Mystery Strings ( Valle d'Aos...

By TheChantrea

75.7K 3.4K 989

Valle d'Aosta Series 5 More

Synopsis
First Countdown
CHAPTER 1: Strange morning
CHAPTER 2: Buena Familias
CHAPTER 3: Meeting Kadynce
CHAPTER 4: Tumbler
CHAPTER 5: Syxth Costallejo
CHAPTER 6: Stealing kiss
CHAPTER 7: Sacred dwelling
CHAPTER 8: baby
CHAPTER 9: Perplex
CHAPTER 10: Stealing glances
CHAPTER 11: After
CHAPTER 11: Overnight
CHAPTER 12: Breakfast
CHAPTER 14: Almost kiss

CHAPTER 13: Dream

4.4K 218 83
By TheChantrea

Chapter 13: Dream

" Hindi pa po kayo uuwi?" Tanong ko kay Ma'am Rayhana dahil buong araw na itong nandito sa bahay. Balak pa atang matulog ulit dito.

Nanonood ito sa TV at as usual tahimik na naman siya.

" No. Unless you'll come home with me.." ganyan lagi ang sagot nito kapag tinatanong ko kung uuwi na siya. Wala nga ata siyang balak umuwi.

" Ewan ko sainyo, Ma'am.." nasabi ko nalang.

" Where are you going?" Tanong nito nang makitang paalis ako.

" Sa labas po. Bibili lang. May gusto po ba kayong ipabili?" Tanong ko.

" You don't have groceries na?" Instead na tanong niya.

" Meron pa po. Bibili lang ako ng soft drink. Gusto niyo po ng coke?" Umiling ito.

" Alcoholic drinks instead. " She reply.

" Iinom po kayo ng alak?" Tumango siya.

" Yes. Anything will do. "

Napabuntong hininga nalang ako at tumango bago umalis. Sa tingin ko ay may problema ito. Ang lungkot kasi ng mga mata niya.

Pagtapos kong bumili ay bumalik narin agad ako sa bahay.  Hindi ko siya nakita sa may sala pero naririnig ko ang boses niya sa kusina.

" What?" Rinig ko ang malakas na boses nito at mukhang may kausap sa cellphone. " Ang dami mong pera pero  hindi mo kayang bumili ng sarili yate." Dagdag nito.

Nang tingnan ko ito sa kusina ay nakatalikod ito saakin habang hawak ng kabilang kamay niya ang cellphone at may niluluto.

Feel at home ah.

" Tigilan mo ako Kadynce. Ang sabihin mo kuripot ka lang. Ang yaman-yaman mo naman e. Mas mayaman ka pa saakin. "

Usapang mayayaman pala ito. Hindi ako makarelate.

" Fine! You can use it but you owe me. Sisingilin kita kapag kailangan ko na. Goodbye my beloved cousin. Enjoy and please mag-ingat ka baka malunod ka." She chuckles before she ended the call.

Napakagat labi ako dahil may ganitong side din pala si Ma'am.

" Kanina ka pa?" Nagulat ako dahil nakatingin na pala ito saakin. Hindi ko namalayan. She bit her lower lip as she saw my reaction. Gusto kong mapaikot ng mata pero naalala kong Dean pala siya.

Tumango naman ako bago inabot ang beer. " Heto po."

Kinuha niya naman ito. " Bakit isa lang?"

" Isa lang dahil baka malasing kayo at hindi kayo makauwi." Sabi ko.

" That's the plan." Mahina ang pagkakasabi nito kaya hindi ko narinig.

" Ano po?"

Pero tinalikuran na ako at pinatay 'yong stove. Nagluto pala ng fries. Buti nalang may stock sa ref.

" Feel na feel niyo po dito no?" Tanong ko dito na may pang-aasar.

Nilingon niya ako saglit bago naglagay ng fries sa may plato.

" Yeah." Simpleng sagot niya lang. Hinati niya sa dalawang plato 'yong fries at 'yong isa nilagyan niya ng cheese at 'yong isa naman ay hindi.

Napangiti ako at mabilis na kinuha iyong may cheese.

" Akin lang 'to, Ma'am ha?" Nakangiting sabi ko dito. " Hindi ka naman kumakain ng may cheese eh." Dagdag ko pa na ikinatigil niya at tiningnan ako.

" How did you know?" Seryosong tanong nito.

Napakagat labi ako at napaisip. Oo nga. Paano ko nga ba nalaman? Pareho kaming natahimik. Iniisip ko parin kung paano ko nalaman. Kusa nalang iyong lumabas sa bibig ko na para bang alam na alam ko na ayaw niya ng cheese.

" Hin..di ko po alam.. siguro napansin ko lang?" Takang tanong ko. " Pero diba kumain naman po kayo ng fries with cheese flavor nong bumili tayo sa Jollibee?" Paglilinaw ko.

Tumango siya. " Of course. I don't want to disappoint you." She give me a little smile.

Napasimangot naman ako." Dapat hindi niyo na pinilit. Okay lang naman po saakin."

" It's okay. Let's watch a movie?" Pag-iiba nito sa usapan. Tumango nalang ako at pumunta na kaming sala para manood.

Umupo ako sa single sofa habang siya ay nasa long sofa. Tahimik na nanonood lang ito habang umiinom ng beer.

" Stop staring, Miss Avanzado." Mabilis na umiwas ako at kinain ang fries ko.

Ramdam ko ang titig nito saakin kaya nacoconscious ako. Hindi na ako nakatiis kaya nilingon ko siya.

" Stop staring, Ma'am. " Balik na wika ko sa sinabi niya kanina lang.

She chuckles and sip her beer without leaving her eyes on me. I silently gulp.

"Ma'am naman.." maktol ko dito.

" Why?"

" Tama na kakatitig. Ganyan ba kayo sa lahat ng student?" Tanong ko.

" No and never." Walang alinlangang sagot nito.

" Eh bakit naman? Bakit ibang-iba ang trato niyo saakin? "

" Because you're not them. You're different. " She look at me straight in the eyes.

Napakapamilyar ng mga titig nito.

Hindi nalang ako nagsalita pa dahil ang lakas ng impact nang sinabi nito.

Pareho na kaming focus sa movie. Ang ganda nga ng movie eh. Very realistic and makakarelate ka talaga. The two main characters fall in love but did not stay in love. Masaya naman sila nong una but then everything change as years go by.

" Can people really change?" I asked out of nowhere.

" They do. Change is constant."

Tumango ako dahil tama siya.

" Na in love kana ba, Ma'am?" Tanong ko.

Akala ko hindi siya sasagot but she nodded her head. " Yes. "

" So ano pong nangyari?"

" She forgot about me. " She turn her gaze at me. " I almost lost her. " Her voice cracked a bit.

Umiwas ito ng tingin saakin.

Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Iyon siguro ang tinutukoy niyang namimiss niya.

" M-ahal mo pa po?" I almost whisper.

" Never nawala ang pagmamahal ko sakanya. She's always be the reason why I'm still holding on even it hurts me seeing her starting a new life without a tinge of me." Her voice was almost whispering.

Why it hurts me seeing her like this? At bakit kumikirot ang puso ko sa isiping may mahal na ito?

" Bakit hindi niyo po ipaalala sakanya? Bakit hindi niyo kausapin?"

" I can't force her to remember me. I will just put her life in danger if I did. I'm holding on that she will eventually remember me. I hope her heart will remember me. " She look at me and smile kaya umiwas nalang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasasaktan ako ngayon.

Kung may mahal na siya bakit iba ang pinapakita niya saakin? or sadyang umasa lang ako na iba ako sa lahat? O sadyang ako lang 'yong nag-iisip na may something.

Nagpaalam ako na aakyat lang ako sa taas. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at umakyat na ako. Pagpasok ko palang ay mabilis na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko.

Heto na naman ako sa pakiramdam na sobra akong sasaktan pero gulong-gulo ako kasi hindi ko alam kung bakit.

Sa sobrang iyak ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil sa masamang panaginip.

Habol ang hiningang napaupo ako sa kama. Ang sama ng panaginip ko.

Sakto namang may kumatok sa pinto.

" Pasok." Mahinang sabi ko pero mukhang narinig parin nong kumakatok dahil unti-unti itong bumukas at pumasok mula roon si Ma'am at si Nanay.

" Anak." Mabilis na lumapit saakin si Nanay. " Anong nangyari at pawis na pawis ka?"

Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Ma'am pero ako na ang umiwas.

" Nanaginip lang ako ng masama, Nay." Sagot ko. Kumuha si Nanay ng panyo at pinunasan ang pawis ko.

" Ano bang napanaginipan mo?"

" Katulad parin ng dati." Mahinang sagot ko kaya napatigil si Nanay bago nilingon si Ma'am. Nagtataka pa ako dahil parang nagkakaintindihan silang dalawa sa tingin.

" Nay." Tawag ko dito.

" Bakit anak? May masakit ba sayo? Nagugutom kaba? O gusto mo ng tubig? " Sunod-sunod ang tanong nito.

Umiling ako. " Naaksidente ba ako dati?"

Mabilis na umiwas ng tingin si Nanay at pinagpatuloy ang pagpunas ng pawis ko. " Bakit mo naman natanong 'yan?"

" Pakiramdam ko kasi ay totoong nangyari saakin ang panaginip ko." Mahinang sagot ko.

Hindi na sumagot pa si Nanay kaya naramdaman kong lumapit saakin si Ma'am. Akmang hahawakan ako ito sa pisngi pero mabilis na umiwas ako.

I bit my lower lip. " Cr muna ako, Nay." Mabilis tumayo ako at lumabas.

Hindi naman talaga ako magbabanyo, ayoko lang na malapit siya saakin.

Pakiramdam ko mali ang mas maging magkalapit pa kami. Ginugulo niya lang ang isip at damdamin ko.





Everything about her confused me.


















Continue Reading

You'll Also Like

836K 28.1K 38
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
277K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
826K 38.8K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...