Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 42: Your beliefs, Your principles

53.3K 3.1K 2.5K
By Serialsleeper

42.

Your beliefs, your principles

Third Person's POV



"Jorino Jomo Tirador... Kakaibang pangalan." Mahinang sambit ni Tatang habang pinagmamasdan ang isang folder na naglalaman ng mga papeles patungkol kay Jojo. "18 years old, bunso sa tatlong magkakapatid. Limang beses nang naipa-blotter sa baranggay—"


"S-sandali! Saan mo nakuha yan?! Hala wala naman pong ganyanan!" Giit ni Jojo at lalo lamang natakot at naguluhan, "Sir promise po hindi kami magsusumbong, pakawalan niyo lang po kami at pangako magpapakabait na kami! Si Sisa, nasaan siya?! Sir mababait po kami!" Dagdag pa nito na animo'y desperado nang makawala.


Umiling-iling si Tatang at naupo, "Nananaliksik ako tungkol sa mga pasyente ko, Inaalam ko ang lahat. Andito ang lahat ng records mo kaya kahit anong pagsisinungaling, hindi mo maitatago ang katotohanan." Wika ng walang kaemo-emosyong si Tatang saka muling inilipat ang pahina.


"Papel lang yan! Hindi yan basehan—"

"Five years ago, napa-baranggay ka matapos mong hipuan ang isang babaeng nakatabi mo sa jeep." Basa ni Tatang sa isang record dahilan para agad na manlaki ang mga mata ni Jojo.

 "May lamok sa hita niya! Pinatay ko lang! Kasalanan ko bang assuming siya?! For God's sake, tirik ang araw! Yung mukha ng babaeng 'yon, kahit sa dilim di ko siya masikmurang tirahin! Ba't ayaw niyong maniwalang hindi ko siya minanyak?!" Giit ni Jojo pero umiling-iling lamang si Tatang at nagpakawala ng isang napakalakas sa sampal sa pagmumukha ni Jojo dahilan para muli itong mapaiyak sa sakit.

"Shoplifting. Nagnakaw ka ng mga pirated DVD na naglalaman ng porn—"

"Sandali! Hindi mo naiintindihan! Pinagbentahan ako ng bumbay na 'yon ng sirang DVD! Ayaw niyang magbigay sakin ng refund kasi wala daw akong resibo kahit di rin naman siya nagbibigay ng resibo! Isang DVD lang sana kukunin ko pero ginawa ko nalang tatlo kasi hayop siya!" Muli, dahil nakatali parin sa kama ay hindi na nagawang makailag pa ni Jojo nang bigla na naman siyang sinampal ni Tatang ng napakalakas dahilan para tuluyang umagos ang dugo mula sa ilong niya.


Nasapo ni Tatang ang kanyang ulo dahil sa kunsomisyon, "Sumasakit ulo ko dahil sayo, manahimik ka na nga lang." Mahinang sambit nito.

"Sumasakit mukha ko dahil sayo! Mamatay ka na!" Sigaw naman ni Jojo na hindi na nakapagpigil sa kanyang galit.


"Tsk-tsk.." Napailing-iling si Tatang at napabuntong-hininga, "O sige... Dahil bago ka pa lang, pagbibigyan kita sa pagkakataong 'to." Kalmado nitong sambit at kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto dahilan para muling manlaki ang mga mata ni Jojo.


"Nakokontrol mo ang pinto gamit ang cellphone mo? Para sa isang psycho, ang cool nun!" Natatakot man, hindi maiwasan ni Jojo na mamangha.


Saglit na lumabas si Tatang at nang makabalik ay may bitbit na itong isang kahon dahilan para muling makunot ang noo ni Jojo.


"T-teka, hindi naman siguro pugot na ulo ang laman niyan diba?" Mahinang sambit ni Jojo.

"Hijo ayokong magsayang ng oras kaya ngayon sisimulan na natin ang pagbabago." Ipinakita ni Tatang ang nasa loob ng kahon at laking gulat ni Jojo nang makita ang napakaraming kagamitan na may malaswang laman gaya ng mga DVD, Magazine at poster—lahat ito ay pag-aari niya.

"Shit! Paano mo nakuha yan?! Nasa locker ko lang yan!" Naguguluhang sambit ni Jojo.

Inilapag ni Tatang ang kahon sa sahig at kinuha ang isang galon ng gas at pati narin ang isang lighter.

"Hoy sandali! Gas ba yan?! Wag mong sasaktan ang mga baby ko!" Lalong nagpumiglas si Jojo nang sinimulan itong ibuhos ni Tatang sa loob ng kahon.

"Ang mga bagay nato, kanser ito sa isipan niyong mga kabataan. Kanser sa lipunan ang kalaswaan." Walang emosyon nitong giit saka pinaandar ang lighter dahilan para muling magsisigaw si Jojo.

"Anong kanser?! Wag kang magmalinis! Walang tao kung walang sex! Malaswa lang yan kung bibigyan mo ng malisya! It's a genre! Pare-pareho lang yan ng romance shit at horror! Bobo ka kaya di mo maintindihan! Napakakitid ng utak mo! Bobo ka!" Tuluyang nagwala si Jojo dahil sa matinding galit at takot, "Pinag-ipunan ko silang lahat! Parang-awa mo na! Ilang beses akong nagpagutom para sa mga yan! Andami kong sinakripisyo maawa ka naman! Pinaghirapan ko sila!" Pagmamakaawa ni Jojo ngunit wala na siyang nagawa pa nang tuluyang inilaglag ni Tatang ang lighter sa loob ng kahon.


Napasigaw na lamang si Jojo nang makita ang tuluyang pagsiklab ng kanyang mga koleksyong napakatagal niyang pinag-ipunan.


"Hijo, masusunog ka ng impyerno dahil sa kalaswaan. Makakagawa ka ng napakaraming kasalanan kung araw-araw mo tong papanoorin, binabago nila ang isipan mo hanggang sa hindi mo na makontrol ang sarili mong pagkagutom. Yang mga rapist at pedophile? Dito sila nagsisimula." Giit ni Tatang habang pinagmamasdan ang pagkasunog ng mga ito.


"Ba't hindi niyo ako maintindihan?! Porn enthusiast ako at hindi manyak! Mahirap ba yung intindihin?! Yang mga mahihilig sa horror, mamamatay tao rin ba sila?! Yang mga mahilig sa romance, may mga syota ba silang lahat?! Putangina mo! Ikaw na mabait! Ikaw na matino! Ako na ang masama! Ako na ang manyak! Ako na ang demonyo! Masaya ka na?!" Pagwawala lalo ng nagngingitngit ng si Jojo.


"Hindi ako masaya. Naubusan ng pasensya, oo." Walang emosyong sambit ni Tatang at bigla na lamang lumapit sa isang makina na nasa likuran lamang ni Jojo.


"Ano na namang gagawin mo?!" Sigaw ni Jojo at kasabay nito ang muling pagbuhos ng luha niya, "Papatayin mo na ba ako ngayon?!" Sumisigaw man sa galit, hindi na mapigilan pa ni Jojo ang mga luha dulot ng takot sa kamatayan.


"I'll make you a better person." Mahinang sambit ni Tatang at dali-daling ikinabit ang mga makakapal at lumang kable sa noo ni Jojo. Walang ano-ano'y bigla niyang pinaandar ang makina dahilan para umalingawngaw ang makapanindig balahibong palahaw ni Jojo na ngayo'y nangingisay na dahil sa sakit at boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa katawan niya.


Makaraan ang isang minuto ay tuluyang pinatay ni Tatang ang makina dahilan para lumupaypay ang katawan ng nanginginig paring si Jojo. Mistulang nanigas na ang panga nito sa sobrang sakit na naramdaman, at ang ugat sa kanyang leeg ay lalong bumakas na tila ba ano mang oras ay puputok na. Pulang-pula ang mga mata niyang lumuluha.

Makaraan ang ilang sandali, tuluyang umagos ang napakaraming dugo mula sa ilong niya at kasabay nito ang muli niyang pagtangis.


"Isinakripisyo ni Hesus ang sarili niya para sa ating lahat. Namatay at nagdusa si Hesus upang tubusin ang lahat ng mga kasalanan natin pero heto kayong mga kabataan at namumuhay na hindi isinasapuso ang sakrispisyong ginawa niya." Giit ni Tatang.


"S-sino ka ba talaga?" Nauutal na sambit ni Jojo.

"Sabihin nalang nating isa akong propeta para sa mga kabataang naliligaw ng landas..." Wika ni Tatang.


Kahit hinang-hina pa at namimilipit parin sa sobrang sakit, pilit na umiling-iling si Jojo, "H-hipokrito ka! Kasalanan din 'tong pinaggagawa mo!" Muling napasigaw si Jojo sa labis na sakit, paulit-ulit siyang napapaubo at suka ng dugo kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at paulit-ulit na huminga ng malalim sa pag-asang maiibsan ang panginginig at sakit na nararamdaman.


Kinuha ni Tatang ang isang bimpo mula sa bulsa niya ngunit bago pa man niya ito mailagay sa bibig ni Jojo ay muli itong nagsalita, "Ephesians chapter 5, verse 11!" Muli itong napaubo ng dugo pero pilit parin itong nagsalita, "Do not take part in the unfruitful works of darkness! Instead expose them! Itong ginagawa mong pagpapahirap samin?! Kasalanan to! Ulol!"


Nanlaki ang mga mata ni Tatang at hindi ito nakapagsalita.


Ngumisi si Jojo nang makita ang reaksyon nito, "Ano baliw? Gulat ka no? Hindi lang ikaw ang maalam sa bibliya." Hinang-hina man, nagawa pa nitong mang-asar, "Oo nga't parati kang may bitbit na bibliya, sabihin na nating memorya mo ang mga salita ng diyos, ang tanong ginagawa mo ba?" Tumawa si Jojo kasabay ng pag-agos ng luha mula sa mga mata niya, "Magaling ka lang sa salita, magaling ka lang magbait-baitan pero ang totoo hipokrito ka! Pare-pareho tayong mahahaba ang sungay! Magsama-sama tayo sa impyerno!" Tila ba wala sa sariling sigaw ni Jojo kaya naman dali-daling pinaandar ni Tatang ang makina dahilan para muling mangisay at magsisigaw si Jojo.


Makaraan ang ilang sandali ay muling pinatay ni Tatang ang makina.


Padami ng padami ang naisusukang dugo ni Jojo at patindi ng patindi ang pawis na bumabagsak mula sa mukha niya pero sa kabila nito'y muli siyang napangisi kay Tatang, "Matthew Chapter 7, Verse 15! Beware of false prophets which come to you in sheep's clothing, but inwardly they are ferocious wolves!"


Bumakas ang matinding galit sa mga mata ni Tatang, upang matahimik si Jojo ay dali-dali niyang nilakasan ang boltahe ng kuryente at pinaandar uli ang makinang nagpapahirap kay Jojo.




END OF CHAPTER 42.

Note: 

Sorry if hindi na ako active both twitter and facebook :( I'm juggling three different lives kaya hirap akong masabay-sabay lahat but no worries guys! As long as I can entertain and make le serialreaders happy though my works, I shall never stop writing (tho I kinda suck at it lolx and mabagal updates) If u osum peeps need me, I shall be here lurking upon the creepy orangey walls of wattpad trying to come up with ways to spread happiness! Nawa'y mapatawads niyo ako kung may hindi ako nare-replyan minsan, I'll do my best to catch up on 'em.

Again, thank you sa inyong lahat! I shall do my best!

Spreading happiness and feels through writing is new my advocacy and goal in life! Chos! Nabatukan kasi ako ni Tatangski, sorry na. hahaha. Okay nabaliw na naman ako :(((


T H A N K Y O U <3333


Nagmamahal,

Nanang <3


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...