The Rare Ones

By EvasiveSpecter

119K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 6

2.5K 84 1
By EvasiveSpecter

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 06.
Everything
is planned
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

Nasa sala kaming lahat at pinag-uusapan namin ang nangyari kanina.

Katabi ko si Arabella na ginagamot pa ang sugat ko sa mukha. Hindi ko namalayan kanina na nadaplisan pala ang pisngi ko sa mga hinagis na maliliit na bato nitong tinatawag nilang mapapangasawa ni Kuya Blaze. 

“Tazia! 'Di ba sabi ko sa 'yo na wag kang pumunta dito sa bahay ng walang pahintulot sa 'kin?” Galit na sabi ni kuya kay Tazia. 

Umirap naman ito sa kaniya. 

“Ba't di mo naman sinabi sa 'kin na…” tiningnan niya muna ako bago niya tapusin ang sinasabi niya. 

“Na kapatid mo pala ang babaeng ito. I thought you only had one sibling.” Aniya. 

“E ba't ba nagkalat ka sa bahay namin?” Ani pa ni kuya. 

“Ms. Snyder, what you've done today is unacceptable.” Galit na turan ni ama. 

Ayan, boba kasi. Tangkain ba namang akong patayin. 

“Don't worry, tinawagan ko na si Dad. He said siya na ang bahalang magpaayos sa mga nasira kong gamit.” Parang siya pa ang galit. 

“And Jin, nandito talaga ako kasi may pakay ako sa dad mo. Can I talk to you, 'dad'?“ 

Napaawang ang labi ko sa kakapalan ng mukha ni Tazia. Nakiki-dad na siya e hindi pa nga sila kasal ni kuya. 

Ano bang nakita ni kuya sa babaeng 'to at aasawahin niya pa? Pero mukhang hindi naman nagalit si dad sa ginawa niya. Bagkus tumayo pa ito ng walang pasabi tsaka naman sumunod si Tazia. 

“And just like that? Hahayaan mo talaga ang Tazia na 'yun kuya? She tried to kill me!” Reklamo ko kay kuya nang makaalis silang dalawa ni Dad. 

“I'm sorry for what she did, Luna. Kung nandyan pa ang memorya mo ay maiintindihan mo ang sinasabi ko.” Aniya. 

You know her ate. You just don't like her kaya hindi pa kayo nagkita ever since na dinala siya ni kuya dito sa bahay. You told kuya na ayaw mong makilala ang girlfriend niya kasi hindi mo siya gusto.” Paliwanag ni Ara. 

“And? Anong dahilan ko kung bakit hindi ko siya gusto?” Hindi ko napigilang tanungin iyon. 

“Just simple, you said you don't like her kasi mas maarte pa siya sa 'yo. Ayaw mo na may mas maarte pa sa'yo sa pamamahay natin that's why ayaw mo siyang makilala.” 

What the! Napaka-isip bata naman talaga nitong si Luna. Pinalaki ba talaga 'to ng maayos ng mga magulang niya? 

Hindi na ako nakapagsalita pa kasi bigla akong nahiya sa mga pinagsasasabi ko kanina. Pahamak talaga kapag hindi ko alam ang sitwasyon. Kailangan ko pa lang mag doble ingat sa mga taong nakakasalamuha ko. 

“It's okay ate. I know that you don't mean that. I know what your true reason, kung bakit ayaw mong humarap sa kaniya. It is because you're---” 

“Bella! Stop it, okay. Hayaan mong siya ang makaalala ng dahilan niya.” Malumanay na sabi ni kuya. 

Dang! This memory loss made me really stupid in every situation. 

Bakit ba kasi ayaw na lang bumalik ng memorya. Yes, hindi sa 'kin ang memorya na 'yun pero katawan naman 'to ni Luna. 
Posible pa rin naman na buhay pa ang mga memorya niya katulad nalang no'ng naalala ko noong tinamaan ako ng kapangyarihan ni ama. 

Tumayo na ako matapos iyong sabihin ni kuya. 

“Una na ako. Hindi pa ako nakapag bihis e. Kakagaling ko lang sa labas, sinamahan ko si Sally.” Paliwanag ko. 

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na pero natigil din ng may pahabol na tanong si Kuya sa 'kin. Mukhang nasasanay na akong tawagin siya ng kuya. Well, kailangan ko talagang masanay simula ngayon. 

“Paano nga pala nagkasugat si Tazia sa leeg?” I rolled my eyes nang marinig ko ang tanong niya. 

Nakatalikod pa kasi ako kaya sigurado akong hindi nila iyon nakita. Humarap ako sa kanila na may mataray na tingin. 

“I did it. I'm sorry, sadyang nainis lang talaga ako sa kaniya dahil sinugatan niya ang mukha ko!” Inis kong turan tsaka tumalikod na uli at naglakad na. 

Kung hindi ako pinigilan ni butler Suzanne ay malamang sa malamang Blaze wala na ang girlfriend mo. Dalawang tao na sana ang napatay ko sa araw na 'to. Nang marating ko ang kwarto ko ay kaagad akong humiga sa kama. 

Napabuntong hininga ako. 

Hindi naman pala masyadong mahina ang katawan na 'to. Mabuti na nga lang at maayos pa ang balat ni Luna kahit na sa memorya na nakita ko ay puro pasa ang buong balat niya. 

Ayoko talaga na nasisira 'yung balat ko kasi ito talaga ang pinakaiingatan ng tunay kong ina noon. 

Tumayo na ako para mag-shower at nang makapag bihis na ako. Nanlalagkit kasi ang buong katawan ko sa ginawang labanan namin kanina nong Tazia. 

Paglabas ko ng shower room ay ang pagsulpot naman ni Sally na siyang ikinabigla ko ng bahagya. 

“Anak ng! Sally! Wag ka namang pasulpot-sulpot kung saan-saan!” Inis kong turan sa kanya. 

“Paumanhin, Miss Abi,” 

“Anong pakay mo?” tanong ko kaagad.

“Hindi po ba kayo nasugatan maliban sa daplis no'ng nasa mukha ninyo?” 

Umiling ako, “There's no need to worry, Sally. Wala akong ibang sugat maliban sa daplis sa mukha ko.” Panigurado ko sa kanya. 

Tumango-tango naman siya. 

“Good,“ she said. 

“Sally, pwede mo ba akong ilibot sa bahay? Gusto kong makita kung anong nasa likod e. Baka sakaling may memorya akong maalala kapag makapaglibot ako sa buong bahay.” pakiusap ko sa kanya. 

I am really curious. 

Noon ko pa 'to balak na itanong sa kanya nong time na kakatapak ko pa lang sa lugar na 'to but I didn't get the chance dahil na rin sa kalagayan ko noon. 

“Paumanhin Miss Abi, but I'm kinda busy today. Ipapasa ko pa 'tong papeles mo sa paaralan.” Sagot niya. 

Napasimangot naman ako sa naging sagot niya. Ayoko naman na ako lang ang maglilibot kasi baka maligaw pa ako at mapunta sa lugar na magagalit si Dad. 

Who knows baka may gano'n dito. Sawa na akong mapagalitan noh! 

“But I can tell Sue to tour you around here in the house. Suzanne is always available when it comes to you, Miss Abi. Hindi ka non tatanggihan.” 

Lumiwanag ang mukha sa sinabi niya. Napangiti pa nga ako. 

“Talaga? Asan siya ngayon?” 

“Nasa office niya. Baba ka lang sa ground floor tapos liko ka pakaliwa. May makikita kang office doon na may nakalagay 'For Butlers Only' sa pintuan.” 

Napatango ako sa sinabi niya. 

“Thank you!” 

Excited akong nagtungo sa baba. This time ginamit ko na talaga ang hagdan. Patakbo akong bumaba sa hagdan at 'di alintana kung mahuhulog man ako dahil sa bilis ng takbo ko. 

Nang makarating ay kumatok kaagad ako ng tatlong beses. 

“Come in,” 

Boses lalaki ang narinig ko pero 'di ko 'yun alintana at kaagad na binuksan ang pintuan. Nakangiti akong pumasok sa loob at isinara kaagad ang pintuan. Pagharap ko pa ay bigla kaagad na nawala ang ngiti ko. 

Bakit nandito ang lalaking 'to?The cocky guy. 

“Oh! Hello young lady Luna! How may I help you?” 

Masigla niyang bati sa 'kin na tumayo pa talaga at iniwan ang mga papeles na tinitingnan niya kanina sa may table niya. 

“Where's Butler Suzanne?” 

“She's not here.” 

“Where is she then?” Tanong ko pa. 

“Pinatawag siya ng dad mo. That's why ako muna ang in charge dito.” 

Sayang, si Suzanne pa naman ang naging pag-asa ko ngayon e. 

Bagsak balikat akong tumalikod sa lalakeng butler daw ni kuya. Ewan, nakalimutan ko pangalan niya e. 

“Ano bang pakay mo sa kanya? I can relay it to her if she'll return here.” Aniya. 

No. 

I don't trust him. He's so cocky at sigurado akong gagawa lang siya ng istorya na hindi naman makatotohanan.

“I humbly declined the offer. No thanks.“ pilit akong ngumiti sa kaniya at pinihit na ang door knob. 

“I can tour you around. That's your reason, right? That's why hinahanap mo si Sue kasi hindi ka magawang tanggihan no'n. Sally told you about that, right?” 

Is he a spy or something? May nilagay ba siyang bugging devices sa kwarto ko? Cctv or any kind of things na nagagamit niya to spy on us?

Nilingon ko siya't pinaningkitan ng mata.

“Paano mo nalaman?” Panunuri ko sa kanya. 

Tumayo naman siya ng tuwid and he runs his hand through his hair. 

“I know you young lady. Hindi mo lang talaga alam kung bakit kasi nawalan ka nga ng memorya.” Sabi niya.

Did I become close to this person too? I mean this Luna?

“Are we close too?” Diretso kong tanong sa kanya. 

“Of course, you're like a sister to me.” 

This time, his voice is so serious. I felt sadness in his voice and I don't know why but my heart was affected. 

Ngumiti siya ng malapad sa 'kin. 

“I can tour you around if you like but if you don't, I won't force you.” Seryoso na siya ngayon at mukhang nag-iba ang aura niya. 

Mas bagay pa pala sa kaniya maging cocky na lang. Hindi bagay sa kanya ang pagiging seryoso. 

“Lead the way then.” Sabi ko. 

Lumiwanag naman ang mukha niya. 

“Masusunod, Young Lady Luna.” 

Isang ngiti ang natanggap ko mula sa kaniya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto na hindi ko na inabala pa. Ang una naming pinuntahan ay ang ang likod talaga. Dumeretso kaagad siya doon na tahimik ko naman na sinundan. 

“By the way, ano nga uli pangalan mo?” 

“Roydein Rin. You can call me Roy.” Magalang niyang sagot. 

Now he sounded like a real butler. 

“So this area is the garden.” 

Namangha ako sa ganda ng mga bulaklak sa harden. Nagbigay galang naman kaagad sa 'min ang mga maids na nag-aayos ng mga bulaklak at iba pang halaman. 

“Dito ka nagkakalat noon. Kapag galit ka sa dad mo o di kaya'y naiinis ka sa Lola mo.” 

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi ako nakasagot. 

Patuloy lang kami sa paglalakad at bawat madaanan namin ay pinapaliwanag niya. Sinasamahan niya rin ng kaunting mga ala-ala na ginagawa ko raw noon. 

May swimming pool na napakalaki, may malaking lugar kung gusto mo maglaro ng sports like basketball, tennis, and so on. At ang pinaka-umagaw ng atensyon ko ay ang training hall. 

”This area, dito mo ginugugol ang oras mo sa pag-eensayo. In your dad's order.” seryoso niyang saad. 

“I know that there are a lot of painful memories here, but should I say that I am grateful kasi kahit papaano'y nalimutan mo ang mga ala-ala mo sa lugar na 'to.” 

So it must be really bad. Talagang torture talaga ang sinapit ni Luna sa training hall na ito. 

Malawak ang training hall na ito. May boxing ring sa gitna at sa mga gilid naman nito ay mga iilang weapons o gamit para sa pag-eensayo. 

Etong training hall lang naman talaga ang pakay ko e. Gusto ko lang talagang makita kasi hindi na ako makapag-antay na makapag-ensayong muli. 

“And I think napuntahan na natin lahat. Baka may gusto ka pang puntahan, sabihin mo lang.” Sabi niya. 

Umiling ako sa kanya. 

“Okay na, saulo ko na lahat ng lugar ngayon. Salamat sa tour.” 

“My pleasure, Lady Luna.” Magalang niyang ani. 

“Let's go to the kitchen. Ipagluluto kita ng meryenda.” 

Hindi ko inasahan ang naging alok niya. Tatanggi sana ako kaso gusto ko rin na matikman ang luto niya. Besides, gutom rin naman ako pero hindi naman sobra, sakto lang. 

Hindi na lang ako nagsalita pa at sumunod na lamang sa kaniya.


●∘◦❀◦∘●

Third person's Point of View 

Nang makaalis si Luna ay mabilis na umakyat si Blaze papunta sa office ng kanyang ama. 

Si Arabella naman ay nagtungo sa kanyang kwarto upang gawin ang takdang aralin nito. 

Nang makarating si Blaze sa office ng kaniyang ama ay kaagad na nakasalubong ang tingin nilang dalawa ni Tazia. 

Umupo siya sa tabi ng dalaga. Kaya naman kaharap na niya ngayon ang kanyang ama. 

“Tell me Dad. It was your plan all along right?” 

Kaagad na salita ni Blaze sa kaniyang ama. 

He knows that it was all an act. Alam niyang hindi-hindi susuway sa kaniya ang girlfriend niyang si Tazia. 

He believed that Tazia wouldn't act without his permission unless his dad told him to.

“I'm sorry Jin. Hindi na ako nakapag paalam sa 'yo because dad told me so.” ani Tazia sa kaniya. 

“Ano na naman bang pinaplano mo dad? Ba't palaging si Luna na lang ang pinagtitripan ninyo?” Galit niya uling ani sa kaniyang ama. 

Hindi naman siya sinagot ng kaniyang ama. Bagkus may pinakita lang ito sa kaniya na video sa laptop. 

“Watch your sibling. She almost killed me, Jin. I didn't use my full power on her kasi baka matuluyan ko siya kung ginawa ko iyon.” Paliwanag ni Tazia. 

“This is Luna, Jin. This is her ability that she's been hiding from us. I told you already, she's different. That's why hindi ko maintindihan kung bakit natalo siya ng mahihinang nilalang na iyon. I want to know what's her reason.” Ani ng kanyang ama. 

Blaze was so speechless nang makita niya ang footage. The Luna that he's watching right now is far from the Luna that he knows. 

Then he suddenly understands his dad's point. 

Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. He never did see Luna act like that. And based on his observation he concluded that the moves of Luna are based on its own experience. 

But he can't say it's a good thing na ginawa iyon ni Tazia. Galit pa rin siya dahil muntik nang mawala ang babaeng pakakasalan niya. 

“She almost killed you, Tazia. Paano na lang kung hindi siya pinigilan ni Suzanne? What do you think will happen huh!” Galit niyang turan sa girlfriend niya. 

“That's why I'm saying sorry to you. But as you can see, buhay pa naman ako kaya hayaan mo na lang 'yun, okay?” Malambing nitong sabi sa kaniya. 

He gave Tazia a death-glared bago niya tiningnan ang ama niya. 

“Dad, ba't sinali niyo pa si Tazia? Pwede naman 'yung ibang butler na lang.” galit pa rin niyang wika. 

Hindi niya kasi maatim na ang dalawang importanteng babae sa buhay niya ay nagpatayan and much worse muntik pang bawian ng buhay ang isa. 

“Tazia… she volunteered Jin. Don't you know?” Ani ng ama niya. 

Muli ay binigyan niya ng nakamamatay na tingin si Tazia. Ngumiti lang ito ng malambing sa kaniya tsaka siya nito niyakap na tinanggihan naman niya kaagad. 

“Sorry na Jin. Pero alam mo ba, hindi ko inaasahan na gano'n kagaling ang kapatid mo. Nag volunteer lang naman ako kasi hindi ako makapaniwala na may miyembro kayo na mahina. You know that all Quinn is strong kaya na curious lang talaga ako sa kapatid mo.” mahaba nitong paliwanag. 

Again, Blaze also can't blame Tazia. He knows that his fiancee is full of curiosity. Gagawin talaga ng fiancee niya ang mga bagay na curious nito to satisfy herself. 

Pero hindi pa rin niya maintindihan ang kaniyang ama. Noon pa man ay hindi niya talaga maintindihan kung bakit si Luna lang palagi ang pinagtutuunan nito ng pansin. 

Hindi sa nagseselos siya, hindi niya lang talaga alam kung bakit pinipilit ng ama niya na ipalabas ang kapangyarihan ni Luna kahit wala naman talagang kapangyarihan si Luna. 

Hula niya'y akala siguro ng ama niya'y tinatago lamang ni Luna ang totoo niyang kapangyarihan para hindi niya mabigyan ng trabaho ang dalaga. 

“Tell Luna to start her training tomorrow.” Ang huling sinabi ng kaniyang ama bago ito tumayo at nagtungo sa kaniyang table. 

─•~❉᯽❉~•─

Leave a vote and comment (⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
10.8K 436 28
[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawa...
65.3K 3.1K 37
Ang lahat ng mga tagapagmana ng apat na bayan ay nararapat pumasok at mag-aral sa akademyang ginawa para sa kanila. Sinasanay sila doon upang makont...
47.2K 1.3K 49
We all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could yo...