The Princess's Stalker (comp...

By sugarandalmonds

3.1M 77.8K 4.2K

Story of Ran Martinez Romualdez (daugther of Jett and Clem of Blame Me Once) Para sa babaeng lagpas hanggang... More

The Princess' Stalker
SIMULA:TPS
TPS 1: bayaw
TPS 2: hindi kilala
TPS 3: isang bulaklak
TPS 4: Ran vs Ren
TPS 5: the so called debt
TPS 6: invitation
TPS 7: chat
TPS 8: dance dance
TPS 9: questions
TPS 10: welcome
TPS 11: pag-ikot
TPS 12: good girl
TPS 13: pangalawa
TPS 14: lakas ng loob
TPS 15: battered, bothered
TPS 16: face off
TPS 17: panyo
TPS 18: kape
TPS 19: this is bad
TPS 20: get set
TPS 21 : buds
TPS 22: Monday
TPS 23: absence
TPS 24: menopause baby
TPS 25: hit and threat
TPS 26: take or leave
TPS 27: patas
TPS 28: maybe yes or not
TPS 29: good to hear
TPS 30: coming soon
TPS 31: pillow
TPS 32: this love
TPS 33: baliw na baliw
TPS 34: history
TPS 35: ang inggit
TPS 36: for nothing
TPS 37: forehead will do
TPS 38: not a fan
TPS 39: clingy
TPS 40: first date
TPS 41: can't sleep
TPS 42: subukan mo
TPS 43: watching
TPS 44: his right time
TPS 45: bus ride
TPS 46: si Bryan
TPS 47: friends, allies
TPS 48: miscalls
TPS 49: maling akala
TPS 51: will be good for him
TPS 52: I'm sorry
TPS 53: love is a fire
TPS 54: a selfish decision
Epilogue
Special Chapter: One
Special Chapter 2:

TPS 50: blood, tissues and issues

45.5K 1.1K 84
By sugarandalmonds

Paano ba yan?

kapit YuRan

till chapter 54+epilogue

maraming error kasi antok na ko talaga...pumapalya pa si lappy

#unedited





***

TPS 50:

"Home?" tanong sa kanya ni Ren pagkapasok niya sa kotse nito, tinext niya ito na sunduin siya, malapit lang naman ito at nakapunta agad.

"Where else?" mataray na sagot niya dito. Matapos ang nangyari sa loob, wala na siyang ganang pumasok pa sa klase. Posibleng mabunton nya ang galit niya sa iba, bagay na pilit niya ng iniiwasan at maramdaman sana, until this girl happened.

Nagpupuyos ang kanyang kalooban, tumingin lamang siya sa labas, buti at tahimik lamang ang kanyang kakambal. Alam nito kung saan lulugar ngayon, malinaw na hindi siya ang kinampihan ni Yuan kanina, hindi siya naaawa kay Bryan, napakaplastic nito. Pathetic because she;s after a guy who can't love her the way she want it to be. Kasalanan nya bang siya ang gusto ni Yuan, hindi niya iyon hiningi na maramdaman! Ano ang karapatan nito na pangunahan siya sa kanyang desisyon kung gaano niya ito kamahal. She's insane, her ideas are too absurd! Nilalamon ito ng kawalang pag-asa kay Yuan kaya naman siya na ang kinausap.

"Ran!" nasa utak nya ang galit na galit nitong mukha , isama pa ang banta nito kaya naman, nawalan siya ng lakas na sundan ito. Pero bakit nga ba siya panghihinaan ng loob, hindi ito ang tagpo na inaasahan niya, hindi ang paglayo na naman sa kanya ni Ran.

"Yuan." Tawag ni Bryan, nakasunod ito hanggang sa labas, humarang ito para hindi niya mabuksan ang kotse. Hangga't maari, ayaw niya muna itong harapin, ayaw niyang makapagsalit dito ng hindi maganda, pero kung magiging mapilit pa rin ito , at hahadlang sa kanyang daraanan, hindi na siya makakapagtimpi.

"Tabi!" utos niya dito, hindi dahil sa itabi niya ito mula kay Ran ay kampi na siya dito... Ayaw nya lamang na makasakit pa ito at makukuha ng masamang impresyon sa paligid.

"Wag mo na syang sundan, wag mo na syang puntahan, sa akin ka na lang," matalim niya itong tinignan, hilam na ang mata nito dahil sa luha, idagdag pa na namumula ang pisngi nito dahil sa lampas ng sampal ni Ran.

"Alam mong mula umpisa kung sino ang gusto ko, at hindi magbabago yun, kahit sa iyo pa, kahit ikaw pa." Madiin nyang sabi nito, nanghina ito sa kanyang sinabi at napa-atras.

Mahilig kasi itong magbiro mga bata pa lamang sila, sinasakyan nito madalas ang tuksuhan ng kanyang pamilya, pero okey naman ito kapag kinukwentuhan niya tungkol kay Ran...hindi nya alam kung bakit naging ganito ito. Hindi ganitong kaibigan ang gusto niyang magkaroon, hindi sisira ng relasyon na matagal niya ng pinangarap, ang kailangan niya ay suporta ng isang kaibigan, hindi ganito.

Hindi ganito.

"She's bad for you-" mabilis niyang pinutol ang linya nito, nagulat naman ito sa paghampas niya sa bubungan ng kanyang kotse.

"Anong karapatan mo para magdesisyon ng ganyan! Ako ba ikaw? Ikaw ba ang nakakaramdam? Who give you the right to judge her? Hindi mo siya kilala, kaya please hangga't matino pa ang isip ko, umalis ka sa harap ko." Tinulak niya ito at mabilis na pumasok sa kanyang kotse, nahampas niya ang manibela ng hindi siya agad makalabas sa parking lot.

"Shit!" ang tanga niya para isipin na magiging okey ang lahat, pinangahawakan niya ang sinabi ni Bryan sa kanya kagabi. Malamang iba na ang iniisip ni Ran sa kanya ngayon, mahihirapan siyang suyuin itong muli. Kahit hindi siya sigurado na haharapin nito, pinuntahan niya pa rin ito sa bahay.

Nakatanaw si Ren sa kanyang kapatid, inilalabas nito ang galit sa pamamagitan ng pagswiswimming sa kanilang indoor pool. Nakabantay doon si Rojan, naka trunks din ito pero hindi naman naliligo, kanina pa kasi ito hindi pinapansin ni Ran. Nandoon din ang dalawang katiwala, sakaling may mangyari dito habang lumalangoy ay makakahingi agad ng tulong.

"Kuya what happened to ate?" tanong ni Ron sa kanya, maging ito rin ay nakamasid kay Ran, nakatayo muli ito sa dulo at handa muling mag dive, naka one piece red swimsuit ito. Alam niya kung ano ang nangyari at hindi niya ito mapapalampas.

"She's mad, like really mad." Turn niya dito, tumango naman ito.

"Boyfriend?" tinanguan niya ang sinabi nito,"Tsk, that's why from the start I don't want her to have one." Supaldong sabi nito, parehas sila ng nasa isip.

Binigo siya ni Yuan, binigo nito si Ran ng matindi.

"Dude." Napalingon siya sa tawag ni Josh, pinapunta nya ang mga ito dahil hindi na siya nakabalik ng school, hindi niya maiiwan ang kakambal niya na ganito, baka kasi balingan nito ng galit ang kung sinuman sa kanilang bahay. Takot na nga ang mga maid dito, kapag hindi galit, ngayon pa kaya na namumula sa galit ang mata nito?

Hindi nakalampas kay Ren ang pagkapako ng mata ni Dexter sa pool area, umahon na naman kasi si Ran at mag dadive na namam.

"Tama na ang tingin, hindi mo magugustuhan na sa iyo mabaling ang galit ng tigre," inakbayan niya ito at inilayo doon, sinabihan rin ni Ren ang kapatid na si Ron na bantayan ang dalawa. Wala pa naman ang kanilang honey sa bahay.

"May problema sila? Nasa labas si Yuan , ayaw papasukin ng guard." Nakuyom niya ang kamao sa sinabi nito, mabilis siyang luambas para harapin ito.

***

"Please, kuya payagan niyo na ako, kakausapin ko lamang siya."

"Sorry sir, mahigpit pa ang bilin ni Senyorita Ran, malalagot po ako kapag pinapasok kita." Kanina pa siya nagmamakaawa sa tatlong guard, kanina pa rin niya naririnig ang rason nito, ayaw niyang umuwi ng hindi nakakausap man lamang si Ran. Muntikan na nga siyang makalusot, kaya lamang may mga bodyguard na mukhang mga bouncer ang humarang sa kanya at muli siyang binato sa labas.

"Umuwi ka na!" sigaw iyon mula kay Ren, sa likuran nito ang dalawang kaibigan na malayang nakapasok. Masama din ang tingin na ibinigay sa kanya ni Dexter.

"Ren, please let me talk to her." Nagmamakaawa siya dito, misunderstanding lang naman ang lahat, hindi niya hahayaan na mauwi sila sa hiwalayan ng ganun ganun na lang.

"My sister need space, kaya ibigay mo 'yun sa kanya." Selosa ang kanyang kapatid, kagaya nilang lahat, o kagaya ninuman na nagmamahal...bago kasi ang lahat ng pakiramdam dito, kaya naman tama lamang na makapag-isip muna ito.

"We can sort this out, magkasama, may lilinawin lamang ako."

"Please listen, umuwi ka na lang muna pare." Sinamaan niya ng tingin si Dexter, ano ang karapatan nitong makealam? Hindi ibig sabihin na may away sila ni Ran ay sisige at sisingit na agad ito!

"And listen too, learn to shut up pare!" he said sarcastically, ngumisi ito sa kanya kaya naman hindi niya mapigilan na sugurin ito, hinawakan niya ito sa kwelyo, hindi naman ito natinag sa kanyang ginagawa. "Wag kang makealam dito, maayos pa kami!"

"sigurado ka?" nasuntok niya na ito sa mukha, lumapit naman si Josh para itulak siya, susugod sana ang mga guard pero sinenyasan ito ni Ren. Agad tumayo si Dexter at binagyan din siya ng suntok.

May bumusinang kotse kaya sila napahinto, umibis doon ang mga kabigan ni Yuan, sina Bono, Topher , Jackson kasama si Bryan.

"talaga? Tatlo sa isa? Duwag pala kayo eh!" singhal ni Bono ng makapalit kay Yuan, hinala naman ito ni Jackson, pinakusapan ni Topher na maging kalmado lang, nilapitan ni Topher si Yuan at hinawakan sa balikat.

"Kalma lang, lilipas din ang galit niya." Frustrated na ito, hindi niya masisisi. Sinabi na sa kanila ni Bryan ang nangyari, iyak ito ng iyak habang nagkukwento. Sinasabi niya na nga na may hindi magandang mangyayari sa pagpunta nito. Ito na nga iyon, nagkakalabuan si Yuan at Ran at tinitiyak niya na hindi ito matatanggap ni Yuan.

"Let's go!" binigay nya ang kanyang susi kay Jackson, siya ang magdadrive ng kotse ni Yuan.

Naaawa siya dahil umiyak agad ito pagkasarado ng pinto.

"Galit siya akin eh, ayaw nya na akong kausapin, magpapaliwanag lang naman ako,"sunod sunod na sabi nito, dinaig pa ang lasing.

"Palipasin mo muna ang sama ng loob niya, iba talaga ang babae kapag ang nagseselos, hindi sila minsan tumatanggap ng dahilan." Paliwanag nya dito, nakalabas na sila ng village na iyon.

"Pero wala naman dapat eh, una pa lang alam niyang siya lang." hindi niya nga nagawang tumingin sa iba noong hindi pa sila, ngayon pa kaya. "Kaibigan ko lang si Bryan, o baka hindi na." mapait ang bawat salita nito. Hindi niya masisisi, mali naman talaga si Bryan, hindi dapat nito sinabi ang mga bagay na iyon kay Ran.

Napahinga na lamang siya ng malalim, mas gusto nya na ang baliw na Yuan dahil sa sobrang saya kumpara sa ganito. Hindi man lamang ito nahihiyang umiyak sa kanyang harapan.

He guesses, love really hit him hard.

***

"Sabay na tayo." Yaya sa kanya ni Dexter pagkalabas nya ng kotse, kahapon nagpunta ito sa kanilang bahay, ilang oras din siyang nagbabad sa paglangoy, pagkatapos umakyat siya sa kwarto, nagbihis at nakatuloga agad. Nakapatay pa rin ang kanyang phone, binilinan niya ang lahat na wag papasukin si Yuan, sinabihan niya rin ang kapatid na si Rojan na 'wag kakausapin si Yuan, wag ibibigay ang tawag sa kanya kung sakaling dito tumawag.

Tumango si Ran dito, okey na rin ang may kasabay kaysa mag-isang maglakad sa hallway. Nandoon pa rin ang mapanuring tingin na ibinibigay sa kanya, maaring nagtataka kung bakit hindi si Yuan ang kasama niya ngayon.

Break na sila?

Buti naman!

Sabi na hindi sila magtatagal eh!

"Masama ba ang pakiramdam mo?" napansin nito na napapikit sya. She was just thinking, maaring hindi maganda ang nangyayari sa kanila ngayon ni Yuan, pero hindi niya naiisip na maghihiwalay sila agad.

She loves him very much, napaisip siya sa sinabi ni Bryan sa kanya kahapon, maaring noon hindi, pero ngayon, nasasaktan siya ng sobra dahil mali ito. Mahal niya si Yuan, masakit na marinig na masamang impluwesnya sya para dito.

Mali ba na mahalin siya ng sobra? Wala siyang nakikitang mali kung mamahalin mo ng sobra ang taong mahal mo, iyon ang paraan mo para maipakita ang imprtansya. Sabihan pa siya nito na mas mamahalin daw nito si Yuan kaysa sa kanya? That's ridiculous!

Damn this jealousy! Hindi nya matanggap na pinagtanggol ito ni Yuan, part of her want him to stay by her side even though she hurt Bryan. Pero hindi, ito ang pinatanggol ni Yuan, imbes na siya na girlfriend, bumaling ito sa bestfriend na may dalawang mukha.

Isa na mabait kapag si Yuan ang kaharap.

Pangalawa, masama ang ugali kapag hindi nakuha ang gusto.

***

"Pwede na ba kitang makausap ngayon?" nagulat pa siya ng biglang lumitaw si Yuan sa kanyang harapan, papunta sya sa parking lot dahil may naiwan sa kanyang kotse. Mukhang hindi pa ito natutulog, gulo gulo rin ang buhok nito, pero imbes na pumangit, nakadagdag pa sa kagapuhan nito.

"Not now." Nilampasan niya ito.

"Kung hindi ngayon kailan pa? Kapag masyadong malayo ka na at hindi ko na naman maabot?" may pait sa boses nito.

Bumaling na si Ran dito, siguro ito na nga, dito na nga ang tamang oras para sabihin niya ang mga naisip niya nitong mga nagdaang araw." mag-uusap tayo kapag nasa akin na ang atensyon mo, kapag wala ka ng Bryan na iniintidi, kapag wala na rin ang nakakainis na selos na nararamdaman ko ngayon." She even bit her lips, nanginginig siya, muli siyang nagsalita sa mas kalamdo na tono. "Hindi ako sanay ng may kahati, may kaagaw, akin lahat, I am selfish like that, I am a bitch like this,kapag galit ako nilalabas ko, hindi ako mapangpanggap, hindi ako sweet, suplada ako, mataray, I am a spoiled, ganito ako! I am a bad influence for you, pero,pero, sabi mo tanggap mo ako, pinaasa mo ako, tapos ano, dumating siya, tapos nawala na yung Yuan ko, yung Yuan ko na ako lang ang nakikita? I don't know how to deal with that, yung dapat akin lamang nawala, nawala ka,"

Nakatingin si Yuan sa kanya, tinatanggap ang bawat salitang binitawanan pero sa huli, tumawa ito ng mapakla...

"Hindi mo pa rin talaga ako kilala, hindi mo pa rin talaga alam na ikaw lang ang gusto ko, kahit marami pang babae o Bryan ikaw lang, sorry kung nabalewala kita saglit, per hindi naman nabawasan iyon eh...saka yung ugali mo, alam ko naman yun lahat eh, tanggap ko 'yun, kasi iyon ka, iyon ang babaeng minahal ko...pero nakakalungkot na hindi mo pa rin alam na mahal na mahal kita," napasingahap pa ito, namumula na ang mga mata gaya niya...buti na lamang at walang gaanong tao, napapaligiran lamang sila ng kotse at van.

"Ano pa ang gusto mong gawin ko para malaman mo na handa kong gawin lahat para sa'yo? "Nag-iwas si Ran ng tinginm, hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Yuan, parehas nilang nasaktan ang isat'isa sa isang mababaw na dahilan.

Selos.

Mababaw nga lamang ba.

"siguro nga, kailangan mo ng space, nag-iisip na rin ako, baka kailangan ko rin," tumalikod na si Yuan dito habang pinapahid ang luhang hindi napigilan tumulo. Kagabi hinayaan lamang siyang uminom at umiyak ni Topher, kaya siya na late ng pagpasok dahil doon.

"Yuan," mahinang tawag ni Ran , ngayon siya nagsisi sa kanyang mga nasabi. Nakalimutan niya. Napakislot siya ng biglang may humawak sa kanyang likod, may itinakip ito sa kanyang bibig kaya hindi siya nakalaban pa.

"Gotcha!"

"Sabi ko sa'yo, wag mong iiwan mag-isa."

"Ha?" tinuro ng utility man ang pwesto kung nasaan si Ran, nakita niyang sinakay agad ito sa isang itim na van. Paglingon niya nawala na ang lalake sa kanyang harapan.

"Ran!" tinakbo niya ang distansya sakaling maabutan ito,pero agad ng nagpaharurot. Nakita nya ang dalawang body guard ni Ran na walang malay. Mabilis siyang lumabas, hinarang niya ang isang nagmotor at mabilis na sumakay dito. Kinakabahan siya dahil hindi na biro ang mga nangyari, nakidnap na si Ran at siya ang may kasalanan, pinabayaan nya ito.

"I need help, nakidnap po si Ran!" imporma niya sa kabilang linya na nagkagulo bigla, wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang maligtas ito.

***

Mommy!

Mommy!

Ren!

Ren!

Nasaan ka Ren?

Balik na tayo sa bahay ni lolo, ayoko dito!

Masakit ang ulo ni Ran ng magising, madilim ang paligid, mabilis siyang kinabahan ng maalala ang nangyari kanina. Hindi iyon panaginip, nangari 'yon ilang taon na, nabigla siya ng maramdaman na nakatali ang kanyang kanang kamay.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa," bumukas ang ilaw, isang matabang lalaki na may bigote ang nagsalita, nandito siya sa isang abandonadong lugar, marumi ang paligid, tambak ng mga kasangkapan na hindi na ginagamit, karamihan ay hindi na mapakinabangan.

"Who are you?" pilit nyang inaalis ang takot sa kanyang boses.

"Uy, Ingles, alam ko yan,"

"Tumigil ka nga," saway ng isang medyo patay dito, masama din ang hitsura at maitim.

Bumukas ang pinto sa likod, nagbigay iyon ng konting liwanag, pero mabilis ring nawala, hindi nya alam kung nasaan siyang parte ng bansa.

"Diyan na pala si boss bigyan ng upuan, "kumuha ng upuan ang isa at inalagay malapit sa kanya, doon umupo ang boss na tinawag.

"Sino ka?" ngumisi ito sa kanya, nakita niya na ito, pero hindi nya maalala kung saan...

"Welcome back, anak" kinalabutan sya sa bati nito.

Kailan pa siya nagkaroon ng ibang ama?

"Binabawi na kita, sumama ka na ulit sa akin, tama na ang panahon na ipnahiram kita sa mommy mo at sa hayop nyang asawa," umiwas siya sa haplos nito sa kanyang pisngi, wala siyang ibang daddy, isa siyang Romualdez, kabaliwan ang sinasabi nito!

"You're insane! I am Jett Aiden Romualdez daughter, hindi mo ako anak!" napahiyaw siya dahil dinakot nito ang buhok nya, matalim itong tumingin sa kanya.

"Hindi ka tinuruan ng ama amahan mo ng magandang asal? Dapat talaga sa akin kayo sumama, sa akin na tunay mong ama!" she spit in his face. Nandidiri siya sa sinabi nito, nagulat naman ito at sinampal siya sa kanang pisngi.

Napakasakit.

May nahulog sa isang sulok, bumaling naman ang tatlong goons doon.

"Maingay yung isa, gustong makisalit." Sabi noong matangakd na kalbo, mat tattoo itong mata sa noo. Ganoon na lamang ang panalalaki ng mata ni Ran ng makilala ang tinutukoy.

Si Yuan.

Puro galos sa katawan at may sugat sa ulo.

"Kahit gaano pa kagaling sa motor tong boyfriend mo, di to uubra sa amin, laking karera kaya ako, ang kulit eh, sinama na namin, okey lang ba boss?" tumingin si Yuan sa tinawag na boss, hindi niya talaga inaasahan.

Ito pala si Z, ang matagal ng hinanap, Boss Z ang tawag ng mga halang na dumukot kay Ran. Ito ang utility man na madalas sumulpot kung nasaan siya!

"sige, nandyan na yan eh," nakangisi ito at bumaling kay Ran," anak, tawagin mo naman akong daddy, matagal ko ng pinananabikan 'yun," sumamo nito na lalong nagpasuklam kay Ran.

"Si Jett ang daddy ko, hindi ikaw!" akmang sasampalin muli ito ni Z ng magsalit ang isang goon na may malapad na bibig, mukha itong payaso.

"Boss Z, may suggestion ako, gamitin natin si pogi para mapasunod ang anak nyo..." dumampot ito ng mga tubo sa gilid, binigay ang tatlo sa kasama, isipin pa lamang ang ideya, nadudurog na ang puso ni Ran.

"No!" tutol niya sa mga ito.

"Sige sige maganda yan!" sang ayon ni Z na pumalakpak pa.

"Isang palo, sa bawat hindi mo pagtawag ng daddy sa aming boss," sabi nit okay Ran," at ikaw bata pwede kang humakbang papalapit sa girlfriend mo, yun ay kung makakatayo ka pa! "Pak! Inihampas nito ang tubo sa binti ni Yuan, napaupo naman ito bigla at napahiyaw.

"I wanna hear it," bumaling si Z kay Ran, umiiyak na siya dahil sinusukang tumayo ni Yuan at humakbang papunta sa kanya. Noong nakatayo ito, yung isa naman ang humataw nito sa parteng tuhod.

"AHH!" hiyaw nito, tawanan ang mga goons sa gilid habang inihahampas sa sahig ang mga tubong hawak.

"Nasaan na?" muling tanong ni Z, unti-unting tumayo si Yuan, nakaisang hakbang muli papunta sa kanya.

Muli na naman itong nakatikim ng palo, sa pagkakataong ito, dalawa ang gumawa noon , isa sa binti, isa sa kanyang hita. Hindi nya na rin marinig ang hiyaw na nangaggaling kay Yuan, nabibingi sa mga luha na sunod sunod na kumakawala sa kanyang mata.

Bakit may mga taong ganito ka brutal, bakit si Yuan.

You are bad for him.

Muling tumayo sa Yuan, kahit hirap na hirap...nagawa nitong maihakbang ang paa papaunta sa kanya...

"Nasaan na anak?" muling tanong ni Z, hindi siya sumagot...hindi ito ang kanyang ama, bumaling siya kay Yuan ng sunod sunod na itong umaray, pinagpapalo na ito, ang mnga kamay nito ay nakatakip sa ulo nito. Yung mataba ay kanina pa pinagdidiskitahan ang mga binti ni Yuan..

"Gusto mo ba siyang mamatay anak? Tawagin mo na akong daddy?" nakahawak na ito sa kanyang pisngi, pinapahid ang kanyang luha na umiiyak para kay Yuan.

"Wag mo siyang sundin, hindi mo 'yun gusto, o-okay lang ako," pilit na sinasabi ni Yuan sa kanya...malabo sa okey ang kalagayan nito, may dugo na ito sa bibig pero nagawa pa ring ngumiti sa kanya.

You are bad for him. Bryan was right...sana man lamang may magawa siya para kay Yuan,sana makaligtas ito.

"Tama na po, daddy please, tama na po!" Niyakap siya nito.

"Tahan na anak, uuwi na tayo sa wakas." Nakakadiri ang yapos nito. Nagawa ng gumapang ni Yuan palapit sa kanya, inabot niya ang kamay nito, puro dugo at galos, siya ang dahilan kung bakit napahamak ito ngayon.

Naalala nya na si Z, ang kuminap sa kanya noon, ang taong galit sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang daddy dahil ito ang pinili ng kanilang mommy.

Gusto nyang yakapin at halikan si Yuan, humingi ng tawad dito, sa huli siya pa rin ang iniisip nito...masakit sa kanyang puso na nandito ito ngayon dahil sa kanya, gustp niya itong halikan at sabihin na mahal na mahal niya ito pero nawalan na sila ng malay kasabay ng sunod-sunod na putok na kanilang narinig.

Continue Reading

You'll Also Like

568K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
432K 11.2K 32
Aegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sigh...
788K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...