On the Seventh Day of May [Se...

Від Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... Більше

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Fourteen

1.6K 59 0
Від Red_Raselom

Lumipas ang maghapon, hindi na muling nakausap ni Ruby si Kenneth. Kahit nga noong dinner. Hindi kasi ito bumaba. Ayon sa kambal, busog daw ito. Of course, hindi siya naniniwala dahil alam niyang iniiwasan lang siya ng binata.

Ito siguro ang epekto ng pakikielam ko, ano? Malungkot niyang monologo sa sarili. Nakahiga na siya noon at tulog na ang dalawang roommate niya. Mukha sigurong magkakaroon ng gap sa pagitan namin. Dapat yata hindi ko na siya pinakielaman.

The following day, naalimpungatan na lamang si Ruby dahil naramdaman niyang tila pinipilipit ang puson niya. Tuloy, hindi niya mapigilang mapasigaw sa sakit. Mabuti na nga lang, gising na noon sina Michelle at Josel.

"Sapphire, what's happening? Binabangungot ba you?" tarantang sabi ni Josel.

"A-Ang sakit ng puson ko. God!" Bumaluktot siya at niyakap ang sarili. Hindi rin niya mapigilang mapaluha. "Ang sakit, grabe!"

Samantalang, taranta namang naghanap ng pain reliever si Michelle sa medicine box niya. "OMG! Wala ka nang Mefenamic acid!" sabi nito. "Josel, ikaw ba, meron? Wala akong ganoon."

Umiling ito. "Ibuprofen lang meron ako d'yan. Allergic si Ruby do'n."

"G-Guys, pahingi ng hot compress," mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa mga ito. "M-May hot water bottle ako d'yan.  Nakalagay sa may lalagyan ko ng underwear."

Matagal na niya iyong binili dahil medyo madalas talaga siyang atakihin ng dysmenorrhea. Ayon sa doktor na nakausap niya noong pinakonsulta niya ang kaso niya, maaga raw kasi siyang nagsimulang magkaroon ng buwanang daloy. Nine years old, to be exact, which is considered not normal dahil ang ideal age ay 11. Nasa dugo kasi talaga nila ang maagang puberty.

Agad namang tumalima si Josel. Hindi rin nagtagal, bumalik na ito.

"Here, Ruby." Inabot nito ang rubber bag sa kanya.

Agad niya iyong nilagay sa bandang puson niya. Hindi naman nagtagal, medyo nabawasan na nang kaunti ang sakit.

"Gosh, napakahirap ba ng ganitong buhay," sabi ni Ruby. Nagpawis ang noo niya dahil sa sakit.

"Correct ka d'yan, girl. Naloka ako noong bigla kang sumigaw, 'lam mo 'yun? 'Kala ko binabangungot ka," kumento naman ni Josel. "Teka, chika ko lang kila Tempo 'yung nangyari."

Si RJ ang tinutukoy ni Josel. Mula iyon sa Tempura. Hipon daw kasi si RJ.

"Sira-ulo talaga itong si Madam," ani Michelle na napaikot naman ng mga mata. Pagkuwa'y hinarap siya nito. "Hindi ka ba nahihilo, Ruby? Or nasusuka?"

"Hindi naman. Mild lang naman ito."

"Mild pa 'yan?" Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "E, halos tumirik ang mga mata mo kanina, ay."

"Ito pa 'yung normal ko, ano ka ba. May mas matindi pa rito, 'yung hinihimatay na ako. Ganoon."

Tumango ito. "So, kumusta ka naman ngayon niyan? Kaya mo pa bang pumasok?"

Normally kasi, kapag nakakaramdam siya ng dysmenorrhea, halos maghapon siyang hindi makatayo at makalakad. Minsan tuloy, maghapon siyang nakahiga sa infirmary ng school nila. Pero alam niyang hindi siya pwedeng mag-absent dahil may long test siya.

"Oo. May exam ako later, e. Major iyon saka mahirap maghabol."

"Sure ka ba d'yan, Sapphire?" sabi ni Josel na kakayari lang mag-text. "Pwede ka namang magpa-special quiz na lang kung hindi mo talaga kaya. Legit naman 'yung excuse mo, e. Saka, mahirap magsagot kapag may sakit ka, haler."

"Hindi, guys. Kaya ko ito, trust me. Besides, sayang 'yung ni-review ko kagabi. Dami no'n." Inalis niya saglit 'yung bag sa puson niya para tingnan kung may pain pa. Nang may maramdaman, binalik niya ulit. "Saka iinom naman ako ng gamot, e. Dadaan na lang ako kay Mama Nurse later."

Nagkatinginan si Michelle at Josel.

"Sige, sabi mo, e," sabi ni Michelle. "Sasamahan ka na lang namin para hindi ka mahirapan."

"Mag-trike na lang tayo papasok mamaya para hindi ka mahirapan umakyat," suhesyon naman ni Josel. "Libre ko na lang kayo ng pamasahe. Ten pesos lang naman, e."

Napangiti si Ruby. Ang sarap bang maging kaibigan ng mga kasama kong ito. Talagang willing kang tulungan ka kapag nangangailangan. "Thanks, guys."

"Oh, ano, Ruby, kaya mo pa ba?" bungad sa kanya ni MJ nang makitang inaalalayan siya nina Michelle at Josel pababa ng hagdan. "Balita ko raw e may rumaragasang hotdog na—"

"Heh!" Inirapan ni Ruby ang filthy-mouthed na binata. "Wala ka na ba talagang ibang alam sabihin kung hindi kabastusan?"

Humagikhik naman si MJ. Kapansin-pansin ang pagtaas-baba ng balikat nito't tila paghahabol ng hininga. Mukha tuloy itong hinihika.

Nang ibaling ni Ruby ang tingin sa kaliwa, napansin niya si Kenneth. Tahimik nitong sinusulatan ang log book na nasa table ng security guard. Napalunok siya pero bago pa man maiiwas ang paningin, gumawi ang tingin nito sa direksyon niya.

And they had an eye-to-eye contact. Muli, napalunok siya. She felt how butterflies fluttering in her stomach. Kalma, butterflies! Monologo pa niya. Walang reason para magwala kayo.

Ano kayang gagawin ni Kenneth? Kakausapin na kaya siya nito at kakamustahin? Mago-offer kaya ito na ito na ang sumama sa kanya, sa halip na ang dalawang babae? Those thoughts made her blush.

But then, Kenneth looked away as if he didn't see her. Tuloy, napalitan ng hollow space ang kanina'y punum-puno ng paru-paro. Napawi rin ang ngiti niya.

"Tara na, MJ," sabi nito, looking away from her. "Sige, guys, una na kami ni MJ, ha?" Walang lingon-likod itong umalis.

Sinundan niya ito nang tingin. Ganoon din ang buong tropa.

"Problema nu'n?" nagtatakang tanong ni Josel. "May regla din? Nahawa kay Sapphire?"

Nagkibit-balikat si MJ. "Nakulangan lang iyon ng j***l kaya wala sa ta-mood—"

"Tse!"  Inirapan ni Ruby ang sotang bastos. Tapos hinarap niya ang guard. "Kuya, patawag ng trike, please? Hindi ko talaga keri maglakad, e."

Tinanong muna nito kung ano ang nangyari sa kanya bago ito tumalima.

Habang hinihintay nila ang trike, bumuntong hininga siya.

Hanggang kailan kaya ako hindi papansinin ni Kenneth?

SA wakas, tapos na rin ang first subject ni Ruby. Tatlong oras din iyon pero sa kabila niyon, hindi pa rin nawala ang pananakit ng puson niya. Hindi rin kasi siya nakainom ng pain killer dahil Alaxan FR lang ang available sa clinic. May allergy siya sa nasabing gamot.

Tuloy, paika-ika siya habang naglalakad. Biniro pa tuloy siya ng kaklase  niya. "Sino'ng nakaputok ng hiyas  mo kagabi?" sabay dinugtungan ng tawang tila hinihika. Naalala tuloy niya si MJ.

Anyway, pabalik na siya ng dorm nang sandaling iyon. Gusto sana niyang mag-tricycle pabalik kaso nanghihinayang siya sa babayaran niya kaya nagtiis siya.

Buti na lang tapos ko na 'yung quiz. Papasok pa kaya ako later? Tanong niya sa sarili. Mukha namang wala nang gagawin kasi magchri-Christmas break na rin—

Natigilan siya nang maramdaman siyang may nakatitig sa kanya. Nang ibaling niya ang tingin sa likod, nahuli niya si Kenneth.

"Kenneth," wala sa loob na usal niya.

Agad naman itong napaiwas nang tingin. Yumuko ito saka nagpatiuna sa kanya. Okay, cold treatment pa rin?

Tinawag niya ito. "Kenneth!" saka sinundan. "Sabay na tayo bumalik ng dorm." Bakas sa boses niyang hirap na hirap siyang humakbang.

Pero nagtaingang-kawali ang binata. Medyo binilisan pa nga nito ang lakad.

Napahinto siya. Nag-init din ang sulok ng mga mata niya. She hated it. Siguro nga, mali 'yung ginawa niyang makielam sa buhay nito but this was too much. Dahil lang doon, hindi na siya papansinin nito? Ni hindi man lang nito naisip na tulungan man lang siyang bumalik sa dorm? Kahit kaunting simpatya, wala?

Damn! She felt disappointed. Nasaan na 'yung Kenneth na nakilala niya?

Suddenly, she felt another wave of throbbing pain. Tila may pumipilipit na naman sa matris niya. Tuloy, hindi niya napigilang mapasinghap sa sakit.

"A-Aray." Napasapo siya sa matris niya. Nanlambot din ang tuhod niya kaya hindi niya mapigilang mapaluhod sa daan.

Pinagtinginan siya ng mga tao. Mabuti na lang, may mabuting loob na tumulong sa kanya.

"Miss, ano'ng nangyayari sa iyo?" tanong ng isang lalaking namukhaan niya. Varsity ito, kung hindi siya nagkakamali. "Dalhin kita sa clinic?"

"Y-Yes, please. D-Dysmenorrhea ito."

"Kargahin na kita, ha?"

Hindi na siya nag-inarte pa nang buhatin siya nito.

Pero bago pa man sila makalayo sa lugar na iyon, hinanap niya si Kenneth. Agad niya itong nakita. Nasa malayo na ito... at mukhang hindi nito alam kung ano ang nangyari sa kanya. O baka wala lang itong pakielam?

Well, either way, she felt disappointed. Great, Kenneth, magkalimutan na tayo, ha?

Продовжити читання

Вам також сподобається

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
33.5K 1.3K 43
Letting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kap...
1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...