Premonition Of Love (Sauvetie...

By Applether

2K 216 329

Being the unfavored daughter and lady of the Moon's clan, Athanasia Harriette have seen what will happen to h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Special Chapter

Chapter 15

53 6 9
By Applether

Athanasia's POV

TAHIMIK akong sumunod sa kaniya paalis ng garden. Naguguluhan na rin ako sa sarili. Am I just doing this for me to be safe or for something else? To be honest, I don't know. Hindi ko na rin alam kung bakit ganito ang kinalalabasan ng mga plano ko.

Nakasunod lang ako sa likuran nya dahil hindi ko pa rin naman alam ang mga daan dito.

Tumuloy kami sa cafeteria ng school kung saan namin natagpuan ang ibang mga candidates na kumakain. Malaki ang cafeteria ng school na may tig-aapat na chairs ang bawat table habang may grand table kung saan nasa sampu ang chairs. Napalingon si dean sa amin kaya ngumiti ito.

"Oi kayo pala, let's eat"  ngumiti lang ako pabalik dahil mukhang wala namang balak magsalita ang isang ito.

Pero iisa na lang ang bakanteng upuan sa lamesa nila.
Nakaupo sila sa dalawang grand table ang kaso ay masyado kaming marami.

Ngumiti si Riri nang makita si Sirius kaya napangiwi ako. She patted the vacant seat beside her as she speaks. Gusto niyang umupo si Sirius sa tabi nya.

"Dito ka na Sirius" she said. Napataas ang isa kong kilay sa sinabi nito pero wala ako sa mood ngayon na makipag-asaran sa kaniya kaya tinanguan ko lang si Sirius bago iniwan sa pwesto niya.

Pumunta ako sa lamesa na good for four people only. Sana ay walang umupo dahil I'm not really in a mood at these moment. Wala naman kaseng table na pang-isahan lang. Hindi introvert friendly ang cafeteria, sayang introvert pa naman ako. Dejokelang.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang kalagayan.
Nagsisimula na akong magtanong sa sarili sa mga pinagagagawa ko. Tama pa ba ito?

Masyado na ba akong nagiging desperada para mabuhay? Napahilamos ako ng mukha.

'Oh God I'm sorry for using others for my safety' I murmured. I feel bad right now. Susuko na yata ako. Parang biglang nawala ang fighting spirit ko. Bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito? Para mabuhay?

Napasabunot ako sa sarili ngunit siniguro kong ako lang ang makakakita. Good thing nasa sulok ang iisang lamesa na ito. Idinukdok ko ang ulo sa lamesa. Arghh, I suddenly felt empty.

Pipikit na sana ako nang maramdaman ang pag-usog ng upuan sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin sa taong umupo doon. Blangko ang ekspresyon nito ngunit parang may kung-ano akong naramdaman nang makita sya. Bakit nandito ang yelong 'to?

Tumikhim ako at umayos ng upo. Pagkatapos ay ngumiti ako nang malaki. Kulay vintage brown ang lamesa at upuan habang may maliit na halaman sa gitna.

"Bakit ka nandito iceyelo?" saad ko. Inuga-uga ko ang paa para mawala ang pagka-ilang. He's just staring at me ... blankly as usual. Hindi ko nga alam kung marunong ba itong ngumiti e.

"To eat" prankang sabi nito kaya napangiwi ako. Alam kong kakain, kaya nga cafeteria diba? What I mean is, hindi ba't tinawag sya ni Riri kanina? Sabagay, okay na rin 'yon. He just choose  to be with his legal wife. Dejokelang.

Napahalumbaba ako. Now that he is here, ano nang gagawin ko?

"Are you sick?" tanong nito. Natatawa akong tumingin sa kaniya pero napatikhim ako nang makitang seryoso pala siya sa tanong nya. I composed myself at umayos muli ng upo.

Umiling ako. Hanggang ngayon naniniwala pa rin sya sa sinabi ko. How to unsaid?

Napakamot ako sa ulo.
"I'm just sleepy lang kanina" saad ko. He didn't respond.

"Are you annoyed?" tanong ko. I'm not feeling well, maybe he's not really comfortable with what I am doing. Palagi ko syang kinukulit. Wala naman akong pakealam doon pero,  paano kung hindi ko na talaga mabago ang mangyayari?

What if I am really destined to die? What would I do now? Go with the flow? That's kinda boring though.

"Hmm" he answered. I pouted. Sabi ko na, annoying ako. Pero ayos lang, totoo naman.

"Do you want me to stop?" I weakly asked. Tatanggapin ko na lang ba ang mangyayari? He looked at me with his serious face, magkadugtong ang kilay niya kaya natawa ako nang mahina. Ang cute.

I was about to speak again when someone intruded.

"I'm sorry but can I sit here?" pareho kaming napalingon sa lalaking biglang sumulpot sa aming gilid. May kataasan din ito pero mas mataas si Sirius. Kulay itim ang mata nito habang brown naman ang kanyang buhok. His wearing our uniform underneath a white cardigan.

Inilibot ko ang paningin ngunit meron pa namang bakanteng lamesa. Ayaw nya bang mag-isa. Hindi nya ba nakikitang nagm-moment kami ni Sirius? Dijokelang.

Alanganin akong tumango bago tumingin kay Sirius na nakataas na naman ang isang kilay sa akin. Bigla akong nailang dahil may kasama kami sa table, hindi na tuloy namin natapos ang pag-uusap.

"I'm Cai, and you are?" napalingon ako sa lalaki nang bigla itong magsalita. He's smiling sweetly at us kaya lihim akong napangiwi. Narinig ko ang pagtili ng ilang kababaihan nang ngumiti ito.

Inilahad nito ang kamay sa akin. Hindi ko sana tatanggapin nang maalalang I am running for president nga pala. First impression is important. Mangangampanya na ba ako?

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nito.
"Athanasia Harriette" saad ko.

Blagg*

Napalingon ako kay Sirius nang ibinagsak nito ang kamay sa lamesa. Bumitaw ako kay Cai. Sirius is staring at me with his dark aura, malamig na naman ang mata nito at bahagyang nakakuyom ang kamao. I gulped.

Bakit ang sama ng tingin niya sa akin? Moody  talaga 'to.

"Order lang ako, kayo anong gusto nyo? I volunteer" nakangiting sabi ni Cai. Mabait na bata.

Napaisip ako.
"French fries at soft drinks lang sa'kin" saad ko. Tinatamad din akong tumayo kaya ayos na rin na lumapit sya sa amin, mweheheh.

Inilapag ko sa lamesa ang perang pambayad. I have received my monthly allowance from my dad kanina. Mabuti naman at tumutupad sila sa usapan.

Bumaling ako kay Sirius.
"Ikaw hon anong gusto mo?" I smirked as I moved my eye brows at him up and down. Biglang nawala ang malamig na aura na pumapapalibot sa kaniya kaya nagtaka ako. Bipolar nga pala ang isang 'to.

"Coffee" saad nito. Me'ron ba nun dito? Itinagilid ko ang ulo habang nakatingin pa rin sa kanya. Naglapag din ito ng bayad sa lamesa.

"Sige, punta na ako" saad ni Cai at tumayo na.
Pumila ito sa pinakang huli dahil medyo mahaba ang pila. Parang nakonsensya tuloy ako bigla, paniguradong nakangangalay ang pila. Teka, may konsensya pala ako? Dejokelang.

"Ang haba pala ng pila, kawawa naman" saad ko at humalumbaba habang nakasunod ang tingin sa likod ni Cai. Nakakapagtaka ang pagka-friendly nya. He's suspicious pero hindi naman ako kinakabahan.

Ngumingiti ito sa mga taong nasa paligid niya kaya medyo umingay ang paligid.

'Diba yan yung transfereee?'
'Oo, ang pogi!'
'New crush!'

Mga bulungan sa paligid.
Marami ang nakatingin dito habang nasa pila dahil maitsura rin ito. Hindi na nakakapagtaka 'yon. Maraming ganyan dito sa  academy. Fangirl.

"Dapat siguro tayo na lang ang nag-order ng para sa atin" saad ko habang nakatingin pa rin sa pila.

"Let him, he's the one who volunteered, kaya niya ang sarili niya Athanasia" nanigas ako sa kinauupuan nang bigla itong magsalita. Mariin at may bahid nang pagkainis na saad nito. Napanganga ako sa kaniya. 13 words 'yon, at may tagalog pa!

"D-did you just talk?" nauutal kong saad. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Natigilan ito at umiwas ng tingin.

"Tsssk" he hissed. Napahawak ako sa lamesa at tumayo. He looked at me confused.

"Woaahh! Ikaw ba 'yan? Ang galing mo love!" sigaw ko na may halong pang-aasar. Nag thumbs-up pa ako sa kaniya at kumindat. Bagong endearment na naman ang nahalungkat ko sa aking mahiwagang vocabulary.

Tinaasan lang ako nito ng isang kilay kaya natuptop ako. Doon ko lang na realize na halos lahat ay nakatingin sa aming dalawa. Pati si Cai ay kumunot ang noo at natigilan. Napalakas pala ang sinabi ko!

Bagong kahihiyan na naman sa buhay Athanasia!

Bumalik ako sa pagkakaupo bago tumikhim. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaingayan ko.
Nakagat ko ang labi sa kahihiyan, mabuti na lang at nagsimula nang mag-ingay ang paligid.

I was about to get calm but I heard he chuckled softly kaya napalingon ako sa kaniya ngunit taliwas sa aking inaasahan ay wala itong reakyson.  Akala ko tumawa siya nang mahina. Nagh-hallucinate na naman ako.

"Here" saad nang kararating lang na si Cai. Inilapag nito ang mga pagkain na ipinabili namin. Hindi kagaya kanina naging tahimik ito at medyo matamlay. Anong nangyari sa kaniya?

Nakakapagtakang nakabalik agad siya sa haba ng pila. Siguro ay pinauna na siya ng mga babaeng nakapila.

"Okay ka lang?" tanong ko. He looked at me then he smile a little, hindi rin kasing sigla nang sa kanina.

"I'm fine" saad nito kaya nagkibit balikat ako at nagsimulang kumain ng french fries. Wala akong ganang kumain ng heavy meals kaya ito na lang ang naisip ko.

To be honest this is my first time to eat one. Hindi ako pinapalabas noon kaya ngayon lang ako nakakain ng mga ganito. They are cruel, paano nila nagawang hindi ako patikimin ng pagkain sa labas. Umaii.

The taste of the french fries savor my tongue. It's mouth watering and taste really good. Now, I want more.

Nasa gitna ako ng pagkain nang may lumapit sa aming studyante.

"Kailangan na raw po ang mga shareholders sa court" saad nito. Napatingin ako kay Sirius. Hindi pa sya tapos mag kape pero mukhang wala syang choice kundi ang pumunta doon. He sighed.

"Tawag ka na, okay lang 'yan iceyelo, coffee na lang tayo sa inyo" natatawa kong biro. Of course I'm just joking, baka tustahin na ako ng ama ko dahil hindi na ako halos nagtatagal sa bahay.

"Let's go" seryosong saad nito. Napangiwi ako sa kasungitan nito. Napapansin ko ring favorite word na rin niya ang 'let's go' kapag kasama ko sya.

"Pero hindi pa ako–" hindi na ako natapos sa pagsasalita nang putulin nito ang sinasabi ko. Aba't!

"Then bring it" saad niya. Wala akong nagawa kundi ang kuhanin ang french fries sa lamesa para dalahin. Inaatake na naman siya ng kasungitan dahil sinamaan nito ng tingin si Cai nang tulungan ako nito.

Napakamoody talaga!
Nakakalito ang attitude na ipinapakita niya.

Labis na naguguluhan–Athanasia.

Continue Reading

You'll Also Like

494K 27K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.9M 113K 42
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
788K 80.8K 29
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...