Blood Menace

Por fbbryant

14.4K 933 217

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... Más

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

37- In the Lion's Den

343 21 2
Por fbbryant

Lumingon si Cole sa kanyang kanan habang may hawak na espada sa kanyang kanang kamay.

Tumango si Kam na may hawak namang bow and arrow.

Walang ingay na lumabas sila ng eskinita kung saan sila nagtatago. Sa dilim.

Walang katao-tao ang buong syudad. Pero paniguradong may mga members ng private army ni Kray ang pagala-gala sa paligid.

Tatlong anino ang umagaw ng pansin niya. Tumalon ang mga 'yun mula sa itaas ng isang building papunta sa kabila.

The Hellvile founding fathers. At sa isang segundo lang ay naghiwa-hiwalay ang mga ito papunta sa iba't ibang buildings.

They looked like birds. Ang graceful ng bawat kilos ng tatlo.

"All clear," narinig ni Cole ang boses ni Ciro sa kanyang isip. "Kam and Cole, we'll wait for you."

Tumingin uli si Cole kay Kam at tumango ang babae.

Tahimik silang tumakbo sa kalye na walang katao-tao.

"Hide!" sigaw ni Ciro sa isip ni Cole kaya napangiwi siya. Mas malala pa 'yun kesa sa sigawan sa may tenga. Parang naalog ang utak n'ya.

At dahil sa distraction na 'yun ay huli na ang lahat nang na-realize niyang napalibutan na pala sila ng mga armadong private army ni Kray.

Purebloods. Turned. Mortals.

Napamura si Cole nang ma-realize na pati si Kam ay napalibutan din.

Wala silang nagawa kundi ang makipaglaban nang sabay-sabay na umatake ang mga ito.

"Argh!" tatlong magkakasunod na arrow ang pinakawalan ni Kam at tumama ang mga 'yun sa tatlong kalaban. She then used her bow to deflect a sword.

Cole was confident Kam could take care of herself. Kaya naman, nag-focus siya sa kanyang mga kalaban.

They were good. Nakikipagsabayan ang mga ito sa kanyang speed. And he was a trained soldier. Ilang taon na ba siyang Sentry? Nakaka-impress na well-trained ang mga ito. Even the mortals were amazing fighters. Halatang binigyang budget ni Kray when it comes to training.

But he had something they didn't have.

Bawat atake ay sinasamahan n'ya ng spell ang mga 'yun. One fell and started convulsing on the ground. May lumabas na dugo mula sa mga mata, ilong at tenga nito.

Another one started choking and collapsed.

He continued fighting.

He raised his left arm and ten cars from the side floated in the air. In an instant, he dropped them on top of some Purebloods. In an instant, they died.

Tiana used to hate being a vampire-witch, but Cole embraced who he was since day 1 and was thankful for it.

He was fast and strong. Typical vampire abilities.

He was a witch who could cast spells.

And he was a psychokinetic from his father's bloodline.

Who would hate being this awesome?

Tiana did. Buti na lang nagbago na ang kapatid niya.

At ngayon na, nagagamit niya ang lahat ng abilities na 'yun para sa kanyang trabaho. He's one of the best Sentries in history.

No, he didn't declare that himself. Base 'yan sa data.

Kaya sisiw lang labanan na nagaganap ngayon. Ni hindi man lang siya pinagpawisan.

He defeated everyone in a matter of minutes.

And so did Kam.

Napalibutan sila ng mga kalabang nakahandusay sa lapag.

"You okay?" mahina niyang tanong sa babae at agad naman itong tumango.

"Let's go to my house," anito gamit ang matigas na boses. Alam ni Cole na nag-aalala ito para sa mga magulang.

Pero kailangan pa rin nilang mag-ingat kahit na hindi sila nahirapan sa pakikipaglaban kanina. They didn't know what was waiting for them at the Caedis mansion.

"We have to wait for Ciro's go signal," aniya.

Nauna na ang tatlo para i-secure ang papasukin nilang teritoryo ni Kray Hayes.

Kray Hayes. Hindi pa rin makapaniwala si Cole na ito ang kakalabanin ni Kam.

"We have to get my parents out of there," nanginig ang boses ni Kam kaya mabilis itong nilapitan ng binata at hinawakan sa mga balikat.

"Hey, hey. Look at me, Caedis. Keep it together. Hindi tayo magtatagumpay sa misyon na 'to kung hahayaan mong lamunin ka ng emosyon mo. Hindi lang buhay ng mga magulang mo ang nakasalalay dito. Pati buhay mo rin. I don't want to lose you. Don't lose focus. You understand me?"

Mukha namang nagising ito at sunud-sunod na tumango. "I'm sorry. I should have stayed at the academy huh? May lessons ba tungkol sa emotion control?" she tried to joke, but still sniffed.

"Yup, meron," he chuckled. "A lot actually. You okay now?"

She nodded. Buti na lang nabawasan na ang panginginig nito.

Silence.

Napatitig si Cole sa magandang mukha ng dalaga. His heart swelled.

Napatingin siya sa nakaawang nitong mga labi at narinig niya ang paghugot nito ng hininga.

Was she affected by him?

Pareho ba sila ng nararamdaman?

Napalunok si Cole.

"Ang baho ng tinapa! Ano ba 'yan?"

Napakunot ang noo ni Cole.

Amoy tinapa ba ang hininga n'ya?

"Ang baho talaga!"

Napaatras si Cole. Nakita niyang nakakunot din ang noo ni Kam at mukhang nalilito rin ito. She even blew her breath on her palm and sniffed it.

"Ang baho!!!"

Napabalikwas ng bangon si Cole at medyo nahilo pa dahil sa biglaang pagbaha ng liwanag sa kanyang paligid.

"Bakit naman ganyan ang amoy n'yan?"

"Ang ingay mo! Tumahimik ka nga!"

"Unbelievable," mahinang sambit ni Cole na nakaupo sa sahig. Nakapatong sa kanyang mga tuhod ang kanyang mga siko.

Hindi si Kam ang kanina pa sigaw nang sigaw. It was Kimber. Panay ang reklamo nito sa niluluto ni Thaïs.

"Please, get her out of here," paangil na sabi ni Draven na nanatiling nakahiga sa sahig. Gan'on din sina Gregory at Ciro na mukhang mga lutang pa.

Dahan-dahan na ring bumangon si Kam at agad itong nagbawi ng tingin nang balingan ito ni Cole.

Dalawang araw silang nag-brainstorming kung ano ang dapat nilang gawin.

Dalawang araw din silang naghanda ng mga kakailanganin nila. They were using a simulation through Draven's power in telepathy in training for their mission. He was so advanced that he could manipulate thoughts and control someone else's mind.

It was perfect for simulations.

But they needed complete silence.

At itong si Kimber ay hindi alam ang salitang silence.

"Sorry," ani Kimber na mukha naman talagang sorry sa ginawa.

"Tara na nga sa labas," hinila na ito ni Thaïs at lumabas sa back door.

"My goodness!" exasperated na sambit ni Draven.

Muling tiningnan ni Cole si Kam at nakita n'yang nakahiga na ito uli sa sahig. Hindi ito tumitingin sa kanya pero namumula ang pisngi nito.

Of course she knew what happened in his thoughts. The five of them were in the same place. Draven made sure that this simulation worked in one single realm. Kung ano ang ginawa ng isa sa loob ng realm na 'yun ay alam din ng sinumang nakakita n'on.

Kam definitely knew he wanted to kiss her.

—-

Kanina pa gustong matawa ni Cole habang nakatingin kay Gregory na kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay Kimber. Pinipilit kasi ng babae na uminom ng kape si Gregory kahit ayaw naman nito.

"Ms. Kimber, thank you, but I'm fine. I don't want to drink coffee," mabagal na sabi ni Gregory.

"Kahit one sip lang? Ano ba ang gusto mong inumin?" sabi pa ni Kimber.

"Blood. All your blood," sabad ni Ciro at dahan-dahang lumabas ang matutulis nitong pangil.

Sumigaw si Kimber at mabilis pa sa kidlat na tumakbo palabas ng bahay habang patuloy sa pagtili. Bitbit nito ang tasang may lamang malamig nang kape. Kanina pa kasi iyun ginawa ng babae.

Napailing si Cole saka ipinagpatuloy ang paglilinis ng iba't ibang espada, daggers at iba pang weapons na nakakalat sa sahig malapit sa sala kung saan nakaupo ang founding fathers ng Hellville at nanonood ng TV. Nakasalampak lang siya sa sahig habang nakasuot ng kanyang Sentry garb.

Tatlong araw ang ginugol nila sa paghahanda at ngayong gabi ay balak nilang pumunta na sa Obis.

"Sure kang hindi mo ako isasama, Kuya Cole? Promise, makakatulong ako sa inyo. Magaling na akong makipaglaban," lumapit si Thaïs at umupo sa harapan n'ya. Tsinek nito ang sharpness ng isang dagger na may hilt na korteng ahas.

"Sinong anak ba 'to? Pakiligpit nga. Ang kulit kasi," malakas na sigaw ni Cole kaya napatingin sa kanila ang lahat.

"Hindi ka sasama, Thaïs. Bakit ba ang kulit mo?" ani Max habang sinamaan naman ng tingin ni Raye ang anak. Nasa kusina ito at nag-i-slice ng kamatis.

"Snitch," ingos ni Thaïs kay Cole pero tinawanan n'ya lang ang pinsan.

"So, sinu-sino uli ang pupunta?" tanong ni Max.

"Lahat except you, Tita Raye, Thaïs and Kimber," sagot ni Cole.

Noon naman bumalik si Kimber sa loob.

"Sasama ka, Greggy?" mabilis na tanong ni Kimber. Wala nang laman ang hawak nitong tasa.

Halos sabay-sabay na nabilaukan ang lahat ng naroon.

"Greggy?" nanlalaki ang mga matang bulong ni Thaïs.

Si Max ay nagpipigil ng tawa.

Si Draven ay shocked ang mukha. Halos lumuwa ang mga mata. Nakaawang pa nga ang mga labi.

Si Ciro ang matapang na tumawa ng sobrang lakas.

Si Gregory naman ay nakatitig kay Kimber nang walang kahit na anong ekspresyon sa mukha.

Napangiwi si Cole. Ano kaya ang gagawin ng kanyang ancestor?

"You said something?" sa wakas ay nagsalita si Gregory.

Halos mabingi si Cole sa lakas ng tawa ni Ciro. May pahawak pa ito ng tiyan.

"Greggy naman eh," nakalabing sagot ni Kimber at agad na kumunot ang noo ni Gregory.

"Who is Greggy?"

Hindi na napigilan ni Cole ang kanyang sarili kaya mabilis na tumakbo siya palabas ng bahay. Nakasunod naman si Thaïs sa kanya at sabay na silang natawa.

"Pambihira naman itong si Gregory. Seryosong hindi n'ya na-gets ang ginagawa ni Kimber?" ani Thaïs. "Patay na patay sa kanya 'yung babae oh!"

"May sariling mundo 'yun eh," there. He said it. Like he said before, parang hindi nila kasama si Gregory.

Dapat pa kaya nila itong isama sa misyon nila mamayang gabi?

"Ano'ng ginagawa n'yo rito sa labas? Akala ko ba maghahanda ka ng weapons, Cole?" saka naman lumapit sa kanila sina Raye at Kam na may kanya-kanyang basket na may lamang mga gulay.

"I was," sagot naman ni Cole, not interested in sharing why they're outside. It was irrelevant now that he saw Kam again. Umiiwas pa rin ito ng tingin.

"Mom, magluluto kayo ng gulay? Ew!" nakangiwi pang sabi ni Thaïs.

"Ano'ng ew? Dahil d'yan, sumama ka sa akin at tulungan mo akong magluto para makakain sila bago umalis ngayong gabi. Akin na 'yang basket mo, Kam," at hinila na nga ni Raye ang anak na panay pa rin ang reklamo.

"Help," Thaïs mouthed.

Kam and Cole chuckled. Ano ba naman kasi ang laban nila kay Tita Raye.

"Handa ka na for tonight?" baling niya sa dalaga at medyo nagulat pa siya nang malamang nakatingin pala ito sa kanya.

Pero agad nanamang nag-iwas. Tsk.

"Handa? No. Pero alam kong kailangan nating pumunta ng Obis. He's going to expect us," she answered while looking at the sky.

Sobrang asul ng langit at walang kahit na anong ulap.

"Kam..."

"I wanted to kiss you in the simulation," bigla nitong sabi kaya natameme si Cole.

Bakit lage na lang siya nitong ginugulat? Aaminin na sana niyang siya rin pero muli itong nagsalita.

"Good thing that I didn't. Hindi ito ang tamang panahon para sa ganyang bagay. We have more important things to do. Like you said in the simulation, we should not lose focus," sabi nito na may kasama pang patangu-tango at sa wakas ay tumingin na sa kanya.

Cole cleared his throat. He didn't like what he heard, but she was right. Isa pa, he had to respect her decision.

Now was not the time.

Maybe one day.

"Thank you, Bloodworth, for doing this. Kayo ng pamilya mo. I'm alone, you know. Kung wala kayo, saan kaya ako pupulutin?"

"You can always count on me, Caedis."

She smiled gratefully. "The thing is, I know that. I really do. Even after everything that happened in the past ten plus years, I still know that you got my back. How weird is that?"

"It's not weird. It's the truth," seryosong sabi ni Cole at mas lumawak ang pagngiti ni Kam.

Oh, how that smile gave him butterflies.

—-
Night came. Alas-diyes ng gabi sila nakarating ng Obis. Tumigil sila sa tabi ng daan kung saan tanaw ang buong syudad sa ibaba.

It was so bright. Mukhang nakasindi ang lahat ng ilaw sa mga bahay at iba pang establishments. Sobrang liwanag talaga.

"I got a bad feeling about this," komento ni Ciro.

"You and me, brother," sagot naman ni Draven.

"It's because they're waiting for us," ani Gregory.

And they already knew that.

"Let's go," ani Cole habang inaayos ang suot na fingerless gloves. Sumampa siya sa kanyang itim na sports bike.

Nakita niyang ngumiti si Kam bago isinuot ang itim nitong helmet at sumakay na rin ito sa sariling motor.

The other three followed suit.

The five of them drove their bikes along the highway.

They braved the very obvious trap set for them by Kray. They had no choice. How else would they enter the city? Panigurado namang binabantayan ang bawat sulok n'on.

Trap or no trap, they had to enter Obis.

They had to rescue Kam's parents and all the residents of Obis. Including Lorenzo's family and Faizah.

Hindi lang ito para kay Kam.

And how they walked into the trap was stupid. They knew, but they carried on.

Oh. This was very different from their simulated training. They trained for an ambush from a few fighters.

Cole looked around. They were surrounded by hundreds. There were even fighters on top of buildings. Mukhang hindi rin makakawala ang tatlong founding fathers ng Hellville.

Their simulation was no help right now.

Trapped. That's what they were. In the lion's den.

***
@immrsbryant

Seguir leyendo

También te gustarán

375K 5.8K 33
What if yung taong mahal na mahal mo, ipakasal sayo? Would it be the best thing happened in your life or it'll be just your worst nightmare? Story s...
225K 10K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...
114K 3.5K 61
*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights provides nothing but the best materials...
14.3M 623K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...