The Rare Ones

Od EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... Více

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 12

2.3K 70 1
Od EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 12.
The twin's secrets
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View 


“Watch what you're saying, young woman.” Isang malamig na boses ang nagpalingon sa aming lahat.

Binitawan na naman niya ang babae at bumagsak ito sa sahig. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko ang babae na ngumiti ng palihim ng napakalapad habang nakayuko na nakaupo sa sahig.

“And who are you?” 

“Matt Callum. Kung may problema ka sa mga nakasalamin…” inayos niya ang suot niyang salamin, “huwag mo akong idamay,” dugtong niya sa malamig na boses tsaka bahagyang ngumiti bago umupo sa kaniyang upuan na para bang walang nangyari.

“Are you okay?” 

Napalingon naman ako sa kakalapit lang sa'kin na si Olivia. She's so worried about me. Nakikita ko iyon sa expression ng mukha niya. Tumango naman ako tsaka inayos ang buhok ko bago ibinalik ang paningin sa nagaganap na eksena. 

I'm quite enjoying it.

“Hoy! Paalisin mo 'yang kaibigan mo o tagapagtanggol mo dito. She's very annoying.” 

That dark handsome guy na nagpakilala rin kahapon ang nagsalita. His voice sounds so bored. I remember his name because I like the sound of it. Damonn.

Mas lalo akong napangiti sa sinapit na eksena nitong nagpakilala na Syne. 'Di ko alam kung anong pangalan niya at wala akong balak na alamin kung sino siya.

I heard Syne scoff in disbelief.

“Look, Lyka. Ang lakas ng loob nilang kalabanin ka. Lahat 'yan sila mga baguhan lang.” Ani nong Darcey. 

Ginawa lang namang backer 'tong Lyka na tinatawag niya e. Hindi ko alam kung totoong magkaibigan ba talaga ang dalawang 'to o nagpapataasan lang ng rango.

“They need some lesson,” nag-igting ang panga ni Lyka nang sabihin niya iyon. 

Nakita ko naman ang mabilis na paglabas ng iba kong kaklase maliban sa'ming walo. Kasama na ang isa naming kaklase na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. 

“Abigail, let's go out here. Mukhang may mangyayari na namang hindi maganda. Look, nag silabasan sila.” Olivia's voice is so worried pero umiling ako sa ibinulong niya sa 'kin.

“We need to stop her and help that woman,” turo ko sa babaeng nasa sahig.

Patayo na siya ngayon. Tapos na siguro siyang tumawa ng patago. 

I saw electricity in Lyka's hand na hindi ko na ikinagulat pa. Handa na rin naman akong matamaan sa kapangyarihan niya. Tinamaan na ako ni Dad noon kaya alam ko na kung anong pakiramdam niyan.

I'm not scared. Besides, marami naman kami na nandito sa loob. 

Kahit ako lang ang walang attunement ay may dalawang lalake naman dito na sa tingin ko'y may ikabubuga rin dahil sa mga galawan nila.

Lyka forms a four lightning ball that is now floating in the air. I'm getting ready for the impact, kasi alam kong tatama sa'kin ang isa. 

“Now taste my welcome party, imprudent freshmen!” itinapon na niya ang ginawa niyang kapangyarihan sa'min and I'm not mistaken. 

Sa'kin nga napunta ang isa.Napangiti ako habang hinihintay ang pagtama ng kapangyarihan ni Lyka ngunit nagulat ako nang bigla na lang humarang sa harapan ko si Olivia and then she spread her two arms as if protecting me. 

Mabilis ang pangyayari. Hindi ako tinamaan sa kapangyarihan ni Lyka. Bumalik ang lahat ng atake niya sa kaniya at siya mismo ang natamaan sa sarili niyang atake. 

Tumilapon si Lyka ng dahil doon at pinuntahan naman siya kaagad ng kaibigan niyang si Darcey. 

Nilingon ko ang paligid at hinanap ko kung sino ang gumawa no'n. Nahagip ng mata ko ang babaeng nakasalamin na may ngiti sa labi at saka itinago ang kamay sa may likod niya. 

She's weird. I think she's the one who did it. 

“Hey! How dare you all!” Galit na ani ni Darcey na tinutulungan tumayo si Lyka.

Now the circumstances made me know their names. 

“Really imprudent!” Bigla na lang umilaw ang buong katawan ni Lyka na mismong si Darcey ay napahiwalay sa kaniya at bahagya rin na napadaing. 

“Lyka, enough! You're gonna damage the whole area. It's not the right time yet.” Pagpipigil ni Darcey dito.

Lahat kami ay napaatras. Maski na sina Damonn at Matt na chill na chill lang at mukha pa ring walang pake sa nangyayari ay napatayo na rin sa kanilang kinauupuan. Si Olivia naman at ang babae na nasa tabi ko ay napaatras din habang nakahawak sa braso ko si Olivia na hinila rin ako papalayo. 

That's electric mimicry. Nabasa ko sa libro ang technique na 'yan and knowing that she can do that trick made me scared a little. 

Only a few can do that trick. It needs years of training to master that kind of technique which is pretty rare sa mga electric/lightning users.

Malakas na humalakhak si Damonn kaya napalingon kami sa kaniya. 

“You're using your ultimate power just to shut us up? Hindi ba kaya ng bare minimum mong kapangyarihan ang baguhan na katulad namin?” 

He's definitely insulting that Lyka girl. 

Ayan! Nakakuha tuloy siya ng ibang kakalabanin. From 1 to 4. Bahagya na lang akong napangiti sa sinabi ni Damonn.

Mahina naman akong siniko ni Olivia.

“Nakuha mo pang ngumiti sa sitwasyon natin ngayon?” aniya. 

“Natawa ako sa sinabi ni Damonn, sorry.” tinakpan ko pa ang bibig ko para pigilan ang mahinang pagtawa ko. 

Pero mas nagalit pa ata ng husto si Lyka sa sinabi ni Damonn.

“I'm gonna kill you all right here, right—” 

“Darcey right? Pigilan mo 'yang kaibigan mo kung ayaw mong masaktan ko siya.” Ani naman ni Matt. 

“Lyka! Please stop na. P'wede mo naman silang ipatanggal na lang dito sa paaralan 'di ba.” Ani Darcey.

“Look, Darcey. Ba't 'di mo sabihin sa kaniya na kasalanan mo naman talaga?” masungit kong saad.

Tinaasan naman niya akong ng kilay at galit na tumingin sa 'kin. Bigla na lang siyang lumapit na may namumuong kapangyarihan sa kaniyang kamay. 

It's an air att.

“You! Kasalanan mo 'to lahat eh.” 

Bago pa tumama sa'kin ang kapangyarihan niya ay may mataas at makisig na lalake na ang humarang doon.

The hoodie guy na kanina pa natutulog. Likod lang niya ang nakikita ko ngayon. Tumama sa kaniya ang kapangyarihan ni Darcey at medyo napaatras pa siya ng bahagya dahil sa pwersa nito na sinangga lang ng katawan niya. 

Sino ba siya?

“Zyriex!” bulalas ni Matt na medyo nagulat pa.

Zyriex? So this is the guy's name? 

“Z-Zyriex?” nautal na wika ni Darcey na halatang nagulat din. 

Napaatras siya ng dahil doon. Sumugod na rin si Lyka na mabilis na hinarang ni Darcey using her serious face.

“Lyka please, stop na tayo, kasalanan ko. Nakisali na si Zyriex. We can't touch him, remember?” 

I saw Lyka glare at Darcey.

“Who cares about him? Idadamay ko siya, kaya tumabi ka diyan!” 

“He's a Frost! Nakalimutan mo na ba?” natigil si Lyka at unti-unting nawala ang kuryente sa katawan niya at nagbalik na ito sa normal.

Tiningnan niya kami isa-isa ng masama.

“May araw din kayo sa'kin lahat!” Asik niya at padabog na umalis sa loob ng classroom.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Nabasag lang iyon ng may pumasok na lalake at malakas itong pumalakpak.

“Wow! That was quite entertaining, guys. I enjoy the show. Our freshmen this year are so interesting, aren't they?” salita nito. 

May nakalagay na tag name sa uniform na suot niya. Binasa ko iyon nang makalapit siya habang nasa harapan ko pa rin ang lalaki na nilapitan na ni Matt. 

'Miles' 

Pagbasa ko sa pangalan no'ng lalaki. 

“Zyriex! You did it again! Let's go the clinic.” sabi iyon ni Matt habang hinila niya 'yong lalakeng Zyriex.

“I'm fine. No need,” maikli nitong wika.

Natigil ako sa paglalakad papunta sa upuan ko nang marinig ko ang boses niya. Mabilis akong lumingon. Kitang-kita ko ang mukha niya bago niya ako nilampasan at saka umupo ulit sa upuan niya. 

What the freaking sh*t! 

All this time kaklase ko siya? Tapos katabi ko pa talaga? How come?

Tulala ako no'ng may kumalabit sa'kin kaya natauhan ako muli. Napansin kong nagsipasok na uli ang mga kaklase namin at panay komento sila sa nasaksihan nila kanina. 

Nilingon ko ang kumalabit sa 'kin. It was Matt.

“Can you please encourage him to go to the clinic? Besides, it's your fault kung bakit siya natamaan sa atake ng isa nating kaklase.” Mahinahon lang ang boses niya. 

“Me? Hindi ko naman siya inut—”

“Please…” he cut me off.

His eyes are pleading. Mukhang mapipilitan ako nito. Tsk!

“O-Okay,” napipilitan kong sagot. 

“Thanks,” ngumiti siya ng bahagya sa'kin bago siya umalis at nagtungo sa upuan niya. 

Pag-upo ko ay kinalabit ko kaagad ang katabi ko. I know that he won't recognize me. I disguise that night. He won't remember me, right? Nag-angat naman kaagad siya ng tingin sa'kin.

“No need to thank me. I'm just annoyed with that woman,” malamig niyang ani sa'kin tsaka muling yumuko sa mesa para matulog muli. 

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Madalang lang siyang magsalita at kung magsalita naman siya ay para namang robot na walang ka emo-emosyon.

Tao ba talaga 'to? Or robot?

Kinalabit ko siyang muli, “Let's go the clinic,” iyon ang nasabi ko imbes na tanungin ko siya kung gusto ba niya pumunta sa klinik.

“No than—” 

I pulled him by force without telling him. It may look rude but I really wanna bring him to the clinic kasi baka tama nga ang hinala ko't hindi siya nakakaramdam ng sakit. 

There's some medical explanation about that and I've been meaning to ask Sally about that thing today if I have time. 

Marahan niyang binawi ang kamay niya na mahigpit kong hawak pagkalabas namin.

Malamig niya akong tiningnan tsaka tumalikod at nagtangkang bumalik sa silid. Hinawakan ko siya muli at napalingon naman siya sa'kin.

Masama ko siyang tiningnan. Nagpapalitan kami ng titig ngayon. Kala niya uurungan ko siya.

———

“It's a good thing hija na dinala mo ang nobyo mo dito.” 

Nabulunan ako sa ininom kong tubig sa sinabi ng isang doctor na hindi katandaan.

“Kaklase ko po siya doc,” paliwanag ko. 

“Ah, My apology.” 

“Okay na po ba siya?” pag-iiba ko sa usapan.

Mukha ba kaming magnobyo? The h*ck!

“His injuries are serious and I'm surprised about him. He can't feel pain which means he has this condition that we called Congenital insensitivity to pain and anhidrosis or CIPA.” Paliwanag niya.

“Is it serious?”

“Yes, it is. It is a rare and extremely dangerous condition for it can make him die without even noticing his condition. He needs to monitor his body because if he can't then there's a high possibility na mamatay siya pag hindi niya mamalayan na may matinding sugat na siya sa katawan niya.” Mahabang paliwanag ni Doc.

So, he has a CIPA. That's why he ain't normal kasi may sakit pala siya. 

“I advise you to monitor him if gusto mo pa na magtagal siya. A person who had CIPA usually lived only at the age of 25. Studies show that.” Aniya.

Lumabas naman si Zyriex sa CR. Nagbihis kasi siya roon. Pinatingnan ko na rin kasi 'yong mga sugat niya na natamo rin niya kahapon.

“Can we go back now?” aniya sa malamig na tono. 

Nagpasalamat muna ako sa doctor bago kami umalis. Tahimik lang naming tinatahak ngayon ang daan patungo sa silid-aralan. 

“You don't need to worry. I don't need your sympathy.” Huli niyang wika bago pumaunang maglakad at pumasok sa loob ng silid. 

Naiwan naman akong nakanganga ng dahil sa sinabi niya. Iba rin ata takbo ng utak ng lalaking 'yon.

Sumunod na lang ako sa kaniya at naupo na rin sa tabi niya. 


●∘◦❀◦∘●

Elleanor's Point of View 

Malalim na ang gabi nang makarating ako sa headquarters namin na hinihingal pa. Dala-dala ko ang isang envelope na may lamang papeles na nakuha ko mula sa pag-iimbestiga. 

I take off my mask and cap and then I unzip my jacket kasi naiinitan na talaga ako. It's really hard to sneak out of the campus.

“Buti nakarating ka,” ani Liam sa'kin.

“Wala bang kiss diyan?” I pouted as I sit on the sofa. 

Imbes na sagutin ay hinagisan niya lang ako ng cola in a can. Nasalo ko naman kaagad ito. 

“Damot!” Asik ko bago binuksan ang cola tsaka ininom.

“Mamaya na, 'di lang kiss makukuha mo sa 'kin. Sa'n na 'yong sinasabi mo?” aniya. 

'Ba naman 'to, parang hindi ko nobyo. Minsan na nga lang kami magkita tapos ganito pa siya. 

P'wedeng bilisan mo na ang tinatrabaho mo at nang makasama na kita sa loob ng paaralan? Kailan ka ba papasok doon?” Reklamo ko habang inaabot ang envelope sa kaniya. 

Kinuha naman niya ito pero sabay niya akong hinila tsaka mahigpit na niyakap. Yumakap naman ako ng pabalik sa kaniya. 

“I missed you,” bulong ko sa kaniya. 

Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa likod ng ulo ko. Parang gano'n lang ay napawi kaagad ang pagod ko. 

“Of course, you'll miss me. How's school?” Tanong niya bago siya humiwalay ng yakap sa'kin. 

I pouted in front of him habang ang kamay ko ay ikinawit ko sa leeg niya. 

“Tired, but interesting. Wala ba talaga akong kiss?” 

Ulit kong tanong sa kaniya, nagbabakasakali na kumagat siya. I know he wanted to kiss me too, hindi nga lang niya ma-kontrol 'yong sarili niya kaya gayon na lamang ang pagpipigil niya. 

I love teasing him.

“Lea, you know it's dangerous playing with me, right?” He smirks while he's getting close to me.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinila niya ako palapit sa katawan niya. Napangiti rin ako sa ginawa niya. When he's about to kiss me ay bigla na lang niyang pinagpalit ang pwesto naming dalawa na bahagya kong ikinagulat. 

May tumama na cola sa ulo ni Liam kaya napatingin ako sa may likod. Nakita ko ang mukha ni Ellesse na hindi maipinta.

“PDA niyo naman! Trabaho pinunta natin dito Blue! Umayos ka! 'Di mo man lang ako hinintay, hayop ka! Akala ko ikaw 'yong tinulungan ko kanina.” Galit nitong asik sa'kin.

Blue… that's my code name in the Mafia industry. Yes, you read it right. We're mafias.

“Ayan na ang dragon mong kakambal,” bulong ni Liam sa 'kin bago niya ako hinalikan ng mabilisan sa leeg ko. 

Kahit na sa leeg ko lang iyon ay uminit ang mukha ko sa ginawa niya. Iba talaga  ang epekto kapag 'yong taong gusto mo ang gumawa no'n sa'yo.

Humiwalay kaagad sa'kin si Liam tsaka bumalik sa mesa para buksan ang dinala kong papeles. Hinagisan ko naman ng cola si Ellesse at sinadya kong lakasan ito para tumama sa ulo niya at nagtagumpay naman ako. 

“Aray!” She glared at me bago niya pinulot ang coke.

Ba't mo kasi pinatamaan 'yung nobyo ko. Kaasar ka! Nagbelat ako sa kaniya na inirapan niya naman. 

Bigla na lang niya akong tinira ng kapangyarihan niyang tubig at mabilis naman akong nakapag-react dahil pinigilan ko ito gamit ang kapangyarihan ko. 

Naging ice ang tubig na inatake niya sa'kin na nagmistulang frozen. 

“Tigilan niyo 'yan. Baka makita kayo ni Boss.” 

Inirapan muli ako ni Ellesse bago niya tinunaw ang ice na gawa ko tsaka hinigop ng kamay niya ang tubig na nagkalat sa sahig. 

“'Yan lang ang nakuha namin. It's a transaction of the principal sa labas ng paaralan.” ani Ellesse habang ako ay nakikinig lang sa kanila. 

“What about the daughter?” Napa-irap ako nang wala sa oras sa tanong ni Liam.

“Ang hirap niyang pakisamahan. She's a big b*tch! Napipikon lang ako sa kaartehan niya.” Wika ko.

Totoo naman talaga. Napaka-arte ng Lyka Syne na 'yon.

“Sinabi mo pa,” agree ni Ellesse sa'kin.

“This will do, good job, girls.” Aniya.

Napasimangot naman ako sa sinabi ni Liam. 

“Kiss ko asbxxbdjdv!” 

Gago! Tinampal ba naman ni Ellesse ang lips ko sa isang tsinelas na napulot niya dito sa HQ. Palibhasa wala siyang nobyo.

“Inggit! Walang magawa Red!” Iritado kong sambit sa kaniya habang pinupunasan ang labi ko.

Red is her code name.

“Ow! You won't get a kiss today for your lips are now dirty my darlin'.” Malungkot na ani ni Liam sa'kin.

Tumawa naman ang demonyo kong kakambal. Minsan talaga napaka salbahe niya. Ang hilig niya pang manghampas!

“Get your act together! We're doing business here.” 

Napaayos kami ng tayo ni Ellesse nang marinig namin ang boses ni Boss. 

“Good evening, boss knight.” sabay naming bati ni Ellesse sa boss namin.

“Look what they've found, knight. We can trace those mafia that they hired to mess in our Mafia's organization. We can start digging up here.” 

Pinakita niya ang papeles kay boss na lumapit na sa kaniya. Ito naman si Ellesse ay napaka seryoso talaga pagdating kay boss ng organisasyong sinalihan namin mula pa noon. 

We are a Mafia. But not a mafia group na puro kasamaan lang ang ginagawa. It is to take down those groups who are abusing other organizations.

Our motto is to take down those who don't want peace. 



─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

138K 5.6K 69
Unang Konseho Cliché
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
80.3K 3.3K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...