason para diretso na sa sementeryo itong babae na ito at masolo na natin si Papa Julius..."

          "Hoy!", wika ni Janice sabay turo sa dalawa pang kaibigan, "Narinig ko ang mga POV niyo ah! Bwisit kayo, may balak pala kayong masama sa akin. Akala ko mga matalik ko kayong kaibigan..."

          "Eto naman si Sis... Joke lang!", banggit ni Rhyna

          "Basta Sis... we will support you all throughout! Kung talagang choice mo na family at work first talaga, ayos lang! Basta anytime na naramdaman mo nang ma-in love... dito lang kami ni Rhyna Alcantara ah!", malambing na sambit ni Rubie

          "No problem!", sinabi ni Janice at sabay bigay ng tsokolate sa dalawa. Itinago niya sa bulsa ang bagong note na natanggap at lumisan.







          Katapusan. Siyempre, ang lahat ng may trabaho ay may ngiti sa mga mukha dahil suwelduhan na naman at magkakaroon na naman sila ng pera. Ang iba ay dumiretso sa kanilang mga kabahayan upang yayain ang mga kapamilya na mamasyal at manuod ng pelikula sa mga sinehan. May ilan na nag-food trip, nagbayad ng mga bill sa kuryente... sa tubig... sa wi-fi connection... sa mga appliances na pahulugan at maging sa upa ng bahay na kinalalagakan nila. Marami rin naman ang sama-samang nagtungo sa mga beerhouse upang panandaliang pawiin ang pagod sa paghahanapbuhay at mga kumuha ng kanilang mga bagong gadget upang makapagyabang sa kabarkada. Hindi rin mawawala ang mga indibidwal na pagkatapos makuha ang suweldo ay magtatago na sa mga pinagkakautangan at kapag nakita ay biglang kakaripas ng takbo dahil umiiwas na magbayad. Ang mga mababait na empleyado naman ay pumila sa mga ATM para mag-withdraw at tutungo sa malapit na    supermarket upang mag-grocery ng pangangailangan ng pamilya... ito ang gaya ni Janice.

          Naglaan ng pera si Janice para sa pagbili ng mga pangunahing bagay na kailangan niya, ng pinsan at ng lola sa bahay. Ang ibang hindi niya inilabas mula sa ATM ay itinago pambayad naman ng kuryente at tubig at para sa ipon kung may biglaang gastos. Mag-isang  pumasok ito sa airconditioned na hypermarket at kinuha ang isa sa mga nakapilang malaking grocery stroller. Una niyang tinungo ang section ng mga biskuwit at dumakot ng mga kailangan. Agad na lumipat sa mga Snack Foods... Noodles... Can Goods... Drinks... at Fresh Meat. Sa pagpunta sa Grains Section ay may makakabangga siyang isang lalaki na pumipili rin ng mabibili sa tindahan. Nagkatinginan ang dalawa at nagkausap.

          "Oh! Have we met before???", banggit ni Julius na may hawak na isang box

          "Huh?!", pagkunot-noong sambit ni Janice habang hawak ang napiling cereal na Php34.50 ang isa. Ihahampas niya ito sa braso ng lalaki.

          "Oy! Have we met, have we met ka pa diyan! Loko ka ah!", dagdag ni Janice

          "Hehe... binibiro ka lang... Kumusta?", banggit ni Julius na nakatingin sa Jolina Magdangal bangs style ng dalaga, "You look amazing!"

          "Thanks...", sambit ni Janice habang pinapaandar ang kanyang grocery stroller at kumukuha ng mga makikitang kailangan, "I'm okay naman... Ikaw? anong ginagawa mo rito"

          "I'm purchasing a cereal for my office. Minsan kasi nakakalimutan ko na mag-breakfast sa house kaya sa office nalang ako kumakain 'pag may time...", banggit ng binata pagkatapos ipakita ang hawak

          "Wow!!! Cereal lang? Sure ka bang wala ka nang iba pang kukunin dito?", tanong ni Janice na kumuha ng isang set ng mga tingi-tinging kape. Mabilis na sumagot ang kausap.

          "Puso mo!", banggit ng binata sa nakatalikod na babae at mapapatigil sila pareho. Matutulala ang nakatalikod na si Janice at kakabahan, "A... I mean itong...", kukunin ng binata ang makikitang nakabalot sa gilid, "Puso muna ng saging... masarap ito igata 'di ba?"

          "Ah...", haharap sa kausap at makikita ang hawak, "Oo! marunong ka pala magluto"

          "Me... medyo! tinuruan kasi ako ng dad ko noong college para sa project namin!", palusot na banggit ng lalaki na pinagpawisan. Kanya nang binitbit ito at sinundan si Janice.







          Nagpatuloy ang pakikipagtalastasan ng dalawa na may pagtawa minsan dahil sa kung anu-anong mapag-usapan. Dahil sa kaunting kilig na nadama ng dalaga ay hindi na rin niya pinansin ang mga nailalagay na piraso sa kanyang stroller. Patuloy ang kuwentuhan at patuloy din sa paglalagay ng mga bagay-bagay si Janice kahit hindi tinitignan ang presyo at brand. Hanggang natapos nilang ikutin ang buong hypermarket at sa sobrang puno na groceries ay pumila si Janice kasabay ni Julius sa cashier at nagbayad. Sa patuloy na pag-swipe ng barcodes ay natapos ito sa sampung malalaking eco-bag at resibong Php 12999. Nanlaki ang mga mata ni Janice dahil kulang ang nai-withdraw hanggang si Julius na ang sumalo ng mga babayaran. Nang matuwa at mapakagat-labi si Janice, idiniretso na rin sa sasakyan ni Julius ang mga naipamili ng dalaga at nagyaya ng drinks ang binata sa Starbucks. Agad namang sumang-ayon ang dalaga at nagmaneho ang binata sa Coffee Shop.

          "Haha!", banggit ni Julius habang hawak sa isang kamay ang baso ng kape at hinawi ang bangs ni Janice ng kabila, "A pretty face is not pretty unless she is kind... A kind person is not kind really unless she shares what makes her pretty"


          "Grabe ka... thanks ulit kanina sa store... ang husay mo talaga sa mga quotes, ganyan ka ba sa mga nagiging syota mo?", tanong ng dalagang nagba-blush


          "Uhm... slight! At least by words and by actions... sincere ako!"


          "I'm partly convinced", nakangiting sambit ni Janice na mag-aalarm ang phone para sa oras ng pag-uwi. Agad nilang tinapos ang iniinom at nagtungo sa sasakyan upang umuwi.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...