Filay (one shots)

De Trois24

8.1K 249 172

Compilation lang ito ng iba't-ibang kantang narinig ko at ayun, bigla nalang nabuo sa utak ko itong mga kwent... Mais

Umuwi ka na baby
Naliwanagan
Mga babae nga naman
Lahat gagawin para saiyo
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part 1)
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part2)
Mahiwaga
Nahuhulog na ako, pero bakit? (part3, sa wakas!!)
Sa'yong sa'yo at laging ikaw
Mga Paandar at pasabog
Señorita
Mga pag-aalinlangan ng puso
Binibini
Mga kaganapan at kaguluhan
Pahabol na kilig
Paadd Po ng extra 2k
A date in NeverLand
Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)
Peter losing Wendy
Kailan mo naramdaman?
Ngayon, ako naman

Hawak kamay

244 8 5
De Trois24


"Ahm Fidel...?"

"Klay? Andyan ka na ba? Ayos na ang ating higaan.."

Galing loob ay hinawi ni Fidel ang kurtinang nagsisilbing harang mula sa kwarto nila palabas at napahinto ito pagsasalita nang makita sila..

"Ahh Fidel.."

"Magandang gabi po Señor Fidel."

Mahinhing pagbati nito.

"Magandang gabi din naman saiyo Juli..."

"Dito muna matutulog ngayon gabi satin si Juli.."

Nagtaas baba ang dalawang kilay ni Fidel sa sinabi ni Klay.
Pinanlakihan naman siya ng mata ng dalaga pagpapahiwatig na tumugon sa kanyang sinabi.

"Ah ganoon ba.."

"Ate Klay, ayos lang naman ako.. at isa pa.. ayoko pong makaistorbo sainyo ni Señor Fidel.."

Nahihiyang saad ni Juli.

"Ano ka ba Juli! Ayos lang no! At saka duty si Fidel ngayong gabi magbantay kasama sila Elias at kuya Hernando.. Di ba Fidel?"

"Ha?"

"Duty kayo ngayon? Di ba? Di ba?"

"Ha? Ahh! Oo! Tama ang Ate Klay mo. Syang tunay! Ngayong gabi nga pala kami nakatakdang magbantay sa ating kuta, Hehe tama.."

"Ganoon po ba.."

Mabuti na lang at nagets na ni Fidel ang gustong iparating ni Klay kasi hindi na niya malaman anong panlalaki at paniningkit ng mata ang gagawin nya para lang maipasa ang telepathic message nya.

"Ah sige Juli maupo ka muna dyan. Ihahatid ko lang si Fidel sa labas. Tara Fidel!"

Nginitian ni Klay si Juli habang hinila naman niya papalabas si Fidel. Tumango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon.

Nang makalabas ay ipinaliwanag ni Klay ang kaganapan.

"May problema ba Klay?"

"Ah, ganito kasi. Nagkaroon ata sila ni Basilio ng di pagkakaunawaan, nakita ko syang umiiyak. .ehh natakot ako kasi baka magbalak na naman ng kung anong masama na gawin sa sarili nya gaya nung nakaraan..kaya naisip kong ayain magsleep over.."

"Ah ganoon, o' sige, magbabantay at magmamatyag na lang muna ako ngayon gabi upang makapagpahinga at maliwanagan ang isip ni Juli. Tama ang iyong desisyon..Napakabuting tao mo talaga Klay.."

"Ikaw din naman Fidel..kasi madali mong naintindihan ang sitwasyon at nagparaya ka..Salamat Fidel."

Muli nang bumalik sa loob si Fidel at Klay upang kunin ang kagamitan at armas ni Fidel. Nadatnan nilang naroon padin si Juli sa kanyang kinauupuan.
Tahamik at malungkot.
Nagkatinginan si Fidel at Klay.



~

"Oh Juli, feel at home ka lang ah.."

"Ho? Ate Klay?"

"Ahh este..kamusta pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang inumin?"

"Ayos lang po ako Ate Klay, hindi po ako nagugutom.. Salamat po.."

Napabuntong hininga si Klay.

"Osige, kung ganoon eh magpahinga na tayo.."

Tumingin sa kanya ang dalaga at nginitian nya lamang ito.

Nang makapwesto na sa pagpag ay tinabihan nadin ito ni Klay.

"Maraming salamat po Ate Klay.."

"Wala yun, sige na..matulog kana.."

Nahiga na sa kama nila si Juli.
Umisod ito patalikod sa kanya.

"Hays.."

Malungkot na napabuntong hininga si Klay.
Humiga nadin siya at nang mailapat ang likod sa papag ay naglaro sa isipan niya ang ilang mga katanungan.

Bakit ang tragic naman ng kwentong to? Bakit kelangang humantong pa ang lahat sa ganito? Saka bakit kung sino pa ang nasa tahanan ng Diyos ang syang kalaban nila? At kung sino pa ang dapat naglilingkod sa mamamayan ay sya pang nanlalamang sa mga ito? Bakit naman ganun?

Well, kahit saan ka pa mapunta, mapadito o mapareal world may masasamang tao.
Laging may pagsubok,
laging may pahirap at kaguluhan.
may sakit at hinagpis.

"Tsk. Jusko Lord. Bigyan nyo po akong ng 3000 na extra strength."

Dasal ni Klay.

Sumulyap siya sa katabing dalaga.
Marahil ay nakatulog na ito.

Ano kaya ang pinag-awayan nila ni Basilio?

Kakaisip ni Klay ay unti unti na syang dinapuan ng antok.


Lumipas na ang ilang oras.
Tahimik na ang gabi.
Tanging kuliglig at huni ng mga ibon sa gabi ang maririnig.
Payapa na ang lahat at mahimbing na natutulog
maliban sa kubo nila Klay..

"Huwag ho! Parang awa na ninyo! Huwag Ho!"


Pikit matang napabangon si Klay.

"Tama na Ho! Ayoko na! Tama na!"

Nagdilat mata si Klay ng maalalang si Juli nga pala ang katabi nyang matulog.

"Juli?!"

Agad nya itong tinapik sa balikat upang gisingin.

"Juli! Gising!"

Nagbukas ang mga mata nito at nagtapo ang mga tingin nila. Mababakas rito ang hilakbot at pagmamakaawa.

"Ate Klay..."

Bumangon ito, yumakap sa kanya at tumangis.

"Napakasama nya Ate Klay! Hayup sya!"

Pagtangis ng dalaga.

Niyakap naman ito ni Klay at inalo.

"Tama na Juli. Hindi ka na nya magagawan ng masama."

"Binaboy nya ako! Hindi na ako karapat dapat mabuhay."

"Wag mong sabihin yan Juli."

Tumulo nadin ang luha ni Klay.
Luha ng mga bakit.

Bakit kailangang maranasan ng mga taong katulad ni Juli ang kalapastangan sa kamay ng mga taong dapat syang nagpoprotekta sa kanila? Bakit sa murang edad ay kailangan danasin ito ng taong malalapit sa kanya?

"Wala nang makakaalis pa ng mga dumi sa aking balat. Napakawalang hiya nya!"

Hindi na nagsalita pa si Klay.
Niyakap na lamang niya ang dalaga.
Patuloy lamang sa pag-iyak si Juli. Hinayaan muna niyang ilabas at iiyak ang lahat ng nararamdaman nito.

Pikit mata
Nagtatanong
Anong sagot sa bakit
Pikit mata
Lumuluha
Di maintindihan puno ng pait

Parang walang nakikinig
Dyan ka nagkakamali

Lapit sa akin
At huwag matakot ka
Papawiin ang luha
Ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na
Di na kaya
Araw ay sisikat
May bagong liwanag
Di ka nagiisa

Naghahanap
Naghihintay
O sa mundo kaya
Nalang sumabay
Nangingimi
Na sumuko na
Di makita
San bang pagasa

Parang walang nakikinig
Dyan ka nagkakamali

Mula sa paghagulgol at unti unting napunta na lamang ito sa paghikbi. Mukhang effective ang ginawang pagpapakalma ni Klay gamit ang kanyang pag-awit.
Alam nyang hindi madadaan sa mga salita ang isang taong kinakaen ng matinding emosyon kung kaya tama lang na daanin na lang niya sa pag-awit.

Bumitaw ito sa kanya..

"Juli.."

"Pasensya na po Ate Klay, nadala lang ako ng matinding emosyon ko.."

"Hindi mo kailangan humingi ng pasensya Juli.. Alam ko na nahihirapan at nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari..Pero walang nagmamadali sayo maging ok ka na agad, may proseso dyan.. kung nagagalit ka, magalit ka. Kung gusto mong umiyak, iiyak mo lang. Kung natatakot ka sabihin mong natatakot ka, lahat ng nararamdaman mo ilabas mo lang, wag mong kimkimin, basta ang lagi mo lang tatandaan at aalalahanin na hindi ka nag-iisa sa lahat ng nararamdaman mo. Narito kami. Si Basilio, Ako. Sila Fidel at ang buong kasamahan natin. Ang iyong Itay. Kasama mo kami. Mahalaga ang buhay mo at mahal ka namin."

Hindi napigilan at muling dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ni Juli ngunit sa pagkakataong ito nawala na ang galit at takot sa mukha nito.

"Maraming salamat Ate Klay..."

"Si Basilio.."

"Bakit?"

"Ipinagtabuyan ko siya Ate Klay...Nang dahil sa aking kamangmangan ay ipinagtabuyan ko ang pagmamahal ni Basilio sa kabila ng lahat ng nangyari at pagtanggap niya sa akin..ay..ay-"

"Shhh..Juli.. Ikalma mo lang ang sarili mo. Mahal na mahal ka ni Basilio at kung may nasabi ka man sa kanya, alam kong nauunawaan niya ang pinanggalingan ng mga salitang binitawan mo.."

"Mahal na mahal ko rin si Basilio pero.. nadungisan na
..ang aking dangal.."

"Juli, ang tunay na pagmamahal ay walang pero pero. Ang tunay na pagmamahal ay tanggap ang buong pagkatao mo, ano man ang mga nakaraan mo..ano man ang nangyari noon at masayang kakaharapin ang bukas na kasama ka..Kung may alitan man kayo pag-usapan nyo for sure naman na maayos nyo yang dalawa. Kayo pa ba? Eh kayo end game sa story na to, kaya easy ka lang at huwag kana mag overthinking..sige ka magkakawrinkles ka nyan.."

"Ha? rinkels?? End geym? Ano po iyon Ate Klay..Hindi ko na po naintindihan ang mga sinabi ninyo sa dulo.."

"Hahaha di wala yun, pinapatawa lang kita para kahit papano gumaang ang nararamdaman mo.."

Pinahid ni Juli ang mga luha at ngumiti..

"Salamat Ate Klay, sa pagbibigay liwanag sa aking madilim na mundo..Kung hindi dahil sayo wala na ako sa mundong ito..at kapag nagkataon ay muling masasaktan si Basilio.."

Hinawakan niya ang mga kamay nito at marahang pinisil.
Hiling na sana ay dumaloy sa mga palad niya sa ang pag-asang namamanglaw sa dalaga.

"Huwag mong hayaang kainin ka ng dilim, Juli. Huwag mong hayaan na ikulong ka nito para sa bagong kinabukasan na puno ng bagong pag-asa ha, tandaan mo narito lang kami para saiyo...Magpahinga ka na Juli.."

Ngumiti si Klay.
Muli nang huminga si Juli at ipinikit ang mata. Marahil napagod kakaiyak..
Pinagmasdan niya ito, ewan ba nya kung may punto ba ang mga pinagsasabi nya. Alam naman nya ni Klay na hindi madaling magbigay ng payo sa isang babaeng napagsamantalahan lalo pa sa murang edad pero sana at hiling niya sa Diyos na kahit papano ay naiparating niya na hindi nag-iisa ang dalaga sa pinagdadaanan nya.

"Jusko Lord, Bigyan nyo po kami ng tig 3000 extra strength. Amen."

~

Kinabukasan ay maagang nagising si Klay at Juli upang hanapin si Basilio ganun na din si Fidel. Nais daw na makausap agad ni Juli ang kasintahan upang mapag-usapan at maayos ang hindi pagkakaunawaan.

Itinuro ni Kuya Hernando na nasa itaas ng burol sila Fidel.

"Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pwedeng tambayan ni Fidel, sa taas pa ng burol nya pa napiling umispot. Grabe ang struggles sa pag-akyat."

"Ayos lamang ba kayo Ate Klay?"

"Ha? Ah! Wag mo ko pansinin kinakausap ko lang sarili ko-"

"Basilio, sinabi ko na saiyo, kung paiiralin mo ang galit at matinding emosyon mo ay wala kang mapapala rito."

"Ngunit Señor, hindi ko matiis na makitang nahihirapan si Juli-"

"Naintindihan kita Basilio, kung ako man at kung may mangyaring hindi maganda sa iyong Ate Klay ay hindi ako magdadalawang isip na bahiran muli ng dugo ang aking mga kamay ngunit..."

Napahinto si Klay ng marinig ang boses ni Basilio at Fidel ganun nadin ang pangalan nya.
Pabulong siyang nagsalita kay Juli.

"Wait lang Juli, dito muna tayo.."

Hinila niya ang dalaga sa likod ng puno at sumenyas na huwag munang lumikha ng kahit anong ingay.
Tumango ang dalaga bilang pagpayag.

"Ngunit huwag kang magpadalos dalos. Hayaang mong pagplanuhan nating maiigi ang gagawin natin hakbang upang makamit natin ang hustisya ng mga taong kanilang inabuso at nilapastanganan. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito Basilio. Kasama mo kami."

Huminga ng malalim si Basilio at ikinalma ang sarili.

"Pasensya na po Señor Fidel, nadala lang ako ng matinding galit."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad Basilio. Hindi mo kasalanan makadama ng mga ganyang emosyon ngunit palagi mo lamang pag-isipan ang iyong mga ikikilos. Alam ko hindi madali ang pinag daraanan ninyong dalawa ni Juli bilang magkasintahan at mismong si Juli na nakaranas ng pang-aabuso, ngunit paano na lamang kung ikaw ay mapahamak? Sa lahat ng oras, ngayon ka pinakakailangan ng iyong iniirog. Kung kaya huwag kang susuko at magpalamon sa galit."

"Tama kayo Señor, ngayon ako mas pinaka kailangan ni Juli. Kailangan kong maging mas matapang at mas matibay upang kanyang maging sandalan at gabay sa kanyang pinagdaraan. Mahal na mahal ko si Juli at gagawin ko ang lahat makita ko lamang muli ang masaya niyang mga ngiti."

Sa likod ng puno kung saan nakatago at palihim na nakikinig sila Klay ay para bang proud na proud sya sa mga payong ibinibigay ni Fidel para kay Basilio. Parang bang may brotherly talk silang dalawa. Ganoon din kay Basilio, feeling proud Ate here ang peg nya knowing na lumaki itong isang mabuting tao sa kabila ng mga pinagdaan nito noon. Napatingin siya kay Juli na tahimik na lumuluha. Muling bumalik ang pag-aalala ni Klay.

"Juli.."

"Juli? Ate Klay?"

"Klay..Anong ginagawa ninyo riyan sa likod ng puno?"

Nilapitan ni Basilio ang kasintahan.

"Juli? Aking sinta.."

"Basilio, patawarin mo ako.. patawarin mo ako sa mga sinabi ko saiyo kagabi..hindi ko sinasadya na magbitaw ng masasakit na salita.."

"Sinta ko, wala kang kasalanan. Ikaw ay tumahan na pagkat masakit saakin na makita kang lumuluha. Naintindihan ko kung bakit mo nasabi iyon. Ako dapat ang humingi ng tawad saiyo pagkat hindi kita naprotektahan-"

"Wala kang kasalanan Basilio. Wala tayong kasalanan sa isat-isa. Ang mali dito at dapat maparusahan ay ang mga taong mapang-abuso at mapagsamantala sa mga taong kagaya natin.."

"Huwag mo na lang sana sasabihin na hindi kana karapatdapat mabuhay pa pagkat narito ako, nagmamahal saiyo, paano na lamang ako kung pati ikaw ay mawawala saakin mahal ko."

"Oo Basilio. Hinding hindi ko na muling itatapon ang buhay na ipinagkaloob saakin sa pangalawang pagkakataon. Dalawa nating kamitin kasama sila Ate Klay ang hustisya at kalayaan sa mga masasamang tao."

"Tama. Tama ka aking sinta."

Nagyakap ang magkasintahang Basilio at Juli na sa wakas ay naayos na ang kanilang di pagkakaunawaan at habang nag-uusap ang dalawang nakababata ay dahan dahan naman lumalayo si Fidel at Klay upang bigyan ng privacy ang dalawa ngunit sapat na para marinig ang pinag-uusapan nila.

Maluha luha si Klay sa kanyang nasaksihan.




"Nawa'y lahat."

Sabay na napalingon si Klay at Fidel sa kanilang likuran.

"Isagani?"

"Kanina ka paba riyan Isagani?"

"Magandang umaga sainyo Ginoong Fidel at Binibining Klay, kadating ko lamang dito sa aking kinatatayuan. Sapat na upang masaksihan ang madadaming pagkakaayos ng aking amigo at nang kanyang kasintahan."

"Aww. Super love mo din talaga yung bff mo eh no at super concerned ka din kung nagakaayos na silang dalawa."

Napakunot ng mukha si Isagani.

"Halos wala akong naintindihan sa mga winika mo Binibining Klay."

"Ewan ko sayo Isagani."

"Bakit Isagani narito ka din ba upang humingi ng payo sa amin ni Klay? Huwag ka ng mahiya, mapatungkol sa buhay man o sa pag-ibig, mapaano pa man iyan. Maaari ka naming matulungan, hindi ba aking Klay?"

"Wow maka akin ah? Pero tama si Fidel. Kung may gusto kang isangguni saaamin magsabi ka lang Isagani lalo pa at anak na ang turing namin saiyo."

Panggagatong ni Klay kay Fidel na alam naman niyang kalahating seryoso at kalahating may kasamang pantitrip.

"Mukhang hindi kayo nakikinig sa aking mga sinabi noon, ang inyong lingkod ay kusang nilalapitan ng mga kadalagahan sa bayan at ang tanging problema ko na lamang dito ay kung sino ang aking pipiliin sa kanila. . ngunit sadyang wala sa kanila ang nagpapatibok ng aking puso.."

"Grabe naman sa paalmusal ah, kayabangan agad? Tindi mo rin talaga eh no Isagani?"

Saad ni Klay.

"Bali ang ibigsabihin ay umiibig ka na ngang muli Isagani?"

Tanong naman ni Fidel sa binata na mukhang ikinabigla nito pagkat naglipat lipat muna ang tingin nito sa kanilang dalawa bago nagsalita.

"Aba, mukang nahuli ka ni Fidel doon ah. So tama nga? Di ka makasagot eh, sabihin mo na samin Isagani, huwag ka nang mahiya sa amin ng tatay mo."

Dagdag buyo ni Klay.

"At..at bakit ko naman sasabihin sainyong dalawa? Mga marites din kayong maituturing. At saka sinong nagsabing pumayag na ako maging magulang kayo? Ewan ko sainyo, maiwan ko na nga kayo dyan at nang makapag-almusal na."

Dali dali ay umalis na si Isagani at iniwan silang dalawa ni Fidel. Tatawa tawa naman silang dalawa sa pangtitrip na ginawa nila sa binata.
Muling tinanaw ni Klay ang magkasintahang Basilio at Juli na ngayon ay magkahawak kamay nang naglalakad papalapit sa kanila.

Masaya si Klay na sa kabila ng mga problemang kinahaharap nila ay nananaig pa din ang pag-ibig sa kanila mga puso at patuloy silang lumalaban na magkakahawak kamay.



Notes:

https://open.spotify.com/track/6m5Zxv482K1IbQwo0DmU9E?si=awKoWCu-Rtqmr5jlqetYSA

Parang ang old school masyado nung pinaghugutan ko ng kanta no? Hahaha Pakiramdam ko mapaghahalataan dito yung edad ko eh hahaha .
Medyo serious ang chapter nato, waley kasi ako mahanap pics nila Basilio, lalo na ni Juli na masaya sila.. 😅

Continue lendo

Você também vai gostar

8.1K 255 18
She was different, and she has to make him realize that it's her he wants. {Phantom of the Opera fan fiction} {Book One}
3.8K 210 18
We all make mistakes. Sometimes Gods are not perfect. Sometimes we try to do things for the right reasons. There are times where ordinary mortals fin...
49.6K 1.5K 12
"I'm glad I can be a good person to you, Armin." Book One to a 3 part series.
4.6K 183 22
Natsu and Lucy keep their relationship a secret and decide to go on a mission together. However it doesn't go as planned when they run into some peop...