Taken by Him

By HunterSiann

14.2K 692 32

Tulad ng araw-araw kong buhay ,nandito sa loob ng klinika ang buhay ko . Isa ako pack doctor na isa ng kalha... More

Emergency
Border
Rouge
Taken
Poison
poison ll
Safe
First Plan
With his Pack
Rain
Run
Strange
Cyra
Mark
Mate?!
Demon Wolf
Marking
awake
unexpected
Jealous
Flower
Heat
Message
Smile
Stranger
gone
Given
Seed
Hidden
Visitor
Sign
Target
Trapping
Luna Revenge
End
Special Chapter
Special Chapter
Special Chapter

Defeated

205 9 0
By HunterSiann





"Alpha King Pov"






"Alpha King,sa tingin niyo po dapat ba nating ilabas ang alas"delta


"Sapat na ang ating nagawa,Allano.Hindi matutuwa ang aking kapatid kong makikiilam tayo sa plano niyang paniningil.
Hintayin natin ang tamang oras"

Parehas kaming napatingin sa harapan,..

Ang kaninang nauubos nang pwersa ng pack worrior ng aking kapatid,ay ngayon ay nanonood na lamang sa nagaganap tulad namin ngayon.

Ang demonyong lobo ng aking katapid ay kaharap ngayon ang salamangkerong tuluyan na nawala sa sarili

Habang lumalaban sa aking kapatid,tumatawa ito kahit pa unti unting nagiging abo ang kanyang parte ng katawan,pilit na ginagamit ang kanyang mahika upang lumaban ,gumagamit ng panangga at pag atake na hindi naman tumatalab sa aking kapatid.

Wala na itong mga paa at isang kamay.
Tanging panlaban niya ang nag iisang kamay na nag lalabas ng kanyang sandata.

Nag tangkang itong tumakas hindi niya rin magawa dahil sa nakalatag na mahika para siya ikulong sa lugar na iyon.
Limitado ang espasyo at hindi  rin makakalagpas .

Humakbang ako papalapit,kong saan naroroon ang malapit ng matapos na laban

Muli ay umatake ang salamangkero, ngunit nakaiwas ang aking kapatid at sa isang iglap, tuluyang naging abo ang natitirang kamay ng salamangkero.

Napasigaw ito sa sakit,at napahiga .
Tuluyan na siya nawalan  ng pag asa..

"Ano pang hinihintay mo, patayin mo na ako!!"siya na iiyak ngunit napapalitan ng paghalakhak pabigla bigla,nasisiraan na ng bait.

Umupo ako sa mismong tabi nito .
Tumingin siya saakin na may talim na mga mata

"Gusto mo ng mamatay?....

Pwede naman kitang tulungan sa kahilingan mo eh.

Pero,may uunahin muna ako bago kita patahimikin."
Nagsalubong ang kilay niya

"Ilabas ang bihag"utos ko sa pack  worrior

Nilabas nga nila ito ,at magkabilang hawak ang braso ng lalaking may taklob ang ulo.

Sininyasan ko ang pack worrior na tanggalin

"Sigurado akong kilala mo siya,Tama?"tanong ko

Nag iba ang reaksyon niya.

"A-anong ibig sabihin nito?! hindi!,pakawalan mo siya!!ano ba?mga hayop kayo..Anong ginawa niyo sa kanya!!."galit na galit ito,
Nag pupumilit na maaupo siya sumabit hindi niya magawa.

tila totoo nga ang sabi ng kanyang kasamahan.
Tanging ang pinuno nito ang kanyang kahinaan.

Ako naman ang natawa sa kanyang lakas ng loob na pinakikita

"May solusyon naman tayo ,iyon ay...kong susunod ka sa ipag uutos ko,mabubuhay siya at hahayaan maging malaya"

"Anong kailangan niyo?!"deretsong tanong niya

Lumapit pa ako lalo sa kanya

"Ibigay mo ang lunas,at hahayaan namin siya "bulong ko

Natahimik ito,at tumingin sandali sa kanyang pinuno na nasa ilalim ng aming mahika.

"Paano ako makakasigurado na tutupad kayo sa usapan?"
Tila sumusuko na ngunit naroroon ang paniniguro nito at pag dadalwang isip

"Isa akong alpha king,at may Isa akong salita."

Napaisip ito ng malalim

Tumango siya,

"Sige, ngunit may  kondisyon din  ako.bago ko ibigay ang lunas, hayaan niyo kaming mag usap.Total ito narin ang huli kong oras"
Siya na nakikita ang paghihirap

Masaya talaga ako pag nakikita sa harap ko ang ganito,nag yayabang pero hindi kaya ipanalo ang sinimulan.

"Matutupad "sininyasan ko ang mga pack worrior.

Tinanggal din nila ang mahika na nakabalot sa pinuno nito ,para bumalik sa dating wisyo .

Sa oras na tanggalin ay agad na nag karoon ng buhay ang katawan nito.
Nagugulohan at nabigla sa kanyang sitwasyon ngayon.

Dahil nakatali parin siya,nag pumiglas siya ..

Ng inikot niya ang tingin sa paligid,agad niyang nakuha ang nangyayari.

"Pakawalan niyo ako!"utos na sigaw nito sakin
Na galit na galit

Napangisi naman ako

"At bakit ko naman iyon gagawin?"
Tila inosenteng kong tanong

"Aso!sa oras na makawala ako dito.Gagawin kitang maliit na laruan."gigil na gigil na sigaw nito

Na mamanghang napahalakhak na lamang ako

Lumapit ako sa kanya,

"Bilib na bilib ako sa talas ng dila mo.Tila bagong hasa ..bakit hindi natin subukang daanan ng patalim--"
Mahigpit kong hinawakan ang kanyang panga

"Tumigil ka!bitawan mo siya.Wala kang karapatan pag sabihan si pinuno at hawakan ng kamay mong marurumi.
Tandaan mo,nasa akin parin ang huling lunas ."

Napalingon ako sa pag babanta niya at
Matalim na tumingin

"Tumatakbo ang oras,at mahuhuli na rin ang oras para sa inyong dalawa...

At sa totoo lang,nag dadalwang isip narin ako kong tama bang pakawalan ang klase ng ganitong nilalang.. maraming paraan upang makuha ko ang lunas,pero ito tayo ngayon pinag bibigyan ko kayo ng pagkakataon.
Pero inuubos niyo ang pasensya ko"





"May usapan tayo..handa ka narin bang makasama namin ang Luna mama---Ahhhhhh!"
Napasigaw ito ng daanan ng matalas na kuko ni Alvierd ang kanyang tagiliran

Nawawalan narin ito ng pasensya

Humakbang papalapit si Alvierd sa pinuno ng lapastangang salamangkero

"Hoy!saan ka pupunta!huwag mo siyang lapitan,may usapan tayo!ano ba?! bumalik ka dito!!"
Utos niya kay Alvierd na desperadong nag wawala,sa kanyang pwesto sapag nanais na pigilan si Alvierd

Pero nag patuloy si Alvierd at mabilis na itinaas sa ere ang walang kalaban laban na pinuno ng salamangkero

"Pakiusap!! bitawan mo siya..nag mamakaawa ako.Pakawalan mo na siya...ibibigay ko na ang gamot.."pag mamakaawa nito

Napapailing na lamang ako sa kawalan ng kasiyahan sa nangyayari.
Inaasahan ko ang maraming bagay na mangyayari na kukuha ng aking interasante ngunit nakakadismaya talaga  ang reaksyon niya at pag mamakaawa..
Nais ko pa sanang makita kong gaano siya katatag Hanggang sa huling hininga .

"Kapatid, bitawan mo na siya..
Pagbigyan na natin ang huli niyang kahilingan."
Sabi ko na lamang

Bigla na lamang na binitawan ito ni Alvierd,kaya nahulog ito ng walang anu-ano.
Napaungol ito sa sakit,mula sa pagkahulog.
Na habol hininga dahil narin sa mahigpit na pag kakasakal ni Alvierd

"Pinuno,pa-patawad..ako ang may kasalanan ng lahat.Sa kagustohan kong makuha ang kapangyarihan ng kanyang Luna,.hindi na po tumakbo sa utak ko ang kaligtasan ng ating pamilya.Nabulag ako....
Iyon lamang po,yon lang po ang paliwanag ko.Patawad po sa lahat...patawad."
Nanginginig ang kanyang tinig

Habang hindi nakatingin sa pwesto ng kaniyang pinuno.

Ilang sandali pa ang dumaan bago nagawang magsalita ng kanyang pinuno.



"Hindi ko inakala na gagawa ka ng ganito,nag bulag-bulagan ako sa mga kakaiba mong ambisyon at kilos ...

Patawarin mo din ako... ngunit hindi ko makita ang kapatawaran  na hinihiling mo.
Maraming nag buwis ng buhay dahil sayo.
Akala ko,sila ang gumawa ng gulo, pero...ano itong malalaman ko.
Nakakahiya ka,pinag sisihan ko na kinupkop kita."

Ang drama nila,...nakakainis

"Tinatanggap ko po.....

Pinuno.......... pakiusap...nais kong humiling sa inyo..huling hiling na sana po magawa niyo."

Napataas ang kilay ko sa aking narinig.

May hiling pa siya?... nakakatawa naman ang lakas talaga niyang humingi ng kahilingan sa kanyang pinuno.

"Para saan pa?hindi pa ba sapat na nagawa mo itong malaking kagulohan.?"

"Pakiusap,kayo po ang tumapos ng buhay ko..
Iyon na lamang po ang huli kong kahilingan.
Nais kong matapos ang buhay ko sa mga kamay mo."

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng kanyang pinuno sa labis na pagkabigla.

"Hmmp---HAHAHAHAHAHA"pinigilan ko ngunit natawa parin ako



Ibang klase talaga,...








...........

Napangalumbaba nalang ako habang nakatingin sa baba kong saan naroroon ang salamangkero.

Nandon ang kanyang mahal na pinuno,at may hawak na sandata

Oras na para, taposin ng pinuno niya ang buhay nito.

Naroroon din sa baba ang mga pack member ng pack na ito.

Papanoorin ang mga kaganapan na labis ko namang ikinawawalang gana.Dahil wala ng laban at pag suko narin .
Kataposan na.

Kinuha ko ang kopita na may lamang alak.

Muli inalala ang mukha ng aking mate.
Tumingin ako sa pack clinic kong saan naroroon ito,habang nasa loob parin ng kanyang babasaging kulungan.

Nagkaroon ng komplekado ang pag kuha sa kanya.
Dahil sa oras na alisin siya sa loob ng babasaging iyon ,agad na siyang hindi makahinga.
Ang tanging hangin na kaya niyang langhapin ay ang hangin na nasa loob ng babasagin.

Kaya kasama ang babasaging kulungan ay dinala siya dito sa pack house ng aking kapatid upang pag aralan kong anong maaaring gawin upang  makuha ko siya sa loob.

Napabalik ako  mula sa malalim na pag iisip dahil sa sigaw na tila nag sasaya.
Tinuon ko ang aking atensyon sa baba,doon na pag tanto na tinapos na ng kanyang pinuno ang buhay ng salamangkero.

Deriktang naka baon sa dibdib sa tapat ng puso ang kaninang hawak na sandata.

Nakayuko lamang ang pinuno,dahil narin siguro hindi niya gustong gawin ang inutos ng kanyang salamangkero.
Napilitan siya.

Tulad ng naging kasunduan, papakawalan ang kanyang pinuno ,at ibibigay ang Lunas .





Muli ay iminom na lamang ako ng alak.



























































































Continue Reading

You'll Also Like

69K 3K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
9.1K 679 57
Malakas na bumagsak ang hawak niyang libro. Pero hindi ko siya binigyan ng pansin at patuloy na binabasa ang librong ipinadala ni Guro. Maya maya pa...
17.4M 765K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...