Ferrer Series #2: Loving You...

By Hanse_Pen

56.2K 1K 30

Ferrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 24

1.2K 19 1
By Hanse_Pen

Levana Hera Nyx's Point of View

"Kailangan ba talaga naging lumipat, Ate?" Tanong ni Levin habang inaayos ang kaniyang bag.

"Levin, ito ang gusto ni Thunder. Ipapaliwanag ko na lang sa iyo kapag naroon na tayo sa kaniyang bahay. Kailangan natin 'to."

"Sa iisang bahay na lang talaga tayo titira? Paniguradong iisa lang ang kuwarto n'yo ni Kuya Thunder. Ayaw ko pang magkaroon ng pamangkin. Hindi pa ako rich Tito. Sinasabi ko lang kay Kuya Thunder na gusto ko na ng pamangkin pero ayaw ko pa talaga," natatawa niyang saad kaya't natawa na lang din ako.

"Malabo pa iyang sinasabi mo, Levin. Wala pa akong balak magka-anak hangga't hindi ka pa nakakapagtapos ng college."

"Ilang taon pa iyon, Ate. Makakatagal kaya si Kuya?" Tanong niya pa.

"Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang ay makapagtapos ka ng pag-aaral mo."

Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit at nang matapos ay lumabas na kami sa salas. Busy si Thunder sa pagtingin sa tatlong isda.

"Thunder."

"Oh, you guys ready?" Tanong niya at nilapitan ako at kinuha ang bag na dala-dala ko.

"Yeah. Tapos na mag-impake si Levin."

"Alright. Balikan na lang natin 'tong mga anak natin," aniya at tinignan ang mga isda.

Napailing na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Talagang itinuring niya nang mga anak ang tatlong tilapia na binili namin sa palengke noon. Masyadong mabait si Thunder at pati isda ay ginawang anak.

"Hey, why are you laughing, baby?" Ungot niya at niyakap ako sa bewang.

"Wala lang. Ang cute mo lang kasi everytime na sinasabi mong anak natin ang tatlong isda na 'yan."

"Baby, alam mong gusto ko nang magkaroon ng anak. But I have to respect your decision, I know na kailangan mo pang pag-aralin itong si Levin hanggang sa maka-graduate siya. I'll wait, don't worry. For now, sina Lala, Lili, at Lulu na lang muna," aniya kaya mas lalo akong napangiti.

He never failed to make me smile. A husband material indeed.

"Tama na nga kayong dalawa. Masyado na kayong corny," singit ni Levin. "Hindi pa ako ready magkaroon ng pamangkin. Joke lang iyong sinabi ko kanina."

"Fine," ungot ni Thunder.

Napailing na lang ako bago niya kinuha sa aking kamay ang bag na dala-dala ko. Puro damit lang naman ang dala namin. Sabi nga niya ay huwag na at bibili na lang ng bago pero tinutulan ko ito. Maayos pa naman ang mga damit namin kaya hindi na kailangang bumili ng bago. At isa pa ay siguro naman hindi kami magtatagal doon sa bahay niya.

Ang usapan namin ay kapag nahanap na ang lalaking iyon ay ibabalik niya na kami sa dati naming bahay. Talagang kailangan lang namin lumipat ni Levin dahil nga sa banta ng lalaking iyon.

Gabi na nang makarating kami sa bahay ni Thunder. Agad niyang inihatid si Levin sa magiging kuwarto nito bago ako hinila.

"This is my room, baby. Oh, let me rephrase that, this is our room."

"Matulog na tayo, Thunder. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga."

"Fine, bukas ay mag-uusap tayo ulit tungkol sa lalaking iyon."

Hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit at basta na lang inihiga ang katawan sa malaking kama na narito sa kaniyang kuwarto. Naramdaman ko na lang din ang kaniyang pagtabi sa akin at iniyakap ang mga braso sa aking bewang.

"Good night, baby. I love you."

Iyon ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagluto sila ng breakfast. Hindi ganoon kalaki ang bahay ni Thundi, hindi katulad ng sa mga magulang niya. Para bang sakto lang talaga sa iisang pamilya. Simple lang din ang design nito at maaliwalas sa mata ang pinturang ginamit.

Hindi na rin ako nahirapan maghanap ng kusina dahil nasa first floor lang naman ito.  Nagluto lang ako ng simpleng piniritong itlog at hotdog dahil iyon lang naman ang nakita ko sa kaniyang refrigerator.

"Hey, baby. Good morning."

Naramdaman ko na lang ang biglang pagyakap sa akin ni Thunder mula sa likod. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at pinatakan ng maliliit na halik ang leeg. Hindi ko maiwasan na hindi makiliti dahil sa ginagawa niya.

"Thunder, agang-aga."

"Why? I just want to greet you a good morning, baby. What's wrong?" Natatawa niyang saad kaya hinarap ko ito. Ipinatong ang magkabilang braso sa kaniyang balikat at tinitigan siya. Sobrang guwapo talaga.

"Good morning din sa iyo, Thunder ko."

"Damn! Parang ayaw kong pumasok ngayon sa office. I want to spend time with you, baby," aniya.

"Pero absent ka na kahapon. For sure ay tambak na naman ang trabaho."

"Work can wait, baby. And you're my first priority. I can earn millions in a day without going to work," aniya pa.

"Ang yabang mo talaga, 'no?"

"Just stating the fact here. Hmm, kaya ko naman kayong buhayin ni Levin kung tutuusin," sabi niya.

"Oo nga, kaya mo nga. Pero gusto ko kasing sa sariling pera ko mismo mapag-aral si Levin. Gusto kong makapagtapos siya nang hindi nanghihingi sa pera mo dahil pera mo iyon. Wala akong karapatan doon."

"Noong sinagot mo ako, lahat ng pag-aari ko ay pag-aari mo na rin. If you want, you can apply as my wife, araw-araw kang may suweldo sa akin, may bonus pang kasama. Sa guwapo ko ba namang ito," nakangisi niyang saad kaya tinapik ko ang pisnge nito.

"Aysus. Ang yabang talaga. Umupo ka na nga at maya-maya lang ay narito na si Levin. May pasok pa ang isang 'yon."

"Fine."

Hinalikan niya muna ako sa aking noo bago naupo at hindi nga tumagal ay dumating na rin sa kusina si Levin. Nakasuot na ito ng kaniyang uniform.

"Good morning, Ate at Kuya," bati niya at naupo.

Nagtimpla muna ako ng gatas para kay Levin at kape naman para kay Thunder. Nang matapos ay naupo ako sa tabi ni Thunder. Tapos na rin naman akong magluto.

"Levin, gusto mo bang ihatid kita sa school mo?" Tanong ni Thunder at nagsimula na kaming kumain.

"Hindi na, Kuya. Kaya ko na ang sarili ko. For sure naman ay paglabas ko nitong subdivision n'yo ay may tricycle na," sagot ni Levin.

"You sure?"

"Yes."

Tumango na lang si Thunder at nagpatuloy na kami sa pagkain. Katulad nga ng sinabi ni Levin ay hindi na ito nagpahatid pa. Dinagdagan ko na lang ang kaniyang baon para may pamasahe siya, medyo malayo kasi ang school niya rito.

"Baby, what do you want to do?" Tanong ni Thunder nang makaupo kami sa sofa.

"Hmm, wala. Sabi ko naman kasi sa iyo pumasok na lang tayo sa trabaho. Mabuti roon may ginagawa tayo."

"But I want to be with my baby. Let's just cuddle na lang, baby."

Napailing na lang ako dahil sa asal niya, para talagang bata. Kapag ginusto ay gusto talaga. Kailangan pagbigyan.

"Hey, brother! We're here!"

Sabay kaming napalingon ni Thunder at doon nga ay nakita namin si Uno na kasama si Storm, nakasimangot si Storm at si Uno naman ay nakangisi. Mukhang nang-inis na naman si Uno ng kaniyang kapatid.

"Oh, Ate Levana, you're here pala," ani ni Uno at naupo sa sofa na kaharap namin. Ganoon din si Storm.

"Yes, Uno."

"What are you guys doing here? You, Uno, you don't have school today? And you, Storm, you don't have any photoshoot today?" Tanong ni Thunder. Gumapang ang kaniyang kamay sa aking bewang, pinabayaan ko na lang ito na roon ilagay ang kamay. Kahit naman kasi tanggalin ko ay paniguradong ibabalik niya rin iyon doon.

"I do have but nahuli ko si Ate Storm na may tinatago sa atin," sagot ni Uno at tinignan si Storm.

"And what is it, Uno?" Seryosong tanong ni Thunder.

Kapag talaga mga kapatid ang kausap niya ay sobrang seryoso niya at kung minsan ay masungit pa. Akala mo hindi kadugo. Ang bait sa akin pero masungit sa iba. Hays.

"Itong magaling mong kakambal ay may nagugustuhan na. She's in love, brother," sagot ni Uno.

"What the heck!? Totoo ba iyon, Storm?" Galit na tanong ni Thunder.

"Yeah, that's true. And what's wrong with that ba? We're on the same age lang naman. Why are you guys mad? And I really like that guy kasi," katwiran ni Storm.

"Gusto ka ba ng lalaking iyon?" Tanong ulit ni Thunder.

"No, but soon he will. I know naman na magugustuhan niya rin ako, I'll do everything. Remember, I am a Ferrer," sagot ni Storm.

"Saan mo ba nakilala iyang lalaki na iyan, Ate?" Tanong ni Uno.

"Sa airport. And he's the new photographer of your company, Razelle. And how did you know that I like someone ba, Uno? You're so chismoso talaga," maarteng saad ni Storm.

"You mean that Iver guy?" Tanong ni Thunder na tinanguhan lang ni Storm.

"Nakita kasi kitang parang tanga na pangiti-ngiti kanina no'ng breakfast. Pinauna ko lang sa school si Dos at Tres and sumunod ako sa iyo. And there, I saw you stalking that guy. He looks gay, though," sagot naman ni Uno.

"Hey! My Iver is not gay!" Angal ni Storm.

"I said he looks gay nga, hindi ba? Hindi ko naman sinabing bakla talaga iyong nagugustuhan mo. Makasigaw ka naman akala mo nasa kabilang bundok ako," ani ni Uno.

Nagpatuloy lang sila sa usapan at doon nga namin nalaman na na-love at first sight pala itong si Storm. Palagi niya raw ini-stalk itong lalaki at sinubukan niya ring pikutin, hindi nga lang siya nagtagumpay. Nagalit pa si Thunder dahil sa ginawa ni Storm pero itong si Storm ay parang wala lang pakialam kung magalit ang ibang kapatid. Ibang klaseng babae talaga itong si Storm. Walang inaatrasan basta magustuhan.

Naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksiyon ni Thunder. Nag-iisang babae lang si Storm sa family nila kaya dapat lang itong ingatan.

"I want to meet that guy, Storm," wika ni Thunder.

"Yeah, me too," wika naman ni Uno.

Tinarayan lang ito ni Storm. Para tuloy gusto ko rin makilala ang nagugustuhan nitong si Storm.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

980K 31.2K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...