Lost In The Weather (Lusiento...

By Ayanna_lhi

2K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... More

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 33

28 2 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 33 |  Happy  |

I'm lost for words after what Yijin said. My heart is pounding so crazily and it's so hard to breathe right now. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya.

He said it's familliar. . . hindi naman kaya?

Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang ma-realize na baka kaya pamilyar sa kanya kasi ang kwentong 'yon. . . sa kanya naka-base. I have him in mind while writing the male lead. An almost perfect guy everyone is crushing.

"Do you know that story?" Napaayos ako ng upo nang bumaling siya sa 'kin para sa tanong niya.

I almost stop breathing because of it, sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Spur of the moment at agad akong nakatanggi. "H-hindi ko alam 'yung story," I denied. "Baka h-hindi ko pa nabasa," utal kong ani. Oh, my Chantal! Anong hindi pa nabasa eh, ikaw nga 'yung nagsulat!

Yijin nodded slowly. I weighed on my seat and tried to relax, baka mahalata ni Yijin na nagsisinungaling ako.

"You know what's interesting?" aniya.

"Uhuh?"

"I stalked the writer and she haven't revealed her identity yet. She's mysterious and cool." Mas lalong bumigat ang paghinga ko.

"Talaga? Nakakatuwa naman, alam mo minsan lang ang gano'ng writer dito sa bansa."

"Yeah, pero 'yon lang naman. I haven't read much about novels. Ah, meron pa pala. . . 'yung 'Till The Last Fall ni Ricky Sylvania."

"Oh, I know that. I've read that story years ago and it's really heart breaking," ani ko. Napatingin naman sa 'kin si Yijin.  "The guy there was so mad because the girl leave him, without knowing that the girl suffered more than him and is about to die."

"Yeah, oh. . . the pain! It still hurts," Yijin laughed. Napatingin ako sa kanya at naaliw, I can't believe I'll be talking to him stuffs like this.

But I still can't move on from the fact that he read Lost In The Weather. Oh, my gosh! I think I'm not going to sleep tonight rereading whatever I wrote on there. I admit, I wrote scenes there that happened in reality. Oh, gosh! Sa dami ng story sa reading platform na 'yon bakit isa 'yung story na 'yon sa binasa niya. Mababaliw ako kaiisip kung ano-ano ang nasa utak niya habang binabasa ang kwento. And I even lied to him that I don't know about the story.

Mabuti na lang at. . . mukhang wala namang alam si Yijin.

"It's really late, saan kita ihahatid?" Yijin asked carefully. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses at mata niya. Sa tuwing hinahatid niya kasi ako, laging sa malapit na convenience store sa condo ko o sa malapit na unity park ako nagpapababa. I didn't tell him about my address at alam kong pansin niya 'yon dahil doon ako lagi nagpapababa. I just. . . don't want to tell him, I have this odd feeling na baka puntahan niya rin ako sa condo unit ko. That sounds weird but I can't just tell him, at least I want to keep it for my privacy.

Pero ngayon. . . pagod na ako at sobrang haba ng biyahe namin. Malayo kasi ang book store. Okay lang naman siguro na magpahatid ako sa building, hindi naman niya alam kung saang floor at room ako.

Napailing ako sa iniisip. Nakalimutan kong si Yijin nga pala ang pinag-uusapan, he's a gentleman and I think. . . he will never do what I'm thinking.

"Hmm, pwedeng sa condo na lang? Malapit lang sa convinience store, nasa unahang kalye." I saw the shock on his face, I bit my lower lip and smiled a little.

"S-sige," aniya tila hindi makapaniwala. Kasi sa unang pagkakataon, ihahatid niya 'ko sa mismong building kung saan ako nakatira.

"Bigla kong naalala si, Cruzel. How is he?" I opened a topic, naisip ko kasi silang tatlo ni Klint at Rio, tapos naalala ko na close rin naman si Cruzel sa 'min."

Kunot ang noo niya nang bumaling sa 'kin, "Why?" Kumunot din ang noo ko.

"Huh? I didn't hear anything about him from Chloe so, I'm asking if you knew something about him?"

Yijin sighed and bit his lower lip. "Cruzel is. . . fine," tipid na aniya. Akala mo naman may bayad ang impormasyon tungkol kay Cruzel.

"Is he still in Lusiento? O wala na?" I asked again, matagal pa bago sumagot si Yijin.

"He's near Lusiento, working with his girlfriend." My mouth agaped, I didn't know. So, Cruzel has a girlfriend now? Good for him.

"Really? So nice of him." I smirked. Napatingin naman si Yijin sa 'kin.

"He has a girlfriend," aniya.

"Oo nga. . ." Kunot-noo kong ani.

Naputol lang ang pag-uusap namin nang nasa tapat na kami ng condo ko. Like what he will always do, nauna siyang bumaba sa 'kin para pagbuksan ako ng pinto.

"Thanks for today Yijin, I had fun. Sana makabalik ako sa book store na 'yon." I smiled at him. Napatingin siya sa building kung saan ako nakatira, para bang sinusuri niya kung safe ang lugar. Of course it is! It's a ten story building, with security and CCTV cameras. Bumaling siya sa 'kin.

"Thank you rin sa. . . pagsama." He looked at me in the eyes, he's staring at me differently na para bang may gusto siyang sabihin kaya nanatili akong tahimik. "Chantal, thank you for making me happy. Always."

My heart skipped a beat because of what he said. Mas lalong hindi ako nakapagsalita.

"I have to tell you something," aniya.

"What is it?" I said breathily while looking straight to his eyes. Kinakabahan ako, may idea man ako sa sasabihin niya ayokong isipin.

"Chantal. . . I know you think—" Yijin was cut off because my phone suddenly rang. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, kinuha ko ang cellphone sa bag at nakitang tumatawag si Tita.

"Yijin I have to take—"

"Sure, take your time." Ngumiti ako sa kanya st bahagyang lumayo para kausapin si Tita.

"Chantal, how are you?" she asked pagkasagot ko.

"Okay lang naman po Tita, kayo po?"

"I'm also fine hija, thanks for asking. Napatawag ako kasi dumaan ako sa condo mo kanina para magbigay ng pagkain. Eh, wala ka naman kaya iniwan ko na lang sa fridge." Napatango ako.

"Ah, may pinuntahan pa po kasi ako. Sorry po, sana po tinawagan ninyo ako para umuwi agad ako," I answered.

"No it's fine, just check the food on the fridge then eat well. It's home made." I smiled sweetly, I really appreciate how tita always cares for me.

"Thank you po ulit."

"'Yon lang naman, mag-ingat ka lagi d'yan at mag-aral nang mabuti."

"Opo," ani ko. After that the call was cut off. Alam kong wala na ang tawag pero nanatili ang cellphone sa tainga ko. Yijin is going to say something, hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya pero parang hindi ko na maramdaman ang tuhod ko.

I sighed heavily, kung ano man ang sasabihin ni Yijin, kung tungkol man iyon sa 'min. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Muli akong bumuntonghininga bago bumaling sa kanya.

Nakahilig siya sa kanyang sasakyan at nakayuko na para bang may malalim na iniisip.

"Yijin," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang umayos ng tayo. "So, what are you going to say?" I asked. Tiningnan niya 'ko sa 'king mga mata, muli na naman kaming binalot ng katahimikan.

He smiled at me weakly, he sighed. "It's getting late, sa susunod ko na lang sasabihin." Hindi ko alam pero parang may kung ano ang bumagsak sa loob ko.

I don't want to show him that I got dissapointed kaya tumango ako.

"Okay. . . then, I should go. Thank you again," deritso kong ani bago siya tinalikuran.

Hindi tuloy ako makapag-aral buong gabi kaiisip sa gustong sabihin ni Yijin. I hate him for making me overthink things now!

Malakas ang kutob ko na ang gusto niyang sabihin ay may kinalaman sa 'ming dalawa. Nababasa ko ang mga mata niya, alam ko ang gano'ng tingin niya. And he seemed unease, may mahalaga siyang gustong sabihin but maybe he thinks that this is not the right time kaya hindi niya sinabi?

Oh, gosh! Mababaliw ako kaiisip!

Pero kung itinanong nga talaga ni Yijin ang iniisip ko, what would my response be?

Gusto ko ba? Papayag ba ako? Para ba talaga kami? Totoo na 'to ngayon?Tama na ba ang panahon?

Ayokong masaktan pero magsisinungaling ako sa sarili ko kung hindi ko aamining masaya ako kapag kasama siya. That I am being comforted whenever he's around me. That his presence made me feel safe, that his eyes whenever it landed on me— it is secretly telling me that everything is going to be okay for me, that all is well. He's like the pink sky in this city. The pink sky in my embers.

Alam kong napaka-assuming kong pakinggan ngayon pero hindi naman ako gano'n ka dense. Yijin and I, we're not doing this before, we're not like this before. We are far from that Yijin and Chantal we used to be before.

Kaya alam ko na may. . . something sa 'ming dalawa.

Kinabukasan ay hindi na 'ko kinulit ni Lara tungkol sa alok niyang date. Malisyosa niya lang akong tinitingnan na para bang curious na curious siya sa sinabi kong engineer sa kanya. Naku naman kasi! Bakit ko ba kasi sinabi 'yon?

Patapos na ang first period namin nang mag-text sa 'kin si Yijin. Ang sabi niya ay  makikisabay siyang mag-lunch sa 'kin. Saglit akong kinabahan pero bahala na talaga kung ano ang mangyari.

Buong klase kong iniisip kung ano ang magiging takbo ng lunch naming dalawa. Kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya o ano.

Noong last period na namin ay handa na 'kong lumabas at pumunta sa usual spot kung saan ako sinusundo ni Yijin pero bigla akong inutosan ng proof na ihatid 'yung mga gamit niya sa faculty. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Yijin texted me na nandoon na siya, hindi na lang ako nag-reply at saglit lang naman ako. Pagkatapos ihatid ang mga gamit ng proof ko ay dumeritso na 'ko roon. Halos takbuhin ko na ang hallway para lang makarating doon.

Napangiti ako nang makita si Yijin na nakatalikod. I walked faster but my pace slowed down when I saw Lara neared him. My eyes widened.

"Hi, I'm Lara. . .  kaibigan ako ni Thalia," nakangising aniya. Binalingan siya ni Yijin at tipid na ngumiti sa kanya.

"Thalia? Ah, oo. Hi, I'm Yijin."

"Wow, you have a cute name. Nilapitan kita kasi. . . lately napapansin ko na lagi mong sinusundo si, Thalia. Gusto ko lang magtanong kung. . . kayo ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Lara.

"Kayo ba? What do you mean by that?" Yijin asked.

"Kayo ba, kung mag-girlfriend or boyfriend ba kayo. Sorry sa prangkang tanong, ah." Napailing ako kay Lara, I walked faster to stop her but Yijin's answer made me stop.

"No. . . Chantal and I are just. . . friends." My mouth dropped open. Just friends. The word is so familiar.

"Chantal?"

"That's her nickname," Yijin said na tinanguan ni Lara.

"Oh, great! Inaaya ko kasing makipag-date si, Thalia sa kakilala ko. Akala ko off limits siya kaya hindi ko sana epu-push through. Good to know that you two are just friends."

"A date?" kunot-noong tanong ni Yijin.


________

Today, I'm celebrating my third year of being a writer in this account. Happy anniversary to me! Thank you. Always. Because you've been with me for the past three years. Thank you, and love you.     ༼⁠ ⁠つ⁠ ⁠◕⁠‿⁠◕⁠ ⁠༽⁠つ

May 21, 2023

Continue Reading

You'll Also Like

33.2K 592 63
An Epistolary : COMPLETED After being playfully paired by his friend to girl he somehow knew, Jairus Arellano slowly trying to forget his past as he...
1.5K 424 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...