KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 62

15.4K 415 382
By Zoenia_01

Paint Cenery

WALANG tigil sa pag dausdos ang mga likido mula sa mga mata ko. Halos mapatakbo na ako pabalik sa table namin ni Bite dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko.

"What happened?" puno nang pag alalang tanong ni Bite.

I bit my lower lip. "Uwi na tayo, please."

He didn't say any word basta iginiya niya na ako palabas ng restaurant. Sa iglap, nawala lahat ng gutom na naramdaman ko napalitan ng matinding sakit.

I felt a dagger in my heart. Parang kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag agos din ng dugo mula naman sa puso ko.

Ang sakit-sakit.

Wala akong magawa, pakiramdam ko wala akong karapatan mag habol sakanila dahil matagal ko ng iniwan ang buhay ni Paint at kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari 'yon.

Kahit pa sabihin na hindi naman talaga kami ang nagpadala sa pekeng Paint na 'yun. Still,
Ipinaubaya ko na ang dati kong buhay sakaniya. Ang kapal naman ng mukha kong kunin ito muli sakaniya dahil lang babalik na ako.

Kahit pa alam ni Roks ang tungkol saakin. Satingin ko mas pipiliin niya pa rin 'yung pekeng Paint na 'yon dahil may anak din sila.

Paniguradong mas pipiliin niya ang anak niya sakaniya kaysa saakin. Ayokong dumating sa point na kailangan niya pang ipa DNA test ang anak namin para lang tanggapin niya ito.

Ayokong kaawan nila ang anak ko at mas lalo ayokong mag beg ang anak ko sa attention niya.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya ay wala akong tigil kaiiyak. Hindi ko nasabi kay Bite ang totoo kung bakit ako umiyak. Hindi na rin naman siya nagtanong, hinayaan niya lang akong umiyak.

Mabuti nalang talaga ay nakatulog din ako kaagad dahil na rin sa matinding pagod. Kaya paggising ko ay sobrang namamaga ang mga mata ko.

Sobrang na appreciate ko rin si Bite kasi talagang paggising ko ay may breakfast na. I've heard na siya lahat ng cook nito para saakin. Ready na rin 'yung mga vitamins na tinatake ko. He's trying to lighten up the mood too.

"Cat.." nag angat ako nang tingin sakaniya nang lumapit siya.

I'm here in the veranda. Nagmumuni-muni at lumalanghap ng sariwang hangin. Well, hacienda kasi 'tong bahay ni Bite dito tapos sobrang daming puno rin kaya sobrang relaxing din talaga.

"Hmm?

"Do you want to go somewhere?"

"Hindi, I'm good."

He smiled. "Tell me, kung gusto mo lumabas. I'll accompany you."

I just nodded. "And also. My wife and our son will soon be here."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?!"

"Hmm. My son wants to meet you." he smiled.

Bigla ako nakaramdam ng matinding excitement dahil sawakas makikita ko na ang family niya na matagal niyang tinatago saakin—ay hindi niya pala tinago. Hindi lang pala ako nagtatanong kaya hindi niya sinabi. Bwisit!

"Teka, I'll just take a bath! I want to go to mall din to buy gifts for them especially for my nephew."

"Ok."

Agad akong naligo at pagkatapos ay nagtungo na ako agad ng mall dahil bandang hapon dadating na sila.

I'm with bodyguards pero syempre nakakalat lang sila. Hindi ko pinasama si Bite para kung sakaling biglang dumating ang pamilya ay nandoon siya para asikasuhin sila.

I planned to shop lang for my sister-in-law and nephew pero napabili na rin ako nang mga pang baby stuff.

I don't know but I feel so sad. May naalala kasi ako sa ganito. Noong namimili kami ng damit ni Roksie.

Lumapit na saakin ang dalawang bodyguards para bitbitin ang mga sandamak-mak na paper bags na hawak ko.

I bought a bunch of toys nalang for my nephew since 'di ko alam size ng damit niya while kay sister-in-law ay gold necklace.

Nakaramdam ako ng gutom nang matapos ako sa pag s-shopping ko dahil mahigit tatlong oras din ako paikot-ikot sa mall mabuti nalang talaga hindi ako sinumpong ng hilo ko.

Balak ko na sana pumasok sa isang cafe pa para tumambay sandali pero nag text saakin si Bite na nandon na raw ang mag ina niya.

Kaya hindi na ako tuloy, agad akong nagmadaling umuwi.

Nang makarating ako ay halos takbuhin ko na ang pintuan dahil sa sobrang excited and I saw Bite playing with his son.

"Bite!" I called his attention pero napatingin na rin ang batang lalaki.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang itsura nang bata. He's like Bite's mini me. Sobrang hawig niya ang anak niya!

I wonder sino magiging kamukha ng anak ko. Ang tatay niya ba o ako? Well mas pipiliin ko nang maging kamukha siya ni Roks at makuha 'yung grey eyes niya.

"Gnaw, she's here." lumaki ang ngiti ng bata at gaya ni Bite ay napakalalim din ng dimples ng bata ang kaibihan lang ay magkabila ang meron siya samantalang si Bite sa left side lang.

Tumakbo siya palapit saakin. "Auntie!" parang may pag ka aussie pa ang accent niya.

Hanggang legs ko lang siya kaya naman 'yon ang niyakap niya. Natatawa akong lumuhod para yakapin siya ng ayos. "Hi baby.."

"I always saw your picture with Dad. You're so pretty in person, Aunt!"

"Really?" sobrang straight and white ng baby teeth niya. Mostly kapag ganitong edad ay sira na ang ngipin pero siya sobrang healthy pa.

"Do you understand tagalog?"

"Yes po, I can speak and understand tagalog."

"Hays, salamat. Malapit na mag bleed ang nose ni Tita, eh!"

He just laughed. I pinched his cheeks. "Pwede bang Tita nalang? Ayoko ng Auntie, parang pang matanda."

"What's the difference?" sabat ni Bite kaya sinamaan ko siya ng Tingin.

"How old are you? Tara, let's sit muna." Iginiya ko siya papunta sa couch kung saan sila nakaupo.

"I'm turning 6 this year po! This December. Make sure to come, Tita. My birthday theme is marvels po!"

"Ofcourse! Pupunta ako. So you like marvels, huh? Who's your favorite character?"

"Iron Man po!"

I giggles. He's so cute. Ang sarap pisilin ng pisnge niya sa sobrang ka cute-an niya. Sobrang bibo niya rin and masasabi mo rin napakagalang niyang bata.

I admire her Mom. Hindi nila madalas kasama si Bite pero nagawa niyang palakihin ng ganito ang anak niya. Saksi naman ako do'n, Bite is workaholic tapos magkalayo pa sila sa isa't-isa.

"Gnaw, Tita has a baby insides her tummy. That's your cousin."

Namilog ang mga mata niya. "Wow, I'm having a playmate soon?" He looks so excited.

"Yes, baby."

"Can I touch it po, Tita? My cousin is a boy or girl?" I let him touch my small baby bump.

"We don't know yet," usal ko.

"What's the baby name?"

"I'm thinking pa."

"I only have 1 cousin. His name is Haron. His Mom, Auntie Paper is very strict that's why we can't play. I only play with myself only." He pouted.

Tita Paper?

Napatingin ako kay Bite na nakatingin na rin pala saakin.

"Really?" tanong ko pero ang titig ko ay na kay Bite lang.

Alam ko maraming may gano'n pangalan pero hindi ko maiwasan mag isip kung 'yung Paper bang sinasabi niya ay Paper na Ate ni Roks.

"Yes, I hope you're not masungit just like Auntie Paper. She only wants us to study and study and study!"

"Don't say that, Gnaw," maotoridad na usal ni Bite.

Napasiksik tuloy saakin ang Bata dahil kala niya galit ang Dad niya. "Don't worry baby, I'm not like that. I hate studying, I only want to do is to play and play and play."

"Cat!" bawal ni Bite kaya natawa ako.

"Haha kidding! Ofcourse, kailangan mo rin mag aral pero syempre play-play din minsin 'di ba? Hahaha."

Pareho kaming natawa ni Gnaw dahil nag agree kami sa isa't-isa. "Dad, where's Mom?"

"Probably in our room. Why?"

Our room? Shet! Taray! Hindi talaga ako mapakaniwala na lover boy din pala ang lalaking 'to.

"Mommy wants to meet her because she misses Tita so much."

Napangiti ako nang hilaw. Ni hindi ko pa na meet ang Mommy niya pero miss na niya ako? Haha. Don't tell me kakilala ko 'yung asawa ni Bite. Worst baka kaibigan ko pala ha?

"Really?"

"Yes! I'll call my Mommy." tatakbo na sana siya papunta nang hagdan pero nakita niya na Mommy niyang nakatingin lang saamin.

"Oh Mommy! Look, that's my mommy!" tinuro niya ang hagdan kung saan pababa ang Mommy niya.

"Derin?!" gulat na saad ko nang makita ko nang ayos ang mukha ng babae.

"Yes that's my Mom's name, Tita!"

Napatingin ako kay Bite na seryoso ang lang ang expresyon nito na nakatingin sa asawa at pagkatapos ay napatingin ulit ako kay Derin na nakataas ang gilid ng labi.

Tuluyan nang nakababa si Derin sa hagdan. I knew it, kaya parang pamilyar si Gnaw. Not because kamukha siya ni Bite, I saw them in the mall. Noong nag s-shopping kami ni Bite.

"Mommy! This is Tita Cat!" lumapit si Gnaw sa Mommy niya at iginiya pa palapit saakin.

"I know, sweetheart." she smiled sweetly.

"Hello, Paint." nakipag beso siya saakin pero ako naninigas na sa kinatatayuan ko.

Ok, what the hell is happening?

Is this a prank?

Niloloko na naman ba nila ako?

"Paint?" takang tanong ni Gnaw.

"Her real name si Paint, baby. Cat is just her nickname." naupo siya sa tabi ni Bite at kinandong si Gnaw.

They really look like a family!

Now, nag s-sink na talaga sa utak ko na pamilyado na si Bite at 'di ko inaasahan na kay Derin pa.

Natutulala lang ako sakanilang mag anak. Pasalit-salit ang tingin ko sakanila kaya naman natatawa lang si Derin at may binulong pa kay Bite na napangiti lang din sakaniya.

"Uh-ahh, Gnaw. I-I have something for you," pagbabasag ko sa katahimikan at sinenyasan ang mga bodyguards na ibigay ang paper bags sakanila.

"And to you also, Derin."

"Really? Thanks Tita!" he hugged me.

"Thank you, sister-in-law." madiin usal niya. Satingin ko ay inaasar niya ako. D-mn, ganito ba talaga kaliit ang mundo?

Pinaliitan ko lang siya nang mata kaya mas lalo lang itong napangiti.

"Gnaw, Is it ok if you play with your Nanny first. Mag uusap lang kami ng Tita mo," usal ni Derin.

Sinenyasan ni Derin na lumapit ang isang babae saamin.

Tumango naman si Gnaw. "Alright, see you later, Tita! Thank you again po." kinuha nila ang mga paper bags at nagtungo na sila papunta sa taas.

At nang matapos na ay napatingin ako kina Bite and Derin na naghihintay lang saakin.

Huminga ako ng malalim. "First off all, paano?"

Nagkatinginan pa silang dalawa na para bang nag tuturuan pa sino ang mag k-kwento. Kaya iritado akong humalukipkip.

"Derin, ikaw 'yun 'di ba? 'Yung nasa mall? Kasama si Gnaw?"

"Yes."

Nagtiim ang bagang ko dahil naalala ko exactly 'yung nangyari noong araw na 'yun.
"Tapos ikaw sinasabi mo nagmamalikmata lang ako!" tinuro ko si Bite.

"I don't know that they are in mall that time."

"I didn't tell him, nagkataon lang na namimili rin kami and then I saw you," sabat ni Derin.

"Why you didn't tell me? Sana nilapitan mo ako. Hoy Paint, long time no see. Kasama mo ba ang husband ko?"

"Why would I ask that?" nakangiwi niyang usal.

Bumuntong hininga ako. "You're working for Montego, right? So paano kayo naging mag karelasyon?! Edi you know about me simula pa noon? Alam ba ng Montego 'to? Alam ba ni Roks simula't sapul?"

"I'm working for CIA and I'm working for MISA too. And nope, Montego doesn't about know your situation. Recently lang din nila nalaman."

What do you mean recently lang nalaman? Traydor ba siya? Bakit siya nag t-trabaho sa dalawang 'yon?

"Tell me. Paano nangyari ang mga 'to? Is it a plan?"

They nodded.

"I married Derin because of you."

Napakunot ang noo ko. "My mom is a victim of rape too. Same situation just like your Mom. Pinagsamantalahan ang nanay natin para gawan ng video at ibenta sa black market. Inalila niya ng ilang buwan at nang magsawa siya papatapon niya na ang mga 'to at papatay. Swerte lang at nakatakas ang mga nanay natin.."

"What the f-ck?" seryoso ba 'to? Talaga bang may gumagawa ng ganitong kahayupan?

"Gaya mo, ako ang bunga nito. Nag hahanap noon ang nanay ko ng trabaho and someone offered her na mag call center nalang madali lang daw makapasok sa company nila but nang araw na maiinterview na si Nanay ay hindi na siya umuwi sakanila. Ilang months siyang nawala. Ang akala ng Lola ko nakipag tanan siya pero na kidnapped na pala 'to."

"Hindi ko na rin alam kung anong nangyaru. Kung paano sila nakataas noon but nabanggit ng Nanay ko na may naisama siyang babae para makatakas. At 'yung babaeng 'yun ang gustong-gusto ng ama natin. And I bet that's your Mom."

"Nakatakas sila pero 'di kalaunan ay nagkahiwalay din agad dahil hinahabol sila ng mga tauhan ng ama natin. Nawalan na ng balita si Nanay kay Tita Aliana. Nagtago siya at mas pinili niyang mag trabaho nalang sa bar para ibenta ang sarili at dalhin sa ibang bansa. Nagkakila siya ng foreigner at pinakasalan agad siya dinala na sa UK at nang malaman ng foreigner na buntis siya sa nakipaghiwalay din siya sa Nanay ko. Pinalayas siya, buntis— she was homeless and don't have any enough money."

"Tinaguyod niya ako mag isa ng higit dalawang taon until she met a billionaire. He married my mother. Tumayo rin siya na bilang ama ko. But he died because of a sniper. May mga taksil sa tauhan niya."

"Dinamdam ng nanay ko. And 'di kalaunan ay inatake siya sa puso. And I was left alone. I'm just 12 years old that time. Wala akong kaalamalam sa mga nangyayari. Paniguradong wala ako rito ngayon kung hindi ko nabasa ang Diary ng Nanay ko."

"Sinulat niya lahat nang karanasan niya doon. Dahil hindi siya makapag sumbong sa mga pulis. Bata palang ako pinagaaralan ko na kung ano ang mga bagay-bagay na tinutukoy ni Nanay sa diary niya. I'm lucky enough dahil iniwan ng step-father ko ang lahat ng ari-arian at kayamanan niya saakin dahil wala 'tong anak."

"I used that money to Investigate everything . And I found out how disgusting our father is. Marami siyang nabiktima ngunit halos patay na ang mga 'to at hindi man lang nakamtam ang hustisya. Patuloy pa rin ako sa paghahanap hanggang sa nakakuha ako ng impormasyon na may matagal ng hinahanap ang demonyong 'yun na isang babae. He's so eager to find her, I don't understand why. Is he inlove with her or it's a pure obsession? Kasi may asawa na siya.."

"And that girl is your Mom, sa lahat ng naging laruan niya ang Nanay mo ang pinaka paborito niya sa lahat dahil malaki ang kinikita niya rito. At naalala ko rin na siya ang sinasabi ni Nanay na nakasama niyang tumakaas noon kaya hindi na ako nag sayang ng oras at hinanap ko rin kung sino 'yun pero hindi ko mahanap. Ilang taon ang ginugol ko pero wala akong mahanap and I found out na may pumoprotekta sakaniya—and that's the Montegos." sumulyap siya kay Derin na tumatango lanh.

"Inimbestigahan ko kung sino ang mga Montego kasabay noon ay nalaman ko rin na may anak pala ang babaeng na biktima. Ikaw Paint. I don't know what to feel. Dahil nalaman kong may kapatid pala ako. I'm happy—I wanted to meet you. But nang hanapin kita ay nakita ko na pinalilibutan ka nang mga Montego gaya ng Nanay mo. Dahil hindi lang pala ang Nanay mo ang habol ng ama natin kung hindi pati ikaw.."

"And I'm so curious bakit Montego ang nag p-protekta sainyo hanggang sa napag alam ko na matagal na nilang iimbestigahan ang mga illegal na gawain sa black market. Isa ang ama natin sa may pinaka malaking pangalan sa darkweb. Isa siya dahilan bakit nagagawang makalusot ang mga illegal na gawain na ito sa buong mundo. Lalo na dito sa Pinas."

Napailing-iling ako dahil sa mga nalaman ko sakaniya. Hindi ko inaasahan na may ganito pang pangyayari.

"I don't understand at first bakit kailangan ka nila. Ni hindi mo nga alam ang tungkol sa ama natin. I thought they will cause you a harm. But nang malaman kong pinprotektahan ka naman ng mga Montego mula sa ama natin. Umalis na ako sa senaryo. Gustong-gusto ka kasi mahanap ng ama natin dahil walang magmamana ng mga gawain niya. Wala siyang anak. At hindi niya alam ang tungkol saakin. Bukod tanging ang alam niya lang ay ang tungkol sa'yo at isa pa sa Nanay mo lang talaga siya interesado."

What the hell?

"Simula nang tumungtong ka ng 18 ay siya rin kumalat ang balita tungkol sa'yo. Si Deam ang kauna-unahang naassign sa'yo para protektahan ka," sambit ni Derin.

"I'm just watching from a far. Dahil alam kong mapapabuti naman ang kalagayan mo but I promise to myself na e-eksena ako kapag may nangyari ng masama sa kapatid ko," wika naman ni Bite.

"Everything is smooth. Wala pa kasing alam ang ama natin kung nasaan kayo at ang nanay mo pero nagkaroon ng pag t-traydor sa loob MISA. Nalabas ang balita tungkol sa'yo kaya nalaman ng Tatay mo," ani Derin.

"Bakit hindi niya alam ang tungkol sayo? Bakit hindi ka niya hinanap or what? Kasi saating dalawa ikaw ang lalaki mas sayo nga dapat siya interesado."

"Nope, ang akala din kasi nila isang babae lang ang nakatakas and that's your Mom."

"Kung gano'n bakit hindi niya nalang akong kidnapin o ano? Bakit kailangan niya gawin ang lahat ng 'to?" takang tanong ko.

"They will not harm you. Ikaw lang ang iisang anak niya. And alam niyang protektado ka at hinding-hindi ka nila basta makukuha."

"Si Deam ang unang naassign sa'yo but
Montego decided to remove him at ipalit si Roks. They want Roks to handle this big case para naman bumalik loob din siya sa pagt-trabaho. Kung nakwento na sa'yo,  mayagal din kasing nawala si Roks. He stop working for almost 5 years for a girl that doesnt even love him."

Oh, Si Atarah.

"Wait—h'wag kang iiyak. Marami pa ako sasabihin. Ano tutuloy ko pa ba?" tanong ni Derin dahil napansin niyang nangingilid luha na ako.

Tumango ako mabilis na pinunasan ang nga mata ko. "Ayaw ni Roks na kuhanin ang misyon na 'to mula kay Deam. But he had no choice, hinding-hindi na siya makakabalik sa militar kung hindi niya tatangapin ang misyon na 'to."

So sinasabi niya bang tama nga ang hinala ko na it's all about mission at hindi naman talaga ako minahal ni Roks.

"You first met him sa bar. You tried to steal from him. Nandon ako, pinanood ko lahat. I offer you a drink 'di ba? Pero hindi pa aware si Roks noong araw na 'yon tungkol sa'yo." sambi ni Bite.

"Wala siyang kaalam-alam na ikaw ang misyon niya. Hanggang sa nakumpirma niya 'yung nagnakaw pala sakaniya ay siya rin ang misyon niya."

Napayuko lang ako.

"Gusto kong mapalapit sa Montego. I want to know if pure ang intention nila sainyo and do'n na meet ko si Derin. Ako aminado ako na gusto kong gamitin siya but I fell harder.."

Napaangat muli ako ng tingin sakanila.

"Kaya ba sabi ni Roks noon engaged ka na?" tanong ko kay Derin.

She smiled and nodded. "Yeah. I'm engaged to him. I know he doesn't like me. And I sense na may kailangan siya saakin so hinayaan ko siya. He gave me a good sex naman so I don't mind."

"Hon.." bawal sakaniya ni Bite.

"We're fuck buddies kasi." kaswal na sambit niya.

Too much information na! "O-oh ok?"

"And ang batang na meet mo kanina ang bunga. So he married me. Wala eh, gusto lagi mag raw ayan nabuntis tuloy."

Napahawak ako sa sintido ko. Bakit gano'n story nila? I mean si Bite and Derin f-ck buddies and then may nabuo kaya nagpakasal?

"Because of your baby?" ulit ko pa dahil ako makapaniwala.

"Yes."

"So there's no love afterall? Pure sex?"

"Meron no, patay na patay na saakin 'yan ngayon." taas noong sambit ni Derin.

"And that's our lovestory. Pero I know gusto mo malaman ang nangyari 6 years ago."

Gusto ko pang malaman ang kwento nila hindi ko magawang magtanong. Masyado na akong maraming nalaman today. I don't think kaya siyang ihandle ng utak ko.

"I don't know if I'm in the right podition to tell this pero gusto ko lang naman linisin na rin ang pangalan ni Roks. Not because pinsan ko but dahil alam kong pure ang intention niya sa'yo."

"Okay lang ba sabihin ko? Hindi naman lahat masasabi ko but I hope makinig ka ng maigi, okay?"

I nodded.

"Well, as he said. Hindi naman talaga gusto ni Roks ang misyon na 'to. Lalo na nang malaman niya na ayaw din ibigay ni Deam sakaniya. Well, my brother likes you. Alam mo naman 'yon 'di ba?"

Nahihiya muli akong tumango.

"May mas malaking oportunidad ang nanghihintay para kay Deam kaya naman gusto ng parents ni Roks na sakaniya nalang din ibigay 'tong misyon dahil kakabalik lang ni Roks and para rin malibang na siya at tuluyan ng maka move on kay Atarah."

Napaawang ang labi ko.

"Opps, huwag ka munang mag react diyan. Naka move on na siya noon pa. Pero kasi para lang maprevent ulit 'yung ginagawa niyang pag sakripisyo para sa love ay binalik siya sa isang mahirap at madugong misyon. Grabe kasi magmahal 'yon, eh."

"Ang gusto nila ay maging kaibigan ka ni Roks. Gusto nila mapanatag ka kay Roks hindi para utuin ka o ano. Ginagawa ni Roks 'yon para protektahan ka sa Daddy mo. DonMt be offended ha pero hindi mo naman madedeny na gumagawa ka ng krimen. Hindi malabo na kapag kinuha ka ng Tatay mo ay susunod ka ka sa lahat ng sasabihin niya. Knowing na gagawin mo ang lahat sa para sa pamilya mo.
Kaya bago 'yun maunahan ay gumawa na kami ng aksyon. Tinulungan ka at niprotektahan ang pamilya mo para walang magamit na alas ang tatay mo laban sa'yo."

"Ang sabi kasi, kaibiganin ka lang at protektahan. Pero jinowa ka pala. And that's odd. Kasi hindi ka naman niya mahal o ano. He never been in a relationship. Kahit nga kay Atarah, eh. Minsan na nga lang siya nagkagusto hindi pa nag work." naiiling niyang usal.

"At ayun na nga. Hanggang sa tama ang hinala namin. Mahal ka pala talaga niya. Nagiging tanga si Roks kapag masyadong nalulong sa pag ibig. He's being reckless sa lahat ng action niya. Your father is powerful. At tingin ni Roks kayang-kaya niya pabagsakin ng mag isa 'yun. And ilang beses nagkakaroon ng ingkwentro laban sa tauhan ng ama mo. Hindi mo alam 'yun? Dahil ayaw niyang malaman mo."

He's inlove with me? He loved me truly?

"Alam niya kung ano pinagdaanan mo noon. He doesnt want to stress you. Ni away niyang malaman mo ang mga gano'n bagay dahil alam niyang mag iisip ka na naman. He just want to give you a better life. Hindi nag o-overthink o matakot. Gusto niya maging masaya ka lang. Kasi you deserve it pagkatapos nang mga nangyari sa'yo noon. It's time for you to be happy naman. Ayaw ka na niyang mapagod kakaisip sa panibagong problema.."

Nagsimula nang magsituluan ang mga mata ko. Parang pinipiga ang puso ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Alam mo ba na ama mo ang may pakana kung bakit makukulong ka? Siya ang gumawa ng paraan para madiin ko. Dahil hindi ka nila nakuha sa mabait na paraan kaya naman alam nila na kakapit ka s patalim para lang makalaya."

"Hinahanap mo si Roks 'di ha? Wala. They tried to kill Roks. Papunta siya no'n sa'yo pero ang sinasakyan niyang sasakyan ay may bomba. Sumabog 'yun at pagkatapos ay na ambush pa siya. Pinagbabaril pa siya sa loob na sumabog na sasakyan."

Para akong malalagutan ng hininga. Ang ibig bang sabihin nito nag aagaw buhay si Roks noong panahon na kailangan ko siya.

"Himala na nga lang at nabuhay pa siya. Seryoso na malala ang pagkapuro sakaniya. Nabulag siya at ilang taong baldado. Ni hindi na nga siya makabalik sa militar ngayon dahil hindi na siya gano'n ka asintado at kaliksi katulad ng dati."

Nabulag at baldado? What the hell?

"Bakit wala ba siyang kasama? Wala ba siyang body guards?"

"Si Roks need ng body guard? No way. Hindi rin naman inaakala nito na gano'n ang mangyayari. Nakatanggap siya ng call na nakatakas ka raw sa mga body guards mo. So he immediately take an action. Hindi na siya nag pa tumpik-tumpik pa."

"Hinanap ka nila and hindi niya alam na natiktikan na pala siya ng Tatay mo. Na planado pala lahat ng Tatay mo ang nangyayari. And ayun habang nasa korte ka. Siya nag aagaw buhay na. And his parents is so mad as hell. Gustong-gusto ng gumanti nina Tita. Kahit gano'n naman sila, iba pa rin kapag kaanak na ang naapektuhan, e. Lalo na anak niya ang nag aagaw buhay."

"So ang gusto gawin ng Mommy ni Roks ay
isuko ka nalang. Hayaan ka na. Galit na galit sila. But I know hinding-hindi magugustuhan ni Roks ang gano'n. Lalo na gumagawa na ng action ang Tatay mo."

"Anong aksyon ba ang ginawa nila? Ipakulong ako?"

"They are helping you." She smiled.

"Anong helping?" napatingin ako kay Bite na seryoso lang ang tingin saakin.

"Are you ready to know who's your father?" nakangising sambit ni Derin.

Hindi ako sumagot.

"I take that silent as yes. Well do you remember the guy who help you to defend yourself in the court?"

Biglang bumilis naman ang pintig ng puso ko.

"Huh? Sino? Si Atlas. Your EX?"

Ngumiti siya at tumango. "Exactly. And kanino ba siyang anak?"

"Sa Presidente." kunot noong usal ko.

"Yes, Paint. He's your father. The current president of Philippines, Laron Argonia."

Parang biglang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ma process ng utak ko ang sinasabi niya. Para akong walang naiintindihan. Hindi ko ma absorb ang lahat.

"Ang daddy ni Atlas at Daddy niyo ni Biye ay iisa. I bet you already met him?"

"Paanong siya? Bakit siya?" naiiling kong sambit.

"He's a demon. Atlas is addopted. Ang mom niya ang naginsist na mag adopt sila. Dahil hindi sila magka anak-anak. Ginawa na nila lahat at gumastos ng ng milliones pero wala talaga.But mas gusto ng Tatay mo ay totoong anak niya ang magmana ng lahat ng ari-arian niya at mga illegal na gawain niya. Atlas is nobody. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng gusto ni Laron Argonia para tuluyan na siyang matanggap at ituring din siya bilang tunay na anak."

Bigla tuloy nag flashback ang kwento ni Atlas sa tatay niya noon. Hindi ko talaga maisip na tatay ko pala talaga 'yon. No wonder, noong pumunta ako sakanila iba ang pakikitungo niya saakin at hindi maganda ang pakiramdam ko sakaniya.

"Well, gusto niya lang naman din ng kalinga ng isang ama. Kahit anong gawin niya napakalaki ng distansya niya mula sa sakniyang ama. Ginagawa lamang siyang utusan ni Laron."

"T-ngina.." inis na mura ko.

"So Laron tasked Atlas na ligawan ka. Hindi ba siya sick sa ginagawa niya? Consider as kapatid mo si Atlas kahit na ampon siya pero pinapaligaw ka? Eh ang gusto kasi ni Laron ay mapabango nila ang pangalan nila sa'yo para lang sa huli ay sakanila ka papanig. Ginaya nila ang method ng Montego pero bigo siya. Naunahan na talaga siya ni Roks."

She sighed. "Alam mo bang matindi ang galit sa'yo ni Atlas. Satingin mo ba totoo lahat ng pinapakita niya sa'yo? Hindi, Paint. Pinapatay ka na niya sa isipan niya. Ikaw ang dahilan bakit hindi niya makamtam 'yung gusto niyang buhay. Ang tagal niyang pinagsisilbihan ang Daddy niya pero sa huli hindi niya makakatikim ng kayaman nito satingin mo ba hindi ka balak patayin ni Atlas?"

Napailing-iling ako ang hirap tanggapin ng katotohan lalo na ilang taon na ang nakalipas. Pakiramdam ko, nagalit ako at nag suffer lang sa wala.

"Then why? Bakit hindi mo sinasabi saakin ng lahat ng 'to noon, Bite? Bakit gusto mo iwanan ko ang dati kong buhay?"

Lumambot ang expresyon nito. "Dahil ayaw na kitang nakikitang nahihirapan. Walang naging dulot ang pamumuhay mo sa nakaraan. I want the best for you. Ayaw na kitang ibalik sakanila.."

"That's why we decided na dalhin ka nalang ni Bite sa UK para mag settle do'n. But pinilit ko lang siya na mag training ka at mag trabaho sa CIA. Dahil hindi habang buhay ay nagtatago lang kayo sa UK. Mahahanap at mahahanap pa rin kayo ng Tatay niyo. I'm afraid na mangyari kay Bite ang nangyari kay Roks. Kaya gusto ko na maging ready ka nalang. Dahil dadating 'yung time na kailangan harapin mo ang problema para matapos na ng tuluyan."

"Yeah, as I said. Ayokong mag trabaho ka sa CIA. Ayokong ilagay sa peligro ang buhay mo. But tama naman sila, hindi habang buhay ma p-protektahan kita, Cat."

"Now, I understand. I'm glad na trained ako. I'll be forever grateful." napatango-tango nalamang ako.

"So ano, may naiisip ka bang gawin? You're pregnant pa naman."

"Sangayon, wala. Gusto ko lang din protektahan ang anak ko. I'm thinking kung babalik nalang ba ako sa UK at do'n nalang manganak."

Napatingin ako sa hagdan at napansin ko na may sumisilip. Si Gnaw. Bigla ko tuloy na isip na kung uuwi kami ng UK paniguradong sasamahan ako ni Bite at maiiwan niya na naman ang mag ina.

"Alright, we'll—"

"Ay char! Ayoko ng klima sa UK. I'm so sensitive. Okay na pala ako dito."

"Are you sure?"

"Yes! Dito nalang tayo para rin makasama ko si Gnaw."

Tipid lang na ngumiti si Derin. "He's really excited to see his cousin na. Hindi kasi talaga gano'n nakikipag laro si Gnaw sa ibang pinsan niya dahil mahigpit din ang parents nila. You know from military family kaya in the early age gusto nila na t-train ang bata but for me ayoko muna. I want him to enjoy his childhood. I don't want to put him in pressure kagaya ng ginagawa saamin ng Montego noon. And gano'n din naman ang gusto ni Bite."

"Yeah. tama naman. Kasi may right age naman para matutunan ni Gnaw ang lahat. Paunti-unti lang at huwag siyang biglain."

"What about the baby? Sasabihin mo ba kay Roks?"

Napatingin ako kay Bite. So sinabi niya nga na si Roks talaga ang tatay ng anak ko huh.

"I don't know pa. Ayokong umeksena sa kanila ni Paint."

Kumunot ang noo niya. "'Yung fake paint na 'yon. Ay siyang pinadala ng ama mo para tumigil ang Montego sa paghahanap sa'yo at malaya na siyang magawa ang gusto niya. Supido."

"Aware kaming lahat kahit na ang Montego na hindi siya ang tunay na Paint. But nagpapanggap nalang na naniwala para lang hindi masira ang paniniwala ng kampo nina Laron na nauto ang mga Montego. Satingin ba nila sa ginawa nilang 'yon, nahanap siya ang tunay na Paint? Hindi 'di ba?"

"Alam din ba ni Roks?"

Umiling si Derin. "No. We didn't tell him. Nasa state of recovering pa siya noon. Kapag nalaman niyang hindi nga ikaw 'yon ay hahanapin ka niya at hindi siya titigil."

"Recently na lang din siya naging ok. Ngayon hindi na siya nag t-trabaho sa Montego. Kahit sa military hindi na rin siya nakabalik. Parusa rin kasi 'yun ng mga nasa taas kahit pa kamag anak namin si Roks. Rule is rules pa rin."

Kung gano'n nangyari ang lahat ng 'to kay Roks dahil saakin?

"I know it's really hard for you too. Ngayon, ang akala namin handa ka na sa lahat pero buntis ka. Mas priority pa rin natin ang safety niyo ng baby. Hindi pwedeng malaman ng ama mo ang tungkol sa'yo na buntis ka at nasa Pilipinas ka. Though, hinding-hindi ka naman namin papabayaan. Ligtas ka pa rin sa kamay namin pero kung ikaw mismo ang maglalagay sa kapahamak. Wala kaming magagawa do'n. Kaya simula ngayon mag iingat tayo. Tulungan mo rin ang sarili mo. Lagi mong iisipin ang kalagayan ng anak mo."

"Alam ko naman 'yon."

"Good to know. Kaya it's up to you din kung sasabihin mo ba ang totoo kay Roks na buntis ka."

Bigla na naman ako nakaramdaman ng kalungkutan. "Buntis si Paint.."

Natigilan silang dalawa. "I mean 'yung fake Paint. Totoo ba 'yun? Na buntis din siya?"

"I don't know. Well this is the consequence din aa pagsisinungaling natin sakaniya hindi natin alam ang tatakbo sa relasyon ng dalawa—-"

Umiling ako. "Pero alam niyang ako si Paint! Iniwan niya saakin ang flashdrive ng documentary sa lahat nang nagyari sakaniya tapos ngayon buntis 'yung fake Paint na 'yon?"

"Oh then, I think kailangan niyo mag usap para magkaintindihan kayo. Kung alam na pala ni Roks ang lahat. Paniguradong gumagawa na ng aksyon 'yon. Na dapat pigilan dahil baka magpadalos-dalos na naman siya. Sasabihin ko ba 'to sa Montego, hon?"

"Do you want to talk to Roks right now?" seryosong tanong ni Bite.

"No." ayoko pa. Hindi ko pa ata kaya makausap siya ngayon kahit marami akong gustong itanong.

"It's ok. Your feelings is valid. But I'll make sure to confirm if is she's really pregnant. But I hope not." Derin is assuring me.

I nodded.

Pagkatapos namin mag usap nag paalam muna ako sakanila na mag papahinga ako dahil hindi ko kinakaya ang mga information na nalaman ko ngayon. Ni hindi pa nga nag p-process ang lahat sa utak ko.

Ang sabi ko magpapahinga ako pero nakita ko ang sarili ko nakaharap sa laptop.

I'm browsing the internet to know who's Laron Argonia.

Nang makita ko ang litrato nito ay parang gusto ko nalang basagin ang screen ng laptop ko. Ang laki-laki ng ngiti ang akala mo walang kademonyohang tinatago.

Siya nga. I remember noong bumisita ako kina Atlas noon grabe ang pagdidikit saakin noon. So possible ngang alam niya na anak niya ako noon, no? No wonder ang asawa niya ay patang masama ang timpla saakin dahil ako ang matagal ng anak na hinahanap ng asawa niya.

Ni hindi talaga maganda ang pakiramdam ko noon pa. Now it make sense kaya mabait si Atlas saakin ay dahil 'yon ang utos ng Tatay ko.

Matatapos na ang termino niya as Presidente sa susunod na taon. Wala siyang ni anong masamang records o ano. Maganda ang imahe niya sa public. Gustong-gusto siya ng mga tao.

May mga naglalabas ng mga baho niya pero walang naniniwala sa mga 'to dahil iilan lang ito mas marami parin ang taga suporta niya.

He's a good old looking guy. Mukha siyang religious at inosente na aakalain mong walang ginagawang kahit anong katiwalian o kasamaan.

Ewan ko ba kung tanga siya o ano pero satingin niya ba papanig ako sakaniya pagkatapos ng ginawa niya sa pamilya ko? Satingin nuya ba makukuha niya ako ng gano'n-gano'n lang?

Hindi ako kasing demonyo niya para baliwalain ang nangyari ngayon. Porket gumagawa ako ng krimen satingin niya magkalevel kami? No way.

Aaminin ko noon na gagawin oo ang lahat para mabigay ko ang lahat ng pangangailangan at gusto ng pamilya ko. Kung tutuusin hindi ko naman talaga ginusto na gumawa ng illegal na gawain noon kung may iba lang talagang paraan para kumita.

Ang kaso ang daya-daya ng bansa natin, e.

Now I know bakit para pamilyar ang mukha ni Bite dahil malaki ang pag kakapareho ni Laron. Kung makikita siguro ni Laron si Bite malalaman niya na agad na anak niya 'to at baka siya pa ang habulin.

Pero kung dumating ang time na magkaharap kami. Sisiguraduhin kong mapapabagsak ko siya at mabubulok siya sa kulungan. No special treatment! Mauubos ang ari-arian niya at mauupos ang kapangyarihan niya.

Hindi ko namalayan nakatulugan ko nalang pala ang ginagawa kong paghahanap ng impormasyon kay Laron.

Nang magising ako ay agad akong lumabas dahil 4 na pala ng hapon and I'm hungry. Naabutan kong nakain sa dining area si Gnaw.

"Tita! Let's eat!" nang makita niya akong palapit.

"Okay, what's that?"

"Mom cooked pasta for me before po sila umalis ni Dad. Taste it! This is the best pasta in the world."

"Talaga? Okay, I'll taste it." agad naman akong binigyan ng kasambahay.

"Nasaan daw pupunta sina Bite?" tanong ko sa nagbabantay kay Gnaw.

"Hindi ko po alam, Ma'am, e. Wala pong nabanggit." tumango lang ako at naupo na sa tabi ni Gnaw.

"Wow ang sarap naman!" sambit ko nang matikman ko ang carbonara.

"Opo, I'm big fan of pasta but carbonara and pesto are my fave!"

"Talaga?" I smiled at him.

"Did you meet your Tito Roks?" tanong ko out of nowhere. Hindi ko napigilan ang sarili kong bibig.

Napatigil naman siya sa pagkain. "Yes, but he's busy po always. I met him like once a month or sometimes when he's meeting my Mom only po."

"Is he a good uncle?"

Ngumiti siya at parang guhit nalang mata niya at agad ding lumabas ang dimples niya. "Yes. Is he your husband po, right?"

"Ahh eh—"

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na para bang ni-cocomfort ako. "It's ok. I know you're going through something po. I understand po, Tita."

Napatingin ako sa nanny ni Gnaw na nginitian lang din ako na para bang normal lang kay Gnaw na ganito siya.

"My Dad is always far. My mom said that he's with his sister. He's protecting his sister from the bad people. I understand it that's why I promise I'll be like Dad when I grow up po. Whatever you're going through right now. Just remember, there's hope in every breath."

Buong araw ay nag bonding lang kami ni Gnaw hanggang sa makauwi ulit 'yung parents niya. May meeting lang daw silang inattend-an.

Sobrang nakakamiss mag aalaga ng bata. Excited na nga talaga ako sa paglabas ng baby ko.

Gusto ko rin makita ng mga kapatid ko ang pamangkin nila. Lalo na si Coco sobrang hilig niya pa naman sa baby.

But I don't know paano ko sasabihin sakanila. Gustong-gusto ko na magpakilala na ako ang tunay na Paint dahil miss na miss ko na sila.

Gusto ko na silang mayakap. Ang ironic pero gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Gusto ko ng balikan ang lahat ng naiwan ko, ang pamilya ko, kaibigan at si Roks.

But alam kong hindi na basta-basta mangyayari 'yon.

Sa sobrang miss ko sakanila ay hinanap ko ang social media account nila. Una kong hinahanap ang kay Ella.

Napangiti naman ako nang makita ang nakalagay sa profile na "studied bachelor of science in nursing"

Tignan ko ang photos niya at nakakapag travel na siya. May mga medical mission siyang pinupuntahan. May mga pictures din siya kasama sina Tatay at Nanay Alice pati na rin ang iba pang kapatid ko.

And I'm glad walang picture 'yung fake Paint na 'yon. Hinahanap ko rin ang picture kung may baby ba siya ng baby niya pero wala pero wala din.

Nakita ko ang isang shared post ni Ella na may medical mission sina sa isang baranggay sa Mabalacat.

Malapit lang! Dito lang din 'yon sa Pampanga at bukas na 'to. I wanna go there. Gusto ko siyang makita kung paano nag trabaho.

Okay walang makakapigil saakin. Pupuntahan ko siya. Kaya naman agad kong pinuntahan si Bite.

Naabutan ko siya sa office niya dito sa bahay niya rin mismo. " Bite.."

Nagangat siya saakin at binaba ang binabasang papeles.

"Pwede naman akong pumasyal alone 'di ba? If mag assign kang body guard please don't make it obvious?"

"Where are you going?"

"Gusto ko lang maglibot-libot and travel. And beside, I know you misses your family. I'll give you time para mag bonding. I'm ok, gusto ko rin naman kasing mapag isa. And ayoko ng may kasama."

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang saakin.

"Seryoso ako Bite baka pag sinamahan mo pa ako ka stress lang ako ayaw nga kitang nakikita. Gusto ko lang talaga makapag relax kami ng baby ko. Kasama ko naman mga body guards so safe kami." I smiled.

He sighed. "Ok, just call me if you want something or if you want us to accompany you, okay?"

"Yes po, thank you, Kuya." nakangiti kong usal at iniwanan siya nakatulala dahil sa sinabi ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I'm so excited na nag ayos ng sarili. Sa place namin to mabalacat 1 and 30 minutes ang byahe kaya naman saktong 9 na akong nakarating sa baranggay kung saan ginaganap ang medical mission.

I watched her. Nag c-check up sila. And it seem like she's enjoying what she's doing. Malaki ang ngiti niya at sobrang nakakatuwa dahil sobrang bagay nuay sa suot niyang scrub suit.

Gusto ko siyang lapitan. But natatakot ako sa magiging rekasyon niya. And besides hinayaan ko na muna ang ibang pasyente na inaasikaso nila.

At nang mapansin ko na paunti na ang pila ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at sa huli nanalo ang intrusive thoughts ko na lumapit.

"Good afternoon, Ma'am. Nasaan po 'yung form niyo?" tanong niya nang hindi tumitingin saakin dahil may pinipirmahan siyang paper.

Napailing-iling lang ako dahil hindi ko naman alam na may gano'n pala. "Ah, eh wala po.

Nag angat siya ng tingin. At napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nakaawang ang bibig niya pero mabilis niyang sinarado at umiling lang siya sa kawalan saka ngumiti.

"Nag paregister na po ba kayo do'n?" turo niya sa bandang stage pero umiling lang ako muli.

"Ah no, medyo nahihilo din kasi ako kaya lumapit." well it's true. Bigla nalang din ako nahilo ngayong nakauwi ako.

"Ano pa po ba ang nanaramdaman niyo?

"Nanlalambot po ako."

"Hmm, kumain po kayo?"

"Yes po, kumain naman po."

"Nagtatae po ba or nagsusuka?"

"Hindi naman po."

"BP ko lang po kayo." inilahad ko ang kamay ko sa table para ilagay 'yung pang blood pressure.

"Normal lang naman po ang BP niyo. If you don't mind. Buntis po ba kayo ngayon?"

"Yes." nanlaki ang mga maya niya pero agad niya rin naman binawi ang reaksyon niya.

"Oh ok. Nakapag pa check napo kayo? Ilang months na po ba"

"Mag 3 months na po."

Napalabi ako. Gustong-gusto ko na siya yakapin at nangingilid na ang luha ko.

"Ah okay po. First trimester niyo pala. Medyo delikado pa po niyan kaya dapat pahinga po muna kayo sa house niyo. But wow po, you're so sexy pa rin po, Mommy. Ano pong secret niyo?" biro niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ang kamay niya kaya napangiti lang 'to.

"Ella.." nawala ang ngiti sa labi niya.

"Ah yes po, Ella po ang name ko." malamig na sambit niya saka turo sa naka burdang pangalan niya sa scrub suit niya.

Hindi ako sumagot dahil tumutulo na ang luha ko pero hindi niya na ako tinitignan.

"I think ok naman po kayo. Siguro dapat umuwi na muna kayo para makapag pahinga pa. Normal lang din kasi sa buntis na madalas na mahilo kaya I suggest u po na dapat nasa loob nalang kayo ng bahay. Excuse me po, break time na namin." turo niya sa orasan niya at agad na tumayo without looking at me.

Nataranta ako at agad siyang hinabol hanggang sa makarating kami sa tent nila mabuti nalang at walang tao do'n.

"Ella.." nahawakan ko ang kamay niya pero tinabig niya lang 'to.

"Ano ba! Sino ka ba?!"

Hindi ako makasagot at nagsimula nang umiyak. Ni hindi ko magawa na masabi na ako ang ate niya.

"Bakit ngayon ka lang?! Oh should I say bakit bumalik ka pa?" matigas na sambit niya at nakita ko na rin na tumutulo ang luha niya.

"Oo alam ko Ate Paint. Alam kong ikaw ang totoong Paint! Ano ngayon? Pagkatapos mo kaming iwan sa ere kasama 'yung pekeng ikaw. Babalik-balik ka pa? Para saan pa? Nagsasawa ka na ba sa buhay mong masagana ngayon?"

"No, hindi g-ganon 'yun," nahihirapan kong usal.

"Alam mo ba kung gaano kami maltratuhin ng pekeng paint na 'yon?! Dapat pinalabas niyo nalang na patay ka na hindi 'yung magdadala pa kayo ng pekeng tao para lokohin kami."

Napayuko lang ako at hindi makapagsalita.

"Ate, Ilang taon kong pinaniwalaan na ikaw 'yon. Tapos malalaman kong hindi pala?!"

"Im sorry.."

Napaluhod nalang siya. "Nakunan ako noon. Takot na takot ako. Hindi ko alam anong gagawin ko. On-going pa 'yung kaso noon bigla ka nalang nawala. Naiwan ako at ako ang sinsisi nila. Kinawawa nila ako, Ate. Walang pumprotekta saakin. Iniwan nila ako."

Agad ko naman siyang inalo. "Takot na takot ako. Gusto nila ako patayin. Gusto nilang akuin ko ang lahat. Wala akong magawa noon."

Hirap na hirap akong niyakap siya. "Sorry."

"Bakit mo kami iniwan? Bakit mo iniwan sa ere, Ate?"

"Hindi sa gano'n, Ella." hirap na hirap kong usal.

"Ang hirap kasi ng si—sitwasyon na-natin."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nawalan na tuluyan ng malay.

I opened my eyes and expected ko na agad kung nasaan ako.

"Ate.." napatingin ako sa gilid ko nang magsalita si Ella.

Napangiti naman ako nang makumpirmang siya nga. Hindi niya ako iniwan at mas pinili niya akong samahan.

"Ate, how's your feeling?"

"I'm fine.." mapaos-paos na usal ko.

Napayuko siya. "Ate, I'm so sorry. Nataranta ako, I called Kuya Roks.."

"It's okay—Wait what?!" agadakong napaupo at sakto namang may humawak ng kamay ko at napatingin ako sa right side ko nando'n si Roks.

"What are you doing here?" nanlalaking mata kong usal.

"I want you to explain to me everything." mahinahon pero seryosong sambit niya.

"Huh? What? For what?" kunot noong tanong ko.

He clenched his jaw. "About everything. Why? Cenery, why?"

Hindi ako makapagsalita at tinignan lang siya.

"But I understand, I don't want you to explain it rightnow. I don't wnat to pressure and make you stress. Marami pang oras at hindi 'yun ngayon. I'm willing to wait, Cenery. Sa ngayon, I want the best for you and for our child."

Ramdam ko ang panginginig nang kalamnan ko sa huling sinabi niya. "Your child? Who?"

"Our child."

"No, Roks. Hindi sa'yo 'to." naiiling kong usal.

"Yes, Cenery. It's mine, our baby is mine. Hindi sa kaninong lalaki. Anak ko siya, anak natin."

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 10.3K 12
Cathy Xyrene Garcia is a girl who only wants Grey Sanford to recognize and love her. She did everything for him but unfortunately, her love is unrequ...
1.1M 3.5K 5
COMPLETED Hanna Sandoval suddenly married womaniser named Xander Garcia because of a fixed marriage and a one night stand that makes her pregnant. "I...
198K 3.7K 21
Dice and Madisson
9.7M 173K 60
College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a nor...