DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

797K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 7

15.9K 535 43
By lhiamaya

Jolene

BINAWI ko ang kamay na hawak ni Atlas. Natigilan sya at rumehistro ang pagkabahala sa mukha.

"H-Hindi mo ko pwedeng magustuhan Atlas."

Kumunot ang noo nya. "Bakit?"

"D-Dahil magkaiba tayo. Prominte at edukado kang tao samatalang ako bokalista lang dito sa bar. Saka hindi tayo bagay." Sabi ko. Ang dibdib ko ay tila tinatambol sa lakas ng kabog nito.

Pagak syang tumawa. "Sugar, wala naman akong pakialam sa estado mo sa buhay. Ang importante sa akin ay ikaw. Gusto kita."

Kumagat labi ako. Gusto ko rin naman sya. Pero natatakot ako.

Bumuntong hininga ako at pinatigas ang mukha. "Pero hindi kita gusto." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Di mo ko gusto? Parang di naman yata ako naniniwala dyan." Nakangising sabi nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nabura naman ang ngisi nya.

"Di nga kita gusto. Wag ka ngang asyumero." Mataray na sabi ko sabay irap. Pero ang mukha ko ay siguradong namumula na.

"Fine, di mo ko gusto kung yan ang sabi mo. Pero wala akong pakialam. Gusto pa rin kita at walang magbabago dun sugar."

At mula ng gabing yun ay lagi na nya akong kinukulit sa pagsinta nyang pururut sa akin. Kinikilig naman ako pero di ko lang pinapahalata. Pinapanindigan kong hindi ko sya gusto. Pero nararamdaman kong malapit na rin akong bumigay. Ikaw ba naman gabi gabi kang kinukulit ng isang gwapo, hot at sweet na gaya ni Atlas.

Nagsimula na ring ambunan nya ako ng iba't ibang regalo na tinatanggihan ko naman. Baka kasi kapag tinanggap ko lalo syang mag-assume na may gusto rin ako sa kanya.

"Hindi ko matatanggap yan Atlas." Tanggi ko sa gold bracelet na binibigay nya sa akin.

Kumunot ang noo nya. "Na naman? Ayaw mo rin nito?" Disappointed na sabi nya.

"Eh halatang mahal yan eh." Nakangusong sabi ko.

"Ano ba kasing gusto mo?"

"Pagkain na lang."

"Pagkain?"

"Oo, nagugutom na ako. Yun na lang ang ibili mo sa akin." Sabi ko.

Bumuntong hininga sya at pinatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse nya ang box ng bracelet.

"Sige na nga, pagkain na lang. Saan mo ba gustong kumain? May bukas pa naman sigurong resto ng ganitong oras." Aniya ay pinaandar na ang kotse.

Kalalabas ko lang ng bar at talagang hinintay nya ako hanggang mag uwian. Gabi gabi na nga nya akong hinihintay at hinahatid sa may kanto namin.

"Anong resto? Hindi tayo sa resto kakain no. Dun tayo sa may balutan at isawan. Miss ko ng kumain ng balut at isaw." Para na nga akong naglalaway maisip ko lang ang balut at isaw na sasayad sa bibig ko.

"Balut at isaw? Kumakain ka nun?" Kunot noong sabi nya.

"Oo, masarap kaya yun. Di ka pa ba nakakakain nun?" Taas kilay na tanong ko.

"Yung balut natikman ko na, di ko gusto ang lasa. Pero yung isaw di pa aka nakakatikim nun. Di ba bituka ng manok yun at daanan ng dumi." Nakangiwing sabi nya.

Umikot naman ang mata ko. Oo nga pala mayaman sya. So malamang sanay sya sa mga sosyal na pagkain at hindi kumakain ng mga ganung klaseng pagkain.

"Oo, pero nililinis naman yun bago lutuin. Pag natikman mo yun maaadik ka sa sarap."  Namimilog ang matang hikayat ko sa kanya.

Ngumiwi sya. "Iba na lang ang kainin natin."

"Ayoko! Yun ang gusto ko." Pagmamatigas mo.

Kumamot sya sa ulo. "Oo na, saan ba may nagtitinda nun?" Pagsuko nya.

Tinuro ko naman sa kanya ang daan ng tindahan na nagtitinda noon. Kapag umuuwi ako galing bar ay dumideretso ako minsan doon para bumili. Minsan kasi wala ng ulam sa bahay. Siguro iniisip nila Tita Emie na kumain na ako.

Pagdating namin sa tindahan ay may ilang customer na bumibili at kumakain. Hanggang madaling araw kasi sila nagtitinda. Mas mabenta kasi sa gabi dahil may mga taong panggabi ang trabaho. Gaya naming mga nasa bar.

Bumaba na kami ni Atlas sa kotse nya. Muntik pa akong matawa sa hitsura ni Atlas na parang gustong umatras. Pero dahil gusto nya akong i-please kaya sinunod nya ang gusto ko. At kinikilig ako ng bongga.

Amoy pa lang ng isaw na nakasalang sa grill takam na takam na ako.

"Halika dito." Hinawakan ko ang kamay ni Atlas at hinila palapit sa estante na may mga nakadisplay na tinusok na lamang loob. May isaw ng manok at baboy, betamax, paa ng manok, ulo ng manok, meron din namang laman ng baboy.

"Ano po sa inyo ser, ma'am?" Tanong ni mamang tindero na may edad na.

"Ah limang isaw manong, tapos limang dugo. Ikaw?" Baling ko kay Atlas.

Kumamot sya sa ulo habang palipat lipat ang tingin sa mga nakadisplay sa estante. Nakakatawa ang hitsura nya. Siguro ito ang desisyon sa buhay nya na hirap na hirap sya.

"Magbarbeque ka na lang."

Tumango naman sya.

Nagpaihaw na rin ako kay manong ng barbeque para sa kanya. Habang niluluto ang inorder namin ay nilantakan ko muna ang balot. Inaalok ko sya pero ayaw nya talaga.

"Ang kj mo naman. Masarap kaya to. Tikman mo kahit sabaw lang o yung dilaw." Pamimilit ko sa kanya at inumang ang balot na bukas na.

Kinuha naman nya ang balot sa kamay ko at tinikman ang sabaw. Ngumingiwi pa sya.

"Ang weird talaga ng lasa." Reklamo nya.

"Weird ka dyan. Sa umpisa lang yan. Masasanay ka rin."

At tama nga ako. Mukhang nasanay na sya sa lasa. Hindi na nya tinantanan ang sabaw ng balut. Kinain na rin nya yung kulay dilaw ayaw lang nya ng sisiw.

Ng maluto na ang inihaw ay kinain na rin namin. Sarap na sarap sya sa barbeque pati sa sawsawan. Masarap kasi ang sawsawan ni manong. Inalok ko sya ng isaw. Tumikim naman sya.

"Hmm taste weird but not bad." Aniya na tumatango tango pa. Sya na nga ang nakaubos ng dalawang stick. Kaya nagpaihaw pa ulit kami kay manong.

"Ano, nagustuhan mo ba yung isaw?" Natatawang tanong ko. Nasa loob na kami ng kotse at ihahatid na nya ako sa amin.

"Oo, di naman pala masama ang lasa." Natatawa ring sabi nya habang nagmamaneho.

"Sabi ko sayo eh."

Sa buong durasyon ng byahe namin ay puro kami kwentuhan at tawanan na may kasamang asaran. Nagtatanong din sya tungkol sa pagaaral ko kung hindi ba ako nahihirapan na sa araw ay ay nagaaral ako at sa gabi naman ay nagtatrabaho. Mahirap pero kailangan kayanin para sa kinabukasan ko. Nagbiro pa nga sya na kapag naging kami daw ay sasagutin nya ang pagaaral ko at hindi ko na daw kailangan magtrabaho sa bar. Susustentuhan nya raw ako. Pangarap nya yatang maging sugar daddy. Pero hindi naman ako ang tipong mahilig umasa sa ibang tao. Mas gusto ko yung sariling pagsisikap ko para walang masabi ang iba.

"Dito na ko." Sabi ko ng makarating na kami sa kanto.

Hininto naman nya ang kotse.

Tinanggal ko ang seatbelt.

"Hatid na kaya kita sa inyo." Presinta nya at akmang magtatanggal din ng seatbelt.

"Hindi na." Pigil ko sa kanya. "Mag a-alas dos na ng umaga kailangan mo na ring umuwi. May trabaho ka pa bukas di ba?"

"Sandali lang naman kita ihahatid. Dyan lang naman sa inyo di ba?" Sabi nya at sumilip pa sa labas.

"Oo nga, kaya hindi mo na ako kailangan ihatid." Natatawang sabi ko at sinukbit na sa  balikat ang shoulde bag.

Bumuntong hininga naman sya.

"Bababa na ako. Kita na lang tayo bukas at salamat sa libre." Sabi ko at hinawakan ang pinto ng kotse. Pero hindi ko pa ito napipihit ay hinawakan nya ako sa braso at bahagyang hinila. Napasinghap ako ng dumampi ang mainit nyang labi sa gilid ng labi ko.

"Good night sugar. See you tomorrow." Malambing na sabi nya.

Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita at tumango na lang. Nanginig pa ang kamay ko habang tinutulak ko ang pinto ng kotse pabukas. Kumaway ako sa kanya habang papasok sa eskinita na hindi naman kakitiran. Bumusina muna sya bago pinausad ang kotse paalis.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas sa eskinita. Di naman talaga doon ang bahay ko kundi sa kabilang kanto pa. Ayokong ihatid nya ako doon sa pagaalalang baka puntahan nya ako don magulat pa ang mga tiyahin at tiyuhin ko at kung ano na naman ang isipin.

Pagdating ko sa bahay hanggang sa makahiga na ako sa kwarto ko ay hirap akong makatulog dahil sa mapangahas na halik sa akin ni Atlas. Kaya kinabukasan puyat ako.

PUPUNGAS pungas na lumabas ako ng kwarto dala ang mga damit ko. Kailangan  ko ng maligo dahil baka malate ako sa school. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi.

Eh kasi naman si Atlas masyadong maharot. Napapansin ko lately masyado na syang nagiging touchy at clingy sa akin at nasasanay ng humahalik sa pisngi ko. Feeling jowa sya.  Ako naman kilig na kilig at di sya sinasaway. Eh nasanay na rin ako eh.

"Jolene, mabuti naman at gising ka na."

Natigilan ako at lumingon kay Tita Emie na nakatikwas ang kilay. Alam ko na kapag ganito ang hilatsa ng mukha nya.

"Bakit po tita?"

"Ano tong nabalitaan ko dyan sa may kabilang kanto na may naghahatid sayong nakamagarang kotse ng hatinggabi? Naglalandi ka ba?" Mataray na sita sa akin ni Tita Emie.

"Hindi po tita, kaibigan ko lang po yun at regular customer sa resto. Hinatid lang po ako dahil medyo mahirap sumakay ng hatinggabi." Katwiran ko.

Sino naman kaya ang makati ang dila na nagtsismis kay Tita Emie. Nagiingat na nga ako nahuli pa.

"Ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay Jolene ha. Hindi nagpapakakuba ang nanay mo sa factory sa Taiwan para sayo tapos maglalandi ka lang."

Kamuntikan ng umikot ang mata ko. Parang gusto kong sumabat na nagpapakakuba si mama para sa kanila hindi para sa akin. Sila ang mas nakikinabang hindi ako.

"Ano ba yan Ate Emie! Ang aga aga ang ingay ingay mo!" Reklamo ni Tito Rene na natutulog sa sofa. Sa hitsura nya ay halatang lasing sya kagabi. Bunso syang kapatid ni mama at walang trabaho pero may asawa at anak. At kanino pa ba aasa? Eh di kay mama. Panggatas at pangdiaper ng anak nya ay kay mama nakaasa. Pati panginom nya.

"Ito kasing pamangkin mo! Naglalandi na yata. Aba'y may naghahatid na nakakotse."

"Hayaan mo sya. Natural lang yan sa edad nya. At least nakakotse ang nilalandi nya ibig sabihin mayaman. Basta Jo, kapag nagpabuntis ka sa mayaman siguraduhin mong may mahihita ka ha. Kapag wala at umuwi kang iiyak iyak sinasabi ko sayo kakalbuhin kita." Sabi ni Tito Rene na may halong banta.

Hindi na lang ako sumagot at nag excuse na lang sa kanila na pupunta ng banyo para maligo. Di ko sila matagalan kaharap. Minsan nagtatanong ako kung bakit sila pa ang naging kamag anak ko.

Nagmadali na akong maligo para makaalis na ng bahay. Sa labas na lang ako kakain.

"Jo!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ang pinsan kong si Leah. Pinsan ko sya sa side ni papa. Kapatid ni papa ang mama nya.

Tumawid si Leah sa kabilang kalsada at lumapit sa akin. Mukhang pupunta sya ng tindahan.

"Leah, kailan ka pa dumating?" Masayang bati ko. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon pero sobrang close kami.

"Kahapon lang pero babalik din ako bukas sa Maynila. Tatlong araw lang ang paalam ko sa amo ko."

Sa Manila nagtatrabaho si Leah. Namamasukan sya bilang tindera sa karinderya doon. Dalawang taon na sya sa Manila at kung ano ano na ang trabahong pinasok nya. High school lang ang natapos nya at hindi na sya kayang pag aralin ng mga magulang nya na kapwa magsasaka. Sya ang laging ginagawang halimbawa ni mama sa akin. Magtapos daw ako ng pagaaral kung ayaw ko daw matulad sa kanya. Minsan gusto kong sagutin si mama na; mas mainam pa nga si Leah na marunong magbanat ng buto kesa sa mga kapatid nya na may sarili ng pamilya sa kanya pa rin nakaasa.

"Ang bilis naman. Di tayo makapagbonding."

"Ganun talaga. Kailangan kong kumayod. Si papa may kumplikasyon na sa bato. Eh ikaw kamusta na? Nag aaral pa rin ba?"

"Oo naman. Pero nagtatrabaho ako sa gabi."

Kumunot ang noo nya. "Anong trabaho?"

Pasimpleng luminga ako sa paligid. "Bokalista ako sa bar." Pabulong na sabi ko.

"Sa bar ka nagtatrabaho?" Bulalas nya.

"Shh, hinaan mo lang boses mo. Baka may makarinig itsismis na naman kay Tita Emie. Oo sa bar ako nagtatrabaho bilang bokalista. Pero ang alam nila mama at tita sa resto ako nagtatrabaho bilang waitress. Wag mong sasabihin sa kanila ha."

Tumango tango sya. "Eh bakit naman naisipan mong magtrabaho insan? Hindi ba sapat ang pinapadala ni Tita Jona? Malaki ang pinapadala nya buwan buwan di ba?"

Sumimangot ako. "Malaki nga, halos barya lang naman ang napupunta sa akin. Alam mo na."

"Dahil napupunta lahat sa mga kapatid at pamangkin ng mama mo. Pasintabi sa sasabihin ko insan ha. Pero ang kakapal ng mga mukha ng mga tiyahin at tiyuhin mo sa side ng mama mo. Sa bahay nyo na nga sila tumirang lahat tapos parang ikaw pa ang nawalan ng karapatan." Inis na sabi ni Leah. Saksi sya sa mga hindi magandang karanasan ko sa mga kamaganak ko sa side ni mama.

"Alam ko yan insan. Pero anong magagawa ko? Kaya nga nagsasariling sikap ako." Pagkikibit balikat ko.

Kung hindi lang ganun ang sitwasyon ko eh di sana hindi ako nagtatrabaho sa gabi sa bar. Hindi ko makikilala si Atlas. 

May pagtutol sa puso ko sa isiping yun.

*****

Pasensya na kung very slow ang update. Di kasi maganda ang pakiramdam ko lately. Dalawang araw pa akong nilagnat. Pero ngayon medyo ok ok na ako. Kailangan ko lang siguro ng pahinga.

Continue Reading

You'll Also Like

31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...