𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅...

By TroylaTwifs

12.9K 732 199

𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚: •𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 •𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌�... More

𝙲𝙷𝙰𝚁𝙰𝙲𝚃𝙴𝚁𝚂
𝙾𝙽𝙴
𝚃𝚆𝙾
𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴
𝙵𝙾𝚄𝚁
𝙵𝙸𝚅𝙴
𝚂𝙸𝚇
𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽
𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃

𝙽𝙸𝙽𝙴

655 72 27
By TroylaTwifs

𝐂𝐥𝐞𝐨

Friday ngayon, at di nga nag kamali si Izzy. Pag dating ko ng bahay galing sa school, nakaayos na ang mga gamit ko at gamit ni Izzy. Hindi lang pala mattress at AC ang binili ng mga magulang ni Izzy, actually halos lahat ng kagamitan sa loob ng kwarto ay bago mapa study table, cabinet, closet maging ang wallpaper ay nabago rin. Parang hindi ko na tuloy kwarto ang pinapasukan ko ngayon.

"Nagustuhan mo ba ang bago n'yong kwarto anak?" wika ni Papa na nasa tapat ng kwarto.

Nakaupo kasi ito sa wheelchair n'ya, kaya siguro hindi na s'ya nag atubiling pumasok sa loob ng kwarto.

"Ahh opo Papa, kaso naninibago ako pero ayos lang dahil mas gumanda naman." sagot ko.

"Bago naman nila ginalaw ang mga gamit sa loob ay nag paalam muna sila sa'min sa kung ano ang mga dapat palitan at idagdag. Sabi nalang namin na sila na ang bahala." paliwanag ni Papa.

"Mabuti naman po kung ganun, pumunta po ba ang mga magulang ni Izzy dito kanina Papa?" tanong ko habang iniisa isang i check ang mga nasa loob ng cabinet at closet.

"Hindi, nag papunta lang sila ng mga taong mag aayos dito at sila na ang kumausap sa'min." tugon nito.

"Sige anak, mag pahinga kana muna dyan. Maiwan na kita." paalam ni Papa saka sinumulang i maneho ang wheelchair nito.

Tinignan ko na lamang ang papalayong si Papa, hindi ko pa rin maiwasang wag malungkot dahil sa nangyari kay Papa. Kung hindi s'ya na aksidente nung araw na yun, malamang ay nakakapag lakad pa rin s'ya hanggang ngayon.

Pero hindi pa rin naman kami nawawalan ng pag asa, kaya pa naman daw maka recover ng mga binti ni Papa basta tuloy tuloy lang sa pag papagamot dito.

Nakahati ang cabinet at closet sa dalawa, ang kabilang parte ay sa'kin at sa kabila naman kay Izzy.

Well organised ang pag kakaayos nila sa mga gamit namin, na ikinatuwa ko rin.

Anong oras kaya makakauwi ang batang yun? tanong ko sa sarili.

Pasado ala sais na rin ng gabi kaya nag pasya na kong mag luto, nag dadalawang isip pa ko kung anong lulutuin ko na magugustuhan rin ni Izzy hindi ko pa kasi alam ang mga hindi at gusto nito. Naisip kong pork sinigang nalang, baka sakaling magustuhan n'ya.

Isang oras na rin ang nakakalipas pero wala pa rin si Izzy, kaya hinayaan ko ng mauna sina Mama sa pag kain. Gusto sana ng kapatid kong si Clark na sumabay sa'min sa pag kain ngunit di pumayag si Mama, bagkos ay nasermonan pa.

Maya-maya pa'y nakarinig na ko ng sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"S'ya na marahil yan anak." wika ni Mama.

"Ako na mag bubukas ate!" tila excited na presinta ni Clark saka nag mamadaling pumunta sa pinto.

"Talagang tong si Clark marunong ng kumiringking." turan ni Mama na ikinatawa lang namin ni Papa.

Halata naman kasing may crush tong si Clark kay Izzy.

Si Clark na nga ang nag bukas kaya sumunod nalang rin ako para salubungin si Izzy, dahil baka nahihiya pa ito.

"Good evening po..." bati ni Izzy, sa'kin at sa kapatid ko.

"Pasok ka miss, sakto kakaumpisa palang naming kumain." nakangiting wika ni Clark.

"Sorry kung na late ako ng uwi." hinging paumanhin nito.

"Okay lang yan, halika na sa kusina." aya ko dito.

Agad rin naman itong tumalima at sumunod sa'kin, ng makita sina Mama at Papa agad itong bumati.

"Good evening po Ma'am, Sir..." bati ni Izzy.

"Ay naku hija, Tita at Tito nalang ang itawag mo sa'min masyado namang formal ang Ma'am at Sir." wika ni Mama.

"Sorry po, hindi ko lang po kasi alam kung papano kayo tatawagin." tila nahihiyang tugon nito.

"Maupo kana sa tabi ng ate mo." saad ni Papa.

Di nakalampas sa'kin ang reaksyon ni Izzy na tila kakaiba ang ngiti ng marinig ang ate.

"Sige po tita." nakangiting tugon nito.

"Tabi tayo ate ha?" sambit nito ng may nakakalokong ngiti.

"Ate ka d'yan, teacher mo ko no at di nakakatandang kapatid." reklamo ko.

"Wala naman kayo sa school ate eh." sabat ni Clark.

"Kaya nga... alangan naman po tawagin lang kita sa pangalan n'yo, nakaka walang galang naman po yun." dagdag pa nito na halata namang nang aasar lang.

"Kumain na nga lang kayo." inis na turan ko.

Nag simula na silang kumain habang palihim namang napapangiti si Izzy, kaya pasimple ko itong sinipa pero mahina lang naman.

"Wow! Ang sarap po ng sinigang n'yo tita." puri ni Izzy matapos tikman ang sinigang.

"Talaga? Nagustuhan mo? Pero si teacher mo ang nag luto n'yan." sagot ni Mama.

"Pwede kana talagang mag asawa Ma'am."

"Ang totoo n'yan malapit na s'yang ikasal hija." masayang kwento ni Mama na s'ya namang nag pawala ng gana ko sa pag kain.

Nakita kong pasimple akong ninakawan ng tingin ni Izzy, bakas sa mukha nito ang pag aalala sa posibleng maramdaman ko.

"Hmmm... i-ikaw kuya ilang taon kana?" tanong ni Izzy kay Clark.

"18 years old ate..." nakangiting sagot ng kapatid ko.

"Mag kaedad lang kayo Izzy." sabat ko at pinilit na ngumiti.

"Ay sorry akala ko ahead ka sa'kin, natawag pa kitang kuya." wika ni Izzy.

"Okay lang, maganda nga yun kuya tawag mo sa'kin ate naman tawag ko sa'yo. Tadan! May pet name na tayo..." masiglang wika ni Clark.

Napangiti naman si Izzy dahil sa sinabi ng kapatid ko.

Pagkatapos naming kumain, nag presinta si Izzy na s'ya na ang mag huhugas ng mga pinag kainan. At dahil nag papa impress ang kapatid ko, nag presinta rin itong s'ya na raw ang mag huhugas.

"Thank you, kuya. Promise bukas, ako naman." wika ni Izzy.

"Wala to ate, sisiw lang to."  pagyayabang ni Clark.

"Suuus. Ngayon ka lang naman sinipag mag hugas ng pinggan." pambabara ko dito.

"Si ate talaga oh, nag huhugas naman ako minsan." depensa nito.

"Tsss. Bilisan mo na d'yan, at matulog kana. Wag mo kalimutan i-lock yung gate at pinto ah." bilin ko bago pumasok sa silid.

Sumunod naman si Izzy sa'kin.

"Feeling ko tinatawag na ko ng kama." bulaslas ni Izzy ng makita ang bagong kama.

"Sige, alam kong pagod ka kaya mauna ka ng mag linis ng katawan susunod nalang ako." saad ko.

Nilingon ako nito saka niyakap ang sarili sabay sabing...

"Alam kong may pagnanasa ka sa katawan ko Ma'am pero ikalma mo, bata pa ko." saad nito.

Sa inis ko dito ay naihagis ko sa kanya ang stuffed toy na malapit sa'kin.

Tinalikuran ko na ito at pumunta sa cabinet para kunan ito ng bath towel.

"Ohh maglinis kana ng katawan, isama mo na rin pati utak mo." inis na wika ko saka hinagis ang towel na nakuha ko.

"Di kana mabiro Ma'am." sagot pa nito bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Nag handa na rin ako ng pamalit ko, at hinintay itong matapos. Nalibot ko ang paningin sa loob ng kwarto at nakita ang remote ng AC na nasa study table.

Oo nga pala, hindi ko pa napapagana ang AC. Mukhang di pa naman sanay ang bata yun na walang AC, nung nasa condo unit n'ya kasi ako kahit may lagnat s'ya naka on pa rin yun.

Binuksan ko na iyon at sinet sa 19 degree celsius, hindi ko na binabaan dahil baka sipunin ako kinabukasan sa sobrang lamig.

"Ma'am, ikaw na." wika ni Izzy na kakalabas lang ng banyo.

Tinignan ko ang ayos nito, kahit walang make up natural na maganda talaga s'ya. At kahit ang hubog ng katawan nito di mo aakalaing 18 years old lang, buti nalang dahil mas may laban ang hinaharap ko kumpara sa kanya kung nag kataon masyado na kong ma i-insecure sa batang to.

Nakarinig ako ng tikhim mula dito, dahilan para magising ako sa malalim na pag iisip.

"Ma'am, you're drooling." tukso nito.

Nginitian ko naman to ng mapang asar.

"Excuse me, kahit lumabas ka pang nakahubad hindi ako mag kakainterest sa katawan ng bata no." wika ko. "Feeling nito." dugtong ko matapos itong lampasan.

Feeling talaga nun, kung head over heels man sa kanya si Miss Fe pwes ako hindi no.

Nag blush lang ako last time nung binigyan n'ya ko ng smack sa lips, kasi nagulat ako pero it doesn't mean bet ko s'ya no.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa pag ligo, parang ayoko pa nga sanang tumigil dahil sa lamig ng tubig napaka presko sa pakiramdam kaso baka ako naman ang sipunin pag nagkataon.

Sa loob na ko ng banyo nag bihis, ayoko kasing ipakita sa iba ang katawan ko. Confident naman ako sa katawan ko pero sabihin na nating conservative lang talaga ako.

Paglabas ko ng banyo, nakita kong mahimbing na natutulog si Izzy mukhang napagod ata sa first day n'ya sa trabaho. Kung sabagay hindi kasi ito sana'y, anak mayaman kasi.

Pero saludo ako sa parents n'ya nagawa nilang tiisin ang anak nila para lang matuto sa buhay, mabuti nga yun at pinipigilan nilang wag masyadong i spoil ang anak nila.

Kinuha ko ang towel na ginamit ni Izzy at ang bag nito na nilapag n'ya lang sa gilid ng kama.

Okay sige dahil first time mo sa work papalampasin ko to, pero sa susunod tuturuan na kita kung papano maging masinop sa gamit.

Pagkatapos kong mag blower ng buhok, at mag sampay ng mga towel nag pasya na kong humiga. Ilang minuto na ang nakakalipas kahit anong pikit ko ay di pa rin ako makatulog. Naramdaman ko pang kumilos ang katabi ko paharap sa direksyon ko nagulat pa ako ng maramdaman ang braso nito sa may tiyan ko, at ang pisngi nito sa balikat ko. Ramdam ko yun dahil sa suot kong sleeveless.

Gosh! Mabuti nalang pala at malaki ang kama, lalo na't ganitong mahilig s'yang sumiksik sa katabi n'ya.

Later on, ay naramdaman ko na ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko kaya hinayaan ko na ang sariling makatulog.

*****

6am ng tumunog ang alarm ko, agad na kong bumangon para mag asikaso. Ako kasi talaga ang laging nakatuka sa pag luluto, while si Mama naman ang nag dadala ng mga kakailanganin namin sa bahay. May pwesto kasi itong gulayan at karne sa palengke, kaya 5am palang ng umaga ay nasa palengke na s'ya at dun na nag bi breakfast.

Si papa naman na naiiwang mag isa sa bahay, iniiwanan nalang namin ng pang lunch at meryenda n'ya. Sinisiguro rin  namin na madali n'ya lang maaabot ang mga kakailanganin n'ya kahit na nakaupo lang s'ya.

Nag luto ako ng sunny side up at hotdog para sa breakfast, nag luto na rin ako ng adobong manok para sa lunch.

Saktong isang oras natapos ko na ang gawain ko, kaya nag pasya na kong maligo.

Ano kaya oras ang pasok nitong batang to?

Nakalimutan ko kasing itanong kagabi, anyways nag set naman siguro s'ya ng alarm n'ya.

Sinimulan ko ng mag hubad para makaligo na. As usual malamig ang tubig may shower naman kami yun nga lang di gaya ng sa mayayaman na may hot and cold. Sa araw-araw kong ginagawa to sanay na sanay na ang katawan ko na maligo ng malamig sa umaga.

Sa kabila ng lumalagaslas na tubig, narinig ko pa rin ang unusual na tunog ng phone at sa tingin ko ay alarm iyon ni  Izzy.

Habang nag babanlaw, literal na nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pinto ng banyo. At bumungad sa'kin ang mukha ni Izzy na halatang kakagising lang, bakas rin ang gulat sa mukha nito ng makita ako.

Awtomatikong napatakip ako sa mga pribado kong katawan.

"Izzy!!! Ano ba??!!" sigaw ko dahil sa inis.

"S-sorry Ma'am ba't kasi di ka nag la lock ng pinto." sabat pa nito.

"Labas!!!!" inis na sigaw ko.

Agad rin naman itong tumalima, pero muli itong bumukas.

"Infairness Ma'am makinis at sexy ka." wika nito habang nakangiti pa ng nakakaloko saka muling lumabas ng pinto.

Di na ko nakaimik pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, dahil sa nag halong inis at pagkapahiya.

Minadali ko na ang pag ligo ko, at agad na lumabas.

Naabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama, habang may kinakalikot sa phone n'ya.

"Sorry kanina Ma'am." wika ni Izzy matapos ko itong lampasan.

Di pa rin ako umimik dahil naiinis pa rin ako.

"Actually di ko naman kasalanan yun Ma'am eh, kung nilock mo sana ang pinto edi sana di kita nakitang--"

"Ano yun? Nag sosorry ka pero ako pa rin may kasalanan?" putol ko sa sinasabi nito dahil ayokong marinig ang kasunod nun.

"Totoo naman kasi Ma'am, tsaka ba't kaba nagagalit parehas lang naman tayong babae?"

"Maligo ka na dun, pumunta ka sa kusina pag katapos mo." wika ko kahit na naiinis pa rin ako dito at marahil sa sarili ko na rin.

Di pa kasi ako sanay na may kasama sa kwarto, kaya di ko na lock ang banyo.

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 247 36
It was a high school love. But i was too naive and scared to tell you how much i feel for you. Pero grabe ka pushy ng tadhana. I met you once again...
105K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...
51.8K 1.4K 53
ISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niya...
234K 5.4K 48
Meet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfr...