REINA JOY
"Hindi ka ba papasok? Anong oras na oh"
Maingat akong umupo sa higaan ko at heto si Kuya nakaupo sa kama ko at inayos ang gulo kong buhok.
"Ang init mo. Ayos ka lang ba?"
Tumango ako kay Kuya at tumayo sa higaan ko para maligo.
"I'll wait downstairs okay?"
"Oo po."
Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa CR para maligo.
I'm really not feeling well today.
Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ang bagong laba kong uniform.
Nag apply na naman ako ng salonpas sa buong katawan ko.
Bahala na kung pagtatawanan nila ako.
Ang sakit talaga ng buong katawan ko, lalo na tong paa ko.
Apaka sakit e lakad pero I need to force it kasi hindi ko pa na ayos yung throw ko.
Yesterday, I was scolded every single time to the point na gusto ko nang mag quit pero nakita ko ang Class Zero na nanunuod sa akin kaya I fought back kahit hindi ko yon na ayos at the end.
"Let's go?" tanong ni Kuya.
I was about to answer him pero he press his finger in my lips.
"Don't argue anymore. Sasabay ka sa akin," sabi ni Kuya.
Napairap na lang ako at naglakad papuntang kusina para kumuha ng gamot bago sumunod sa kanya sa labas.
Ang baton ko, as usual, nasa backseat niya.
I tilted my head nang may isang kotseng huminto sa harap namin.
Tumaas ang kilay ko nang makilala ko kung sino ang may ari non.
This beach again.
"Wala si Kuya. Umalis ka na."
"Reina Joy..."
"Alis."
Tumingin si Keahnnang haliparot kay Kuya na nasa driver's seat at walang nang nagawa kundi inikot ang manibela ng kotse niya at umalis.
Sumakay ako sa passenger seat at sinuot ang seatbelt ko.
Nagsasalita si Kuya habang nagmamaneho pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil sa sakit ng ulo ko.
Gusto kong matulog.
"Are you really sure you're okay?" tanong ni Kuya.
I nodded my head.
"We're here,"
Kinuha ko ang bag at ang baton ko.
He was about to touch my forehead again pero mabilis akong umilag at lumabas ng kotse niya at nagpaalam.
"BE CAREFUL!"
He screams as I ran inside the school.
Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko at dumiretsong cafeteria para bumili ng tubig.
Feeling ko ang dry ng lalamunan ko at kailangan ko uminom ng tubig at syempre para inumin ang gamot na ninakaw ko sa bahay ni Kuya.
Kinuha ko ang pitaka ko para kumuha ng pera at binigay yon sa bagong dating na tindera.
"Mineral water po."
Tumango yung tindera at kinuha ang pera ko at binigyan ako ng tubig.
Iniscan ko ang paningin ko sa buong cafeteria at naghanap ng table na malapit lang para maka-inom ako ng maayos kasi baka dumugin na naman ako.
When I find a vacant table, I place my baton sa table and so is my bag.
Kinuha ko ang gamot sa bulsa ng blazer ko at ininom yun, drinking half of my water.
Bumuntong-hininga ako pagkatapos kong inomin ang gamot at isinabit na naman ang bag sa balikat ko.
Nagsimula na akong maglakad papuntang building at nginitian ang mga estudyanteng bumabati sa akin.
I don't want them to notice that I'm not feeling well.
"Good Morning, Carlo,"
As usual, he didn't greet me back kaya tumingin ako sa katabi ko.
"Good Morning, Franco."
Nilagay ko nalang ang bag ko sa gilid at tumingin sa gawi ni Orion at Nestor.
I smiled at them dahil na appreciate ko ang ginawa nila para sa akin to cope up with my studies.
Sana nga ganon na lang ang ginawa ng iba e.
I still don't know why they are ignoring me.
Nag-iwas sila ng tingin pagkatapos ko silang ngitian kaya doon nalang ako kela Quintin tumingin and as usual, they are playing themselves busy.
Pumasok na si Prof para sa MMW at pinalapit ako para makita ang Grades ko this semester kahit wala pang exam.
"I don't understand, you are doing good naman but it dropped down," sabi ni Sir sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at napa buntong hininga.
"Something wrong?"
"Wala po,"
"Bumawi ka, Reina Joy makakaapekto ito sa final grades mo this semester,"
Napa buntong-hininga ako at tumango ulit.
"Oo po,"
I answered politely bago niya ako pinabalik sa upuan ko.
Ganon din ang ginawa ni Sir sa iba, pinapalapit niya sa teacher's table at pinagsasabihan.
Feeling ko nga ako lang ang may mababang grades eh.
Marami akong absences at missed activities.
Most of the activities ay mayroong malaking score.
Pati ako nadismaya din sa grade ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Ewan ko ba,
Maraming bumabagabag sa utak ko na gusto kong e voice out sa Class Zero pero hindi naman nila ako pinapansin.
Isa rin sila,
Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nila at hindi nila ako pinapansin.
Tuwing tinatanong at nakikisali ako sa usapan nila bigla silang tatahimik.
Kaya para mag-ingay ulit yung classroom. Ako nalang ang nag aadjust.
Tumingin ako sa Class Zero at umiwas ng tingin.
Kung siguro sinabi nila sa akin ang dahilan kung bakit nila ako tinatrato ng ganito, hindi sana 'to makakaapekto sa akin at baka sinuportahan ko pa sila.
Pero hindi e.
They choose to lock me away.
Nakakainis.
Nagklase na si Sir pagkatapos niyang ipakita sa lahat ang grades and most of them are smiling kasi malaki ang grades nila maliban sa akin.
Nakatingin lang ako kay Sir at kinuha ang notebook ko para isulat ang mga sinusulat niya sa board.
Today's topic is Mathematics Language and Symbol at sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko naiintindihan yung topic.
Walang pumapasok sa utak ko.
Wala rin akong mapagtatanungan kung tama ba ang guess ko ng mga sagot kasi hindi nga nila ako pinapansin!
"That's all for today, any question?"
I was surprised nang magtaas ng kamay si Carlo.
"Yes, Mr. Websters?"
"Hindi po ba marami siyang low grades? When will she leave our school?"
Napalingon ako kay Carlo dahil sa sinabi niya at napakunot-noo.
What is he talking about!?
He wants me to leave JM!?
Is he out of his mind?
"Well, hindi pa yon final grade and she can still keep up,"
Nakangiting sagot ni Sir.
"Ay? Talaga ba?"
Tumingin si Carlo sa akin at umirap bago tumingin kay Sir.
"Yes, so goodbye class."
Nang umalis na si Sir, napatayo ako sa upuan ko at tiningnan si Carlo.
"Wow! Coming from you huh? So gusto niyo kong umalis dito?"
Tumingin lang si Carlo sa akin at inikot ang katawan niya para makausap si Angelo.
"CARLO, WHAT THE FUCK!? SAGUTIN MO KO!"
Ano bang ginawa ko sa kanila?
"Reina Joy-"
"NAKAKAINIS NA KAYONG LAHAT! ANO BANG GINAWA KO SA INYO?"
Ayokong umiyak sa harapan nila pero nauunahan na ako ng emosyon ko.
Tumingin ako sa gawi ni Quintin na pilit akong pakalmahin kahit nasa malayo siya pero hindi ko siya pinapakinggan.
"May galit ba kayo sa akin? Or ano?"
Napupuno na ako.
"SUMAGOT KAYO! ANO BANG GINAWA KO SA INYO AT GINAGANITO NIYO AKO?!"
Tumingin lang sila sa akin at wala niisa ang nagsalita.
Napa-hilot ako sa sentido ko at bumalik sa upuan ko.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at tumingin sa sahig.
Ayaw nila sa akin?
Pwes.
Ayaw ko din sa kanila.
Bakit ko ba pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanila kung ayaw naman nila sa'kin?
Kinuha ko ang iPad na bigay ni Carlo sa bag at saka ni remove lahat ng mga files ko don at iniwan lang yung mga picture na andon siya.
"Kunin mo yan."
Binalik ko kay Carlo ang iPad niya at lumabas ng classroom at tinawagan si Kuya.
[what?]
"Pwede mo bang kunin yung laptop na bigay ni Carlo at lahat ng mga gamit na bigay ng Class Zero after nung pageant?"
[Ano? Bakit?]
"Ipapamigay ko sa mga bata kasi foundation day."
[Are you out of your mind?]
"Kunin mo nalang,"
[I'm in the middle of my class.]
"Please?"
Napa buntong-hininga si Kuya at narinig ko na lang na inexcuse niya ang sarili niya sa klase bago binaba ang tawag.
Pinunasan ko ang luhang kanina pa nagbagsakan sa mga mata ko at huminga ng malalim bago pumunta sa restroom para maghilamos kasi ayokong makita nila akong umiiyak.
Binuksan ko ang faucet sa CR at naghilamos at saka tumingin sa salamin.
Minasahe ko ang ilong ko at ipinikit ang nagbabaga kong mga mata.
Kaya mo 'to Reina Joy.
Hindi ka nila maalis sa lugar na 'to.
Syempre dito ka nag-aaral at maganda ang reputasyon mo.
Kaya mo to.
To be continued.....