Filay (one shots)

Galing kay Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... Higit pa

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
SeΓ±orita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Hawak kamay
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Paadd Po ng extra 2k

284 11 17
Galing kay Trois24


yeah yow yeah yow
Ikaw nalang ang katabi ngayong gabi
Pe-pwede tayo magpabaga pag nanlalamig
Oh magdamag nakasinde buong gabi
Naghahanap kasi ng tama ang nagkamali
Ikaw nalang ang katabi ngayong gabi
Pe-pwede tayo magpabaga habang malamig
Oh magdamag nakasinde buong gabi
Oh ansarap kasi ng tama kahit na mali

"Binibining Klay, nabibilib talaga ako sa mga awiting naririnig ko saiyo.."

Ani ni Lucia.

Pasado alas tres na nang hapon at naglalakad na pabalik sila Klay at Lucia sa kuta mula sa lugar kung saan nagtatago naman ang nakatatandang kapatid nito na si Pablito.

"Ah, hehe.. weird ba? este kakaiba ba? Trip ko kasi mga kanta ni Al James eh, ang angas ng boses nya kasi."

"Al...Dyems?? Hindi ko na naman mawari ang nais mong sabihin Binibining Klay.."

"Ay pasensya na haha..Panget ba yung kanta? Iibahin ko na lang.."

"Ay hindi sa ganon! Nakatutuwa ngang pakinggan..Kakaiba at nakamamangha ang tono kahit hindi ko masyadong maintindihan ang nais iparating ng iyong awitin..hehe"

"Tawag sa ganung klase ng kanta samin ay rap."

"Rap?"

"Oo..kasi parang tumutula ba pero mabilis yun kumpara sa simpleng pagtula ba.."

"Ahh..kay husay mo talaga Binibining Klay. Hindi lang sa pag-awit ganoon nadin sa panggagamot."

"Naku, yun ba? Paunang lunas lang iyon di pa yun as in pang gagamot."

Nahihiyang pagtugon ni Klay. Ang totoo nyan, nagpasama talaga sa kanya si Lucia upang magpatulong ito sa paggamot sa Kuya nitong si Pablito matapos na magkaroon ng engkwentro sa mga guardia civil sa isang pagsalakay nila noong nakaraang gabi.

"Nais ko paring ipabatid sayo ang taos puso kong pasasalamat Binibining Klay sa paggamot mo sa aking Kuya Pablito.."

Senserong pahayag ni Lucia

Ngumiti naman si Klay at tumugon..

"Walang anuman Ate Lucia."


~


Nakarating na lahat lahat si Klay sa kuta ngunit hindi parin niya mahagilap si Fidel.
Umaga pa nang huli silang nagkita dahil isinama ni Elias si Fidel sa lakad nito at sya naman ay naiwan.

"Kuya Hernando, nakita nyo ba si Fidel?"

"Ah, Binibining Klay. Magandang hapon saiyo.."

"Magandang hapon din naman.."

"Si Naliwanagan ba? Kanina ay nakita ko siyang umakyat sa may taas ng burol at nang bumalik ay may dala na itong pamingwit.."

"Pamingwit?"

"Oo, magpupunta raw siya sa may batis upang magbakasakaling makahuli ng isda.."

"Ha?? Sa batis? Pwede ba yun?"

"Oo naman Binibini, kung minsan ay may mga naliligaw na isdang tubig-tabang sa batis lalo pa at may pag-ulang naganap ng mga nakaraang araw..

"Ah ganun ba, well nung nakaraan nga may baby crocodile eh, freshwater fish pa kaya."

"Ha? Ano kamo Binibini?"

"Naku, wala hehe.."

"Nais mo bang samahan kita papunta kay Nali?"

"Ah hindi na, ok na ko. ako na lang hehe..Sige salamat.. Pupuntahan ko na lang sya dun, alam ko naman na papunta doon eh."

"Osige, mag-iingat ka na lamang Binibining Klay."

~

Hawak ang kanyang saya ay dire-deretso si Klay sa kanyang paglalakad patungo sa batis. Mabuti na lamang at nakabisado na niya ang daan dito nang isang beses na nagpasama siya kay Fidel maligo doon.
Pagnaalala nya ang pangyayaring iyon ay hindi niya maiwasang matawa sa eksenang naganap.

"Pero medyo nakakainis naman to si Fidel, ano trip neto ang gustong mangisda? Tama pa ba dinadaanan ko??"

Sinipat niya ang kanyang nilalakaran at mukang nasa tamang daan naman siya pagkat nakakarinig na sya ng mga kaluskos ng tubig.


Ikaw nalang ang katabi ngayong gabi
Pe-pwede tayo magpabaga pag nanlalamig
Oh magdamag nakasinde buong gabi
Naghahanap kasi ng tama ang nagkamali

Pag-aaliw ni Klay sa sarili habang naglalakad. Unti unti ay natatanaw na niya ang ang batis kung saan siya naligo noon..

Nagpatuloy siya sa paglalakad.
At mula sa kinatatayuan niya ay nakita na niya si Fidel.
Nakatalikod ito at medyo nakayukong may sinisipat sa ibabang binti nito.



Madali siyang lumakad papalapit

"Fideeeel!"

Sigaw niya rito.



Yumuko siya upang hawakan at itaas ang kanyang saya kasabay nadin ng pagsipat niya sa kanyang hahakbangan nang pag-angat niya ng kanyang mukha ay nakita na niyang nakaharap na sa direksyon niya si Fidel at may hawak na isda.




"Klay! Tingnan mo! Ang laki ng nahuli kong isda!"


Malapad ang pagkakangiting sigaw nito sa kanya.





"Ang....laki....nga.."



Kagat labing saad ni Klay.



OMG!
Si Fidel.
Walang suot na pang itaas na damit.


Grabe Lord. Ang hot ni Fidel!!


Saad ni Klay sa sarili.


Napalunok siya ng laway habang pinagmamasdan ang katawan ni Fidel habang nasa tubig ito.


Bahagyang nakalugay ang mga buhok nito na umaabot na sa balikat na lalaki.


Shet!


Nakita naman na ni Klay ang katawan noon ni Fidel pero hindi niya akalain na mas masarap, este mas makisig itong tignan ng medyo tanned ang skin at medyo long hair.


"Jusko, wala pang dinner pero may dessert na agad?! Holy fu..dge..Bat mas naging hot si Fidel? Di ko kinakaya."


Mas humigpit ang pagkakahawak ni KLay sa kanyang saya dahil baka kasi kusa itong bumaba, ay ano ba! Este, Upang hindi siya matisod sa kanyang paglalakad dahil talagang nastuck ang mga mata nya sa ganda ng nasisilayan niya ngayon.

Para bang nagslow motion ang lahat ng galaw ni Fidel habang naglalakad ito papaalis ng tubig.
Hawak hawak sa kaliwang kamay ang dalawang malaking isda at ang kanang kamay naman ay may paghawi sa mga naliligaw nitong buhok sa kanyang mukha.


Muli ay napakagat ng labi si Klay.


Ngayon ko lang napagtanto, parang ang sarap pala magpaipit sa mga braso ni Fidel. Huy! Klay! Umayos ka nga! Babaeng Filipina ka uy!

Saway niya sa sariling utak.


Nang makalapit na sa harapan niya si Fidel ay mas nasipat pa ni Klay ang magandang hubog ng katawan ng lalaki.


"Klay, hindi ba noong nakaraang araw na nais mo kamong mag-ulam ng inihaw na isda? Kaya ito, ihinuli kita upang iyong ulamin."


Pahayag ni Fidel pero sa totoo lang ay hindi ito naririnig ni Klay dahil ang focus nya ay nasa abs ng binata. Wala sa sarili ay umangat amg mga kamay niya ay marahang hinaplos ang mga malapandesal nitong abs.



"Gusto mo bang magpabaga tayo Fidel?"




"Ha? Klay?"


Parang isang bula na pumutok at nagising si Klay sa kanyang pananaginip ng gising.


Ngunit hindi pala panaginip na hiwakan niya at hinaplos niya ng wala sa sarili amg katawan ni Fidel.

"Klay?"

Umangat ang mukha niya at nakita ang pagtataka sa muka ni Fidel.


"A-ano..kako..magpabaga..magpabaga na ba ako? para ano..para maihaw na natin yang nahuli mong isda..tama! Yun! Yun yung gusto kong sabihin."

Sabay bawi sa kanyang kamay.


Nakita naman niya ang pagsilay ng pilyong ngiti sa mukha ng lalaki.


"May epekto rin naman pala sayo ang kakisigan ko Klay.."


Tumaas naman ang kilay niya.


"Excuse me?"


"Aking Binibini, kung nais mong damhin ang aking napakakisig na katawan ay magsabi ka lamang..Alam mo naman ang iyong iyo lang ako at handa kong ialay ang lahat sayo..at isa pa alam ko rin naman na matagal ka ng may pagnanasa saakin."


"I BEG YOUR PARDON?!"


"Bakit? Totoo naman ang aking mga sinabi? Hindi bat naakit ka sa aking maganda at matipunong katawan noong gabing nakita natin is Elias sa gubat? "


"Hoy Fidel! San mo napulot yan? Fake news yan!"

"Fake news??"


Natatawang tanong nito pabalik

"Pekeng balita ba iyon kung sa mismong bibig ng balita ko narinig iyon?"



Nanlaki ang mga mata ni Klay kasabay ang matinding pamumula ng mga pisngi.
Ang ibigsabihin ay nalaman nito ang pinag-usapan nila noon ni Juli.
Sinabi kaya sa kanya ni Juli?
Pero hindi naman magsasabi si Juli sa kung kanino lang ng mga lihim na ibinahagi sa kanya.
So pano nalaman iyon ni Fidel??


Oh my Gawd! Nakakahiya!


Sigaw ni Klay sa loob ng utak niya!

"Hoy Asa ka naman Fidel! Maraming may ganyan sa lugar ko no! Walang panama yang abs mo sa abs ni David Licauco no!"


"Ha?? At sino naman iyang tinutukoy mo? Gawa gawa mo lang iyan upang itanggi ang pagkakabisto ko saiyo."

"Che! Bilisan mo na nga dyan! May pahubad hubad ka pa kasi eh!"


Natawa naman si Fidel sa hindi na pagkontra ni Klay sa pang-aasar nito sa kanya. Pagpapahiwatig na lahat ng kanyang mga tinuran ay totoo.

Nauna nang maglakad si Klay dala ang nahuling isda ni Fidel habang ang lalaki naman ang naiwan at magmamadaling magdamit.

"Maghuhubad hubad ng pa kasi ng damit, upper part lang pala. Hindi pa nilahat! Hmp!"

"Narinig ko iyon!"

"Ay Kalabaw! Fidel! Ano ba! Aatakihin ako sayo ng alta presyon eh!"


"Hindi mo naman kailangang bumulong bulong dyan Klay, alam mo naman na sa isang salita mo lamang ay handa kong ialay ang lahat sayo."


"Siraulo! Tumigil ka nga!"

"Hahahahaha"


Hindi na kinontra pa ni Klay ang pang-aasar ni Fidel sa kanyang bagamat ipinapakita nya sa lalaki na napipikon sya pero sa kaloob looban nya ay sobrang kinikilig sya.


"Daliaan mo dyan! Aabutan na tayo ng dilim sa daan!"

Nagsimula na sila maglakad pabalik sa kuta dahil unti unti nang lumulubog ang araw.
At habang nasa daan ay hindi pa rin tinitigilan ni Fidel ang pang-aasar kay Klay.

Nauunang maglakad si Klay habang nasa likuran naman niya si Fidel.

"Alam mo Klay, hindi mo naman pa kailangan itago kung talaga may pagnanasa ka saakin.. ayos lang naman saakin iyon.."

Napahinto si Klay ng may makita sa daan..


"Kailangan natin magtago Fidel.."


"Kakasabi ko lang Klay, hindi mo kailangang magtago ng iyong nararamdaman-"



Hinila ni Klay si Fidel patago sa isang malaking puno.
Nabigla naman si Fidel sa nangyari.
Isinandal nito ang likod ng binata sa katawan ng puno at tinakpan ang bibig nito gamit ang isang kamay at dahan dahang sumilip..

Dahan dahan namang inalis ni Fidel ang pagkakatakip ng kamay ni Klay sa kanyang bibig.

"Klay, hindi ka lang pala eskandalosang babae ngunit isang agresibo din-"

"Siraulo! Ano ba! Wag ka ngang maingay! Silipin mo yun oh!"

Napakunot ng noo si Fidel at sinilip ang bagay na tinutukoy ng dalaga.


"Hindi bat...iyon ang nakatatandang kapatid ni Lucia?"

Pabulong na tanong ni Fidel kay Klay.

"At..sino ang babaeng kasama nya? Sa ganitong oras?"

"Kaya nga eh, kakagaling lang namin ni Lucia dun sa kuta nila para gamutin sya..tas ngayon may katagpo na syang babae..Ang kabog."


"Anong kabog??"

"Oh my god Fidel tignan mo!"

Mula sa kinatatayuan nila ay kitang kita nila ang biglang paghalik ni Pablito sa kasama nitong babae.
Parehas silang nabigla sa kanilang nasaksihan.


Nag-uusap si Pablito at ang kasama nitong babae pero hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito pero kitang kita nila ang ginawang paghalik ng nakatatandang kapatid ni Lucia sa kasama nitong babae.

Humigpit ang pagkakakapit ni Klay sa dibdib ni Fidel sa mga nakikita dahil mukang mas lumalalim ang pinagsasaluhang halik ng mga ito.

Hinila niya si Fidel upang pagbawalan na itong manuod.
Doon napansin ni Klay na magkadikit pala ang mga katawan nila ni Fidel. Ang kanyang mga kamay ay nakalapat sa dibdib ng lalaki habang ng mga braso naman nito ay nakapalupot sa kanyang bewang.


Nang iangat niya ang kanyang mukha ay doon niya napagtanto ang malalim na pagkakatitig ni Fidel sa kanya.
Nakaramdam ng biglang init si Klay.

Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya..


"Klay.."

Mahinang usal ni Fidel.


Biglang naalala ni Klay ang mga nakita niya sa batis kanina. Kung gaano katipuno ang katawan ng lalaking yumayapos sa kanya ngayon.


Kung gaano katamis ang pagkakangiti nito sa kanyang ng masilayan siya.

Dumako ang mga mata ni Klay sa labi ni Fidel.


"Lord, talaga bang sinusubok ninyo kung gaano ako karupok?"


Napangisi si Fidel sa mga narinig niya.

"Maari ba aking Binibini?"

Kagat labing tumango si Klay.

At dahan dahang inilapit ni Fidel ang kanyang mukha kay Klay at siya namang ipinikit ang mga mata.






"Sinong nandyan?!"

Mabilis na idinilat ni Klay ang mga mata.
Mabilis din ang naging pagkilos ni Fidel upang ihanda ang kanyang armas.

Sumilip si Fidel at nakitang isang kasamahan pala ni Pablito ang dumating.

"Ah Pablito, kayo pala yan ni Pepita. Anong ginagawa ninyo riyan? Hindi ba nagpapagaling ka?"

Kasamahan pala ni Pablito ang dumating.

"Jusko, aatakihin talaga ako nito ng altapresyon eh."

Pahayag ni Klay.

~



Madilim na ng makarating si Klay at Fidel sa kanilang kubo. Hindi na nila nagawang pag-usapan ang mga nangyari at nasaksihan nila sa gubat upang hindi na din mag-alala si Lucia. . .at saka medyo awkward kung ikukwento pa nila baka magtanong pa ang mga kasamahan nila kung ano rin ang ginagawa nila doon sa gubat. Naknakan pa naman ng marites ang mga iyon.

Matapos ang mga nakagawiang gawain nila sa kuta tuwing maghahapunan ay nagsiuwian na sila sa kanilang kubo.

Inabutan niyang nakahiga na sa papag nila si Fidel.


"Ay? Pagod yarn?"


Ngunit di kumibo si Fidel
Sinilip niya ito at nilapitan..

"Hoy Fidel? Anyare sayo?"


Nilapitan niya ito at pinagmasdan habang nakapikit.
Napangiti siya dahil kahit pagod na at nauna na itong matulog ay hindi nito nalimutang maglagay ng harang na unan sa gitna ng kanilang higaan.

Napangiti siya.
Dahan dahan siyang yumukod upang mapagmasdan ang mukha nito.



"Bakit Klay? Nais mo bang ituloy natin ang naudlot nating kaganapan kanina sa kagubatan?"

Nanlaki ang mga mata ni Klay at namula ng matindi ang mukha.

"Sira! Kala ko ba tulog kana?!"

Bumangon ito sa pagkakahiga.

"Ngunit Klay, hindi ka ba naiinggit sa mga nasaksihan natin kanina?"


"Talaga bang hindi mo ko titigilan sa pang-aasar Fidel?"


Nakapamewang na tanong ni Klay sa lalaki.

"Hahaha nagtataka lang ako sayo kung paaano natitiis pigilan ang sarili mo lalo may kasama kang isang lalaki, ah mali, isang matipuno at napakakisig na lalaki sa araw araw at alam mo yun..hindi mo kailangang pigilan ang damdamin mo pagdating sakin-"


Huminga ng malalim si Klay saka nagsalita.


"Alam mo tama ka eh."

"Ha? Tama saan?"





Walang salisalita ay kinabig ni Klay ang kwelyo ng damit ni Fidel papalapit sa kanya at hinalikan ng mariin ang mga labi nito.


Hindi agad nakareact si Fidel sa ginawa ni Klay.
Mabilis lang ang pangyayari at agad ding bumitaw si Klay.


"Minsan na napipikon din ako Fidel ah! Kaya tumahimik kana dyan!"


Lumabas at iniwan ni Klay sa kwarto si Fidel na nakaawang ang bibig. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Lord, Please naman po, bawas bawasan nyo naman po yung pagsubok nyo sakin araw-araw. Di na kakayanin ng puso ko. Aatakihin talaga ako nito ng altapresyon eh.!"

Pagtangis ni Klay.

Muling pumasok sa loob ng kwarto si Klay at hindi pinansin si Fidel at rektang humiga.

"Hindi ko akalain na masarap ka palang mapikon aking Binibini-"

"Tatahimik ka? O mag-isa kang matutulog ngayon gabi Fidel? Mamili ka?"

"Sabi ko nga tatahimik na ako. Buenas noches dulces sueños my dearest Klay."

"Goodnight din sayo Fidel."

Hindi na nangulit pa si Fidel na ipinagpasalamat naman ni Klay.

Tumalikod sya kay Fidel at humarap sa kabilang dako ng papag upang itago ang ngiti at kilig.

"Lord, padagdag po ng plus 2000 extra strength. Amen."


Natapos na naman ang isang araw na puno ng mga nakakalokang kaganapan ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nagpapasalamat si Klay at mapayapang at mahimbing silang matutulog ngayon gabi at handang harapin ulit ang kinabukasan kahit gaano pa kahirapan ang maging pagsubok at kahit gaano pa ito nakakaloka.







Notes:

Kung may eksena si Klay sa batis syempre meron din ang lolo Fidel natin. Naimagine ko lang kasi itsura ni Naliwanagan na topless like sheesh bro! 🔥🔥🥵🥵 hahahaha mga naiimagine eh no! Sorry na 😂😂 Tas may nabasa lang kasi akong comment sa past chap na yari si Klay sa pang aasar ni Fidel lalo nalaman nya yung sa usapan nila ni Juli hahahah
Sorry na din sa kuya ni Lucia😅✌️😂

https://open.spotify.com/track/5sLGYJOhLP197nmkaRMMEH?si=fXtDvV7nTdipr8o4AvDQ1g

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

7.6K 335 8
Levi Ackerman grew obsessed with video games, and continued to play online with friends. But... he meets an unexpected gamer. A gamer who was a girl...
1.1M 48.8K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
123K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ ΰͺœβ€βž΄ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 π‹πˆπŠπ„ .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
72.5K 2.9K 37
Hanabi, the wielder of the demonic Higanbana, stepped out from their small village to seek vengeance over the assassination of her father. However...