C A P O D E C I N A

By Yanalovesyouu

53.6K 3K 954

Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute i... More

Author's Note
I l P r o l o g o
C a p i t o l o 1
C a p i t o l o 2
C a p i t o l o 3
C a p i t o l o 4
C a p i t o l o 5
C a p i t o l o 6
C a p i t o l o 7
C a p i t o l o 8
C a p i t o l o 9
C a p i t o l o 11
C a p i t o l o 12
C a p i t o l o 1 3

C a p i t o l o 10

1K 73 14
By Yanalovesyouu

I'll hold the door please come in
And just sit here for a while
This is my way of telling you I need you in my life
It's so cold without your touch
I've been dreaming way too much
Can we just turn this into reality?

'Cause I've been thinking 'bout you lately
Maybe you could save me from this crazy world we live in
And I know we could happen
'Cause you know that I've been feeling you

Sinasabayan ko ang tugtog na ako mismo ang pumili at nag-play habang nandito kaming dalawa sa dining area ng mansion ng mga Luciano habang pinapanood ko ang dalawang serbidora na naghahanda ng mga pagkain sa dining table. Kung ako lang ang tatanungin, e, gusto kong iuwi lahat ng nakikita kong kulay ginto sa paligid ko. Dahil paniguradong malaki-laking pera ang makukulimbat ko. Pero hindi naman ako ganoong ka-shunga para gawin iyon, sa harap pa ni Ludovic Luciano.

And besides, naniniwala naman akong mapapasakin din ang lahat na 'to sa future. Kaya kung mandedekwat man ako, e, para ko na ring dinekwatan ang sarili ko 'di ba? So... i-e-enjoy ko na lamang ang view.

Storms, they will come
But I know that the sun will shine again
He's my friend, and he says that we belong together
And I'll sing a song to break the ice
Just a smile from you would suffice
It's not me being nice, but this is real tonight

Nasa magkabilang dulo kami ng lamesa ni Ludovic Luciano. Kaya dalawampu't apat na mga silya na magkakatapat ang pagitan naming dalawa. Mabuti na rin naman iyon para hindi siya gaanong ma-conscious sa pagkain dahil kapag malapit ako sa kanya. At ganoon din ako. Para if ever na gusto niya akong titigan, e, okay lang dahil hindi ko naman siya gaano mapapansin.

'Cause I've been thinking 'bout you lately
Maybe you could save me from this crazy world I live in
And I know we could happen
'Cause you know that I've been feeling you
I know you want me

Hindi ko alam pero pakiramdam ko binabagalan talaga nitong dalawang babae ang paghahanda ng pagkain. Kanina pa kasi sila naghahanda pero hindi na natapos. Tulungan ko na kaya?

There's no other, there's no other love
That I'd rather have, you know
There ain't no one, there ain't no one else
I want you for myself

I've been thinking about you lately
Maybe you could save me from this crazy world we live in
And I know we could happen
'Cause you know that I've been feeling you
I know you want me

Tumikhim ako habang patuloy pa rin sa panonood sa ginagawa ng dalawang serbido. Pero dahil sa tugtog, e, mukhang hindi ko nakuha ang atensyon ni Ludovic Luciano. Pero hindi rin naman ganoon kalakas iyong tugtog. 'Di bale na nga, uulitin ko na lang.

"Ehem!" This time nilakasan ko na. Sure ako na kahit nasa kabilang dulo siya ng lamesa, e, narinig niya iyong ginawa kong pag-tikhim. Sa sobrang lakas feeling ko nga may kasama pang plema iyong ginawa ko. Kadiri ampotek!

"Go get her some water," kalmadong utos niya sa isa sa mga serbidora na malapit sa kanya. Medyo nahiya tuloy ako kay ate girl. Lalo pa at parang labag sa loob niya na nandito ako ngayon kasama ng amo nila.

"Opo sir," sagot naman nito at kaagad na lumapit sa akin at nagsalin ng tubig sa glass water na nasa tabi ko. Mas sigurado na ako ngayon na labag sa kalooban niya ang ginagawa niya dahil kahit hindi siya nagdadabog ay pansin kong mahigpit ang hawak niya sa pitcher ng tubig at bahagyang nakataas ang isang kilay niya.

"Thanks ate," pasasalamat ko kay ate at saka ngumiti. Tumingin siya sa akin pero as expected ay hindi siya sumagot o kahit ngumiti man lang pabalik. Tantsa ko ay nasa twenty plus lang naman ang edad ni ate girl. Pero kung mag-maldita siya, e, kala mo marami nang pinagdaanang sakit at pighati sa buhay. Hays! Iyan ang mahirap sa mga babae ngayon kaya walang mga lovelife, eh, palaging bitter sa buhay. May gusto ba siya kay Ludovic Luciano?

Sinundan ko siya nang tingin para makasiguro at mukhang tama ang hinala ko dahil sumusulyap siya paminsan-minsan kay Ludovic Luciano. Okay lang naman sa akin dahil sure naman akong mas maganda ako sa kanya ng 'di hamak. Sorry na lang ate girl pero ako talaga ang future ni Ludovic Luciano.

Habang iniinom ko ang tubig na ibinigay ni ate girl kanina ay tahimik akong nanonood sa kanila. Pinipigilan kong gumawa ng kahit na anong ingay dahil ang totoo n'yan, mas mukhang matapang pa iyong dalawang serbidora kaysa rito kay Ludovic Luciano. At nang matapos silang dalawa sa paghahanda ay kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Ludovic Luciano rito sa dining table. Kanina pa rin huminto ang tugtog kaya nakakabingi ang katahimikan ngayon. Sa sobrang tahimik ay kahit na magkalayo kaming dalawa ni Ludovic Luciano, pakiramdam ko maririnig niya ako kahit bumulong lang ako sa pagsasalita.

Mukhang wala siyang planong magsalita kung kaya't tumikhim na naman ako pero this time ay nagsalita na ako. "Sorry..." umpisa ko.

Tumingin sa akin si Ludovic Luciano kaya nag-iwas ako ng tingin. Inabot ko ang kutsilyo na para sa steak at inumpisahang hiwain ang steak sa harap ko. Parang ang tigas naman yata nitong karne. Hindi kaya dahil parang hilaw pa ang pagkakaluto nito? Parang may dugo pang kumakatas mula sa karne, eh.

"For what?" he asked.

"Dahil wala akong dulot kagabi?" patanong na sagot ko.

Walang ekspresyon n'yang ibinaling ang tingin sa pagkain na nasa harap niya at inumpisahang abutin ang kutsilyo para hiwain ang steak na nasa plato niya. Wow! Wala man lang ba siyang reaction sa sinabi ko? Buti nga nag-sorry ako, eh.

Bumuntonghininga ako at bumalik sa paghihiwa ng karne nang marinig ko siyang magsalita. "Don't worry about it. What counts is your presence there." Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. I bit my lower lip dahil feeling ko mapapatili ako sa kilig. Pereng shere keshe! Ang gusto ko lang naman reaction, bakit may kasama pang pagpapakilig?

Pero teka, kaming dalawa lang ang kumakain dito sa bahay nila. Date ba 'to? Ihh—pereng tenge!

Sa sobrang kilig ko eh tumalsik iyong steak na hinihiwa ko at bahagyang dumulas ang kutsilyo at tinidor na hawak ko kaya gumawa ito ng kaunting ingay. Mabilis akong tumingin sa gawi ni Ludovic Luciano at tulad ng inaasahan ay nakatingin siya sa akin. Pagkatapos ay naglipat siya ng tingin sa steak, tapos sa akin ulit. Jusko! Ano ka ba naman Constance, ngayon ka pa talaga nagkalat. "Hehe." Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang mga mata namin.

"Do you need help?" casual na tanong niya pero umiling ako. "Keri ko na 'to sus! Favorite ko kaya 'tong steak," pagyayabang ko. S'yempre eme ko lang 'yon. Wala nga akong ideya sa lasa nito, kaya paano ko 'to magiging favorite? First time ko pa nga lang kakain ng steak. Hindi naman kasi mura ang steak kaya hindi ko pinangarap bumili at kumain.

Inumpisahan kong maghiwa muli ng steak—Potek! Ano bang klaseng steak 'to. Bakit napakahirap namang—shit!

Tulad nang unang attempt kong paghiwa ng steak ay tumalsik na naman iyong maliit na piraso ng karneng hinihiwa ko sa kung saan.

Napansin ko siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nag-umpisang maglakad palapit sa akin. Luh! Pupunta pa ba talaga siya dito sa akin para tulungan ako sa steak?

Feeling ko magkasing-pula na iyong mga pisngi ko at steak dahil sa init ng mukha ko. Magkalapit kasi ang mukha naming dalawa ni Ludovic Luciano habang hinihiwa niya ang steak sa harap ko. Nag-prisinta kasi siya na siya na lang ang maghihiwa ng steak. At sino ba naman ako para pigilan siya sa mga bagay na magpapasaya sa kanya? So, hinayaan ko na lang.

"Thanks," nahihiyang sabi ko nang matapos siya sa ginagawa niya.

"Ang agang landian naman!" What the fuck?

Kahit hindi ko pa tinitingnan kung sino ang nagsalita, e, alam ko na na iyong manyak na si Agnello iyon. Ano namang ginagawa niya rito ng ganitong kaaga? Kapal ng mukhang mang-istorbo ng date ha!

"Capo!" pagbati niya kay Ludovic Luciano na ngayon ay naglalakad na pabalik sa upuan niya sa kabilang dulo ng dining table. Nakatingin ako ng masama kay Agnello habang naglalakad naman siya palapit sa gawi ko.

Ano kaya trippings nito at pangiti-ngiti?

Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa manyak na si Agnello dahil nakatitig siya sa akin at panay ang ngiti. Kaming dalawa lang ang naiwan ngayon dito sa dining table dahil may pinuntahan si Ludovic Luciano.

At nang hindi na ako nakatiis ay nagtanong na ako. "May crush ka ba sa akin?"

Bumunghalit siya ng tawa kasabay ng pagtalsik ng laway niya na may paghampas pa sa mesa. Kadiri ampotek! "Hindi kita type 'no! Kadiri!" diring-diring sagot niya na may kasama pang pagduwal para ipadama sa akin ang pandidiri niya. Gago 'to, ah. Ako pa talaga iyong pinandidirian niya.

Mabilis na tumaas ang isang kilay ko. "Parang ikaw pa iyong nalugi, ah." Nakalimutan na yata niya iyong unang beses niya akong makita. Hays! Kung sabagay, ayoko na ring isipin iyon at nakakadiri naman talaga.

"Luging-lugi talaga boy! Super model ang mga tipo kong babae." Parang mas lalo akong nakaramdam ng inis nang sabihin niya iyon. Kasi kung iisipin mong mabuti, hindi na siya kagandahang lalaki tapos tinatanggihan pa niya 'tong ganda ko. Like what the fuck ba siya? Ano na lang kaya ang tingin sa akin ni Ludovic Luciano?

"Edi wow sa 'yo!" inis na sagot ko.

"Biro lang," natatawang sabi niya. "Maganda ka naman," dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam ko naman. Marami nang nagsabi sa akin n'yan kaya hindi ko na kailangan ng validation," confident na sagot ko sa kanya.

"Mas maganda nga lang iyong ibang mga babae," sabi niya kaya natigilan ako at pinaningkitan siya ng mga mata. Siraulo 'to. Hindi ko alam kung nang-iinis ba o ano.

"Sa tingin mo ba ganoon din ang tingin sa akin ni Vic?" seryosong tanong ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon ay bigla siyang naging seryoso. "Huh?! Sinong Vic?"

"Si Ludovic Luciano s'yempre! Sino pa ba?" sagot ko sa kanya. Oo nga pala, Capo lang ang tawag niya sa kanya. Bakit ba, e, gusto ko bigyan ng nickname. Cute naman, ah.

"Hmm." Inabot niya ang wine glass na malapit sa kanya at ang bote ng wine para magsalin. "Type mo ba si Capo?" tanong niya na may halong pang-aasar.

"Mejj," tipid na sagot ko. Hindi ko rin pinahalata na kinikilig ako. Ayoko naman kasing isipin niya na patay na patay ako sa Capo nila. "Feeling ko mas type niya ako kaysa sa type ko siya," I added. Which is true naman. Feeling ko type naman talaga niya ako sometimes. Pero minsan hindi ko sure kaya—"Ano sa tingin mo?" tanong ko sa manyak.

Mas matagal na niyang kilala si Ludovic Luciano. Ayokong magmukhang desperada pero gusto ko lang namang malaman kung meron. Baka mamaya i-friendzone ko siya tapos more than friends pala iyong gusto niyang mangyari sa aming dalawa. Mabuti na iyong sigurado.

Huminga siya nang malalim pagkatapos niyang sumimsim ng wine. "Ang totoo n'yan ay hindi ko rin talaga alam. Hindi ko alam kung ano ang tipo niya sa babae o kung meron ba. Hindi ko naman kasi siya nakikitang may kasamang babae. Maliban na lang kay Milana."

Milana? Iyon iyong babaeng binanggit nila Fiorella at Druina. "Iyan ba iyong ex-girlfriend niya?" tanong ko.

Tumingin sa akin iyong manyak na para bang gulat na gulat sa sinabi ko. "Oo. Nabanggit na ba niya sa 'yo?"

"Hindi, narinig ko lang. May mga tsismosang nag-tsismis sa akin pero hindi naman nila dinetalye," sagot ko.

"Ahh. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Ang alam ko lang, e, mahal na mahal ni Capo iyong si Milana." Ouch! Sana all. Kaya pala pinag-uusapan n'ong dalawa kung nakamove-on na si Ludovic Luciano sa kanya. Mahal na mahal naman pala.

"So possible na hindi pa siya moved on sa kanya, ganoon ba?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Agnello. "Hindi ko alam, eh. Ayokong sagutin kasi baka mali ang maisagot ko. Hindi naman kasi nagku-kuwento sa amin 'yang si Capo pagdating sa pribadong buhay niya. At isa pa, mahirap basahin ang nararamdaman at iniisip niya. Basta ang alam ko lang, e, minahal niya ng sobra iyong si Milana. O baka mahal pa rin niya hanggang ngayon, kaya wala pa ring syotang iba."

Ahh. Oo nga naman. Napatungo na lang ako sa narinig ko. "So wala naman pala akong chance," bulong ko.

"Uy, ano ka ba. Huwag kang mawalan ng pag-asa, gusto mo tulungan kita?" may halong pang-aasar iyong pagkakasabi niya n'on. Feeling ko nabuhayan ako sa sinabi nitong gagong 'to, ah.

"Talaga? Tutulungan mo ako?" nakangising tanong ko. "Pero anong tulong pa ba ang kailangan ko? E maganda na naman ako," tanong ko sa kanya na nakapagpasipol sa kanya.

"Gusto mo bang tanungin ko si Capo kung ano ang tipo niya sa babae?" tanong sa akin n'ong manyak. "Potek! Ano kami high school?" Para namang teenager iyong tutulungan niya. "Ano kaya kung pagselosin natin si Capo?" tanong ni Agnello kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Puta! "Nako parang huwag na lang kaya?" Hindi naman sa hindi ako confident na hindi magseselos si Ludovic Luciano. Feeling ko naman eh makita niya lang akong may kasamang ibang lalaki, e, magseselos na siya kaagad. Mukha pa naman siyang patay na patay sa akin, itinatago niya lang talaga. Ayoko lang talaga n'ong ideya ng mga selos selos na 'yan dahil ayoko ng nagseselos kaya I assume na ayaw rin ng ibang tao ng nagseselos sila.

"Sigurado ka ba?" tanong n'ong manyak kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Alam mo kung meron akong alam kay Capo, iyon ay ang seloso 'yon. Ilang beses ko na rin iyon nakitang nagalit dahil sa selos."

"Talaga?" takhang tanong ko. So may mga pinagseselosan siya doon sa ex niyang si Milana? Ang landi naman n'ong babaeng 'yon. Sino ba siya para pagselosin iyong—

"Yup."

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isa sa dalawang serbidora kanina. "May naghahanap po kay Ms. Constance Grace," aniya kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Agnello.

"Sino?" siya na iyong nagtanong. Hindi sinagot n'ong serbidora ang tanong ni Agnello. Bagkos ay tumingin lang siya sa pinto na para bang tinatanaw niya iyong taong nasa kabilang side at binibigyan ng senyales na pumasok na sa loob.

Hindi nagtagal ay pumasok na nga kung sinuman ang taong iyon at literal na napanganga ako nang makita ko kung sino ang iniluwa ng pinto.

"C—Ciro?" Mabilis na nag-init ang mga mata ko kaya hindi ko na siya halos maaninag.

"Grasya." Nakangiti siya sa akin pero hindi ako sure dahil hingi ko nga siya makita. "Ciro, ikaw ba 'yang tanga ka?" tanong ko sa pagitan ng mga hikbi. Ayoko namang maging emotional pero 'di ba patay na siya? Ano at paanong nangyari na nandito siya?

Narinig ko ang pagtawa niya kaya sure na sure na ako na si Ciro nga iyong lalaking pumasok sa loob. Siya lang naman ang tumatawa ng ganoon. Parang gago.

"'Di ba patay ka na?" naguguluhang tanong ko ng makalapit siya sa akin. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay pinunasan niya ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Syota mo ba 'yan, Constance?" tanong ni Agnello.

"Mamaya ka na maki-tsismis, nagmo-moment pa kam—"

"What the hell is going on?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 54.5K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
2.8M 72.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...