Obsessed To Ex-convict ( BACH...

By ChyChyWP

457K 6.4K 143

Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 44

4.9K 82 0
By ChyChyWP

Sumapit na ang gabi and we celebrate daddy's birthday. Katatapos lang namin magdinner kasama ang buong family at hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga bisita kaya andito kami ngayon sa pool area kasi may pool party na hinanda si Levi. Habang nagkakasayahan sila ay nagpaalam ako kay Levi na kukuha lang muna ako ng tubig na maiinom ko dahil na uuhaw ako. Ayaw ko kasing utosan pa ang kasambahay nila dahil kasama na rin sila sa party kaya nagkusa na ako dahil kaya ko naman.

Dito ko masasabing mabait si daddy dahil maraming nagmamahal sa kaniya. Ang dami kasi niyang bisita halos mapuno na ang pool. Dumating ang mga close friends, mga agents at kasamahan niya sa court na may kaniya - kaniya dala. They surprised daddy kaya pati ang dalawang anak niya natuwa sa kaganapan ngayon gabi. Actually hindi namin expect na ganito kasi masaya na raw siya na kompleto kaming magdinner pero dahil na surprised naging bongga ang celebration niya ng kaniyang birthday.

I also admired daddy dahil sa kwento niya sa karanasan sa buhay ay admirable siya lang ang nagtaguyud sa dalawang anak niya upang makamit ang marangyang buhay na mayro'n sila ngayon. Although aminado siyang mayaman na ang mga Sebastian pero iba pa rin kapag kumakayod ang isang padre de pamilya . Ngumiti ako sa kaniya dahil nakatingin din pala siya sa akin tapos kumaway siya kaya kumaway rin ako bago ako tumayo sa kinauupuan ko at pumasok sa loob ng bahay.

Okey lang naman na magkasiyahan sila doon sa labas dahil bukas pa naman kami uuwe at dadaritso na kami sa probinsya namin sa Ilocos. Gusto ko rin e-enjoy muna ang gabing ito para sa pamilya ng asawa ko. Mabilis kong tinungo ang kitchen area pero na pahinto ako ng marinig kong may tao. Narinig ko ang boses ni Elisha na nagsasalita dahil may kausap ito kaya nag desisyon akong ihakbang ang mga paa ko papasok na sana dahil close naman kami pero na pahinto ako dahil naunahan ako ng hiya kasi nakita kong kasama niya ang kaibigan niyang si dr. Patrick na siyang doctor ko sa mata noon para makakita ako.

Huminga ako ng malalim dahil mabait naman si dr. Patrick pero hindi ko alam kung bakit na gawa ko ang mahiya kaya hindi ako tumuloy sa kitchen at balak ko na lang sana na bumalik sa pool area nang marinig ko ang sinabi ni Elisha. Ayaw kong makinig sa usapan ng ibang tao lalona't hindi ako parte pero gustong manatili ng mga paa ko kaya nagmukha tuloy akong marites sa senaryong ito.

"Yes. Devil like babies," sang-ayon ng kapatid niya dahil ito na talaga ang unang narinig ko. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero feeling ko may malalaman ako sa kung anong pinag-uusapan nila lalona't Levi like babies at pansin ko naman iyon sa asawa ko na gusto niya ang mga bata.

"Kaya nga may orphanages iyon dahil sa mga batang naulila. Siya kaya ang nag-aalaga sa akin no'ng maliit pa ako. Kwento ni daddy ayaw niya daw ako ipaalaga sa yaya ko dahil gusto niya siya at si daddy lang ang hahawak sa akin. Kahit kay Lorenzo, gano'n siya ka protective no'n, " tawang sabi ni Elisha.

"Napakaswerte ni Belle dahil siya lang minahal ng kuya ko best, " dugtong niya sa kausap nito. Maswerte ba ako? Tanong ko sa isip ko.

"Sayang lang dahil nawalan sila," bulaslas ni Patrick. Mahina iyon pero rinig ng dalawang tainga ko kaya napakunot ang noo ko tapos nagsimula na akong pagpawisan dahil hindi ko masundan ang pinag-uusapan nila lalo na ang salitang NAWALAN.

"Shh! Wag kang maingay baka may makarinig sa iyo," sita ni Elisha. Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko iyong parang hindi ka ako makahinga. Ito na ba ang katotohanan sa nakaraan? Tanong ng isip ko.

"Devil want little Bella and little Noah, Patrick. Excited nga iyon sa unang baby nila noon because he prepared everything dahil ang plano nila ay sa San Francisco manganganak ang asawa niya. Pagkatapos manalo sa kaso niyang hawak ay hindi agad siya umuwe dahil nag extend ng isang araw ang kuya kasi inayos niya muna ang mga gamit ng baby para wala ng problemahin ang asawa niya kapag manganganak na ito doon. Seksi ako noong nag-aayos siya dahil saktong dinalaw ko siya at ako pa nga ang inutosan bumili ng mga gamit ng baby nila. Tapos devil arrange it and set up everything."

"Kaya no'ng na aksidente si Belle ayon durog na durog ang kuya ko, " malungkot na kwento ni Elisha. Napasandal ako sa dingding habang na nginginig ang aking katawan dahil kinakapus na rin ako ng hininga na parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi ko na nga namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa narinig ko.

"Iyak ng iyak ang kuya ko noon sa hospital. Doon ko lang siya nakitang gano'n dahil nawalan sila. Nawala iyong pangarap na pinangarap niya. Iyong siya na ang gumuhit para sa kompletong pamilya sa hinaharap pero nabura pa.Natakot ang daddy baka magwala siya o magalit siya sa sarili niya because kuya is a devil kapag nagagalit siya wala siyang pinapakinggan. Alam namin kung saan hahantong ang galit niya pero no'ng time na iyon iyong expected namin hindi nangyari dahil halos ubos na siya. Oo, Patrick, ubos na ubos siya."

"Kuya was drained sinisisi niya ang sarili at isa pa ang promotion na pangarap rin niya. Pangarap niya kasi na maging si daddy. Maging isang Judge pero ngayon nawala lahat ang pangarap dahil sa nangyari. Sayang, tanggapin niya na lang sana iyong promotion niya kasi qualified na siya dahil para sa kaniya talaga iyon but he can't. Ayaw niya ng maging isang judge, Patrick," malungkot niyang kwento.

"Hindi niya pa raw kaya at hanggang ngayon hindi niya pa tinatanggap ang promotion dahil sa baby nila. He still remain hurting too much, too much. Lalo na no'ng bumalik siya sa San Francisco dahil may tinanggap siyang case ulit doon. Wala siyang ginawa kundi umiyak sa kwarto ng baby sana nila kapag umuuwe siya sa bahay niya kaya pinilit ko siyang dalawin ako sa Spain para macomfort namin siya kasi hindi namin siya iiwan."

" N-Nakaka-awa ang kuya ko pero hindi iyon nakikita ng asawa niya dahil si Belle is suffering for amnesia na kailangan niyang intindihin at paglaanan ng panahon. W-Walang-wala na ang kuya ko. P-Pagod na pagod na siya but h-he still remain. P-Pinapakita niya sa mga tao na strong siya kahit gusto niya ng mag pahinga. H-He believe, eh.. He believe that they love wins. Pinaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Belle dahil naniniwala siya dito... "

"H-Hey...don't cry best. Papangit ka iyan," pag-papatahan ni Patrick.

"Uminom ka muna ng tubig," rinig kong sabi ni Patrick.

"Gusto ko magpahinga muna ang kuya ko but I know he handle his emotions dahil Belle is his home. We love Belle because she is a part of the family at wala kaming sinisisi sa nangyari dahil wala naman dapat sisihin. Iyon nga lang maraming naantala sa kanila lola ang pangarap nila na sila mismo ang ginuhit. My brother principle is go back to basic dahil iyon lang ang dapat niyang gawin ngayon kaya palagi pa rin siyang nagtratrabaho dahil devil pursue Belle dream. First, the Island,their Island na malapit ng matapos, "sabi niya.

"Napakaswerte niya talaga, " sabi naman ni Patrick.

"Pero Patrick ayaw ni kuya na sabihan sa asawa niya na nawalan sila dahil gusto niya kusa itong ma-aalala ni Belle dahil alam niyang masasaktan ito ng lubos dahil si kuya pa naman ang pinaglihian nito. Nakaka-abot pa sa San Francisco si Belle para lang makita si kuya, "tawang kwarto pa ni Elisha.

"Ang gwapo kasi ni Attorney Noah," kinikilig na sangayon naman ni Patrick. Wala akong ginawa kundi manatili, makinig at umiyak ng umiyak sa mga narinig ko at pinapaalala ng isipan ko ngayon.

"Nakakalungkot lang din dahil mahihirapan na sila mag kababy ngayon," segunda pa ni Patrick. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinakalma ang sarili ko dahil nanghihina na ako sa mga narinig ko. Gusto ko ng umalis dahil ang saki- sakit na pero gusto ko pang makinig baka mayro'n pa akong kailangan malaman maliban sa nawalan kami.

"Her ovary is fractured due to accident. Ayaw naman ni kuya na ipa check-up ito basta-basta dahil hindi pa ito nakaka-alala," wika ni Eli kaya tumulo ulit ang luha ko. Nanginginig akong na paluhod dahil gusto kung sumigaw. Gusto kong maalala na ang lahat dahil subrang sakit na. Ang sakit dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang sakit-sakit.

Kaya pala... Kaya pala...Ito ang sagot sa nararamdaman ko palagi sa puson ko. Ito iyong tanong ko na gusto kong sagotin ni Levi because yes we makelove pero hindi ako nalalagyan dahil pala may problema na ang ovary ko. Paano na kapag hindi ko siya mabigyan ng anak? Paano na kami? Sunod-sunod na tanong ng isip ko kaya napahagulgol na lang ako at niyakap ang sarili ko.

"Love?!" rinig kong tawag sa akin ni Levi. Umangat ako ng ulo at nabigla pa ako sa nakikita ko sa mukha niya. Tumayo ako kahit nanginginig ang katawan ko at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang dumadaloy sa pisngi ko. Hindi niya ako nilapitan dahil isang metro ang distansya niya sa akin. He's afraid. Nakikita ko ang takot sa kaniya ngayon.

Hindi ko na malalarawan ang senaryong ito dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Una, ang gusto kong hiwalayan dati dahil lang sa pinapaalala ng isipan ko ay siya rin pala ang nahihirapan, nag-aadjust sa situation namin kaya yumuko ako at hinawakan ng dalawang kamay ang ulo ko dahil biglang sumakit ito.

"Are you okey?" may pag-aalalang tanong niya at mabilis na lumapit sa akin pero nagdilim na ang paningin ko....

NAALIMPUNGUTAN ako dahil sa naramdaman kong may humahaplos sa tuktok ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagtama ang mga mata namin ng asawa ko.

Levi smile at me pero ang mga amber niyang mata ay hindi ko man lang na kitang kumislap ito dahil ang nakikita ko ay ang pag-aalalang tingin sa akin. Inangat ko ang kamay ko at hinahaplos ko ang mukha niya kaya pumikit siya. Bumangon ako para mabigyan siya ng halik sa labi pero tumulo ang mga luha niya at niyakap ako ng mahigpit.

"O-Oh, Jesus... I-I'm sorry. I'm sorry," hagulgol niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Nasira ko ba ang party ng daddy?" tanong ko habang hinaplos-haplos ang likod niya.

"D-Daddy love, tahan na..." utal kong sabi at inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan ng dalawang kamay ko at mukha niya at pinunasan ang mga luha niya at hinalikan ulit ang labi niya tapos pati ang ilong niya.

"You want more?" tanong ko. Tumingin lang din siya sa akin saglit tapos nag iwas siya ng tingin kaya nagbuga ako ng hangin. Hindi pa siya handang pag-usapan ang nakaraan.

Alam kong nahimatay ako dahil sa mga narinig kong katotohanan. Nakita ko siyang umiling kaya mas lalo akong naguluhan na naman. Magtatanong saan ulit ako pero maingat niyang hinalikan ang noo ko kaya napapikit na lang ako.

"How are you?" tanong niya sa akin habang hinihimas mukha ko.

"I'm okey," tipid ang sagot ko kaya bumuntong-hininga siya.

"I'm sorry."

"For?" kunwaring tanong ko dahil sa nakikita ko sinisisi niya talaga ang sarili niya.

"For everything! " he answered at umiwas ulit ng tingin.

He is in pain. Totoo ang sinabi ni Elisha pero hindi ko man lang naramdaman at nakita iyon. Hindi ko man lang siya nabigyan ng atensyon dahil sa nangyaring aksidente sa akin naka focus na lang ako sa sarili ko at sa pinapaalala ng isipan ko. Hindi ko naman lang siya naisip o kung ano ang nararamdaman niya kahit alam ko naman na asawa ko siya.

Huminga ako ng malalim dahil may kasalanan din ako kaya kailangan namin ayusin ito bilang mag asawa kasi para sa aminnrin dalawa at para sa future namin. Alam kong hindi pa siya handa pero bahala na. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito.

"I know that you knew," unang sabi niya at yumuko. Devil is crying again.

"I-I'm sorry. I-I'm sorry. I-I'm sorry," paulit-ulit niyang wika. Gumagulgol siya ulit sa harapan ko at ang nakikita kong Noah ngayon ay iba. He's drained. Itong pagod na pagod ang katawan, iyong ubos na ubos na.

"L-Love, go on," sabi ko dahil gusto ko siyang pakinggan dahil handa akong masaktan kahit hindi pa hundred percent bumabalik ang ala-ala ko.

"I-I'm sorry. I'm sorry because I am selfish. I'm sorry because I left. Iniwan kita habang buntis ka pa. Makasarili ako Bella because I just want to pursue my dream. May pagkakataon naman akong wag munang umalis no'n dahil buntis ka pero tinuloy ko pa rin. I'm sorry because it's my fault. It's my fault! " hingi niya ng tawad sa akin habang umiiyak sa harapan ko.

"A-Ako ang dahilan kung bakit... Kung bakit nawala ang baby natin... A-Ako ang dahilan kung bakit na aksidente ka. Kasalanan ko lahat!" galit na sabi niya sa akin at tinuro pa ang sarili niya.

"K-Kung umuwe lang sana ako sa mismong araw ng pag-uwe ko ay sana hindi nangyari ang aksidente!" sabi niya.

"What did you say?" tanong ko sa kaniya parang ito ang pinaalala sa akin ng isipan ko na subra ng dalawang araw ang isang buwan niya sa San Francisco.Ito rin ba ang dahilan kung bakit ako na aksidente? Tanong ng isip ko.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko ulit. Pinunasan ko ang mga luha niya at pinaharap siya sa akin para magtama ang mga mata namin.

"If I'm speak. You promise me that you stay with me?" takot niyang tanong sa akin.

"Ang oa mo Levi. Magsalita kana!" inis na utos ko. Atat na atat akong malaman ang totoo dahil ito ang pinupunto niya kaninang dumating kami sa bahay nila. Iniba niya lang ang usapan kasi hindi niya masabi. Akala niya siguro kapag malaman ko ang totoo iiwan ko siya kaya inunahan niya na ako at sinabing ipaalala ko sa kaniya na I'm his home. Ang oa niya dahil nag-overthink na siya sa mangyayari pero isa lang ang pinapangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari dahil alam ko na ang dahilan at isa pa hindi ko siya iiwan dahil hindi niya ako iniwan noong nahihirapan na siya sa akin. Hindi siya napagod sa akin dahil naniniwala siyang mananalo ang pag-ibig namin dalawa.

"Speak or I file Annualment," seryosong banta ko sa kaniya. Nakita ko ang pag iba ng aura niya dahil sa salitang annulment.

"Ipaintindi mo sa akin para hindi kita iiwan. Kung hindi ako makunbinse sa iyo Levi ay salamat na lang sa lahat. Ayusin mo ang annulment natin dahil iiwan talaga kita!" matigas kong sabi kaya umiwas ulit siya ng tingin sa akin. Lihim akong napangiti at gusto ko sanang yakapin siya dahil nakita ko ang takot sa mga mata niya pero hinayaan ko muna dahil nagsisimula na naman siyang magalit dahil gumalaw ang panga niya.

Sinusubukan ko lang because he said that he is my dream so maniniwala ako sa kaniya kahit hindi ko pa siya makaalala ng lubos.

"I love you. I will not give you annualment kahit sinong lawyers pa ang lalapitan mo. Bahala kang maghabol sa akin, Bella. Anyways dati mo naman ginagawa ang habolin ako no'n."

"Anong maghabol na dati kong ginagawa?" gulat na tanong ko. Akala ko pagtri-tripan ko na siya pero may dapat pa pala akong malaman.

" I have given you an annulment before," sabi niya kaya nagulat ako.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata dahil seryoso na siya.

"Our relationship is started with a game that you played, Bella."

Mas lalo akong nagulohan sa sinabi niya. Mas maganda talaga sigurong bumalik na ang memories ko dahil negative na naman itong sasabihin ni Levi sa akin.

"If you pursuing a annualment if I couldn't convinced you?" sabi niya at nagkibit balikat sa akin.

"Ay, bahala ka sa buhay mo at salamat sa lahat,"sabi niya kaya sumimangot ako.

"Ang sama mo!" sabi ko at hinampas ko siya sa braso pero tumawa siya. He's diverting me at talagang magaling siyang attorney. He can read body language.

"Wag niyo akong subukan kung sakali man dahil hindi niyo magugustohan ang isang Noah Lev Sebastian ang didiin sa inyo sa korte. Kahit sama-sama pa kayong lahat sa kulungan."

See, marami na siyang sinabi na ang dapat ko lang sana malaman ay ipaintindi sa akin ang lahat. Huminga ako ng malalim at pumikit bago naramdaman ang yakap niya na mahigpit....

Continue Reading

You'll Also Like

247K 1.3K 11
"Handa mo bang iwan ang pagkakaibigan para sa panandaliang saya?" Warning: This story is not suitable for young ages/ readers. Kung ikaw ay 18...
116K 4.7K 39
I fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison
37.8K 358 54
Compilation of one my one shot stories
19.1K 606 14
Pagkatapos barilin si Leon ng kinikilalang ama ay walang malay siyang inanod ng ilog patungo sa dagat hanggang sa mapadpad sa isang isla. A young and...