Date Me, Please?

By LenaBuncaras

10.4K 1.2K 331

06/13/2023 - 06/16/2023 More

Date Me, Please?
Post Mo Na, Par
1: Paid Na 'Ko
2. Invoker
3. Pass sa Isaw
4. Baby Face
5. Low Maintenance
6. Confidential Funds
7. Ex and Whys
8. Bulaklak For You
10. Ligawin
11. PDA
12. Babaero
13. Dasuurv
14. Posible Ba?
15. Yeshua Unsint A Message
16. Hala, Nahulog
Date Me . . . Please?
Tengkyu, Mga Par

9. Nagmahal Na

377 62 12
By LenaBuncaras

Facebook Profile

Kung magkakaboypren ka Taki Cariño, bakit ako?

Jowwwk medyo half meant

Like • Comment • Share

Angelo De Jesus
Yan tayo eh Grandmaster talaga lods! Iba galawan!

↪️ Yeshua Chael Lavarro
Pakaliit na bagay



♥•♥•♥



"Nakikita ko mga comment nina Rogelio sa mga post mo, bakit Yokai tawag nila sa 'yo?"

"A . . . username ko kasi sa Dota, Ye_chae. Kapag mic on, Ye-kay tawag nila sa 'kin. E, nauso si Jibanyan. Naging Yo-kai tuloy."

"Ooh . . . akala ko, trip lang nilang tawagin kang Yo-kai kasi matangkad ka."

Napatingin tuloy ako sa kanya. "Parang mas offensive pa yung naisip mo kesa naisip ng mga tropa ko."

"Hahaha! Sorry na, ssob!" Binangga na naman niya ang braso ko sabay hampas pa. "Uy! Kumakain ka ng ganito?"

Hatak-hatak niya ang braso ko nang huminto kami sa tapat ng nagba-bike na manong. Chicharong sebo ang tinda niya.

"'Tang ina, ang solid ng mantika nito. Kakain ka nito?"

"Manong, dalawang bente nga," sabi agad ni Taki kahit nagtatanong pa lang ako. "Alam mo, ewan ko, ha, pero ang sarap talagang kumain ng mga street food."

"Iba kasi talaga ang lasa kapag marumi hahahaha!"

"Gagi! Di ka wrong!" Nagtaas siya ng kamay para makipag-apir kaya nakipag-apir din ako.

Inabutan kami ni Manong ng dalawang cup. Pinaliguan agad ni Taki ng sukâ at asin ang chicharon niya. Siya na rin ang naglagay ng akin habang nanonood lang ako at naghihintay.

"Ang hirap humanap ng nagtitinda nito, sa true lang," sabi pa niya matapos kong magbayad.

May stick na ibinigay sa amin pero kinamay niya ang kanya.

"Nagmahal na rin kasi yung baka, mam," katwiran ko.

"Eto lang yata yung nagmahal na hindi ako masaya."

Nasamid ako ng chicharon sa sinabi niya. "Tindi ng hugot natin d'on, mamser, a. Yung aray, nanunuot sa bone marrow."

"Sa true lang kasi."

"'Wag mo iyakan kung nagmahal na. Ako naman nagbayad, di naman ikaw."

"Hoy, gagu! Basag trip ka!" Binangga na naman niya ako kaya umakto akong babanggain din siya.

"Ano? Ano? Kanina ka pa nambabangga, 4'9 ka lang, babycake. Naliliitan ka ba sa 'kin, ha?"

"Hahahaha! Sorry na!" Sabay hampas sa braso ko.

'Bigat ng kamay! Buti maliit lang siya, hindi malakas ang palo.

Namamapak lang kami ng chicharon habang naglalakad sa kahabaan ng kalsadang marami pa ring saradong tindahan. May ilang nagbubukas na at naglalatag isa-isa ng paninda, lalo 'yong mga bilihan ng mga kaserola o gamit sa kusina.

Malayo-layo na rin ang nalalakad namin nang makaabot kami sa arko ng Manila Chinatown.

"Wala ka pang naging GF, 'no?" tanong niya pagtawid namin.

"Tsismosa ka," parinig ko. "Joke! 'De, wala pa."

"Bakit wala pa? Ilang taon ka na ulit? 19?"

"Huy, 20 na 'ko, gagi."

"Ba't parang wala akong nakitang birthday post mo this year?"

"Di lang ako nag-announce para di ako dumugin haha! Wala nga 'kong pambiling cake, e."

"Kaya pala wala. Pero bakit nga wala ka pang girlfriend? Parang marami namang nakikipagkulitan sa 'yo sa mga post mo."

"Hindi naman sa ano . . . nanligaw naman na 'ko noon. Bale, tatlo sila. Wala lang ano . . ."

"Binasted ka?"

"Hmm . . ."

Teka . . . paano ko ba ipaliliwanag 'yon?

♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
605 157 17
To break her reality bound by rules, Letizia impulsively participates in a project communicating with a stranger and shares the life she desires behi...
2.5M 56.7K 50
Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just...