The Dark Side of Eve

By VixenneAnne

42.5K 1.7K 281

Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her fath... More

The Dark Side of Eve
Chapter 1. Dark Eve
Chapter 2. Serial Killer
Chapter 3. Morgana Alcaraz
Chapter 4. River
Chapter 5. Meeting with the Heir
Chapter 6. Another Murder
Chapter 8. Blood
Chapter 9. Weakness
Chapter 10. Killer Wife
Chapter 11. Platinum Rose Hotel
Chapter 12. Stepmom
Chapter 13. His Lover
Chapter 14. Vulnerable and Broken
Chapter 15. Saved
Chapter 16. Someone to Protect
Chapter 17. The Wedding
Chapter 18. Palawan
Chapter 19. A Fan
Chapter 20. Help! Help!
Chapter 21. Her Father's Wife is her Husband's Lover
Chapter 22. Her Anxiety
Chapter 23. Romita's Puppy
Chapter 24. Sheila
Chapter 25. His Office
Chapter 26. News Flash
Chapter 27. The Killer's Identity
Chapter 28. Confirming the Killer
Chapter 29. What If
Chapter 30. The Kiss
Chapter 31. Romita's Wrath
Chapter 32. The Killer was Found!
Chapter 33. Blameless
Chapter 34. Blood and Jars
Chapter 35. The Red Nylon
Chapter 36. The Twin
Chapter 37. The Hidden Truth
Chapter 38. Host and Alter
Chapter 39. Inside her Head
Chapter 40. Psychopath
Chapter 41. In Control
Chapter 42. Abduction
Chapter 43. Secrets
Chapter 44. Final Hours
Chapter 45. Epilogue

Chapter 7. The Black Car

2K 89 17
By VixenneAnne


Dahil masyado akong interesado sa kaso, hindi na ako nag-abalang i-check kung sino ang VIP na tinutukoy ni Ana.

Now, I was seated at the highest seat inside a huge lecture room. It's the farthest seat from the speaker's view, too. Bahagya pa akong naka-slouch sa upuan para hindi makita ang ulo ko. Hindi matatanggap ng pride ko kapag nakita ako ng speaker na um-attend ng seminar niya. Iisipin niya na ini-stalk ko siya which was definitely not the case!

Dahil nga nagtatago ako, nahirapan si Officer Ana na hanapin ang kinauupuan ko. Bakas sa mukha niya ang inis nang namataan ko siya sa hindi kalayuan pero alam kong hindi sa akin. Naiinis siya dahil may kaso silang hawak at nandito siya, nakabantay sa isang VIP na hindi niya malaman kung paanong naging VIP para sa mga pulis at sa sambayanang Pilipino. Ni hindi naman government official ang speaker. Kahit ako ay magtataka. But then again, I have this slight idea of how he became a VIP for this country.

"Ms. Eva!" tawag sa akin ni Ana nang sa wakas ay makita niya ako. Nagkaway kasi ako ng kamay, sa malas lang, sa ginawa kong iyon ay nakuha ko hindi lang ang atensyon ni Ana kundi pati na rin ang atensyon ng speaker. Now, he's staring straight at me with brutal murder in his eyes. That's for one quick second though. Pagkatapos niya akong titigan nang masama, ibinalik niya kaagad ang atensyon sa mga estudyanteng halatang-halata naman na mukha lang ang tinitingnan sa kanya. I doubted if any of the students here actually were paying attention to what he was saying. I mean not that his lecture was boring or shallow, but his mind-blowing good looks was very demanding it's hard to focus on anything else aside from it.

I retracted my seat even more. Kailangan ko nang umalis! Kaya lang, kailangan ko rin na makausap si Ana. For some reason, this murder cases were really getting into me. Gusto kong makatulong na malutas ang kaso at may pakiramdam akong malaki ang gagampanan kong role dito. You call it instinct or whatever pero nararamdaman kong kailangan kong ma-involve sa kaso. Naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko si Ana, at inabot niya sa akin ang isang OTG type flash drive. Sinalpak ko iyon sa cellphone ko at pinag-aralan ang mga bagong litratong kuha niya.

"Sabi mo wala kayong nakuhang lead sa bagong biktima?" I asked her.

"Wala. Kagaya ng dati, masyadong malinis ang crime scene."

"Isang open lot ito katapat ng isang lumang motel, hindi ba? Imposibleng walang nakahagip na camera. Did you try to check nearby CCTVs?"

Umiling si Officer Ana. "Walang ganoon sa lugar na iyan. Halos abandonado kaya hindi na nilalagyan pa ng mga CCTV."

"Question is, paano dinala ng killer dito ang biktima? I'm sure may mga daan na may CCTV na tinutumbok ang lugar na ito. Hindi pwedeng kinaladkad niya ang biktima dahil magko-cause iyon ng attention. Hindi rin niya pwedeng isakay sa public vehicle. Gumamit ang killer ng isang private na sasakyan kung ganoon."

"Ganoon nga. Pero chineck na namin ang mga CCTV sa mga daan na tumutumbok sa lugar na iyan, iilan lang ang dumaan at hindi nahagip ng camera ang biktima."

Tumango-tango ako kay Ana. Binuksan ko ang Google Maps ng cellphone ko at pinag-aralan ang lugar. Kailangan naming makahanap ng kahit na katiting na lead na magtuturo sa amin sa killer. All we know was that the killer is a man, well built, professional, matalino, at marunong maglinis ng ebidensya. Ibig sabihin, isa itong taong may malawak na kaalaman sa batas. Sa tingin ko rin ay may kaya sa buhay dahil malamang ay pribadong sasakyan ang ginagamit nito sa paggawa ng mga krimen. Isang sasakyan na sa palagay ko ay hindi rehistrado at nakatago sa paningin ng sinuman. This killer has his own space and has his own car.

"Here. This is a parking lot, right?" kaagad kong tanong kay Ana nang may namataan ako sa Google Maps.

Sa tapat ng abandonadong lote ay may parking lot na may nakaparadang mga sasakyan. "Parking lot ng motel 'yan. Nagtanong na kami, wala namang nakapansin sa mga pangyayari. Wala rin sa mga CCTV nila ang nakaharap sa kabilang lote—"

"Pero yung mga naka-park na sasakyan, nakaharap sa lote, hindi ba?" kaagad kong singit sa kanya. "You can check the dashcams of those vehicles parked on that night."

Kumamot sa noo si Officer Ana. "Suntok sa buwan 'yan, Ms. Eva. Karamihan sa mga pumapasok sa motel na 'yan, mga lumang sasakyan ang dala. Bihira ang may dashcam."

"I suppose it's worth a try. Madilim sa kabilang lote pero baka makuha mo ang eksaktong frame ng killer. Pati na rin kung paano manamit. Looking at the victim's scars, iisang tao lang ang may gawa nito."

"Sisimulan ko na mamaya ang pag-check sa mga sasakyan. Tsk. Hindi pa kasi ako makaalis dito!"

Isang tipid na ngisi ang sinagot ko kay Officer Ana. Na-aamuse ako na hindi siya apektado ng kagwapuhan at karisma ng lalaking nasa entablado. Siguro kasi ay masyado lang siyang naka-focus sa trabaho kaya hindi na niya napapansin ang mga tao o bagay sa paligid niya maliban sa ikalulutas ng kasong hawak niya. O kaya naman, malakas masyado ang hatak sa kanya ng team leader nila. I'm a profiler; hindi ko maiwasan na i-profile si Ana sa utak ko.

"Bakit kailangang maraming mga pulis ang magbantay sa kanya?" tanong ko kahit na sa likod ng utak ko ay alam ko na ang sagot.

"Hindi ko alam, Ms. Eva. Basta pinapunta lang kami rito. Ang trabaho lang namin sumunod sa utos mula sa taas, no questions asked. But from what I've heard, fiancé siya ng anak ng isa sa mga presidential candidate."

Tama ako. 'Yon ang rason. Siguradong utos ni Daddy na pabantayan ang lalaking ito hanggang sa makasiguro siyang ligtas ito hanggang sa araw ng kasal.

"May threat ba sa buhay niya?"

"I'm sorry, Ms. Eva. Hindi kita pwedeng sagutin sa tanong mo na 'yan," nahihiya niyang sagot.

"Okay lang. Balitaan mo nalang ako sa development ng kaso... or maybe not, if it will cause you trouble. Kung confidential, you don't have to tell me at all. Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

"Sigurado po kayong okay lang sa lawyer niyo?'

"He doesn't have to know. I'm going to text you my intent later para may ebidensya ka na ako ang may gustong tumulong. You know... worst case scenario."

Pagkatapos naming mag-usap, bumalik na siya sa pwesto niya kung saan mas mababantayan niya nang maigi ang VIP.

Binalik ko ang atensyon sa nagsasalitang speaker sa harapan. He's dressed so well today, looking so dark and dangerous in his polo shirt with sleeves rolled up to his arms. Matikas ang tindig niya at napakatangkad sa suot na itim na trousers. The last time I met him, his hair was loosely done. Ngayon, naka-style ito at naka-spike nang bahagya, giving him a very handsome look na talaga namang pinakatitigan ng audience mapalalaki man o babae. His sensual mouth was moving fast yet he sounded like a slow erotic movie triggering all the synapses inside my brain.

I needed to get out of here. And fast. I needed to space myself from this dangerous man. I will be meeting him in the altar soon. Wala pa man ang kasal, nagdeklara na siya ng giyera. Hindi makakatulong kung magkakagusto ako sa kanya, at mag-i-imagine ng kung ano-ano habang nanonood sa lecture niya sa mula pinakamalayong upuan ng kwartong ito.

Siniguro kong hindi pa tapos ang lecture nang tumayo ako at lumabas ng hall. Naglakad ako sa mahabang pasilyo ng eskwelahan hanggang sa marating ko ang hagdanan pababa ng building. Apat na palapag mayroon ang malawak na function building. Nasa pangatlong palapag ako pero hindi na ako nag-abalang maghanap ng elevator. Kailangan ko ng hangin papasok sa sistema ko para naman mabawasan ang tensyon ko pagkakita ko pa lang sa mukha ni Azazel Angelos Del Cuevo. Nang makababa ako, imbes na dumeretso sa sasakyan ko, naisipan kong maglibot-libot na lang muna sa loob ng university.

Hindi pamilyar sa akin ang ganitong lugar. Sa TV ko lang nakikita ang lahat ng nasa harapan ko ngayon. May mga building para sa iba't ibang department, small parks, benches under old trees, the round oval for the athletes... It must have been fun studying in this kind of place with a lot of other students to interact with.

Sa isla kasi ako nag-aral. Noong psychiatrist pa si Daddy, nasa isang private island ang hospital at laboratory na pinagtatrabahuan niya kaya sa isla ako lumaki at natuto mula sa maraming magagaling na private tutors na kinuha ng kompanya ni Daddy.

Hindi ako sanay sa tao; mga katulong sa bahay at mga teacher ko lang ang nakasalamuha ko. Nabibilang sila sa daliri ng mga kamay ko. Isang sikat na psychiatrist si Daddy noon. Kilala siya ng mga tao dahil marami siyang napagaling na may malalang problema sa utak. Naging malapit siya sa masa, kinagiliwan nila ang mga interview niya. Kwela si Daddy sa harap ng camera, gwapo rin kaya naman mabilis niyang nakuha ang puso ng madla.

Dahil sa kasikatan, kabi-kabila ang mga partidong gustong kumuha sa kanya para kumandidato. Noong una, hindi gusto ni Daddy ang pumasok sa politika. Kalaunan ay nakumbinsi na rin siya ng mga ito. Hanggang sa iyon na ang naging priority niya. Nang maging senador si Daddy few years back, kinuha niya ako mula sa isla at pinatira kasama niya. He told me then that if I didn't want to go back to the island anymore, I have to be very obedient and careful. Hindi niya ako mapapatawad kapag gumawa ako ng anumang bagay na ikakasira niya.

He told me we can't take Morgana, my twin sister, with us. May sakit si Morgana at kailangan niya ng medical attention. Ang islang pinanggalingan ko lang ang may pinakakumpletong pasilidad na magpapagaling sa mga taong kagaya ni Morgana.

Morgana, according to Dad, was born with no sympathy for others. She's manipulative and impulsive, too. Sabi ni Daddy kapag ang tao ay walang simpatya sa iba, delikado raw iyon. Hangga't hindi pa magaling si Morgana, hindi siya makakalabas ng isla.

Dahil sa paliwanag ni Daddy sa kondisyon ng kapatid ko, naintindihan ko kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. She was provoked. She acted on impulse. Hindi niya sinasadya. Hindi niya alam na mali ang ginagawa niya.

I was in the middle of my thoughts nang mamataan ko sa malayo na lumabas na ng lecture hall si Azazel Del Cuevo. Sinundan pa rin siya ng mga estudyanteng gustong kumuha ng litrato kasama siya at magpa-autograph. Umangat ang kilay ko, hindi ko maalalang artista siya? Anyway, police were around him like he's one of this country's national treasures. Nang makapasok siya sa kotse saka lang humupa ang mga tao.

Hindi siya naupo sa driver's seat. Hindi rin siya naupo sa likod ng sasakyan. It meant he's highly acquainted with whoever was seated in the driver's seat. That car. It must be a huge coincidence. It was a black raven Cardillac Escalade.

Humanap ako ng pwesto kung saan makikita ko ang mukha ng driver ng sasakyan. Lumukso ang puso ko nang makita kong mahaba ang buhok nito. Babae ang kasama niya sa kotse. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong maaninag kung sino ang babae. Natuon ang atensyon ko sa plaka ng sasakyan. Iyon mismo ang plaka ng sasakyan na muntik nang makabangga sa akin noong nakaraan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Umikot ang sikmura ko. Parang kinurot ako sa kaloob-looban ng tiyan ko. Awtomatikong kumilos ang mga paa ko patungo sa sasakyang iyon. Hinabol ko pa nga nang umandar na ito pero hindi ko na naabutan. Paanong nakasakay si Azazel Del Cuevo sa sasakyang muntik nang pumatay sa akin? 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25K 33
"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita totoo,madalas palabas lang ito. Roxann...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.1M 84.7K 38
"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga...
466K 13.5K 53
Christian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa...