Keeping The Werecat (COMPLETE...

Oleh ElleyziiBubble

49.3K 1.3K 458

In search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the p... Lebih Banyak

Keeping The Werecat
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Bonus Chapter
Author's Note

Chapter 16

836 25 28
Oleh ElleyziiBubble

"MALAPIT na tayo sa bahay." mahinahong ani Duane sa pusang nakabalot sa hindi gaanong kakapal na jacket niya. Sinigurado niya rin na hindi ito masu-suffocate sa loob.

Hindi maiwasang sipat-sipatin ni Duane si Mikeyzhia sa tabi niya kahit nakapokus siya sa pagmamaneho. Sa tagal na nilang magkasama ay ngayon niya lang naramdaman ang ganitong kaba at pag-aalala sa dalaga, madalas kasi init ng ulo ang nangunguna.

Napatingin siya sa traffic light nang bigla itong mag-red light dahilan para ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Habang hinihintay ang muling pag-berde ng traffic light ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nakasalubong nila kanina sa ospital.

"Hiding her, is a risk."

Sariwa pa sa kanyang alaala ang pagguhit ng nakakalokong ngisi sa labi ng lalaki. Kung paano nito bigkasin ang bawat salitang lumabas sa bibig nito at kung paano nito titigan ng may kahulugan ang nilalang na hawak niya kahit pa na ito ay nakatago ay isa malaking katanungan para sa kanya.

Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok. Sa pagkakaalam niya, wala siyang napagsabihan tungkol sa katauhan ni Mikeyzhia at hindi pa naman nagbago ng anyo si Mikeyzhia sa ibang lugar maliban sa bahay nila, ngayon lang pero sinigurado niya naman na walang ibang nakakita sa nangyari.

Sa klase ng pananalita ng lalaki ay may alam ito kay Mikeyzhia. Emphasizing the word 'her' that the guy mentioned. Bukod pa do'n ay walang ibang tao sa lugar na 'yon maliban sa kanilang tatlo. So he surely pointed to Mikeyzhia. Alangan namang sa kanya, hindi naman 'her' ang pronoun niya.

Hindi kaya hindi lang siya ang nakakaalam sa tunay na Mikeyzhia? Kung sa gano'n ay kailangan na niyang mag-ingat, maging si Mikeyzhia. Malabong hindi masundan ang nangyari kanina at maaaring mas malala pa sa susunod.

Gusto niyang malinawan sa mga nangyayari. Isa pa sa bumabagabag sa isip niya kung paano niya itatago habang buhay ang tungkol kay Mikeyzhia.

Hay naku, Duane.

Sa sandaling nag-iba ng kulay ang traffic light ay pinaharurot na ni Duane ang sasakyan. Punong-puno ng palaisipan ang utak niya habang pinipilit na mag-concentrate sa daan.

Agad siyang bumusina sa harap ng gate nila, maya-maya pa ay lumabas mula sa pinto ng bahay si Martha at pinabuksan sila. Itinigil ni Duane ang kotse niya sa garahe at dumeritso sa kabilang side ng sasakyan pagkababa niya kung saan si Mikeyzhia.

Hindi isinaalang-alang na may ginang sa kanyang likuran, nakaabang sa kanila.

"Good evening po, Sir. Nasaan po si Mikeyzhia?"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan kasabay nang pagbaba ng kanyang paningin sa pusang nasa upuan, nakalabas nang kaunti ang ulo nito kaya mabilis niyang inangat ang tela para takpan ang pusa saka niya hinarap si Martha. Nakangiti lang ito sa kanya.

"Wala. Nahulog sa kanal, tumilapon sa bangin, hindi ko alam. Bakit ba ako ang hinahanapan niyo sa pusang 'yon. Responsibilidad ko na ba siya ngayon?"

Oo, hindi lang responsibilidad. Tagadala pa ng gulo sa buhay mo.

Kumunot ang noo ng ginang. "Hindi po ba magkasama kayong umalis?"

Napamura siya sa kanyang isipan. Oo nga naman, nagpaalam pa nga pala si Mikeyzhia sa tatlong kasambahay kanina nang umalis sila kaya marahil hindi tatalab ang palusot na 'yon. Jusko naman, mapapasubo na naman siya sa matinding pagsisinungaling. Nagpapakabait na nga siya, sinusubukan naman siya ng sitwasyon palagi.

"Dumating na ba si Mynchie?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hindi daw po uuwi ngayon si Ma'am Mynchie. May overnight daw po sila sa Batangas kasama mga kaibigan niya. Hindi po ba nasabi sa inyo?"

Napaismid siya sa huling sinabi ng ginang. Obvious ba? Hindi pa ba halatang wala siyang alam doon dahil as expected hindi siya ini-inform ng gala niyang kapatid sa mga adventures nito.

"Magtatanong ba ako kung sinabihan ako? Ang mabuti pa pumasok ka na lang sa loob at gawin ang dapat mong gawin."

"Opo, Sir."

Pagkaalis ni Martha ay saka niya pa lang binuksan ang pinto at maingat na kinarga si Mikeyzhia.

Nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang nadatnan na ibang tao sa sala. Gabi na din kasi kaya panigurado ay abala na si Hedi paghahanda ng hapunan sa kusina at maging si Manang Lusing dahil hindi pa kaya ng kanyang ina na tulungan ang cook nila dahil kagagaling lang nito sa trangkaso.

Dahan-dahan ang bawat paghakbang niya na para bang natatakot na may makapansin sa presensya niya.

"Oh, Duane, nandyan ka na pala!" wika ni Mrs. Segunla mula sa likuran niya.

Hindi niya agad napaghandaan na may susulpot sa kalagitnaan ng maingat na pagpasok niya sa bahay. Napatalon siya sa pagkagulat at ang malala pa ay bumagsak ang jacket niya sa lapag dahil sa gulat niya sa ina.

Shit, si Mikeyzhia! Napakagat siya sa ibabang labi. Kanina pa siyang ingat na ingat sa paghawak kay Mikeyzhia kasi nga nanghihina pa ito pero naibagsak niya naman sa sahig.

He swears, hindi niya iyon sinasadya. Nadala lang siya ng damdamin. Kung hindi ba naman siya dobleng ginugulat ng mga tao dito, kanina pa niya nadala sa taaa si Mikeyzhia, at baka ay pati siya nakapagpahinga na rin.

"Sorry..." mahinang sabi niya bago humarap sa ina.

"Mommy, kumusta ka na?" Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis.

"Hindi ako natutuwa sa ngiti mo, ha. Kumain ka na ba? Si Mikeyzhia? Sabi ni Manang Lusing ay sinama mo raw siya, bakit mag-isa ka lang umuwi?"

Napaismid siya sa sunod-sunod na katanungan ng Mommy niya, kulang na lang pati hindi related na bagay ay maitanong na nito. Hindi niya alam kung alin ang unang iintindihin, kung ang pagsagot sa ina o ang kawawang si Mikeyzhia na nakabalot sa jacket at nasa lapag.

Malamang nasaktan 'yon ng matindi. Pero pusa naman 'yon, hindi naman sila tinatablan agad-agad dahil sa simpleng pagbagsak.

Lumapit siya sa ina at inakbayan ito.

"Ma, hindi ka na dapat nag-aalala masyado sa pus-este sa babaeng 'yon kasi nasa mabuting kamay na siya."

Nasa lapag kamo, binagsak mo ba naman.

Kumunot ang noo ni Mrs. Segunla, hindi maganda ang pakiramdam sa sinabi niya. "Pinagsasabi mong bata ka? Saan mo dinala si Mikeyzhia?" dinuro siya nito, may halong suspetsa na may ginawa na naman siyang kalokohan sa inosenteng dalaga.

"Nasa...nasa taas na po siya, Ma! Kakaakyat niya lang, hindi niyo napansin?"

"Mag-isa ka lang pong dumating, Sir!" singit ni Martha, galing ito sa labas ng bahay.

Pinanindilatan niya ng mata ang kasambahay dahil sa pangbubuking nito. Nauubusan na siya ng palusot, kailangan niya pang dalhin si Mikeyzhia sa kwarto nito pero ito siya ngayon, nakikipagtagisan.

"Pinag-commute ko siya, bakit ba? Hindi niyo siguro napansin na pumasok kasi busy kayo lahat. Kapag pinuntahan ko siya sa kwarto niya at nandoon siya, umalis ka na sa bahay ko?"

Pero syempre hindi niya iyon totohanin. Para lang maipalakas ang palusot.

Napakamot na lang sa ulo si Martha at parang may inaalala. Paano nga ba makakapasok si Mikeyzhia, eh naka-lock ang gate. Ewan! Umalis na lang siya sa harap ng mga amo.

Tumunog ang ulo ni Duane sa batok na ibinigay ng ina sa kanya.

"Bakit mo pinagcommute si Mikeyzhia? Ha? Nababaliw ka na ba? May kotse ka naman. Masyado na bang masikip ang kotse mo para hindi magkasya si Mikeyzhia? Ikaw-"
Aambahan na naman siya nito ng hampas pero nasalag niya agad 'yon.

"Ma naman, siya may gusto nun!"

"Oh, bakit hindi mo sinamahan?"

"Hindi ko pwedeng iwan ang kotse ko. Look, ma. Pagod na ako, gusto ko na ring magpahinga, ikaw rin. Sinabihan ka na ng doctor na huwag ka masyadong magpastress tapos ito ka na naman."

Huminga ng malalim si Mrs. Segunla. Talo na naman siya sa argument nila ng anak. Pakiramdam ni Duane ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang mapagtantong napakalma niya ang ina. Dapat na ba siyang matuwa?

Pero si Mikeyzhia nga kasi.

"Sige na, umakyat ka na. Tawagin mo na din si Mikeyzhia na bumaba na maya-maya para sa hapunan." sabi nito bago siya iwanan sa salas at dumeritso sa kusina.

Patakbo niyang binalikan ang pwesto ni Mikeyzhia at hinawi ng kaunti ang tela ng jacket na nakalatag sa sahig. Nakapikit lang ang mata ng pusa, akala niya nga namatay pero hindi naman. Eh? Hindi niya naramdaman na bumagsak siya? Ganoon na ba kahimbing ang tulog niya?

Hindi ba malakas ang reflexes ng mga pusa? Usually, nag-rereact ang katawan nila kapag sila ay bumabagsak o mahuhulog, right?

Marahan niyang itinago ulit si Mikeyzhia at hindi na nagsayang ng oras, dinala na niya ito sa kwarto nito at nilapag sa higaan niya.

The moment he lay her her down, Mikeyzhia transfigured. Bumalik siya sa pagiging anyong-tao. Inayos ni Duane ang kumot sa katawan nito, hindi pa rin siya nagigising.

"Harlon..."

Tila nagpantig ang tenga niya nang may banggiting pangalan si Mikeyzhia sa kalagitnaan ng kanyang pagkakahimbing. Umayos na ng tayo si Duane. Hindi lang isang beses o dalawang beses na paulit-ulit na binanggit ng dalaga ang pangalan dahilan para mainis si Duane at lumayo na sa higaan niya.

"Harlon, ayoko na..."

Humakba na siya paalis at pinihit ang seradura pinto ng kwarto.

"Ayoko na bumalik. Mahal ko siya."

Narinig niya ang sunod-sunod na paghikbi ni Mikeyzhia, natigilan siya. Hindi dahil sa pag-iyak nito, kundi sa huling sinabi nito. Mahal? Sino? 'Yong Harlon?

Hindi niya pa nakikilala ang taong 'yon at ni minsan ay hindi niya narinig ang pangalang iyon sa mismong bibig ni Mikeyzhia. Did she just mentioned a random name out of nowhere?

Huh! Pake ko naman? Iniiyakan mo pa talaga. Matapos nang lahat ng mga sakripisyo ko sa'yo, hindi mo lang naappreciate? Ang masaklap pa, may mahal ka na palang iba? Sino 'yon? A guy from your world? Tapon ko 'yon sa St. Loren e!

Salubong ang kilay niya, hindi maipinta ang mukha. Naiinis siya, nabubwesit siya, gusto niyang kumatay ng pusa! Naramdaman niya ang kusang pagkuyom ng kamao niya.

"Duane..." He stopped. "Huwag mo 'kong iwan, natatakot ako."

Tumingala siya sa kawalan kasabay ng pagbitaw niya ng malalim na buntong hininga. Sumilay ang matabang na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya lubos maunawaan ang sarili sa kung ano ang nararamdaman niya. Nababanggit lang naman siya ni Mikeyzhia sa tuwing may naibibigay siya rito na ikasisiya niya o kaya ay kailangan niya nang magpoprotekta sa kanya.

Just a night in shining armour.

"Hindi naman ako umalis sa tabi mo, Mikeyzhia. I've been here since the day you needed me."

Mabigat ang paghakbang niya, isinara ang pinto. Wala siyang ibang iniisip kundi ang magpahinga, kailangan niya rin no'n. Drained na drained na siya. Lahat mabigat, pasan niya ata ang mundo.

Pero ni minsan ay hindi ako napagod na magsilbing sanggalang sa bawat laban mo.

He shook his head. Kinuha ang cellphone saka dinial ang numero ng pinsan. Nakalimang ring pa iyon bago tuluyang nasagot ang tawag. Mula sa kabilang linya ay naririnig niya ang boses ni Sirin, tila may kausap na iba. Malamang ay nasa hapag-kainan na ang mga ito.

"Duane, napatawag ka?"

Halata sa pagsasalita ni Larrki na ngumunguya ito ng pagkain.

"Marami ka nang experiences sa love, 'di ba? So malamang, maiintindihan mo ako sa sasabihin ko." Humilata siya sa kama niya.

Nakikinig lang si Larrki sa kanya, hindi maintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Duane. Ayaw naman niyang babaan ito ng telepono dahil malamang sa malamang ay bubungangaan siya nito kinabukasan. So he'd rather endure this now that to suffer for more later.

"Hmm?"

"Feeling ko inlove na ako, sa tingin mo nababaliw na ako?"

Naibuga ni Larrki ang kanyang kinakain sa narinig niya, dali-dali naman siyang dinaluhan ni Sirin at maging ang kapatid nito ay tumulong sa paglinis ng kalat. Hindi makapaniwala si Larrki sa naririnig.

"Anong sabi mo?" pag-uulit niya.

"Ang sabi ko feeling ko-" Hindi na siya pinatapos magsalita ng pinsan.

"Finally, it works!"

Natulala si Duane sa sinabi ni Larrki.
"It works? Anong ibig mong sabihin?"

"I prayed for you. Akala ko magiging matandang binata ka na lang. I got worried. So tell me, who's the lucky girl huh?"

"Si Mikeyzhia."

"What?!"

"Kanina ka pa sigaw nang sigaw, hindi ako bingi!"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
3.2K 100 11
(Rose Series #1) Alysson Lyre Wang is a beauty surrounded by thorns, protected and valued. She's almost not even aware of that! She has it all, the i...
6.6K 699 43
#plagiarism is a CRIME PROLOGUE True love? Wala 'yan sa totoong buhay, nasa libro lang. That's why I prefer writing than giving my time to pointless...
47.9K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.