Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Fifteenth Dream

464K 24.7K 13K
By alyloony

Fifteenth Dream

"Caleb?"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Caleb. Si Caleb...

Unti-unti akong lumapit.

Si Caleb nga. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Caleb nga ito.

Totoong tao siya. Nag e-exist siya sa mundong ito.

Comatose siya?

Pero nag-eexist siya sa reality. Tunay siya. Tunay.

"Kilala mo ang anak ko?"

Napatingin ako sa babaeng tinulungan ko at nakita ko ang bakas ng pagtataka sa mukha niya. Medyo lumapit siya sa akin at unti-unti ay nanlaki ang mga mata niya.

"Kilala kita," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. Ngumiti siya at nagulat ako nang makita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. "Ikaw ang kasama ng anak ko sa panaginip. Doon mo siya nakilala, hindi ba?"

"P-paano niyo po nalaman 'yun? Paanong nakilala mo ako?"

Mas lalong lumambot ang expression ng mukha niya sa akin.

"Dahil hija, dalawang beses ka nang nakapunta sa panaginip ko kasama ang anak ko."

"Hindi ko po maintindi—" natigilan ako bigla nang may maalala ako. "Ikaw po 'yung bata? 'Yun pong laging nasa reception ng kasal?"

Tumango siya, "Ako nga 'yun, hija. Ako 'yung batang 'yun. Paulit-ulit kong binabalikan ang panaginip na 'yun dahil isa 'yung magandang alaala sa akin. At ilang beses ko ring nakikita roon ang anak ko."

Napatingin siya sa natutulog na si Caleb at kitang-kita ko ang hinagpis sa mukha niya. Kaya pala palagi siyang sinasabihan ng bata na bumalik na siya.

Dahil pinababalik na siya ng kanyang ina sa reyalidad.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

Naupo ang ina ni Caleb sa may gilid ng kama at hinawakan niya ang kamay nito.

"Naaksidente po ba siya kaya siya comatose? Gaano na po katagal?" dagdag na tanong ko.

Napahinga ng malalim ang ina ni Caleb at umiling ito.

"Hindi naaksidente ang anak ko. Wala rin siyang malubhang sakit. Basta isang araw na lang, hindi na namin siya magising mula sa pagkakatulog niya. Tatlong taon na siyang hindi gumigising."

Tatlong taon?!

Napaupo ako bigla sa kabilang side ng kama. Parang nanlambot ang tuhod ko.

Tatlong taon. Ang tagal. Tatlong taon...

Natulog siya at bigla na lang hindi nagising? Paano nangyari 'yun? Bakit?

Imposible!

"P-papaano pong nangyari 'yun? Napakaimposible nun!"

Inangat ng Mama ni Caleb ang tingin niya sa akin at kita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya.

"Posible iyon, hija. At alam mong pareho nating alam kung bakit hindi magising ang anak ko ngayon. Dahil nakulong na siya sa mundo ng mga panaginip."

Napatingin ako sa natutulog na si Caleb.

Gusto kong maiyak. Gusto ko siyang yugyugin hanggang sa magising na siya.

Nakulong siya sa mundo ng mga panaginip. Kaya ba ayaw niyang doon ako tumira? Kaya ba madalas niyang ipakita sa akin ang positive side ng reality ko? Dahil ayaw niyang mangyari sa akin ang nangyari sa kanya?

"Makakabalik pa po ba siya?"

Huminga ng malalim ang ina ni Caleb at nakita kong may bumagsak na luha galing sa mga mata niya.

"Hindi ko alam. Pero umaasa ako na babalik pa siya. Umaasa ako na makikita ko pa ulit ng gising ang anak ko."

~*~

"Sorry talaga. Sorry!" sabi ni kuya habang humahagulgol siya ng iyak sa harap namin ni Nanay.

"Ikaw na bata ka!" hinampas ng mahina ni Nanay si Kuya sa balikat. "Ngawa ka nang ngawa diyan eh kaka-opera mo pa lang! Paano kung bumukas ang tahi mo?"

Pahikbi-hikbi si kuya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya at pinapakalma ang sarili niya.

"Angelique, promise ko magtatrabaho ako nang maigi. Hindi pwedeng hindi ka papasok sa college ngayong taon!" sabi ni kuya at napahagulgol na naman siya.

"'To namang si kuya, ubod ng drama oh. Confident akong makakakuha ako ng scholarship," nginitian ko siya at kinindatan.

"P-p-pero kasi eeehhh..."

"Wala kang tiwala sa akin ganun? Aba'y ibahin mo 'ko sa'yo ha! Matalino ako 'no 'di tulad mo!"

Mahina akong hinampas ni Kuya sa braso habang pinupunasan ulit ang mga luha sa mata niya.

"Bruha kang chaka ka! Mas maganda naman ako sa'yo!"

Medyo napatawa si Nanay.

"'Tong magkapatid na 'to oh. Hala sige Angelo, tumigil-tigil ka na sa pag ngawa diyan. Para kang kinakatay na baboy eh!"

At nagtawanan kaming tatlo. Masaya ako na okay na si Kuya ngayon. Nakakangawa na nga at nagagawa na akong hampasin.

Kailangan kong magpasalamat kay Caleb dahil patuloy niyang pinalalakas ang loob ko.

Naramdaman kong nag-beep ang phone ko at nakita kong nagtext sa akin si Owen. Nabalitaan nila ang nangyari at ngayon ay nasa labas sila ng ospital.

Kasama niya sina Howard, Gerald, Lilian...at Amanda.

Napahinga ako nang malalim.

Hindi ko alam kung gusto kong makita sina Owen at Amanda. Pero alam kong kailangan ko rin silang harapin na dalawa. Hindi naman habambuhay ay pwede ko silang pagtaguan.

Hindi habambuhay ay pwede kong pagtaguan ang reality ko.

Nagpaalam ako saglit kina Nanay at lumabas ako sa ospital para puntahan sina Owen. Agad ko naman silang nakita roon.

"Angelique!" tawag sa akin ni Lilian. Nagulat ako nang makita kong magkahawak kamay sila ni Howard.

Napangiti ako.

Napatingin ako kina Owen at Amanda. Magkahawak na rin sila ng kamay.

"Uhmm, Angelique, Amanda and I are..." Owen trailed off at itinaas niya ang magkahawak nilang kamay.

I gave them a smile. A genuine one.

Medyo kumirot ang dibdib ko. After all, crush ko talaga si Owen eh. Pero ewan, hindi ako nagagalit.

Siguro dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong karapatan na magalit. Siguro nga na-misunderstood ko ang friendly gestures ni Owen sa akin. At si Amanda? Hindi naman niya alam na may gusto ako kay Owen.

Hindi nila alam ni Lilian. Hindi ko kasi inaamin.

O baka, hindi ko talaga ganung ka-gusto si Owen. 'Yung akala ko, malalim na ang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi naman pala talaga.

Siguro, na-in love lang ako sa idea, hindi doon sa tao.

O sadyang may iba lang talaga akong gusto.

Nagkwentuhan kami saglit nina Lilian. Pinahiram din nila sa akin ang mga notes nila para mapag-aralan ko 'yung na-missed kong lectures ngayon. Matapos nun, sumilip din sila saglit kay kuya at nakita ko namang tuwang-tuwa si Kuya na magkaroon ng maraming bisita.

Lalo na kung tatlo sa mga bisita niya ay mga gwapong teenager. May dala pang pagkain para sa kanya.

Kuya ko talaga.

Nung pa-gabi na, umuwi na rin ang mga kaibigan ko. At dahil hindi pa pwedeng lumabas ng ospital si Kuya, dito kami ngayon matutulog.

Si Nanay 'yung nag-occupy ng couch. Ako naman ay sa sahig natulog.

Siguro dahil sa sobrang daming nangyari, pagpikit ko ng mata ay agad na akong nakatulog.

~*~

Nasa rooftop ako ngayon. Pagkarating ko pa lang sa panaginip ko ay mukha na agad ni Caleb ang bumungad sa akin.

Nakangiti siya sa akin nang malawak.

'Yung ngiting gustong-gusto ko laging nakikita.

"Welcome back!" masigla niyang sabi.

Agad akong napatakbo sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Whoa! Angelique what happened? Ba't mo 'ko niyayakap ah? Ang higpit pa! Sige ka, mag-a-assume ako na in love ka na sa akin!"

"Loko! Eh nakayakap ka rin sa akin! Mahigpit din!"

Tumawa siya nang mahina at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Nakangiti siya sa akin. Ang aliwalas ng mukha niya.

Ang gwapo niya.

Bakit ngayon ko lang inaamin sa sarili ko na naga-gwapuhan talaga ako kay Caleb?!

Kanina, sinabi sa akin ng Mama niya kung gaano niya ka-miss si Caleb. Na gusto na niyang makita itong ngumiti sa reality. Na gusto na niya ulit marinig ang tawa nito pati na rin ang mga korning biro niya.

Ako rin. Gusto ko siyang maging parte ng reality ko.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko kay Caleb.

"Hmm? Ang alin?"

Huminga ako nang malalim.

"Nakita kita kanina, Caleb. Sa ospital. Nakaratay sa kama at mahimbing na natutulog."

Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Caleb at napatalikod siya sa akin. Naglakad siya papunta sa may railings ng rooftop. Sinundan ko naman siya doon.

"Na-meet ko ang Mama mo. S-siya pala 'yung bata doon sa garden wedding na panaginip na napuntahan natin? Kaya pala pamilyar ang mukha ng Mama mo sa akin."

Napapikit si Caleb.

"K-kumusta na siya?"

"Ayun, miss na miss ka na niya. Sabi niya, sabihin ko raw sa'yo na gumising ka na."

Hindi siya umimik pero nakita ko ang panginginig ng kamay niya.

"Ano bang nangyari, Caleb? Pwede mo bang sabihin sa akin? Paano ka na-trapped sa mundong ito?"

Huminga siya nang malalim at nilingon niya ako.

His eyes were full of sadness.

Hindi ako sanay na makita ang mga mata ni Caleb na ganyang kalungkot.

"Dahil ginusto ko ito, Angelique. Ginusto kong manirahan sa mundong ito."

"B-bakit?"

He gave me a sad smile, "Dahil katulad mo ako noon, Angelique. I used to be a lucid dreamer. At katulad mo, tanging panaginip lang ang escape ko sa mga masasamang bagay na nangyayari sa reality ko. You see, my dad is a businessman at Architect naman ang mom ko. Lagi silang wala sa bahay. At kung nandoon naman sila, madalas silang nag-aaway. Bangayan nang bangayan. Palagi kong nakikitang umiiyak si Mommy at si Daddy naman, palagi na lang lasing. Hindi ko kaya ang ganung buhay, Angelique. I feel so alone. Kaya pinili kong takasan ang lahat. Nakilala ko si Dream Goddess sa panaginip ko at sinabi ko sa kanya na hayaan na niya akong tumira rito. Pumayag siya, at ayun, ginawa niya akong dream traveler."

"P-pero ayaw mo na bang bumalik, Caleb? Ayaw mo na ba sa reality? Miss na miss ka na ng mama mo eh."

At gusto rin kitang maging parte ng reality ko. Gusto kitang makasama sa reality, Caleb.

Please Caleb...

"Angelique," kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit. "Walang araw na hindi ko sinubukang makabalik. Gusto ko nang gumising. Gustong-gusto. Nung araw na naririnig kong umiiyak ang Mama ko, nagsisi ako. Iniwan ko siya. Mag-isa na lang siya ngayon. At wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik sa kanya. Kaso..."

Nagulat ako nang biglang may bumagsak na luha mula sa mata ni Caleb. Napaiwas ng tingin sa akin si Caleb at agad niyang pinunasan ang kanyang luha.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Kinakabahan ako.

Nilingon ulit ako ni Caleb at tiningnan nang diretso sa mata.

"Angelique, hindi na ako pwedeng bumalik. Hindi na ako makakabalik."

Napailing ako.

Hindi.

Hindi.

Hindi. Hindi. Hindi. Hindi

Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga binitiwan niyang salita.

Hindi. Hindi totoo ang sinasabi niya.

Hindi ako naniniwala.

"Hindi pwede," halos pabulong kong sabi. Pakiramdam ko nanlalambot ang buong katawan ko. "May paraan pa! Kakausapin natin si Dream Goddess! Sabi mo, malakas ka sa kanya!"

"Ginawa ko na 'yan. Siya mismo ay walang magagawa. Kasalanan ko rin naman eh. Binalaan niya ako sa pwedeng mangyari sa akin at pumayag ako."

Halos mapaupo ako sa sahig.

Masamang panaginip lang 'to. Masamang panaginip.

Bullsh*t! Bakit ba parte siya ng panaginip na 'to?!

Hindi pwede 'to. Kailangan ko ng paraan.

Kahit ano.

Basta mailabas ko lang sa mundong 'to si Caleb.

"Habambuhay ka nang trapped dito?" tanong ko sa kanya.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at napapikit siya. Mas lalo akong kinabahan.

"May hindi ka pa sinasabi sa akin. Ano 'yun Caleb?"

Hindi siya umimik.

"Please Caleb! Sabihin mo na sa akin! Please!"

"N-nung isang gabi? Nung hindi mo ako nakita sa panaginip mo? Nandito lang ako nun, Angelique. Sinadya kong hindi magpakita sa'yo."

"Bakit?"

"Dahil hindi ko kayang magpaalam."

"M-magpaalam? Aalis ka na talaga? Aalis ka na sa panaginip ko?"

Umiling siya, "Aalis na ako sa mundong 'to."

"Anong ibig mong sabihin?"

"You see, Angelique. Walang mortal ang pwedeng manatili sa mundo ng mga panaginip ng panghabambuhay. At sa lagay ko, malapit nang matapos ang oras na ibinigay sa akin ni Dream Goddess."

"At saan ka na pupunta? Saan?!"

Napapikit si Caleb at ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko.

Iminulat niya ang mata niya at tinitigan ako sa mata.

Malungkot. Nasasaktan.

Nanghihinayang.

"Mabubura na ang existence ko, Angelique. Dito o sa reality man....hindi na ako mag e-exist."

Continue Reading

You'll Also Like

31.8M 812K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
9.5M 525K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
223K 16.8K 26
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
76.3K 2.1K 13
Kung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)