The Notebook (One-Shot)

By FirstLoveLasts

1.6K 65 14

P.S. I love her. ❤️ More

The Notebook (One-Shot)

1.6K 65 14
By FirstLoveLasts

"Lexie! Tara kain na tayo!" tawag sakin ni Lei, bestfriend ko.

Lunch break namin at halatang gutom na siya dahil minamadali niya ko.

"Oo, sandali lang. Inaayos ko pa yung mga gamit ko!" sigaw ko pabalik. Nasa labas na siya ng classroom at atat ng magpunta sa canteen.

Ako nga pala si Alexis Sy. Fourth year high school sa Sinclair High.

"Ang kupad mo naman eh! Gutom na ko! Mabuti pa mauna na ko sa'yo! Bibili na kong makakain natin!"

At narinig kong tumakbo na siya paalis. Ni hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko.

Napailing na lang ako. Ang babaeng yun talaga.

Tahimik na isinilid ko ang libro ko sa loob ng bag ko. Ako na lang ang nag-iisang tao na nandito sa classroom. Lahat sila nasa canteen na.

Oo na. Makupad nga ako.

I zipped my bag then sinukbit ko na yun sa shoulders ko. I was about to go nang mapansin ko yung upuan sa tabi ko.

May isang itim na notebook na naiwan do'n.

Mukhang naiwan iyon ni Daemon. Napasimangot ako pagkaalala sa lalaking yun.

Si Daemon Mendoza, ang numero unong peste sa buhay ko. Kababata ko siya at ako ang paborito niyang pag-trip-an.

Bata pa lang kami, madalas na kaming hindi magkasundo. Pwera na lang sa isang bagay -- ang panunuod no basketball.

Madalas niya kong tawaging "Nunal" bilang pang-asar dahil para daw akong nunal na tinubuan ng mukha. Na hindi naman totoo!

Oo, may nunal ako sa mukha pero isa lang yun! May kalakihan nga lang ng konti. -____-

Ako naman tinatawag ko siyang "Demonyo". Pang-asar lang din. Tutal katunog ng English nun yung pangalan niya. Demon. Daemon. Tss. Suits him, eh?

Mula noon hanggang ngayon, sa kasamaang-palad, eh classmates kami. Ewan ko ba. Nakakairita nga eh. At eto pang isa, seatmates kami! Ugh! Kaya araw-araw akong imbyerna!

Kinuha ko yung notebook at saka binuksan.

OPEN THIS AND YOU'RE DEAD!

~ Daemon Mendoza POGI

Iyan ang sumalubong sakin. -__-

"Ang kapal," bulong ko sa sarili ko.

Ano bang meron sa notebook na 'to at ayaw niyang ipabasa?

I smirked. Mabasa nga. Baka nakasulat dito yung deepest and darkest secrets niya! May pam-blackmail na ko sakanya pag nagkataon! Bwahahaha!

Smiling, I turned to the next page.

06-05-20**

Diary,

Pasukan na naman! Finally, senior high school na ko. And guess what? Classmate ko ulit siya! Haha Ang saya lang. Sabi ko na sa'yo, eh. We're destined for each other!

~ Daemon

P.S. I love her.

Woah.

Diary? Si demonyo, nagda-diary?! Syete! Magugunaw na ba ang mundo?! I can't believe it! Yung unggoy na yun? Haha This is hilarious!

Pero teka, sino naman yung her? Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.

Yeah, I like Daemon. No, erase that, I love him. Kahit pa nakakaasar, nakakabuwisit, at nakakaimbyerna siya. Ewan ko ba.

Sabagay, minsan caring naman siya, thoughtful, at sweet. Pero minsan lang yun! Mas madalas eh nakakabuwisit siya!

Kaya nga hindi ko talaga alam kung ba't ko siya minahal. Josko. -___-

Buti na lang pala di ako nagtapat sa impaktong yun. Kundi mapapahiya lang ako at siguradong tatawanan niya lang ako. May iba na pala siyang gusto. Laslas na, friend. </3

P.S. I love her. Psh.

Kahit masakit, inilipat ko ulit sa isang pahina.

06-25-20**

Diary,

Nakita ko siyang naglalakad papunta sa garden kaya palihim na sinundan ko siya... Nang bigla na lang humangin nang malakas at tumaas yung palda niya. And I saw her undies! Hahaha Hindi ko napigilang matawa kaya napalingon siya sakin. And damn, she was blushing heavily! Syempre, nauwi na naman kami sa pagsisigawan. Ang pikon lang talaga ni Lexie! Haha Sinadya ko bang makitaan siya? Hindi naman, di ba? Di ba?

~ Daemon

P.S. I love her.

Oh my God!

Nag-init yung pisngi ko sa nabasa ko. Ako yung her?!

At buwisit siya! Tama bang pati yung kahiya-hiyang pangyayaring yun eh isulat niya dito?! Pa'no kung may ibang makabasa nito?! Nakuuu!!!

Nilipat ko ulit yung pahina.

But this time, I'm smiling.

Mahal ako ni Dae... >////<

07-11-20**

Diary,

May game ngayon ang paboritong team naming ni Lexie. Pumunta ako sa kanila at do'n nakinood. I just wanted to spend some "peaceful" time with her since dito lang kami nagkakasundo. Sobrang saya niya nung nanalo yung team namin. Ako naman masaya kasi nakikita ko siyang masaya. Damn. Malala na talaga ako.

~ Daemon

P.S. I love her.

08-15-20**

Diary,

Nag-away kami ni Lexie ngayon. Oo, hindi lang yung simpleng bangayan. Away talaga. Pa'no kinain ko yung chocolate na bigay sakanya ni James, classmate namin. Kasi naman eh! Ayoko lang namang may ibang lalaking lumalapit sakanya! Gusto ko ako lang. Tapos kung makangiti siya sa lalaking yun, wagas! Kairita. Pero sana talaga, magbati na kami...

~ Daemon

P.S. I love her.

Napangiti ako. I remember that one.

Kaya pala walang sabing kinuha niya yung tsokolateng bigay ni James nun, nagseselos pala! Hahaha

Nako. Demonyong 'to, torpe pala!

09-10-20**

Diary,

Habang nagle-lecture kami sa Physics, binabato ko siya ng papel. Pang-inis lang. Di ako pinapansin, eh. Napakaseryoso. Nakita ko namang nakatingin samin si James. Tiningnan ko lang siya nang masama. Bawal siyang tumingin kay Lexie! Then, naisip ko. What if kaya magtapat na ko? Bago pa ko maunahan. Kaya kumuha ulit ako ng papel at sinulatan yun ng "I love you, Lexie Nunal." Nanginig pa nga yung kamay ko nung sinusulat ko yun eh. Kinakabahan kasi. Tapos nilamukos ko yung papel at ginawang parang bola. I then threw it again to her. Di ko inaasahan na titingin siya sakin kaya naman sumakto sa mukha niya yung papel na binato ko. "Ugh! I hate you, Daemon!" sabi niya saka niya binato sakin pabalik yung papel. At dun napunta ang pagtatapat ko. Ang fail lang.

~ Daemon

P.S. I love her.

Natawa ako! My God! Ang lame naman niyang magtapat! Sarap pagtawanan. Hahaha

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong bumukas 'yon.

"L-Lexie?"

Si Daemon. Mukhang pagod na pagod, ah. Parang alam ko na kung bakit.

Bumaba yung tingin niya at nanlaki yung mata niya nang makitang hawak ko yung "notebook" niya.

"B-binabasa mo?" pautal na tanong niya.

Pigil na pigil ko ang pagtawa. Syet. Ang putla niya! Haha

Tumayo ako at naglakad palapit sakanya. Iniwas niya yung tingin sakin saka umatras ng konti.

"Di ko akalaing torpe pala ang mahal ko," bulong ko sakanya at binigay sakanya yung notebook niya. Tapos naglakad na ko palabas ng room.

"W-wait! A-ano ulit yung sinabi mo kanina?"

"Walang ulitan sa bingi!" nakangiting sabi ko.

"M-mahal mo 'ko?"

Di ko siya sinagot.

"Argh! Bahala na nga!"

Nagulat ako sa pagsigaw niyang yun.

Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya!

Lumapit siya sakin, cupped my face and kissed me! On the lips!

Smack lang naman. I stared wide-eyed at him after the kiss. Pinagdikit naman niya yung mga noo namin.

"Nevermind. Hindi na muna importante kung mahal mo din ako o hindi. Ang mahalaga, alam mo na ngayon kung anong nararamdaman ko. Kaya liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. I'll make you fall for me. And we'll live happily ever after. I promise"

12-25-20**

Diary,

I received the best and most precious Christmas gift ever - sinagot na ko ni Lexie! We're officially on! Pa'no niya ko sinagot? She gave me a statement shirt that says, "I love you, boyfriend!" Isn't she the sweetest? Damn! I'm a lucky bastard! :)

~Daemon

P.S. I love her.

02-14-20**

Diary,

This is the happiest day of my life.

My Lexie just became Mrs. Alexis Sy-Mendoza.

And I know our forever starts today.

~Daemon

P.S. I love her 'til eternity.

~FIN~

Continue Reading

You'll Also Like

219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
25.4K 903 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
63.4K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...