Casanova's Club #4: Beautiful...

By pinkyjhewelii

37.5K 1.1K 222

Ludwig Ivan Palermo More

TEASER
I.
II.
III.
V
VI
VII
VIII

IV

2.5K 104 17
By pinkyjhewelii

IV.

MAGHAPON akong tumunganga sa bahay. Wala na yata akong nagawa pagkatapos kong ayusin lahat ng groceries kaninang umaga. Mas matagal pa nga ang ini-iyak ko sa kwartong ginagamit ko.

Gabi na naman. Tahimik. Mag-isa lang ako. Wala akong ideya kung uuwi si Ludwig or kung anong oras ba siya umuuwi galing sa trabaho. Hindi ko naman siya pwedeng tawagan dahil bukod sa hindi ko na alam kung anong contact number niya ay paniguradong magagalit na naman siya kapag kinausap ko pa siya.

He let me live here... with him. Makuntento na dapat ako r'on. Parang hindi ko na kakayanin kung makatikim na naman ako ng masasakit na salita mula sa kaniya.

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo sa couch nang marinig ko ang sasakyan ni Ludwig. Agad akong lumapit sa bintana para silipin iyon pero kumunot ang noo ko nang hindi lang sasakyan niya ang pumasok sa garage. May dalawa pang kotseng kasunod.

I gulped as I watch those people walking towards the main door. Ilang lalaki at babae ang nakita ko. Agad akong napaupo ulit sa couch saka hinablot ang magazine mula sa center table at nagpanggap na nagbabasa.

The door opened. Pumasok ro'n si Ludwig kasunod ang isang sexy na babae. Bukod sa kanila ay may tatlo pang lalaki at dalawang babae silang kasama.

"Whoa, your ex, man?"

Nakilala ko iyong nagsalita. Pinsan ni Ludwig. Bigla akong nahiya.

"Yeah, an ex." Sagot ni Ludwig.

"You love her, man."

"Yeah."

Dumagundong ang dibdib ko sa sagot niya.

"Before. I loved her. And now, I can't feel anything for her."

Akala ko...

"So, you have a wife, Ludwig Ivan?" Tanong ng babaeng kasunod niya. "Well, living together makes you a husband and wife."

Umiling si Ludwig. "She's nothing. She owned fifty percent of this house that's why she's here. Don't mind her."

Nagbubulungan ang mga kasama nilang babae.

Napalunok ako. Lalo na nang tumingin siya sa akin.

"Can you leave? I have visitors. I want them to be comfortable here."

Muli akong napatayo saka ibinalik ang magazine sa ibabaw ng center table.

"Ah, yes! Sure. Tutulog na din naman talaga ako. I'll be in my room. Enjoy and feel at home." Sabi ko sa kanila.

Mabilis akong dumiretso sa kwarto ko nang hindi lumilingon. Bago pa ako pumasok sa kwarto ko ay narinig ko pa si Ludwig ay iyong babaeng sa tingin ko ay may something sa kaniya.

"Are you sure, she's nothing to you?"

"She's a stranger to me. Don't worry about it."

Huminga ako nang malalim saka pumasok na sa kwarto ko. Hindi ako mapakali. Gusto kong panoorin lang sila. Gusto kong bantayan si Ludwig.

Sino bang babae ang kakayaning makita na may ibang babae na kasama ang mahal mo? Wala!

Lalabas na sana ulit ako nang mapaurong ako. Si Ludwig at iyong babaeng kasama niya ay naghahalikan.

Inside our fuckin' house.

Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng bubuyog.

Seeing his lips touching another girl's lips made my heart aches. Bakit naman kasi gano'n. Hindi ko pa kaya. Nasasaktan ako ng sobra sa mga salita niya pero mas masakit 'yong makita siya sa piling ng ibang babae.

Tanga na kung tanga. Magalit na si Ludwig pero hindi ko kayang makita silang naghahalikan ng ganoon katagal.

"Uh, excuse me. Kukuha lang ako sa fridge ng beer." Sabi ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Ludwig nang matigil ang paghahalikan nila.

Napansin kong nag aayos na sila ng mga beer at kung ano anong snacks sa center table. Dala nila iyon dahil mga naka-plastic pa.

Hindi ko sila inimik. Bagkus ay diretso lamang ako sa fridge sa pagkuha ng kailangan ko. Dalwang canned beers ang kinuha ko. Pagkasara ko ng fridge ay tumalikod na ako pabalik sa kwarto ko nang harangin ako ng isa pang pinsan ni Luwig. Natandaan ko sila dahil nakilala ko maman ang buong angkain ni Ludwig noon.

"My cousin don't deserve the things you did to him five years ago. Why the hell did you showed up here? He's moving on. He's fucking okay now. You ruined him, and now that he's recovering, you're here again. The audacity?"

"S-Sorry."

I understand kung pati pinsan ni Ludwig ay galit sa akin.

"Kung sorry lang ang katapat ng mga putanginang kasalanan na ginagawa ng tao. Bakit pa tayo may police?"

I know what he's trying to say.

"If you are sorry then don't ever show your face again. Stop living here. Even if you fucking own fifty percent of this house, Ludwig deserves peace."

Parang may bumara sa lalamunan ko. Walang kahit katiting na salita na lumabas sa bibig ko. I just nodded at him and walked away.

Nang makabalik ako sa kwarto ko ay nadaanan pa ng peripheral vision ko ang pakikipagtawanan ni Ludwig sa babae niya. His laugh and smile...

I let out my tears. I am very aware of the fault I did. Oo, tama naman sila e. Hindi ko deserve ang pagmamahal sa akin ni Ludwig noon dahil sinayang ko lang iyon pero hindi naman ako tumira sa bahay na 'to dahil lang may share ako dito. Iyon ay dahil gusto kong makasama si Ludwig. Iyon lang. Kahit araw araw niya akong saktan, sige lang. Hindi ako mahrereklamo as long as we're living under one roof. Okay na sa akin 'yon.

Sa kagustuhan kong makasama siya, hindi ko na nai-consider ang mararamdaman ni Ludwig. Tama iyong pinsan niya. Ludwig deserves peace.

Umupo ako sa sahig sa gilid ng kama saka binuksan ang canned beer na kinuha ko sa labas. Ininom ko iyon.

Actually, tumaas ang alcohol tolerance ko dahil panay ako inom noon sa London every night to ease the pain I was feeling. The pain that I gave to Ludwig.

Naalala ko pa na matagal na pagpa-plano ang ginawa namin sa kasal namin. Naghintay pa kami ng one year bago magpakasal dahil kakakasal lang ng isang pinsan niya noon─si Aries Palermo. We waited patiently although, wala namang masama if same year pero sabi kasi ni Ludwig, gusto niyang buong taon ay maging moment lang iyon ng pinsan niya. That's why we delayed our supposed to be wedding.

I never thought... na kung kailang iyon na 'yong moment na pinakahihintay namin, ginawa ko ang isang desisyon magpapaguho sa mundo niya. Sa tuwing maiisip ko iyon, sobra akong nasasaktan dahil alam ko kung gaano ako kamahal ni Ludwig noon.

Pinahid ko ang luha ko saka tinungga ang laman ng beer. Tumayo ako saka huminga ng malalim. Sinilip ko sina Ludwig sa living room at para na namang may tumusok sa dibdib ko nang makitang nakaupo sa kandungan niya ang babaeng kasama niya─na hinahalik-halikan siya sa leeg niya.

No, I can't let her do that to Ludwig.

Tanga na kung tanga pero parang may nag-udyok sa akin na lumabas ng kwarto saka diretsong pumunta kina Ludwig. Hinila ko ang buhok ng babaeng naka-kandong sa kaniya dahilan upang mahulog ito.

"Fuck you!" Sigaw ng babae. "How dare you!"

"Ano ba 'yang ex mo, Ludwig!" Narinig kong sabi ng kasama pa nilang babae.

"Unbelievable. Tangina." Mura ng pinsan niya.

Hindi ko pinansin ang mga 'yon. Wala akong pakialam sa iisipin nila.

Nakipagtagisan ako ng tingin sa babae ni Ludwig na nanatiling nasa sahig. "Get off of him."

"Russia." Mapanganib na sambit ni Ludwig.

I looked at him and I am right, he's glaring at me right now.

Nagulat nalang ako nang bigla ay sabunutan ako ng babae niya. Mahigpit iyon pero lumaban ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Ayaw na sa'yo ni Ludwig! You're nothing to him!" Sigaw pa niya.

Yes, she's right. Tama naman siya sa sinabi niya and I admit, masakit tanggapin ang katotohanang iyon.

"Wala akong paki! Malandi ka!" Sigaw ko.

Hindi ako nagpatalo sa sabunutan until I felt his hand in my wrist. Napatingin akk kay Ludwig.

"Get off of her."

"Siya ang nanabunot!" Sigaw ko.

"Ikaw na babae ka ang nag-umpisa nito! Basta ka na lamang susugod dito like sino ka ba! Wala kang karapatang makialam sa ginagawa namin!"

"I said get off of her." He said.

Hindi ako nagpatinag. Pilit pa rin akong sinasabunutan ng babae niya tapos ako ang dapat na bumitaw? Mas masakit nga ang paghila niya sa buhok ko na hindi niya rin binibitawan.

Napasinghap ako nang pwersahin niyang tanggalin ang kamay ko sa buhok ng babae niya. Nabitawan rin ako ng babaeng haliparot. Hinarap ako ni Ludwig saka hinila diretso papasok sa guest room na ginagamit ko.

He slammed the door after closing it.

"What the fuck is your problem?!" Sigaw niya.

Para akong natameme. Ang tanga ko sa ginawa ko pero aminado naman akong nagseselos ako at hindi ko kayang makita na may kalampungan siyang babae.

"Siya ang nanabunot." Sabi ko lang.

"Are you fucking out of your mind? What did I tell you? Don't fucking meddle with my life! But what have you done? Siya ang nanabunot, really?"

I gulped. "Ludwig─"

"Get out of this house if you're going to meddle with my life."

Umiling ako. "Hindi, Ludwig. Let me stay here, please."

"Kung akala mo may pakialam pa ako sa 'yo, p'wes wala. Wala na, Russia. Do not expect me to love you forever."

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. "Hindi ko pakikialamanan ang buhay mo pero... pero... pwede bang huwag mo namang ipakita sa akin ang pakikipaglandian mo sa ibang babae? Iyon lang ang mahihiling ko. Please? I can't bear to see other woman touching you or kissing you... hindi ko kaya."

"Sana naisip mo 'yan bago mo ako iwan at saktan."

That caught me off guard. He's right.

"I can do whatever I want and I don't fucking care about you."

Masakit talaga, Ludwig.

"Then give me the chance to explain everything. I want you to know everything."

"I am not interested." He coldly said. "For what? Are you thinking that we could possibly get back together? Nah. That won't happen."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko but I still tried to stop it.

"Mahal na mahal kit, Ludwig Ivan."

"I don't care." He stares at my eyes. "This is will be my last warning. If you don't want to get kick out of this fucking house, stop meddling with my life."

Tumango ako dahil hindi ko na kaya pang magsalita. Alam kong sa oras na magsalita ako ay mapapahagulhol lamang ako.

"O-okay. Okay, Ludwig. Sorry."

Hindi na siya sumagot. Tinalikuran niya ako. I reached his hand.

"Kahit anong mangyari... kahit ayaw mo na sa akin, kahit hindi mo na ako mahal, kahit ayaw mo na akong makita, kahit sukang suka ka na sa existence ko... mahal na mahal pa rin kita at... at... mamahalin pa lalo. Yes, your cousin was right. You deserve peace. You deserve it. Don't worry, hinding hindi na ako makikialam sa buhay mo. I will live here like a thin air. Hindi ko hahayaang maramdaman mo ang presensya ko. Sorry... sorry that I came back, sorry..."

Bumitaw ako sa kaniya saka ako tumalikod. I hardly bit my lip to stop my tears. Until I head him close the door. Napaupo ako sa sahig saka ko tinakpan ang bibig ko nang mapahagulgol ako.

Mahal na mahal ko si Ludwig e.... ang sakit sakit lang pero kailangan kong ipagsiksikan sa utak ko na deserve ko 'to.

Maging thankful nalang ako na kasama ko siya sa bahay. Okay na ako r'on. Ang kapal naman ng mukha ko na humiling nang mas higit pa roon.

Tulad ng sabi ko, maninirahan ako rito na parang hangin. I will do my best para hindi niya ako maramdaman dito.

I took a deep breath. I need to start working tomorrow para makaiwas-iwas rin akong makita ako ni Ludwig. I love him so much that I can do everything for him.

Even if getting hurt... endlessly.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 3.5K 2
Read @ Dreame/Yugto apps
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
743 55 26
Fireheart Series III: Violence of truth. Likas na kay Laige ang sumuong sa kahit anong delubyo makuha lang ang tanging inaasam nya. Dahil sa trahedya...
26.7M 244K 73
Sabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her...