The Dark Side of Eve

Od VixenneAnne

42.6K 1.7K 281

Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her fath... Více

The Dark Side of Eve
Chapter 1. Dark Eve
Chapter 3. Morgana Alcaraz
Chapter 4. River
Chapter 5. Meeting with the Heir
Chapter 6. Another Murder
Chapter 7. The Black Car
Chapter 8. Blood
Chapter 9. Weakness
Chapter 10. Killer Wife
Chapter 11. Platinum Rose Hotel
Chapter 12. Stepmom
Chapter 13. His Lover
Chapter 14. Vulnerable and Broken
Chapter 15. Saved
Chapter 16. Someone to Protect
Chapter 17. The Wedding
Chapter 18. Palawan
Chapter 19. A Fan
Chapter 20. Help! Help!
Chapter 21. Her Father's Wife is her Husband's Lover
Chapter 22. Her Anxiety
Chapter 23. Romita's Puppy
Chapter 24. Sheila
Chapter 25. His Office
Chapter 26. News Flash
Chapter 27. The Killer's Identity
Chapter 28. Confirming the Killer
Chapter 29. What If
Chapter 30. The Kiss
Chapter 31. Romita's Wrath
Chapter 32. The Killer was Found!
Chapter 33. Blameless
Chapter 34. Blood and Jars
Chapter 35. The Red Nylon
Chapter 36. The Twin
Chapter 37. The Hidden Truth
Chapter 38. Host and Alter
Chapter 39. Inside her Head
Chapter 40. Psychopath
Chapter 41. In Control
Chapter 42. Abduction
Chapter 43. Secrets
Chapter 44. Final Hours
Chapter 45. Epilogue

Chapter 2. Serial Killer

1.7K 88 7
Od VixenneAnne


Police Officer Ana Rodriguez was a tall and slender woman in her late twenties. She looked smart and competent in her regular white shirt and faded fitted jeans. Pinakita niya sa akin ang ID niya bago ngumiti at nakipagkamay. Base sa kislap ng kanyang mga mata at kung paano niya ipresenta ang kanyang tsapa, isa siyang proud at dedicated na pulis na punong-puno pa ng prinsipyo at pangarap sa napiling propesyon.

"Thank you so much, Ms. Eva, for meeting me. I promise you I'll make this quick."

The way she talks, she came from an affluent family. She smelled like lavender and vanilla. I knew the scent; it was a limited-edition designer perfume. For a police officer who's always on the run, she takes care of herself well. Naka-ponytail ang buhok niya pero halatang alagang-alaga ito. I bet she's not the type to fix her hair often, so others were doing it for her. This girl was a princess. The question was, what is she doing in the force when she can easily be a model or an influencer socialite? Was she a rebellious daughter? Galit sa magulang? May kailangang patunayan? Hmm.

Ilang segundo pagkatapos niyang bitiwan ang kamay ko nakatitig pa rin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. "Walang anuman. Kanina ka pa nakatitig sa akin," puna ko.

Sa totoo lang, nagsisimula na naman akong magkaroon ng mga paranoid thoughts na baka sa likod ng utak ng taong kaharap ay hinuhushagan na ako. Baka kilala niya ako. Baka alam niya ang lihim ko. Paano kung patibong ang meeting na ito?

Napakurap siya. Saka tumawa. "Pasensya na po. Hindi lang ako makapaniwala na makikilala ko kayo at pagbibigyan niyo ang imbitasyon ko."

She's a fan. I knew it! I bet she's been reading my novels since my first book. And I knew because I have a beyond-normal perception. I have the ability to see what others can't. Madali lamang sa akin ang magbasa ng tao, ng kilos at takbo ng utak ng mga ito. It's a gift I was truly grateful I have. Natutulungan ako nito sa maraming bagay.

Ngumiti ako pabalik sa kanya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. "Mukhang importante ang itatanong mo. I don't usually give my private contact information to anybody so you must have made an effort to obtain it. May maitutulong ba ako sa 'yo, Officer Rodriguez?"

"Ana na lang po, Ms Eva. Ana na lang ang itawag niyo sa akin."

"Sige, Ana. But please drop the 'po' and 'ho'. Sa tingin ko, magka-edad lang tayo?" nakangiti kong sabi.

"Opo! I mean. Oo, magka-edad lang tayo. Don't get me wrong, Ms. Eva, hindi ako usually ganito lalo't tungkol sa trabaho ang pagkikita natin. Hindi ko lang kasi mapigilan... I'm your fan! Nabasa ko lahat ng librong sinulat mo at hangang-hanga ako sa paraan mo ng pagkukwento. Halatang pinag-aralan mo nang mabuti ang karakter ng mga tauhan mo. Lalo na ng mga detective mo. Parang nakikita ko ang team leader namin sa mga karakter mo. Magaling mag-solve ng kaso gamit ang kakaunting clue."

She must be infatuated to her team leader. Hindi ang mga pulis ang bida sa mga novel ko pero iyon ang kumuha ng atensyon niya.

"I thought I'm meeting the wrong person when I saw you..."

"Bakit naman?"

"Most of the women in your stories were always described wearing dark clothes, dark makeup and they wear sexy dresses and stilettos... Sabi nila, subconsciously raw kapag nagsusulat ang isang author, naisusulat niya sa mga karakter niya ang personal choices and preferences niya lalong-lalo na sa damit."

"Most of the women in my novels were murderers..."

Natahimik si Ana.

Ngumiti ako. "Mabuti na lang iba ako sa mga babaeng sinusulat ko. Bunga lang 'yon ng pinagsamang puyat at imahinasyon. Believe me, I am nothing like my characters."

"Totoo. Ang ganda mo kasi, Ms. Eva..." Namumula ang magkabilang pisngi niya.

Iry and the publishers made the exact comment when they first met me. Walang-wala raw sa itsura ko ang pagsusulat ng mga novel about crimes and murders. Probably because I have innocent doe eyes and a smiling face. Napakaamo raw ng mukha ko. Isang street photographer pa nga ang lumapit sa akin minsan para kuhanan ako ng litrato para daw sa fairy collections niya.

Nakatitig lang sa akin si Ana. Matagal bago siya nakabawi. "Ana?"

"Ahh, yes. Pasensya na talaga." Kumamot siya sa ulo. "Tungkol sa kasong iniimbestigahan namin ngayon. I can't disclose confidential details pero bibigyan kita ng ilang input para malaman mo kung paano mo ako matutulungan."

Tumango ako. Paano kung may kinalaman sa akin nang direkta ang imbestigasyon? Ano'ng gagawin ko? Inilapag niya sa table ang isa sa mga kopya ng unang librong nilabas ko three years ago. Murder Diaries. It's my first baby as a writer; tungkol ito sa isang sikat at matalinong OB-GYNE na babae na pumapatay ng mga buntis.

"Dalawang buwan na ang nakakaraan nang makatanggap kami ng report tungkol sa isang nawawalang buntis. Si Brigette Villanueva na edad dyesinwebe, manipis ang katawan, maikli ang buhok, at tatlong buwang buntis. Huli siyang nakita sa eskwelahang pinapasukan niya bandang alas singko ng hapon. Noong una, inakala ng mga magulang na sumama ito sa boyfriend, pero tatlong araw ang makalipas, nagpunta ang boyfriend ng estudyanteng ito sa bahay ng babae at doon lang nalaman ng mga magulang na nawawala ang anak. Tapos kahapon..." Huminga nang malalim si Ana bago naglabas ng litrato. "Natagpuan ang bangkay ng dalaga sa isang abandonadong building. Wasak ang tiyan, kinuha nang pwersahan ang fetus sa loob ng sinapupunan, pagkatapos ay tinahi ang butas gamit ang pulang nylon."

Umikot ang sikmura ko nang makita ko ang litrato.

"Ms. Eva? Naku, pasensya na..."

Brutal pumatay ang mga tauhan ko sa nobela—madugo at detalyado. Natural lamang na isipin niya na sanay ako sa mga ganoong bagay kaya hindi siya nagdalawang-isip na pakitaan ako ng kahindik-hindik na larawan.

"Okay lang ako. Madalas akong makakita ng ganyang mga litrato kapag nagre-research ako para sa mga novel ko. Ano'ng kinalaman ng libro ko sa kasong ito?"

"When we're doing the investigation, napag-alaman namin na hindi ito ang unang kaso ng pagpatay na may ganitong brutal na paraan. Tatlong taon na ang nakakaraan, si Elena Cruz, dyesiotso anyos naman, buntis din, payat, at maiksi ang buhok. Estudyante. Wasak din ang tiyan dahil kinuha ang bata sa loob ng katawan nito tapos tinahi ng pulang nylon.

Pulang nylon. Naalala ko na.

"Ang profile ng killer na lumabas sa imbestigasyon ay kapareho ng profile ng bida mo sa Murder Diaries. Ang paraan niya ng paghiwa sa tiyan ng biktima pati na ang pagtahi niya rito gamit ang kulay pulang nylon. Pati profile ng mga biktima, parehong-pareho. Bata, buntis, estudyante, payat, at maiksi ang buhok."

Napa-straight ako ng upo. "Teka, sandali, ibig mong sabihin... suspect ako?"

"Maraming pwedeng maging suspek. Maraming nakabasa ng libro mo three years ago, posibleng isa sa mga iyon. There were signs of carrying and dragging the body from the murder site to the site where the body was dumped. Isa pa, there were traces of semen in victims' bodies too kaya lalaki ang suspek. Pwede ko bang ipakita sa 'yo ang mga litrato ng tahi sa tiyan ng mga biktima?"

Alangan akong tumango. Tinitigan ko nang maigi ang mga litrato ng katawan na bukod sa tahi ay halatang bali ang mga buto at talagang pinahirapan.

"Ano sa tingin mo ang profile ng killer?"

I knew she would ask me that. Alam niyang malawak ang kaalaman ko sa mga bagay na ganito dahil kahit fiction ang mga kwento ko, lahat ng pangyayari sa istorya ay makatotohanan. I have an intensive knowledge on how police investigation worked. I created psychopaths and skilled police officers to match in my novels. Thus, making it very easy for me to profile a killer.

"Base sa mga marka sa katawan ng mga biktima, malakas ito at malaki ang katawan. May galit ang paraan ng pagpatay, parang paghihiganti ang motibo, pero kung wala kayong makikitang koneksyon sa dalawang biktima, maaaring repeat murder lamang ito. Ang una niyang biktima ay kilala niya at galit siya rito. Ang paraan ng pagkakatahi ng sugat, ito ang pinagkaiba niya sa bida ko sa novel, hindi doktor ang killer. Pamilyar siya sa anatomy, alam niya kung paano gumamit ng scalpel pero masyadong madumi ang pagkakagawa, pati na ang tahi. He must have seen the surgery in some online tutorials. He's left-handed. I think not because it was an inborn trait but because his right hand was recently injured. Hindi niya masyadong gamay ang paggamit ng kaliwang kamay."

Tumango-tango si Ana. "Ito ang mga lokasyon kung saan pinatay ang mga biktima. Ito rin ang mga lokasyon kung saan natagpuan ang mga katawan."

Pinag-aralan ko iyon. Binilugan ko ang buong area sa mapa. "Kung address ang pagbabasehan, iisipin mong magkakalayo ang mga murder site na ito. Pero kung sa lugar na ito ka manggagaling, parehong accessible ang dalawang location."

"We'll send officers to check the place. Pati na rin ang mga CCTV at dash cam, baka may nakahagip na camera kay Brigette."

"Anong buwan naganap ang unang murder 3 years ago?" usisa ko.

"February."

"I didn't publish my book until March of that year."

Nanlaki ang mga mata ni Ana. Ilang beses nang na-reprint ang libro. She didn't realize the date.

"Ibig sabihin, nabasa na niya ang manuscript bago ilabas ang libro?"

"That's what I'm thinking."

"Ms. Eva, I will need your full cooperation on this. Please help me."

"I'll let you talk to my editor. Hindi ako madalas lumabas ng bahay noon. Ini-email ko lang sa publishing house ang mga gawa ko. Ako lang ang nakatira sa apartment ko, may kasambahay ako na 55 years old pero pumupunta lang siya kapag naglilinis at naglalaba ng mga damit. Kung may leak na nangyari, I'm thinking it happened in the office. Sino ang contact mo sa publishing house?"

"A senior editor named Iry."

"That's what I thought. You can ask her. Sana mahuli mo kaagad ang killer. If the patterns were right, he will strike again pretty soon. Nakatikim na ng dugo ang predator na ito. Hirap na siyang kontrolin ang sarili niya ngayon."

"Thank you for all your input, Ms. Eva. These are very helpful!"


***

Nang makasakay ako ng taxi, nagsimulang maglabas ng adrenaline ang katawan ko. Ang pakiramdam na sobrang hype ka over something, that feeling took over me again. I needed to calm my nerves down. Ipinikit ko ang mga mata. Binuksan ko ang cellphone at nag-play ng pamilyar na music doon. I felt like my heart was about to explode. And I can't exactly tell where the anxiousness was coming from.

"Ano'ng sinabi mo? Buntis ang anak mo? Kaka-debut lang niyan, a, pinagkagastusan mo pa! Putang-ina naman, o! May pasahero pa ako, hindi ako makakabalik kaagad."

That's the driver; he's talking to his phone. Napadilat ako ng mga mata at naging aktibo ang pandinig. Ibinaba nito ang telepono, pansin ko ang pagkuyom nang mahigpit nito sa manibela at bahagyang pagbilis ng takbo ng sasakyan.

"Okay lang po kayo?" mahinahong tanong ko sa driver. "Baka po over-speeding na tayo."

"Pasensya na, Ma'am."

"Okay lang po."

Sinulyapan ko ang maliit na frame na nakasabit sa salamin sa unahan ng kotse. Litrato iyon ng buong pamilya nito kasama na ang asawa at anak na mukhang high school pa lang base sa uniform nito. Ito siguro ang sinasabi nitong buntis na anak.

"Ano pong pangalan ng anak niyo?" bigla kong natanong. Sinulyapan ako ng driver sa rearview mirror. Hindi ito sumagot kaya hinayaan ko na lang. Maya-maya, nagsalita itong muli.

"Kaka-debut lang niya noong nakaraang buwan. Naubos lahat ng ipon namin dahil gusto niya, engrande."

"Gagawin ng magulang ang lahat makita lang na masaya ang anak. Hindi na po bago 'yon."

"Ngayon, buntis siya. Hindi kami handa, wala na kaming ipon na mag-asawa."

"Kilala niyo po ba ang nakabuntis? Baka naman po handa ang lalaki na panagutan—"

Mas lalong kumunot ang noo ng driver. "Hindi namin maaasahan ang lalaking iyon. Apat na ang anak n'on. Teacher 'yon ng anak ko at may sarili nang pamilya ang hayop na 'yon. Ang anak ko lang ang maeeskandalo kung maghahabol kami."

Parang may kumudlit na karayom sa puso ko. Whore. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nanggaling iyon. Ipinikit ko ang mga mata ko. Nagsasalita pa ang driver tungkol sa anak nito pero hindi ko na masyadong naririnig iyon sa utak ko.

Her name was Pamela. The driver said it was her daughter's name. Whore.

***

I didn't want anybody to know where I live kaya naging habit ko na na magpababa sa 7/11 malapit sa apartment na tinutuluyan ko. Dahil siguro sa pagod, lumulutang ang utak ko. Hindi ko namalayan na hindi ako lumiko sa daan na patungo sa apartment. Ibang daan ang tinahak ng mga paa ko. Nagulat na lamang ako na kaharap ko ang isang gusgusing lalaki na sa tingin ko ay may sakit sa pag-iisip. Sa itsura nito, mukha itong palaboy na pulubi. But he has a big built, matangkad, at malaki ang katawan. I was giving him the soda and the siopao I bought from 7/11. Inabot niya ang pagkain gamit ang kaliwang kamay, napatingin ako sa kanan niya mukhang hindi nito maigalaw iyon.

Ngumiti ito na parang batang tuwang-tuwa. Tumayo ang balahibo ko. Kahit nakangiti siya, nakakatakot ang marusing niyang mukha. Kaagad akong lumayo sa lalaking iyon at patakbong bumalik sa direksyon patungo sa apartment ko. 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
466K 13.5K 53
Christian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa...
330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...
56.6K 1.8K 13
Lies save their love and their lives. Cassandra Margarette Acuesta. The woman who broke his heart. The woman who ruin his wedding. The woman who make...