Falling in Love With My Broth...

By Exoloverhea

7.7K 374 23

Naomi Lee is living a fortunate life. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat. K... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 29

198 6 0
By Exoloverhea

Eventually, the school year ended. Parang kay bilis lang ng panahon and I failed to notice it. After the graduation, our parents immediately planned for a vacation somewhere in Europe. I enjoyed the time we spent there. Traveling together with your family is a lot more fun. Na-enjoy ko rin ang snow doon and I explored a bunch of new things out of my bucket list.

Nalungkot ako nang matapos na ang bakasyon namin. I wish we could stay longer. I feel miserable while packing my things. Alam ko kung ano ang naghihintay pagkauwi namin ng Pilipinas. I will be back to my old normal highschool life, ganun din si kuya Waylon as well as Sam. As for Tyler, he will leave our house. Nanlulumo ako habang paulit-ulit na inaalala ang bagay na yon. I can't imagine a normal life without him being around. Nasanay na ako sa presensya niya.

College na siya ngayon at dito nga siya sa Maynila mag-aaral pero malayo ang byahe papunta sa University na papasukan niya kaya kailangan niyang umalis ng bahay. Inconvenient na masyado kapag uuwi-uwi pa siya dito. Sa ngayon ay nakahanap na siya ng condo malapit sa University kaya doon siya pansamantala.

Diretso ako sa kwarto nang makauwi na kami. I feel tired and drained, probably because of the jet lag. Dire-diretso na ang tulog ko hanggang sa magising kinaumagahan.

Kuya Tyler was already packing his things when I entered his room. Ngayon ang araw na aalis siya. Masyado siyang busy sa ginagawa kaya hindi niya ako napansin na nakatayo sa doorstep ng kwarto niya. I feel sad watching him packing up and preparing to leave.

"Are you really leaving now?" hindi ko napigilang sabihin.

He glanced at my direction and his expression immediately softened. Mabilis siyang lumakad palapit sakin at hinila ako papasok ng kwarto niya. He closed the door behind and secured its lock. Hindi ko na iyon gaanong pinansin dahil sa bigat na nararamdaman.

"Can't you leave tomorrow instead? Or the next day? Or maybe the day after the next?"

I hate how I delivered those words. It sounded like I was almost begging.

Nagsipatakan ang mga luha sa aking mata at wala na akong panahon para itago ito. I feel so stupid for crying over petty things.

He wiped my tears away while staring at me sadly. "Huwag ka ng malungkot. It's hard for me to go if you're being like this."

"Then don't go." mahina kong sinabi.

"I have to visit my school. May mga kailangan din akong asikasuhin doon lalo pa't malapit na ang pasukan. Please understand."

Natahimik ako sa sinabi. I feel hopeless. Aalis na talaga siya.

He cupped my cheeks while looking straight into my eyes. "I'll call often. Uuwi rin ako dito tuwing weekend."

"You'll have your own life there. Magiging busy ka doon and you will meet new people too. Paano kung makalimutan mong bumisita o tumawag manlang dito?" tunog nagtatampo kong saad.

He chuckled while poking my nose. "Silly. That won't happen."

"You promise?"

Tumango siya at ngumiti. "I promise."

Hinubad niya sa leeg ang kadalasan niyang sinusuot na kwintas at nabigla ako nang sinuot niya ito sa'kin. It's a diamond-cut chain that has an oval-shaped pendant na may naka-engrave na kung anong characters sa loob.

"There. I hope this thing will make you feel like I'm with you even when I'm far from reach."

Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Right. I need to let him go. Masyado akong makasarili kung gustuhin kong manatili siya rito. I feel disappointed with myself for acting inappropriately.

"Don't get into trouble while I'm not around, okay?"

Agad na umasim ang mukha ko dahil sa paalala niya. "I don't get into trouble. Baka ikaw!"

He gave out a chuckle because of my reaction.

"At huwag ka rin masyadong malungkot. Baka malaman ko nalang na umiiyak ka na pala pagkatapos kong umalis."

Napalabi ako at pa-simpleng pinunasan ang natitirang luha sa mata.

"Tss... I'm not a crybaby." saad ko.

"Oh, really? I think I've seen enough." he said teasingly.

Uminit ang mukha ko at parang ngayon lang tinamaan ng hiya. I cried earlier in his arms, almost begging him to stay.

What the hell, Naomi? Ano ba itong ginagawa mo? You are one shameless girl. Mali ito eh.

Sinamaan ko siya ng tingin para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman. Ngumiti siya nang pilyo at kinabig ako para yakapin nang mahigpit. Hindi man niya sabihin pero ramdam kong pareho kami ng pagkakaintindihan. Kontento na ako sa ganito lang. Yun bang alam ko at alam niya na pareho kami ng nararamdaman.

Ayoko ng dagdagan kung anong meron kami ngayon dahil kahit anong gawin namin, magkapatid parin kami at hindi 'yon magbabago. To the eyes of the people around us, this is disgusting.

Pinaalalahanan niya pa ako ng ilang bagay bago pakawalan.

Matamlay akong bumalik ako sa kwarto at binagsak ang katawan sa malambot na kama. I wasted time by spacing out.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Anak, aalis na ang kuya Tyler mo. Hindi ka ba magpapaalam?" boses iyon ni mommy.

"Nakapagpaalam na ako mommy!" malakas kong sabi para marinig niya sa labas.

Narinig ko ang papalayong hakbang ni mommy pagkatapos kong sabihin iyon. I sighed and sat at the edge of the bed while staring at the the door.

Truth is, it's hard for me to say goodbye. Baka hindi ko mapigilan at mag-breakdown ako. I'm too emotional for that.

Masyado akong nasanay sa presensya niya. In fact, this is the first time na mapapalayo siya sa'min, sakin.

Narinig kong tumunog ang makina ng kanyang sports car sa baba. Aalis na siya.

Tumayo ako at lumapit sa bintana para dumungaw. Tanaw ko ang sasakyan niya na lumabas mula sa garahe. I helplessly followed it with a gaze until it disappears after reaching the gate.

Wala sa sarili kong hinawakan ang kwintas sa aking leeg na galing sa kanya. I sighed and stepped away from the window.

Mga ilang minuto rin bago ko naisipang lumabas ng kwarto. There's no point in sulking.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago tuluyang bumaba. I found kuya Waylon and Samuel at the gym room. Pareho ang outfit nila for workout. Itim na joggers, white tshirt sa pang-itaas and white sneakers.

Kuya Waylon is teaching him light exercise at mukhang masunurin naman si Sam. He's paying close attention to what kuya is telling him.

They both look so adorable. Habang busy sila at hindi nakatingin ay pasimple ko silang ninakawan ng picture.

Nang makalapit ay saka lang nila ako napansin.

"Morning, princess!" kuya Waylon winked at me.

"Good morning, ate!" medyo hinihingal na bati ni Sam habang najo-jog sa treadmill.

Nginitian ko siya at binati pabalik.

"Ayusin mo." paalala ni kuya sa kanya saka bumaling sa'kin. "Did you have breakfast already?"

"Hindi pa."

"Kumain ka na. It's already late in the morning." he replied and went back to his own business.

Nanatili akong nakatayo habang pinapanood sila sa kanilang ginagawa. Makalipas ang ilan pang sandali ay tumigil si kuya.

"That's enough for today, buddy. You'll strain yourself if you workout too much." aniya kay Sam sabay unplug sa treadmill para patayin ito.

Lumabas kami ng gym. Nauna ako samantalang nakasunod naman ang dalawa.

"Go to your room and change. Basa ka na ng pawis." dinig kong utos ni kuya na agad namang sinunod ni Sam.

Parang gusto kong matawa sa asta niya. He sounds like mom.

Humiwalay ako sa kanila at tinahak ang daan patungong kusina. Hindi ko agad napansin na nakasunod pala sa'kin si kuya.

Naabutan ko ang kasambahay namin sa kusina na abala sa paglalagay at pag-aayos ng supplies sa fridge. Nang makita niya ako ay agad siyang tumigil sa ginagawa.

"Magb-breakfast ka ma'am? Teka lang at ipagluluto po kita."

"Ah, hindi na po manang. Ako na po ang gagawa ng breakfast ko."

"Sigurado ka po ma'am?" tanong ni manang na para bang naninibago sa asta ko. Hindi naman kasi ako magaling magluto.

"Hayaan mo na manang, minsan lang yan sinisipag magluto." ani kuya Waylon habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Natawa si manang at muling bumalik sa trabaho.

Nag-toast ako ng tinapay at nagprito rin ng itlog at ilang bacon sa pan. Habang ginagawa ito ay minsan natatalsikan ako ng mantika kaya napapatili ako. Medyo namumula ang parte ng balat sa braso na natamaan ng mainit na mantika.

"Tss... ako na nga." hindi nakatiis si kuya Waylon kaya lumapit siya at mabilis na tinapos ang ginagawa ko.

He also treated my burn by cooling it with water and applying ointment.

Habang kumakain ako ng breakfast ay hindi parin siya umaalis. Nakaupo siya sa tapat ko at nakatingin sa'kin

"Are you okay?"

Napatingin ako sa maliit kong paso. "Yeah kuya. Hindi na masyadong mahapdi unlike kanina."

"Not that. I mean are you feeling okay? Umalis si Tyler kanina. You did not even step out of your room to see him before he leave."

Natigilan ako sa tanong niya. I did not expect him to insert this topic.

"You're used to him being always around. You may find the next following days difficult without him. Higit kanino man, alam kong ikaw ang pinaka-naapektuhan sa pag-alis niya."

"Tss... of course I'm fine. Hindi naman ako ganun kababaw para magpa-apekto sa pag-alis niya. He needs it to pursue his dreams and I understand it."

'Wow Naomi, kaya ka pala umiyak kanina at muntik ng pigilan ang pag-alis niya.' wika ng munting tinig sa utak ko.

"Hmm... baka hindi na yun makatawag o makabisita man lang dito. Given the course he took up, I bet he'll be very busy." padaskol niyang sabi na para bang nang-asar.

Agad akong tinamaan ng iritasyon sa sinabi niya.

"You're bluffing. That won't happen!"

"But what if it will? At isa pa, I'm sure there are lots of beautiful girls there. I won't be surprised if he gets back to his old playboy self."

Dumiin ang hawak ko sa kubyertos. I pointed my fork towards his direction to make him shut up.

Tumawa siya at tinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Relax, Nam. Akala ko ba hindi ka apektado sa pag-alis niya?"

Inikutan ko siya ng mata at hindi na pinansin. I decided to just focus on my food instead. Pero sa totoo lang, medyo nabahala ako sa mga sinabi niya. Paano kung mangyari nga iyon?

"Kung ako kaya ang mag-aral sa malayo, how would you feel? Then I'd leave the house too?" he suddenly blurted out.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Hayy... nawawalan na ako ng ganang kumain dahil sa mga sinasabi niya.

"Pero hindi pa naman sa ngayon." he said, trying to console me.

I really don't like the idea of him leaving too. Actually, kahit sino naman talagang mahalaga sa buhay ko ay ayaw kong mapalayo sa'kin. Natatakot kasi akong isipin na baka hindi na sila bumalik pa.

Naging mahirap para sa'kin ang mga sumunod na araw at linggo. I find it hard to adapt now that kuya Tyler is away. I would always seek his presence. Kahit na palagi siyang tumatawag kagaya ng ipinangako niya, iba parin kapag nandito siya.

Monday morning, maaga siyang tumawag sa'kin. Ito ang unang araw ko as a fourth year student. Kay bilis lang ng panahon.

"Good morning. How's your sleep?" bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

"Okay naman. Today's the start of our class." tugon ko.

"Same here. You know your section already?"

"Yeah..."

I started combing my hair while my other hand holds the phone, bringing it close to my ear. Kakatapos ko lang maligo at suot ko na ang aking school uniform.

"Don't skip breakfast before going to school. Pahatid ka kay Waylon hanggang classroom niyo." he sounds bossy.

"Hindi na po ako bata. Kaya ko na ang sarili ko, kuya."

Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga sa kabilang linya. May mali ba sa sinabi ko?

"I'm going home this Sunday."

Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya.

"Uuwi ka dito!?"

Oh my gosh, hindi naman siguro masyadong halata na excited ako diba?

"Yeah. Ayaw mo?" he chuckled.

"What! No! I mean gusto ko!" taranta kong sabi. Hindi ko alam kung tama pa ba ang sinabi ko.

My mood suddenly changed after that call. I can't deny the fact that I missed him so. Kahit ilang araw lang siyang nawala, pakiramdam ko parang buwan na ang nagdaan. Is this the feeling of being in love?

I just wish the days to come by quick. Hindi na ako makapaghintay.

"Mukhang good mood tayo ngayon ah?" puna ni kuya habang papasok kami sa school.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ang sama ni Tyler." aniya makalipas ang ilang sandali.

"Bakit naman, kuya?" curious kong tanong.

He shooked his head looking disappointed. "Hindi manlang tumatawag hanggang ngayon. He didn't even reply to one of my text! What are brothers for?"

"Don't worry, uuwi naman siya ngayong linggo."

Naguguluhan siyang tumingin sa'kin. "He told you that?"

Tumango ako sa kanya. "Yeah. He called me this morning."

Nalaglag ang panga niya na para bang hindi makapaniwala. "What the heck? Ba't ikaw lang tinatawagan niya? Samantalang ako hindi. Where's the fairness in that?"

I just simply shrugged my shoulder.

"Pero hindi na rin kataka-taka. Malakas ka sa kanya eh. I bet he loves you the most in the family." tunog nagtatampo niyang saad. He almost look like an abandoned puppy. Kawawa naman.

We eventually separated ways when I reached the building of the fourth year.

Sobrang saya ko dahil magkaklase kami ni Darcy. Unfortunately, sa hindi inaasahan ay kaklase ko rin ang dalawa kong pinsan na sina Gwen and Stacey. What a way to ruin the mood.

Pinili pa talaga nilang maupo sa harapan namin ni Darcy.

"Hi Cuz!" bati nila sa'kin.

I forced a smile to them.

"So how's your vacation in Europe?" Stacey initiated the conversation.

"It was great." maiksi kong tugon.

Pansin ko ang pananahimik ni Darcy sa tabi ko. Well, she doesn't like my cousins. She would rather stay silent than talk to them.

"College na ngayon si ate Yen, diba? Saan siya nag-aaral?" tanong ko nang maalala ang nakatatandang pinsan.

"Oh! She went to the same University with Kuya Tyler. Hindi mo alam?" si Gwen.

"Really?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Our parents actually offered her to study abroad. Kaya nga nagtataka ako kung bakit doon niya napiling mag-aral." dagdag pa niya.

"Maybe it's because ate Lylia went there too. As for ate Ashley, she studies in States now kaya nahiwalay siya." singit ni Stacey sa usapan.

"S-Sinasabi mo bang... pareho ng pinapasukang University sina ate Yen, Lylia, at kuya Tyler."

Tumango-tango ang dalawa. "Yeah. Small world, right?"

Teka lang, it must be a coincidence. But I suddenly remembered before going to Europe, naitanong ni ate Yen kung saan mag-aaral si kuya Tyler. So I asked Tyler about his plans and I told ate Yen about it. Does it have anything to do with it?

"Alam mo naman si ate Lylia, head over heels kay kuya Tyler. Wherever he goes, she follows." si Stacey

Napaisip ako ng malalim. Could it be? Baka sinabi ni ate Yen kay Lylia kung saan magco-college si kuya. She may have asked me so that she could tell ate Lylia about it.

I don't know why but thinking that Lylia and kuya Tyler goes to the same school bothers me. Lalo pa't mukhang gagawin nito ang lahat para mapalapit kay Kuya.



Continue Reading

You'll Also Like

166K 8.1K 52
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
50.5K 1.5K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
Riptide By V

Teen Fiction

319K 8.2K 116
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...