Ada and Eve

By JenickaJanine

60 3 0

"Taliwas ng pananaw ko sa buhay ay masigla at puno ng kulay ang kaniya. Parang ang dali lang sa kaniya ng lah... More

Ada and Eve

60 3 0
By JenickaJanine

Itim ang unang ginagamit ko tuwing may pinapakulayan sa'min noon. Gano'n ko kasi tignan ang mundo. Madilim, mabigat... malungkot.

Hanggang sa dumating si Ada at naging sanggang dikit kaming dalawa. Taliwas ng pananaw ko sa buhay ay masigla at puno ng kulay ang kaniya. Parang ang dali lang sa kaniya ng lahat gaya ng pagkuha ng loob ko.

Wala akong kaibigan bago ko siya nakilala dahil walang matiyagang lumapit o kumausap sa'kin. Siya lang.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya pinagsiksikan ang sarili niya sa buhay ko pero nagpapasalamat ako dahil hindi siya sumuko at sa loob ng maraming taon ay naging tahanan ko siya. Mas naging pamilya ko pa siya kaysa sa sarili kong mga kadugo.

Mas nakilala ko rin ang sarili ko dahil sa kaniya at mas lumawak ang mundo ko nang maging kaibigan ko siya.

"Nakikinig ka ba, Eve?"

Nabaling ang atensyon ko kay Ada. Nakahiga kami ngayon sa damuhan dahil kakatapos lang naming magpinta. Ang bonding namin ngayong araw ay mag-painting habang nagpi-picnic.

Napasimangot siya nang mapansing wala akong narinig sa sinabi niya. Akmang tatayo na siya pero napigilan ko kaya't napabalik lang siya sa paghiga.

"Matampuhin naman 'to. Ano bang sabi mo?"

"Wala, never mind," napairap pa siya sabay talikod sa'kin kaya napatawa ako nang mahina.

Isa 'to sa mga natutunan ko sa kaniya. Mabilis siyang mainis kaya kahit sinong mali sa'min ay ako dapat ang manuyo.

"Sorry na, napa-reminisce lang ako pagtapos nating mag-paint."

Dumapa si Ada papalapit sa'kin at kinuha ang painting ko na nasa bandang ulunan ko.

"Actually, nagulat ako rito sa painting mo," mula sa canvas ay tumingin siya sa'kin, "Abstract pero colorful... parang bahaghari na 'di mo maipaliwanag."

Dumapa na rin ako at sinabing, "Puno kaya ng feelings 'yan! Di mo ba naramdaman?"

"Ang alin?" Napataas ang kilay niya.

Napangiti ako sa kaniya at marahang kinuha ang kamay niyang nakahawak sa painting, "Pag-ibig."

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
634K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]