TW: Mention of Self Harm
─────
Kisha's POV
─────
Sobrang aga pumasok school. Since may pag uusapan pa daw. Medyo nilamig rin ako kaya ako nagsuot ng jacket.
Pagpasok ko sa room at binaba ko ang bag ko. Ako palang ang nag-i-isa dito, as always. Nagwalis muna ako tsaka binuksan ang mga bintana.
Biglang pumasok ang adviser namin at she wasn't surprised na maaga ako.
"SSG Secretary, early bird as always. Anyway may papers sana akong ipapasa sa SSG President pinabibigay lang sa akin. Would you mind giving it since i-rerecheck pa daw ni Void and I do know you both are close so.." sabi ng adviser namin kaya tumango ako. After giving the papers, she left para pumunta sa kanya kanyang department or teachers office.
Naisipan kong ilagay sa locker ko para hindi magusot incase needed. Hindi ko rin ito binasa since baka ito ay confidential or something. Dahil kay Void lang at sa SSG President then dun lang sa dalawa. No need to be nosy.
Nilagay ko sa locker ko at sa gulat ay may isang tupperware ng pastillas dito? I saw a note and it was from Neon? I was shocked. Anyare? bakit? baka malapit na ata tong magexpired kaya binigay niya? wala ba itong lason?
And how did he? Pinuntahan ko yung adviser ko if ever baka may logbook siya ng mga nanghihiram ng extra na susi kasi ang alam ko sila ata ang may hawak and to my surprise nakita ko nga pangalan ni Neon at susi talagang extra sa locker ko ang hiniram pero binalik rin pala agad same date pero not the same time.
Bumalik ako sa room habang bitbit ang isang tupper ware ng pastillas. This is my favorite pero... what is going on and why did he give this?
Rumami na ang kaklase ko, puro tanong na kung pwede sila manghingi sa akin ng Pastillas. Ayoko nga bigay ni Neon ito eh. Kimmy joke lang may awoj na nga pala yun.
Biglang naghiyawan mga kaklase ko at narinig ko ang boses ni Stacy
"Si Kisha?" tanong nito sa kaklase ko at hindi pa ata ako nakita. Sinigawan pa ako ng mga kaklase ko na may naghahanap sa akin.
Lumabas kami sa classroom at nag ikot ikot muna kasama namin si Cass.
"You never told us that Zayn was cheating on you?" ani ni Stacy pero I just shrugged. Wala rin akong pain na naramdaman.
"Tell me, did you know right from that start? na he's cheating on you?" tanong sa akin ni Cassidy pero wala akong nagawa
"Yes, actually" tumango ako
"Forget it, anyway bakit ka nakasuot ng jacket init na init" tanong pa ni Cassidy na panibago. Nirolyo nito ang kamay ng jacket ko at tsaka ko lang naalala
"Kish... what's with the bruises? Don't tell me you're harming yourself just because of Zayn?" pag aalala ni Cassidy kaya napailing nalang ako at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko
"What? No! ofcourse not" sabi ko. Why would I hurt myself atsaka matagal ko na alam about kay Zayn..
"Then why do you have bruises. Simula dati nagkakaroon ka na ng mga sugat sugat or bruise?" tanong rin ni Stacy. I just sighed. I'm clumsy..
"I'm seriously fine. I fell down the stairs. Nadulas ako kahapon" I reassured them.. I fell down the stairs.. sort of
"Sige" sabi ni Stacy kasi wala na siguro silang magawa. I feel like they don't believe me though
"Anyway, I saw Neon kanina. He told me he will be waiting for you mamayang 4:00 sa may bleachers malapit sa field. He told me may pag uusapan kayong important" paalala ni Stacy kaya nagtaka ako lalo and I sighed.
Why does it have to be there? Rami raming lugar bakit doon pa?
"Goodluck I guess. Kami na bahala kay Syriena" pang aasar ni Cassidy at tinapik ang balikat ko bago sila umalis.
─𔘓────
Tinapik ko ang balikat ng isang lalaking nakaupo lang na tahimik. Dala ko yung pastillas na isang tupperware na bigay neto sa akin.
"Huy, pa-emote emote ka pa dyan" sabi ko sakanya and he looked up at me with squinting eyes kasi nakatapat kami ngayon sa direction ng sikat ng araw kasi sun set.
"You are 4 minutes late" sabi ni Neon sa akin kaya umupo ako sa tabi niya and corrected him
"Correction, it's 5 minutes late" I said as he's expression shows a slightly sarcastic concerned look
"Is that even something to be proud of?" tanong nito sa akin kaya I just rolled my eyes
"Stop all the blabbing and tell me bakit mo ako pinatatawag?" sabi ko sakanya which made him raise his two hands telling me to stop or calm down
"Chill, you just got here. You can't expect me to just spill out what I'm saying" ani niya at napatingin sa tupperware na dala ko
"You we're the one who used to give me those things. Ngayon parang binabalik ko na lahat ng binigay mo sa aking pastillas" sabi niya sa akin at ngumiti tsaka ako tiningnan sa mata
"So... binabalik mo talaga lahat ng binigay ko sayo? Is that some kind of goodbye? mamamatay ka na ba?" sabi ko which made him frown
"No and grabe ka naman, pero.. on a serious note, how have you been?" tanong nito sa akin pero I looked away and looked at the sunset
"Fine I guess, missing someone who I can't have to be honest" pagbulong ko nung huling part since medyo nadala ako ng emosyon. Medyo nadulas ako sa huling part masyado akong naging comfortable sa presence niya
"By the way, I'm sorry. I never knew he would do that to you" sabi ni Neon kaya tumango nalang ako at nanatiling tahimik
"Matagal mo na bang alam he's cheating on you before?" tanong sa akin ni Neon kaya I just smiled
"Yeah, pero kahit ganon I was never the one who killed him" sabi ko at tiningnan muli si Neon na natigilan at yumuko nalang
"That was my mistake, nagkamali ako. Hindi dapat kita sinisi" sabi ni Neon na ngumiti and saw water fell to ground. Is he crying? I also feel like crying.
Everything, every single memory of me and Neon flashed in my head as I close my eyes now. This.. dito nagsimula ang lahat
─🧩────
Nakaupo akong mag isa dito sa bleachers pinanuod ang sunset. Bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko
I looked up squinting my eyes to see ????
"Bakit ka andito?"
"Para samahan ka masama ba?" sabi nito at umupo sa tabi ko
─🧩────
"Don't cry, darling" rinig kong sabi ni Neon ngayon and gently wiped my tears, I can see the pain in his eyes now. Isn't he happy with Syriena?
TO BE CONTINUED...
_____
{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : WAHHH MALAPIT NA 5TH PUZZLE, yes I want to finish this book as soon as possible. Medyo natagalan kasi kakatapos ko lang manuod ng XO Kitty hehe. Spoiler alert baka magkaroon ng 6th puzzle since change plans tayo
🖋 : [06. 10. 23]