Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 46

26.3K 922 166
By RinkakuMayo

Aria's POV

"Ariaaaa!" Ay lechugas naman oh! Halos mapabalikwas ako sa higaan ko dahil sa sigaw na 'yon. Si Mama na ba 'yon?

"Ay talaga nga naman oh! Hahampasin kita ng kawali kapag hindi ka pa bumangon diyan, Aria!" Bigla akong napa-upo sa kama ko pero hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko. Jusko naman! Kagabi lang ay galak na galak akong makauwi dito sa mundo ng mga tao pero ngayon ay naloloka na naman ako sa nanay ko na sinapian ng espiritu ng alarm clock. Ano ba naman ito?

"Aria, ano ba?! Aba nakakaloka kang bata ka! Nandito na ang mga kasama mo sa baba tapos ikaw ay nandiyan pa rin?!" sigaw ulit ni Mama. Welcome back to the human world talaga, Aria.

"Opo! Bababa na po!" Bumangon na ako sa kama ko at parang tuod akong naglakad papunta sa banyo ko. In fairness, halatang hindi binago at hindi pinabayaan ng butihin kong nanay ang kwarto ko. Magaling! Napatitig pa ako sa mukha kong maganda bago ako nag-umpisang maghilamos. Itong si Mama talaga, napaka-organize sa gamit. Siya ang laging nag-aayos ng kwarto ko kasi alam niya na kapag ako lang ang aasahan niya ay tama na sa akin ang kunwari nagwalis ako at nagpunas ng mga gamit ko tapos voila! Malinis na para sa akin. Pero kapag si Mama na ang pumasok at nag-ayos ng kwarto ko, kahit wala namang nababago sa itsura at ayos ay pakiramdam ko maraming nawawala sa gamit ko. Gano'n ako kapraning kapag siya na ang naglinis. Jusme!

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako at nakita ko sina Fire na nakaupo sa sofa namin.

"Good morning," he said. Pakiramdam ko ay bigla akong nagblush noong ngumiti siya sa akin at feeling ko talaga ay naging slow-motion ang pangyayari tapos biglang magpiplay ang kantang, Forevermore tapos sisigaw si Mama nang Walang Forever at masisira ang moment ko. Ay ano ba 'yan, Aria?! Ang aga-aga pa para lumandi!

"Good morning din," I replied as I continued to walk downstairs. Bigla naman akong napatalon noong sumigaw na naman si Mama. Sabi na e. Panira talaga ang nanay ko na 'to. Hay nako!

"Ikaw talaga, hindi ka na nagbago! Ganiyan ka rin ba sa Yoso, ha?" Nakapameywang pa si Mama habang hawak niya ang sandok tapos ay bigla siyang humarap kay Fire.

"Hoy ikaw lalaking bilasa ang mata, kumusta ang anak ko sa Yoso?" Teka, ano raw? Lalaking bilasa ang mata?! Seryoso?! Halos nakanganga ako na humarap kay mama dahil sa hindi makatarungan niyang pagdescribe sa Firebabes ko.

"Ma namaaaan! 'Wag mo naman tawagin na lalaking bilasa ang mata 'yang boyfriend ko! Nasasaktan ang kidney ko sa sinasabi mo," I said pero bigla akong binatukan ni Mama. Aray ha? Ang brutal lang e, ano?

"Boyfriend?! Itong lalaki na 'to?!" Mukhang galit si mama sa sinabi ko. Hala! Hindi pa rin ba ako pwedeng magboyfriend?! Pero dalaga na ako! Karapatan ng kagandahan ko ang magkaroon ng boyfriend! Sige, ipaglaban mo ang iyong karapatan, Aria!

"Opo, nobyo niya po ako. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ginang Arianne," sagot ni Fire. Ay hala! Bakit naman bigla na lang sumingit ang isang 'to sa usapan? At matindi, nobyo talaga ang sinabi. At ansabe ng Ginang?! Nakaka-stress naman ng bangs itong lalaki na 'to!

Humarang kaagad ako sa harapan ni Fire at saka ko siya tinitigan na para bang sinasabi kong, 'Wag ka nang magsalita pa, utang na loob lang! Humarap ako kay Mama at talagang hindi na maganda ang itsura ng mukha niya. Para siyang si Miss Minchin na nagagalit dahil hindi niya ako nakitang nagbabalat ng patatas. Ang taray! Naisingit pa talaga ang Princess Sarah?!

Ilang minutong nakatitig sa akin si Mama bago niya inilipat ang tingin niya kay Fire na nasa likuran ko. Jusme! Don't tell me, palalayasin ni Mama si Fire?!

"Talaga? Boyfriend ka ni Aria? Nagpauto ka sa kabaliwan ng anak ko na 'yan? Nauto ka ni Aria? Jusko! Ang pogi mong bata kahit mukha kang may sore eyes tapos..." Tiningnan ako ni Mama na para bang hindi na niya alam kung paano niya dudugtungan ang sinasabi niya. Bakit pakiramdam ko ay iniinsulto ako ni Mama? 'Yong totoo?

"Anak, umamin ka nga sa akin," sabi ni Mama bago niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko at mataman niya akong tiningnan sa mga mata. Ano ba'ng problema ng nanay ko na 'to? Nakalaklak ba 'to ng liquid sosa? Nakalanghap ng usok na nanggagaling sa Dragon Katol?

"Ano na namang kadramahan 'to, Ma?" tanong ko pero nanatiling nakatitig sa akin si Mama at halos mahulog ang panga ko noong sinabi niyang,

"Ginayuma mo ba ang gwapong nilalang na 'to, ha anak?" Gusto kong tumambling at magpagulong-gulong dahil sa sinabi ni Mama. Ginayuma?! Sa ganda kong 'to, manggagayuma ako?! Pinanlisikan ko ng mata si Fire noong narinig ko siyang tumatawa ng mahina sa likuran ko. Namumula na ang mukha niya sa kakapigil ng tawa niya. Teka, bakit parang ang cute niya? At talagang nagmistula na siyang pulang kamatis sa itsura niya ngayon. Hoy, Aria. 'Di ba, naiinis ka? Bakit bigla kang naging ganiyan?!

"I am sorry, I just can't help it," he said before he burst out into laughter. Ay lecheng lalaki 'to! Ang sarap batukan! Bigla namang lumapit sa akin si Mama kaya naunsyami ang plano kong pambabatok sa damuho kong boyfriend at saka siya bumulong,

"Ang taray ng boyfriend mo, Anak. Ang galing mag-english." Kinurot pa ako ni Mama sa tagiliran bago siya ngumiti ng nakakaloko. May sapak yata ang nanay ko na 'to. Akala ko pa naman ay magagalit siya na may boyfriend na ako. Jusko!

"Osya, tara na't kumain. Halina kayo," tawag sa amin ni Mama. Dumeretso kaming lahat sa kusina at nakita ko ang mga paborito kong pagkain. May hotdog, may longganisa at may sinangag na kanin. Ang bongga! Namiss ko lahat ang luto ng nanay ko kaya agad akong umupo. Rated PG ako ngayon. Patay gutom ang peg ko sa mga oras na 'to. Kailan ba hindi, ha Aria?

"Mama, I love you na talaga!" sabi ko kay Mama. Bigla akong kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain ko kaya lang ay nahinto ako sa pagsasandok noong pinitik ni Mama ang noo ko. Aray naman e!

"Bakit na naman, Ma?!" Nakakaloka naman kasi e! Gutom na ako tapos ayaw pa akong pakuhanin ng pagkain?! Child abuse kaya 'yon!

"Mahiya ka nga sa mga bisita natin! Sila ang paunahin mo!" sabi ni Mama. Nakasimangot kong ibinalik ang sandok sa isang bandeha ng sinangag at hinintay na makakuha ng pagkain sina Thea. Nakangiti lang sila sa akin at hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiti na 'yon. Masaya ba silang makita na ganito kami magmahalan ng Nanay ko?

"Teka, nasaan si Miss Shebah?" tanong ko. Wala kasi siya dito at nakakapagtaka naman na siya pa ang late na gigising sa amin e parang hindi nga 'yon natutulog.

"Mukhang nasa garden yata natin, Aria. Tawagin mo nga," sabi ni Mama. Sisimangot na sana uli ako kaya lang ay inambaan ako ni Mama na hahampasin ng sandok kaya bigla akong ngumiti sa kaniya.

"Oo na po. Ito nga at tatawagin ko na." Tumayo ako sa upuan ko at saka ako pumunta sa likod bahay namin. Ito naman kasing si Shebah! Masyadong paimportante na dapat pang tawagin!

"Oo, naiintindihan ko." Bigla akong napahinto sa paglalakad noong narinig ko ang boses na 'yon. Bakit gano'n? Bakit parang boses yata ni Hera ang naririnig ko?!

Naglakad ulit ako at naabutan ko si Shebah na galak na galak sa tanim naming Rosas na namumukadkad sa bulaklak. Teka lang, siya kaya ang narinig ko kanina? Bakit parang iba ang boses niya kanina?

"Miss Shebah," Agad na napalingon sa akin si Shebah at saka ito ngumiti. Huwait! Ngumiti si Shebah?! Omygahd! Anong nangyayari sa babaeng 'to? Parang nakakapanibago naman yata ang kinikilos niya. Jusko naman, Aria! Ganiyan ka na ba kagutom at talagang binibigyan mo na naman ng ibang ibig sabihin ang ginagawa ni Shebah?!

"Bakit, Aria?" Tumayo si Shebah at saka siya naglakad palapit sa akin. Hindi nagbabago ang ngiti sa kaniyang mukha. Sinaniban ba 'to ng pagiging positive ni Hera?!

"Kakain na raw po," I said. Hindi ko pinahalata na medyo naloloka ang bangs ko sa sudden change niya.

"Tara." Nag-umpisa na siyang maglakad pabalik sa loob ng bahay namin. Ano ka ba naman, Aria? Wala lang 'yon. Ayaw mo ba 'yon? Bumabait na si Shebah sa'yo?

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang kung ano mang naiisip ng nagmamatalinong brain cells ko kung bakit gano'n na lang ang kinikilos ni Shebah. Bumalik na rin ako sa bahay pagkatapos kong ulit-ulitin sa utak ko na wala lang ang mga napapansin ko.

"Bakit ang tagal mong bumalik?" tanong ni Fire. Aysus naman e! Namiss niya kaagad ang kagandahan ko?! Aba matindi na ang attachment sa akin ng nilalang na 'to. Hindi na kaya ng pancreas ko ang ganitong eksena!

Ngumiti lang ako sa kaniya at saka siya sumandok ng pagkain para sa akin. Aba naman! Nag-uumapaw sa sweetness ang Firebabes ko!

"Thank you," sabi ko sa kaniya noong nalagyan na niya ng pagkain ang plato ko.

"Ano ang tawag niyo dito?" he asked as he pointed the hotdog.

"Hotdog," I said saka ko kinain 'yong hot dog kaya lang ay biglang napanganga si Kai at tumayo saka pumunta sa sink at doon niya iniluwa ang kinakain niyang hotdog kanina. Anyare?

"Hot dog?! As in aso?! Mainit na aso?!" gulat na tanong ni Kai. Ay hala! Saan naman niya hinugot na aso ang----- Ay nakakaloka! Mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko!

"Seriously, this is a dog?" tanong din ni Fire na parang ayaw ng kainin 'yong hotdog na nasa plato niya. Lagot na. Magbigti ka na, Aria. Mahihirapan kang ipaliwanag sa kanila ang mga bagay-bagay dito sa mundo ng mga tao.

"Teka lang sandali maupo ka nga muna, Iho. Jusko naman. Ano ba'ng sinasabi mong aso, ha? Hot dog lang ang tawag diyan pero hindi 'yan aso. 'Wag nga kayong OA," sabi ni Mama. Nawindang din ako sa reaksyon ni Kai. Grabe! Hindi ko naisip na marami nga palang bagay dito ang hindi pa nila alam. Mga bagay na wala sa Elemental World. Wala sa Elemental Kingdoms. At Wala sa Yoso Academy. Baka mamaya, paglabas namin sa subdivision ay bigla na lang maglabas ng apoy si Fire dahil sa mga naglipanang sasakyan diyan sa kalsada. Omygahd!

"Kai, umupo ka na. Sinabi na ni Ginang Arianne na hindi ito aso," sabi ni Thea. Bumalik na si Kai sa upuan niya pero hindi na niya kinain ulit 'yong hotdog. Ano ba naman ito?

Bigla kaming natigil sa pagkain noong may nagdoorbell sa gate namin. Wow ha? Ang aga-aga, may bisita?!

"Ako na ang magbubukas," sabi ni Mama kaya hinayaan ko na siya at saka ako ulit kumuha ng hotdogs. Si Shebah ay tahimik lang na kumakain at parang nagmamasid lang siya sa aming apat nina Kai. Hindi ko nga alam kung nasobrahan na ba ako sa pagiging feeler ko kasi pakiramdam ko ay may mali kay Shebah ngayon. Sabagay, lagi namang may mali sa itsura at aura ni Shebah noon pa man, Aria. Kaya kumalma ka.

Biglang natigil ang neurons ko sa pag-iisip tungkol kay Shebah noong sabay at sumisigaw pa na pumasok ang tatlo kong matatalik na kaibigan dito sa mundo ng mga tao.

"Ariaaaaaa!" sabay na sigaw nina Janna, Lei at Hannah. Halos mabitawan ko 'yong tinidor na hawak ko at dali-dali akong tumayo para lang lapitan silang tatlo.

"Walangya! Bruha ka talaga!" sigaw ni Jannah bago niya ako niyakap. Nakisali na rin sina Lei at Hannah. Grabe! I missed these three crazy girls.

"Lokaret ka! Saang parte ka ba ng mundo napadpad ha?! Bakit hindi mo man lang kami tinext?! At aba, ang tindi mo! Si Tita pa talaga ang nagtext sa amin kagabi na nandito ka na! Jusko naman!" tuloy-tuloy na sabi ni Lei pero hindi ko na sila nasagot kasi naiiyak na ako.

"O tapos ngayon, iiyak-iyak ka diyan kasi namiss mo kami. Kainis ka talaga!" sabi ni Hannah saka niya ako kinurot sa braso. Aray naman e. Ba't ang brutal?

"Sorry na mga baliw. Alam niyo kasi ako rin naman ay nabigla noong araw na umalis ako. Marami kasing nangyari noon at talagang hindi ko rin masasabi sa inyo kasi alam ko naman na--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko noong nakita ko sina Janna na kina Fire na nakatingin.

"Lei, nananaginip ba ako?" sabi ni Janna habang malagkit na nakatingin kay Fire. Aba leche! Sasabunutan ko ang babaeng 'to mamaya e!

"Janna, nasa Olympus ba tayo?" tanong naman ni Lei habang tinutunaw niya sa mga tingin niya si Kai. Matindi ito.

"Girls, patay na ba tayo?" sabi ni Hannah habang palipat-lipat ang tingin kina Fire at Kai. Ay mga bwisit na babae 'to! Hashtag, MedyoMaharot

Kaya naman, bigla ko silang binatukan dahil sa mga sinasabi nila. Nakalimutan ko na magdadrama ako dahil ngayon na lang ulit kami nagkita. At talagang pinagpapantasyahan nila sina Kai at Fire?! E kung sabugan ko kaya ng granada ang mga 'to?!

"Aray naman, Aria! Ang sakit no'n ah!" pagrereklamo ni Janna habang hinahawakan niya ang batok niya.

"Off limits na ang gwapong 'yon." Itinuro ko si Fire at bigla namang nanlumo si Janna.

"'Di ba, uso naman ang agawan ngayon? Aagawin ko siya sa'yo!" sabi ni Janna na akala mo ay determinado sa gagawin niyang pag-agaw kay Fire. Talaga lang ha? Baka gusto mong hanginin at ihain na lang kita kay Valgemon?!

"Tigil-tigilan mo 'yang kabaliwan mo, Janna dahil uso rin ang salvage ngayon," sagot ko at saka naman siya tumawa. Ang totoo niyan ay ganito talaga kaming magkakaibigan. Mahilig kaming magbarahan at wala kayong magagawa doon.

"Ito naman, gusto ko lang namang makilala ang gwapong nilalang na 'yan. Jusko! Teka, bakit pula ang mata?!" gulat na tanong ni Janna at saka siya lumapit kay Fire. Si Lei naman ay umupo na sa tabi ni Kai. Si Hannah naman ay nakakapit sa braso ko. Paano kasi ay may boyfriend na si Hannah kaya hindi na siya gano'n kaadik sa mga gwapo. E subukan niya lang makipagharutan kina Kai ay talagang lagot siya kay Macoy!

"Grabe! Contact lense ba 'to, Aria?!" tanong ni Janna habang titig na titig kay Fire. Ano ka ba naman, Aria! Alam mo naman na hindi normal dito ang pula ang mata!

"Ah oo, contact lense nga 'yan," sabi ko para lang makalusot. Si Janna naman kasi ay madaling maniwala basta may sinabi kang paliwanag sa kaniya. Bakit ba kasi bigla na lang sumulpot ang mga ito dito e!

"Ang taray! Edward Cullen lang ang peg! Pwedeng-pwede maging vampire ang isang 'to at 'pag nagkataon ay buong puso akong magpapakagat!" Agad akong lumapit kay Fire dahil pakiramdam ko ay nanganganib ang kaniyang kagwapuhan kay Janna. Jusko naman! Dapat ay naisip ko nang mangyayari 'to e.

"Janna, tumigil ka na nga! Tinatakot mo naman si Fire e!" I said. Biglang napatakip si Janna ng bibig niya. Ano na naman ang drama ng isang 'to?

"Fire?! Ang taray naman! Bagay na bagay sa kulay ng mata niya. Naglalabas ka rin ba ng apoy?" she said while laughing. Oo naglalabas siya ng apoy kaya kapag hindi ka pa tumigil, baka maging instant barbeque ka kaya umayos ka!

"Hi, nice to meet you, Janna." Iniabot ni Fire ang kamay niya kay Janna totally ignoring her question. Mabuti na lang at kalmado itong si Fire. Inabot naman ni Janna ang kamay ni Fire at talagang kilig na kilig ang bruha! Sarap bigyan ng blade!

"Huwait! Lei, hangin! Hangin! Mawawalan na ako ng hangin! Omygahd!" sabi ni Janna habang pinapaypay niya pa ang kamay niya sa sarili niya. Ang lakas ng sapak ng babaeng 'to. Parang nahihikayat akong bigyan ng sandamukal na hangin itong si Janna para lang matigil na ang pag-iinarte niya. Nakakaloka!

"Is she okay?" bulong sa akin ni Fire. Bigla akong natawa kasi mukhang hindi sila aware sa mga ugali ng tao dito.

"'Wag mong intindihin 'yan, ganyan lang talaga 'yan," I replied with a smile.

"Okay. Akala ko kasi ay talagang mawawalan na siya ng hangin," he said. Biglang lumapit si Janna kay Thea at hinawakan niya pa ang buhok nito. Susme naman! Ngayon lang ba nakakita ng maganda ang babaeng 'to?

"Ay ang bongga naman ng isang 'to, Aria. Hi, ako si Janna. Grabe! Mukha kang Dyosa!" Janna exclaimed while offering her hand to Thea. Si Thea naman ay ngumiti lang kay Janna at saka siya tumayo. Akala ni Janna ay hindi na tatanggapin ni Thea ang pakikipagkamay niya pero nagulat siya noong niyakap siya ni Thea.

"I am Eidothea and it's my pleasure to meet you, Janna," she muttered. Grabe talaga sa bait at sweet itong si Thea. Buti na lang talaga at hindi nainlove sa kaniya si Fire. Ayan ka na naman, Aria. Kapatid nga ang turing sa kaniya ni Fire 'di ba? 'Wag ka ngang praning diyan!

"Ay teka, pasali ako! Ako nga pala si Lei." Niyakap din ni Thea si Lei at lumapit din si Hannah kay Thea. Wow naman! Close agad-agad?! Aba malupit!

"Pwede bang payakap din ako, Papa Fire?" sabi ni Janna at hindi pa man ako nakakasagot ay lumapit na siya kay Fire at saka niya ito niyakap. Mapamaraan ka talaga, Janna! Walang kupas!

"O tama na! Layo naaaaaa!" Inilayo ko si Janna kay Fire kaya naman bigla itong sumimangot. Kung mag-inarte naman ang isang 'to! Akin lang si Fire! Walang ibang pwedeng yumakap dito! Leche!

"Ang damot mo talaga! Dito na lang nga ako kay Green Eyes!" Janna said before she walks towards Kai.

"Hep hep hep! Akin lang si Kai!" sabi naman ni Lei na humarang sa harapan ni Kai and that's the cue for us to laugh so hard. Napuno ng tawanan ang buong bahay namin dahil sa kabaliwan nina Janna. Hinayaan ko na rin siya na lumapit kay Fire dahil sinabi sa akin ni Fire na gusto niyang makilala at maging malapit sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. E kinilig naman bigla ang lahat ng lamang loob ko kaya sige na lang din. Keri lang pero nakamasid ako ng bongga kay Janna. Mahirap na at baka mafall pa si Fire diyan though alam ko naman na malabong mangyari 'yon kasi head over heels sa akin si Fire. Ay! Ansabe ng head over heels?! Ang confident ah!

Kami na lang ang naiwan dito sa sala kasi si Mama ay pumunta sa palengke at si Shebah naman ay umakyat na uli sa taas. Ewan ko ba kay Shebah at mukang trip niya yata ang mag senti at maging emo sa mga oras na 'to. Siguro ay namimiss na niya ang Yoso. Jusme!

Sinabi ko na rin kay mama na bumili ng contact lense na kulay abo rin para kay Fire dahil nakakakulot naman ng baby bangs kung sa buong pag-stay namin dito ay pula lang ang mata ni Fire. Baka nga akalain na ng iba na kauri niya si Edward at biglang magkaroon ng pila diyan sa labas ng mga magpapakagat sa kaniya.

"Siya nga pala, Aria, tinext ko si Zadkiel," sabi ni Janna bago niya ininom ang juice na hawak niya. Bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko at talagang gulat na gulat ako sa sinabi niya.

"Sino?! Si Zadkiel?! Si Jonathan?!" I exclaimed. Bigla akong tinitigan ni Janna na para bang nawiweirduhan sa kinikilos ko.

"Bakit? May iba ka pa bang kilalang Zadkiel Jonathan na nanligaw sa'yo? Ulyanin lang 'te? Umalis ka lang ay hindi mo na siya kilala?" Janna said. Jusko naman! Bakit pupunta 'yon dito? Nandito si Fire e. At saka bakit ba ako kinakabahan?!

"Sino si Zadkiel?" tanong ni Fire kina Janna. Nako! Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Ano ba naman 'to.

"Si Zadkiel Jonathan ay---" Hindi na naituloy ni Janna ang sasabihin niya noong may nagdoorbell sa gate namin.

"Ako na ang magbubukas." Lumabas si Lei at talagang mas lalo akong kinabahan. Si Jonathan na kaya 'yon? Biglang napunta kay Fire ang tingin ko noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Siya ba 'yong sinabi mo sa akin noon sa maze na sasagutin mo na sana kung hindi ka lang----"

"Fire," singit ni Thea para pigilan si Fire sa mga sasabihin niya dahil baka magtaka sina Janna sa sasabihin niyang maze chorvaness at baka magplanking na sila ni Hannah dito sa sala namin.

"Here he is!" Grabe! Ang saya-saya pa talaga nitong Lei na 'to samantalang ako ay namamawis na ang mga kamay ko dahil kinakabahan ako. Naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakahawak ni Fire sa kamay ko. Tumingin ako kina Thea to ask for help dahil baka mamaya ay may hindi magandang mangyari. Iba pa naman magselos itong si Fire. Baka mamaya ay bigla na lang magliyab si Zadkiel at maging instant isaw.

"Aria babes!" Isang sigaw pa lang ng lalaking 'yon ay alam ko na. Alam ko nang siya nga si Zadkiel Jonathan! At lalo akong naloka noong pumasok siya sa pinto ng bahay namin na talagang ngiting-ngiti! Wow! In fairness, lalong gumwapo ang isang 'to. Nakasuot siya ng skinny jeans na kulay itim na tinernuhan niya ng puting toms at white t-shirt na may nakaprint na Superman. Sige, Aria. Intindihin mo pa ang pagkagwapo ni Zadkiel. Nandiyan sa tabi mo at nag-uumpisa ng magselos ang boyfriend mo!

"Aria!" Lumapit sa akin si Zadkiel at saka niya hinawakan ang mukha ko. Ayaw ko na siyang tawagin na Jonathan dahil ako lang daw ang tumatawag sa kaniya ng gano'n at baka mabigyan pa niya ng ibang ibig sabihin. Baka akalain niya na ang sweet ko pa rin sa kaniya kapag tinawag ko siyang Jonathan. Assuming pa naman ang isang 'to. Hanubayan!

"Teka, bakit namayat ka yata? Anong nangyari sa'yo ha? At saka, saan ka ba galing? Bakit hindi ka man lang nagsabi na aalis ka pala noon? Alam mo ba na nasaktan ako no'n at alam mo rin ba na namiss kita?" Hinawakan ni Zadkiel ang isang kamay ko at saka niya ako itinayo sa kinauupuan ko.

"Pero ngayon na nakita na ulit kita, nahahawakan ko na ulit ang kamay mo at nandito ka na ulit, nawala na lahat ng sakit. Namiss talaga kita, Aria," he said. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya pero wala akong maramdaman na kahit na ano. Kung noon pa siguro nangyari ito ay baka kanina pa ako naglupasay sa harapan niya dahil sa pagkakilig pero ang nararamdaman ko lang ngayon ay kaba dahil nandito si Fire at nakikita ang kamaisan ni Zadkiel. Yayakapin na sana niya ako pero bigla akong hinila ni Fire palapit naman sa kaniya. Wow ha? Ano 'to? New version ng tug of war?!

"Hey, sino ka ba? Bakit mo ba hinihila ang Aria babes ko?!" sabi ni Zadkiel pero biglang humarang sina Kai at Thea para harangan si Fire noong nag-apoy ang isa niyang kamay pagkatapos niyang sabihin kay Zadkiel ang mga salitang...






"Call her Aria Babes once more and you'll say hi to death."

Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 292K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
273K 20.6K 33
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.8M 16K 9
AVAILABLE ON DREAME PAY-PER-READ PROGRAM!!! The Five Deities together with the Enchantress kept the Balance of the Universe. The Cthonic Deity. Thi...
3.2M 76.3K 68
This story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter...