When Borj Falls in Love

borj_roni

15.5K 640 83

Borj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nag... Еще

Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven - Finale

Chapter Three

1.1K 51 5
borj_roni

ILANG oras na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Roni ang mga sinabi ni Borj. Naibuhos tuloy niya ang inis at galit sa trabaho. Pati ang tatay niya ay napansin iyon.

"Okay ka lang ba, Roni?" nagtataka nitong tanong pagkatapos ibaba ang mga pinamiling piyesa sa mesa.

"Opo, Tay," matipid niyang sagot at naiinis na pinukpok ng martilyo ang turnilyo ng sidecar ng tricycle.

"Anak, hindi martilyo ang gamit sa turnilyo. Subukan mo ang screwdriver. Baka sakaling effective."

"Ha?" Kaya pala nahihirapan siyang ayusin ang sidecar. Tumayo siya at bumuntong-hiningang umupo sa naroong silya. "Tay, maganda ba ako?" tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng kanyang ama. "O, bakit mo naman naitanong yan, anak? Alam mo namang maganda ka. Aba'y kamukhang-kamukha mo ang nanay mo."

"Baka naman sinasabi mo lang yan dahil tatay kita?" Bakit ba hindi lahat ng lalaki ay katulad ng tatay niya?

"Ako pa ba ang unang manloloko sa yo, anak. Medyo mag-ayos ka lang ng kaunti."

Sabay pa silang natawa. Matagal na rin kasi siyang kinukulit ng ama na mag-ayos bagaman hindi nito kailanman pinagdudahan ang kanyang kasarian. Ang totoo nga niyan ay alam ng kanyang ama kapag may crush siya.

"Promise, Tay, mag-aayos na ako. Para naman hindi na ako napagkamalang tomboy," wika niya sabay ngiti.

Nagkibit-balikat ang kanyang ama. "Ah, kumusta nga pala ang pagkikita niyo ni Borj?"tanong nito.

Pagkabanggit sa pangalan ng lalaki ay muling umahon ang inis ni Roni. "Ayun, kung makapagbiro eh, para pa ring hari ng kalalakihan."

"Hindi mo naman masisisi ang kaibigan mong iyon, Roni. Talaga namang magandang lalaki si Borj."

She pouted. "Eh, bakit sina Patrick, guwapo rin naman pero hindi babaero?"

"Magkaiba naman sila, anak. Hindi maglalaon at makakatagpo rin si Borj ng totoong magpapaibig sa kanya. Baka sakaling tumino na ang kaibigan mong iyon."

Magpapasalamat ba siya kapag may babaeng nagpatino na kay Borj? Or would she dread it?

Ipinilig na lamang ni Roni ang ulo at nag-concentrate sa gagawing plano. Mamaya ay pupunta siya sa bayan para mamili ng mga bagong damit. It was now or never. Kailangan niyang turuan ng leksiyon si Borj at sisiguruhin niyang kakainin nito ang mga sinabi sa kanya. She would make sure he would feel sorry that he even said those things to her.

Nagpapasalamat siyang sinabi sa kanya ni Borj ang tungkol sa hamon ng mga kapatid nito. She would make him feel miserable and worse, sisiguruhin niyang matatalo ito sa hamon. Gagawin niyang exciting ang bakasyon ni Borj sa San Luis.




EKSAKTONG pagkarating ni Roni sa bahay nila mula sa bayan ay nakatanggap siya ng text message mula kay Missy. May idadaos daw na Thanksgiving party sa mansiyon ng mga Jimenez at iniimbita siya nitong dumalo. Ilang sandali pa ay isang text message mula naman kay Borj ang na-receive niya.

Roni felt a bit excited dahil mas mapapaaga kaysa sa inasahan ang pagsisimula ng kanyang plano. Pero kinakabahan din siya dahil hindi siya sigurado kung mapaninindigan niya ang gagawin.

She was not used to wearing sexy clothes and it would be her first time after ten years na magsuot ng totoong pambabaeng damit. She took a deep breath and relaxed her mind. Desidido na siyang sirain ang safe zone ni Borj. She would dress as beautiful and as sexy as she could. Tingnan lang niya kung hindi kainin ni Borj ang mga sinabi nito sa kanya.

Pinili ni Roni ang isang red mini bodycon dress. Lalo tuloy na-emphasize ang shape ng kanyang katawan na matagal na itinago sa maluwang na t-shirts. Labas din ang kanyang cleavage at mapuputing legs. Medyo nag-aalangan siya ngunit nilakasan niya ang loob.

Inayos niya in a bun-like style ang buhok at nagsuot ng five-inch heels. She put on red lipstick to match her dress at nag-apply ng kaunting makeup.

She looked at her own reflection in the mirror. Pati siya ay hindi nakilala ang sarili. She looked really beautiful... And hot.

"Just wait and see, Borj Jimenez. Masasabihan mo pa ba akong tomboy kapag nakita mo ako?" She smiled at the thought. Iniisip niya ang magiging reaksiyon ng kaibigan kapag nakita siya sa ganoong ayos.




TATLONG araw pa lang sa San Luis si Borj pero pakiramdam niya ay hindi na niya kakayaning hindi pumunta sa mga bars at makipag-hang out sa mga babae. Ngunit kailangan niyang iwasan ang mga usual na ginagawa.

Pati ang mga magulang niya ay laki ang pagtataka sa nangyayari sa kanya. Dati-rati kasi, kapag umuuwi siya sa bayan nila ay hindi siya mapirmi sa bahay. Lagi na lamang siyang may kasamang mga kaibigan o di kaya ay may date. Worse, hindi siya umuuwi sa bahay at nasa siyudad lang with his flings.

Ngayon naman, kung hindi sila naglalaro ng basketball na magkakapatid ay nakatambay siya kina Roni. May mga pagkakataon pa nga na nagbo-volunteer na siya na maging hardinero ng kanyang mama para lang magpalipas oras.

At ngayon ngang gabi ay nag-organize ng Thanksgiving party ang kanyang papa para ipagpasalamat sa mga kababayan nila ang pagkakaroon ng progresibong bayan. Halos lahat ng taga San Luis, mahirap man o mayaman, imbitado. He made sure na makakatulong iyon para malibang siya kahit paano. Inimbitahan din niya si Roni at ito na lamang ang sasamahan niya para makaiwas sa kung anumang temptation na darating.

Ilang sandali pa ay napuno na ng tao ang kanilang hardin. May ilang bumati kay Borj ngunit minabuti niyang maupo sa di-kalayuan para hindi mapansin ng mga bisita.

Damn the dare! He cursed silently at tinungga ang hawak na beer. Ang tagal naman ni Roni!

Kanina ay tinanong niya si Missy kung pupunta si Roni. She said 'yes,' ngunit hindi pa ito dumarating. Kanina pa nga niya ito hinihintay.

He was about to leave his seat when he noticed someone. Pati ang mga naroroong bisita ay hindi naiwasang tingnan ang bagong dating. Why, the woman was very sexy and beautiful. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak niya sa lata ng beer.

Nakasuot ang babae ng pulang damit na hapit sa katawan, emphasizing every curve. Her legs promised eternity at ang mga dibdib ay nangangako ng kaligayahan. Naramdaman niya ang panunuyo ng lalamunan.

Okay, Borj, breathe. Kaya mo yan. Tandaan mo ang dare.

Ngunit hindi pa rin niya maalis ang tingin sa magandang babae na ngayon ay tila lalong naging kaakit-akit sa paraan pa lang ng paglalakad nito.

Oh, fuck the dare!

Namalayan na lang ni Borj ang paglapit sa babae na ngayon ay nakatalikod at kausap ni Missy. Habang tinatawid ang venue ay sa pang-upo ng babae siya nakatingin. He took another gulp of beer, hoping na makakatulong iyon para apulahin ang init na nararamdaman sa katawan.

"O, Ayan na pala si Borj," narinig niyang wika ni Missy.

The woman turned around and Borj dropped his beer. He was astonished at what he was looking at right now. Kumurap-kurap pa siya para siguruhing Tama nga ang nakikita ng kanyang mga mata. Hindi naman siya lasing dahil nakakadalawang lata pa lang siya ng beer.

"Roni?"

"Hello, Borj," Roni said.

"Ikaw si Roni? Yong kababata ko?" Ulit niya na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Oo nga. Why? Mukhang gulat na gulat ka sa hitsura ko," Roni said, and then she smiled sweetly at him.

"What happened? You look..." His eyes grew wide at the sight of this beautiful woman who happened to be his friend.

"It's me. Nagulat ka ba? Why? Inasahan mo ba na jeans and shirt ang isusuot ko?" Roni snapped.

"Ako nga rin, nagulat sa kanya, pinsan. Why? She looks really beautiful."singit ni Missy.

"You... are beautiful, Roni," tanging nasambit ni Borj. Shocked pa rin siya na ang kaibigang palaging naka-overalls at boyish ang attire at ang ngayon ay isang sexy at magandang babae sa harap niya ay iisa.

"NAPANSIN mo pala," sagot ni Roni kay Borj na ngayon ay halata ang tensiyon sa mukha at katawan. Lihim siyang nagdiwang sa nakikitang reaksiyon ng kaibigan.

Kanina ay napansin na niya si Borj na nakaupo sa di-kalayuan kaya naman lalo niyang pina-sexy ang paglalakad. Nahihiya siya noong una dahil halos lahat ng mga bisita ay sa kanya nakatingin. Ngunit desidido siyang ipamukha kay Borj ang maling notion tungkol sa kanya. She was not just a mechanic, she was a woman!

"Teka, maiwan ko muna kayo, ha? Tinatawag ako ni Mommy, friend, kay Borj ka muna, ha? Baka kasi hatakin ka na lang ng kung sino diyan," pagbibiro ni Missy.

"Sure, Missy."

"Ah, pinsan, baka naman Ikaw ang tumangay sa kaibigan natin," biro ni Missy.

"Huwag kang mag-alala, Missy. Baka nga mas maton pa ako kaysa sa pinsan mo. Hindi ba, Borj?" Sinadya ni Roni na bigyang-diin ang mga sinabi.

"Of course not!" Borj said without taking his eyes off her.

Nang mapag-isa ay muling hinarap ni Roni si Borj na obvious na pinagpapawisan. May namuo na kasing pawis sa ibabaw ng ilong nito.

"Hey, pinagpapawisan ka. Teka lang." Kinuha niya ang panyo mula sa pouch at pinunasan ang pawis ni Borj. He flinched a bit and grabbed her hand.

"Don't," wika nito.

"Bakit naman? Lagi ko namang ginagawa to sa iyo, ah," pagmamaktol niya.

"Ang ibig Kong sabihin, ako na. Baka isipin ng mga tao na para akong batang pinupunasan ng pawis ng nanay."

"Nanay?" Nagtikwasan ang mga kilay ni Roni.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro."

Ngunit nainis na naman siya kay Borj.

Pumailanlang ang tugtugin. May ilang pares na nagsimulang sumayaw.

"Care for a dance, Roni?" Yaya ni Borj at inilahad ang kamay sa kanya.

"Alam mong hindi ako marunong sumayaw, di ba?"

"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa yo." Iginiya na siya ni Borj papunta sa gitna ng dance floor. Ang ilang pares ay sa kanila nakatingin.

Naramdaman ni Roni ang paghapit ng mga bisig ni Borj sa kanyang baywang at ang mainit na hininga nito sa kanyang pisngi. Somehow, it sent shivers down her spine. Baka nilalamig lang siya dahil lantad ang likod niya sa suot. Alam niyang apektado si Borj sa nakikitang pagbabago niya and she was enjoying it.

"You look different tonight, Roni. Napakaganda mo," he whispered.

"Hindi ganyan ang sinabi mo sa akin a few days ago."

"That's not what I meant. You really surprised me tonight."

"Talaga?"

"I never thought you'd be..."

"Like what, Borj?"

"Like a real woman, Roni. Ibang-iba ka ngayon. Nasaan na ang mekaniko kong kaibigan?"

Muling bumangon ang inis ni Roni kay Borj. Pasimpleng hinampas niya ang lalaki sa braso. He pretended to be hurt.

"Ouch! You see, para ka pa ring lalaki kung sumuntok. Buti Wala kang hawak na wrench o anumang tool."

"Tse! Tara na nga." Naiinis na iniwan niya si Borj sa dance floor. Disappointment filled her stomach.

Well, may oras pa siya para gantihan si Borj. Hindi siya magmamadali. Alam niyang magtatagumpay ang kanyang plano.

Dumiretso si Roni sa bar at hanggang doon ay sinundan siya ni Borj. Umupo ito sa katabing stool at inalok pa siya ng inumin.

"So, when did you decide that it's about time to be a real lady, Roni?"

"Just lately," matipid niyang sagot. Nilaro-laro niya ng mga labi ang rim ng champagne glass. Narinig niya ang paglunok ni Borj. Kinalas pa nito ang butones ng suot na long sleeve polo.

Yes! Lihim na nagbunyi si Roni.

"Well, it's somewhat over the top. But I like it. I really like it," sabi nito, saka siya hinagod uli ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nagtagal nang kaunti sa kanyang mga hita ang mga mata ni Borj.

"Huwag kang mag-alala, napag-isip-isip kong tama ang matagal niyo nang sinasabi sa akin na dapat matagal na akong nag-ayos. Para naman hindi na ako nasasabihan na lesbian o tomboy," she said sarcastically.

"Sorry sa nasabi ko. At sa tingin ko ay nagkamali ako."

"Apology accepted."

"So, let's hang out sometimes. Iyong parati nating ginagawa, para naman hindi ako ma-bore sa bahay. Lagi na lang kasing mga halaman ni Mama ang kausap ko. Kung minsan naman ay ang mga puno sa farm. Baka mapagkamalan na ako ng ibang tao na nasisiraan ng ulo."

Roni laughed. "Okay. Tutal safe zone ako sa yo, hindi ba? You would still win the dare. Sana manalo ka, Borj."

Hindi agad ito nakaimik.

"Mananalo ka, right, Borj?" Ulit niya sa sinabi.

"Ha? Oo naman!"

She was about to say something nang lapitan sila ni Patrick. Inaasahan niya na kikiligin siya dahil matagal na niyang crush si Patrick pero wala siyang naramdaman na ganoon. She did not know why but she wanted to be with Borj alone. Pero agad din niyang pinalis ang ideyang iyon. Maybe she was just caught up in her plans kaya bigla na lang nawala ang paghanga niya kay Patrick.

"Hey, brother, sino naman itong kasama mong magandang dilag?" Tanong ni Patrick, saka siya nginitian.

"Ah, remember Ronalisa Salcedo? Yong kababata ko," wika ni Borj.

"Si Roni? Yong anak ni Tatay Charlie? Wow! You look stunning, Roni! Hindi kita nakilala. Akala ko ay sumuko na itong kapatid ko sa usapan."

"Yeah, right," Borj snorted.

"Hi, Patrick. Masaya ako at naaalala mo pa pala ako," wika ni Roni.

"Siyempre naman, Ikaw yong batang lagi kong binibigyan ng candy at chocolates noon. Now, look at you. You're one beautiful woman."

Mahina siyang tumawa at tinapunan ng tingin si Borj na hindi maipinta ang mukha.

"Surely, hindi pinalampas nitong kapatid ko na bigyan ka ng compliment. Careful, little bro."

Alam ni Borj ang tinutukoy ni Patrick.

"Huwag kang mag-alala, Borj and I are just friends. Di ba, Borj?" Wika ni Roni. Of course, hindi lalagpas si Borj sa boundary nila bilang magkaibigan. Iyon din ang isinaalang-alang niya nang isipin ang plano laban kay Borj. No hearts involved. Simpleng pagtuturo lang ng leksiyon sa kaibigan para ma-realize nitong hindi siya lesbian. Hindi rin naman niya inisip na baka ma-in love sa kanya si Borj o siya ang mahulog sa lalaki. Sa kanya na rin nanggaling, magkaibigan lang sila.

Hindi sumagot si Borj.

"Can I ask you for a dance then, Roni?" Tanong ni Patrick.

"Teka, nag-uusap pa kami," reklamo ni Borj na akmang pipigilan ang kapatid.

"It's okay. Tara na, Patrick. Masaya yong tugtog. See you later, Borj!" Hinila na niya si Patrick at iniwan mag-isa si Borj.

Round one is done!

💞💞💞💞💞💞💞💞

End of Chapter 3.

Please hit the ⭐

Feel free to leave some comments and reactions. 

Thank you. 💝

Продолжить чтение

Вам также понравится

9.5K 530 19
Roni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi! It's actually my first time writing a s...
11.4K 240 33
"i used to secretly admire you....."
Moon & Star: Prom Night shane

Подростковая литература

4.3K 96 16
What makes Prom so Special? It's an important tradition and rite passage for every students. It brings them together and gives them amazing memories...
2.5K 53 21
⚠️ Disclaimer: Most of these chapters are literally just smut⚠️ Since no one else writes these anymore, I figured I'd take matters into my own hands...