Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 11

144K 6.4K 816
By Yanalovesyouu

Narrator's PoV

Sinundan ni Lucian ng tingin si Alexis hanggang makaalis ito. "Huwag na huwag mo ng lalapitan si Lady Alexis!" Banta ni Eureka.

"Tss" Hindi mababatid sa kilos at pananalita ang lungkot na nadarama niya. At ang kagustuhan na ipaalam kay Alexis ang katotohanan. Pero dahil ang mga nangyari kay Alexis ay sarili niyang desisyon at kagustuhan, walang magawa si Lucian kung hindi hayaan sya.

Ilang saglit pa ay isa-isang nagsulputan ang mga kauri ni Lucian na sila Leandro, Hades at Cronus kaya napaatras si Eureka. Akmang susunggaban ni Leandro at Cronus si Eureka nung pigilan sila ni Lucian "Tama na 'yan" Nakalabas pa ang mga matatalas na mga pangil ni Leandro at Cronus nung huminto sila at tumingin kay Lucian.

Takot na takot si Eureka. Hindi ito ang unang beses niyang makatagpo ng mga bampira kaya mas lalo 'yun nagdulot ng takot sa kanya. "Eureka!" Sumulpot si Samara sa tabi ni Eureka.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" Pagkatapos mag-chant ng spell ni Samara ay nalipat silang lahat sa ibang lugar. Isa sa pinakamagagaling na wizard si Samara dahil si Alexis mismo ang nagturo sa kanya noon.

Nagkatinginan sila Leandro, Cronus at Hades sa biglang pagbabago ng lugar. Saka lang nila naisip na mga wizards ang kaharap nila.

Matatalim ang tingin ni Samara sa mga nilalang na nasa harap nila. "Ano na naman ang kailangan nyo? Nananahimik na kami. Ibinigay na namin sa mga kauri inyo ang pamumuno sa kabilang mundo kaya ano pang kailangan nyo bakit ginugulo nyo na naman kami?"  Matapang na pahayag nito.

Ang kabilang mundo na tinutukoy nila ay ang mundong pinagmulan nila. Nahahati noon ang other world at pinamumunuan ng dalawang magkaibang uri ng nilalang. Ang liwanag/puti na sumisimbulo sa mga wizards, at ang kadiliman/itim na sumisimbulo sa mga vampires. Pero bukod sa kanila may iba't-ibang uri pa nilalang ang naninirahan doon.

Tinignan nito ng matalim si Lucian, "Nanghihimasok ka na naman sa buhay ni Lady Alexis, ano pa ba kailangan mo?"

Hindi nagustuhan ni Leandro ang tono ng pananalita ni Samara kaya akmang susugurin nya ito nung hawakan sya ni Lucian. "Leandro" May awtoridad ang tono ng pananalita ni Lucian kaya 'yung kaninang tila mabangis na lion at galit na galit na si Leandro ay biglang naging kalmado.




"Wala akong planong iwan si Alexis" May diin ang binitawang salita ni Lucian. "Ngunit wala rin akong planong sabihin sa kanya ang totoo. Kaya makakaasa kayong wala syang malalaman" Alam ni Lucian na iyon lang naman ang gusto ng mga tagabantay ni Alexis. Ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay si Alexis sa mundo ng mga tao.

Nagkatinginan sila Eureka at Samara. Alam nilang kahit ano sabihin nila hindi rin sila susundin ni Lucian.  Tumungo silang dalawa tanda ng paggalang. Si Lucian ang nag-iisang tagapagmana at susunod na magiging hari ng other world kaya kahit labang sa kalooban nila ay kailangan pa rin magbigay-galang.

"Dei deaeque te invoco. Portal apparere" Bumukas ang panibagong portal sa gitna nila, at saka walang imik na pumasok sa portal sila Samara at Eureka.

**

Ang dulo ng portal ay dumiretso sa tapat mismo ng bahay nila sa Kriemhild, isang tagong bayan sa other world. Wala na ang dating kaharian ng mga wizards, dahil sa nangyaring digmaan noon. Sinakop ng mga bampira ang buong kaharian. Iilan na lang ang mga natira kaya dito sila namalagi.

"Ano bang nangyari Eureka, bakit nandoon ka at kausap mo si Lord Lucian?" Tanong ni Samara habang naglalakad sila papunta sa tinutuluyan nila. She closed the door and walked over to the fireplace. Isang kumpas lang ng hintuturo niya ay nagkaroon na ng apoy. "Mukha kasing napapalapit na ang loob ni Lady Alexis kay Lord Lucian. Nadinig ko ang mga usapan nila kaya nanghimasok na ako" Paliwanag ni Eureka.

Natawa si samara sa paliwanag ni Eureka.

-Flashback-

"Lady Alexis, hindi naman sa nanghihimasok kami. Pero hindi mo naman kailangan alisin ang memorya mo. Siguro nga tama kasa gagawin mong desisyon. Pero malaki rin ang magiging epekto nito sa'yo. Handa ka na ba talagang kalimutan si Lord Lucian?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Samara. Silang dalawa ang nangunguna sa pagtutol sa gagawin ni Alexis.

Ngunit buo na ang desisyon niya. "Nakapag-desisyon na ako Samara, Eureka. Hindi lang 'to para sa'kin. Kung hindi para sa lahat ng natitira pang kauri na'tin." Hindi kailanman maaaring magbitaw sa posisyon ang isang tagapagmana kung mayroon syang kakayanan na pamunuan ang lugar nila. Kung kaya't kailangan ni Alexis isakripisyo ang ala-ala niya para magkaroon ng kapayapaan sa kabilang mundo. Kung hindi magbibitiw sa posisyon si Alexis ay patuloy silang gagambalain ng mga bampira hanggang sa maubos ang mga kauri nila.

"Madami na ang nagbuwis ng buhay, madami ng pamilyang nasira dahil sa hindi matapos-tapos na digmaan. Kailangan ng matigil ang lahat ng ito"

Napagdesisyunan ni Alexis na burahin ang ala-ala ng lahat ng nilalang sa kabilang mundo para magkaroon na ng kapayapaan, ngunit kapalit nito ang pagkawala rin n gala-ala niya.

"Naiintindihan namin, ngunit paano ka?"

Ngumiti si Alexis ng mapait. "Magiging okay ako. Wala akong maaalala hindi ba? Kaya nakikiusap ako. Kahit ano ang mangyari, huwag nyong hahayaang bumalik ang memorya ko" nakangiti si Alexis pero dama ang pait at sakit ng gagawin niya. Sa oras na bumalik ang ala-ala niya ay manunumbalik din ang ala-ala ng lahat ng nilalang. Paniguradong mag-uumpisa na naman ang digmaan.

"Makakaasa ka" Sagot ni Eureka at Samara.

-End of Flashback-

"Ano kayang sasabihin niya sa sarili niya kung nakikita niya ang ginagawa niya ngayon" Natatawang tanong ni Samara.

"Dapat kasi ipinakilala ko na si Lady Alexis sa mga nakikilala kong mortal. Ang dami-dami pa namang mga gwapong mortal"

"Eureka"

"Hahaha ano ba syempre nagbibiro lang ako"

"Natatakot lang ako minsan, paano kapag bumalik na ang ala-ala niya. At mas ikinatatakot ko ang gagawin ng Council at ng hari kapag naalala na rin nila ang lahat."

**Meanwhile**

Alexis' PoV

Nakakailang buntong-hininga na ako habang nakatitig sa harap ng computer. I really can't believe na 'yung kinukwento sa'kin ni Lucian ay si Eureka pala. How? I mean, I've known her since college days and wala naman syang nababanggit about a certain person or even being in a serious relationship. Oh well, bukod sa mga nakaka-fling niya, wala namang iba. Kaya, it's somehow bothering me.

Pero bakit ko ba iniisp kung totoo o hindi, does it matter? Saka hindi naman siguro iiyak si Eureka kung hindi totoo ang sinasabi niya.

"Ugh" I sighed as I leaned back in my chair. My head's too occupied to move. Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

Alexis never thought that things would be different. And it keeps on bugging her. Parang nagising sya mula sa isang panaginip na 'yung lalaking akala niya soulmate niya ay biglang-

"Teka, why am I writing this way? Eh hindi ko naman buhay 'tong sinusulat ko" Dinelete ko ang mga tinype ko at saka ulit nag-type.

As days passed by, her feelings grew stronger. Walang araw o gabi na lumipas na hindi niya naiisip ang lalaki. Even thinking about him can make her smile.

Biglang nagflashback sa isip ko ang mga pangyayari, simula sa pagkakakilala namin ni Lucian hanggangg sa huling magkasama kami kaya natawa ako. "No wonder why my best friend fell in love with him" Hayy! Ano bang ka-echosan 'tong iniisip ko.

Tumayo ako at lumabas ng bahay para maglakad-lakad at magmuni-muni. Dala-dala ko ang isang notebook at isang pen para just in case may maisip akong pwedeng isulat, isusulat ko.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa park. It was like a movie, na pagkaupong-pakaupo ko sa swing ay naalala ko 'yung time na nagkita kami ni Lucian. "Funny" I whispered sarcastically. Hindi ko kasi alam bakit ako nagkakaganito. Para ko na tuloy inaahas sa isip ang mahal ng best friend ko. Bakit ba kasi iniisip ko pa si Lucian?! Psh. Malandutay ka talaga Alexis.

It was late in the evening when she decided to walk outside, just like any ordinary nights kapag nagkakaroon sya ng writer's block. But then nung magkarating sya sa park, hindi naman niya inaasahan na darating pala doon si Lucian.

"Ay ano ba 'yan leche!" Bakit ba Lucian na naman ang nailagay ko. Ugh! Binura ko name na nilagay at pinalitan ng Kindred. But then I realized, since lagi namang napapalitan ng Lucian, bakit hindi ko na lang i-permanent na Lucian ang gawing male lead. Natawa ako ng mahina habang isinusulat ang pangalan ni Lucian. Kahit kailan talaga 'to bwisit. Pahirap lagi sa buhay.

Biglang nag pop-out sa utak ko ang pinag-usapan namin ni Lucian tungkol sa panaginip ko. Maganda nga kung ilalagay ko 'yun. But the thing is, hindi ganoon ka-clear ang napanaginipan ko. At may scenes pa na hindi ko masyado maalala. Pero yeah, he has a point. Pwede kong ilagay na past nila ang panaginip ko.

Minutes passed, and she has nothing to do but to stare at him. Being with him is the most comfortable and unexplainable feeling she ever felt. Para bang matagal na silang magkakilala.

I sighed after writing.Ang dami-dami kong gustong isulat but I can't find the right words at kung paano ko i-e-explain.

"Okay ka lang?" Omygod! As in omygod! Ayokong tumingin sa lalaking umupo sa katabi kong swing dahil boses pa lang niya kilala ko na. It's Lucian. Isinara ko agad ang notebook na hawak ko.

I smiled bitterly saka tumungo. Am I being overdramatic? "Hahaha bakit naman ako hindi magiging okay?" I smiled, though hindi ako sure kung makatotohanan ba ang ngiti ko. Tinignan ko si Lucian kasi hindi sya sumagot.

Ghad Alexis! Mag hunos-dili ka, tigil-tigilan mo 'yang kalandian mo. Mahal ng bestfriend mo 'yang kinakalantari mo.

I stood up and looked at him. "Una na ako ha, inaantok na ako eh" I lied. Anong oras pa lang naman kasi, paano ako aantukin? Wala pa ngang alas dos ng umaga. Tinalikuran ko na sya at nagsimula ng maglakad pabalik sa apartment habang sunud-sunod na bumubuntong hininga.

Pero I suddenly felt the urge para sabihin kay Lucian ang nararamdaman ko. Siguro-siguro lang naman, ito 'yung tama kong gawin kaysa ume-emote-emote ako dito diba? Hindi ko naman sya aagawain sa bestfriend ko. Mas okay lang na sabihin ko para mawala 'yung ganitong feeling, at para sya na rin mismo ang umiwas.

Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na humarap sa likod para bumalik-"Aww!" pero mukhang hindi ko na kailangan. "Bakit nandito ka?" Tanong ko habang hinihimas ang noo ko na bumangga sa kanya.

"Masama?" Tanong niya pabalik. Leche talaga 'to. Hindi ko alam sa best friend ko kung ano ba nagustuhan dito. I bit my lip, because I think I must also throw that question to myself. Ugh! "Pwede ba tayong mag-usap?" I asked casually.

"I-I really have no idea, na 'yung babaeng tinutukoy mo sa mga kwento mo ay si Eureka pala," Umpisa ko nung makaupo kaming dalawa sa swing. "And please don't misunderstood this pero kasi-" I gulped. Because I'm quite confused kung itutuloy ko ang sasabihin ko pero bahala na! Nandito na eh.

"Kasi?" Tanong niya.

"Kasi feeling ko gusto kita-pero-" Tumayo sya kaagad ng hindi ako pinapatapos. "Umuwi ka na at matulog. Wala akong panahon sa mga sinasabi mo." I felt chilled by the coldness in his voice. Alam ko namang mali eh, hindi pa naman ako tapos sa sasabihin ko eh.

Pinagmamasdan ko sya habang naglalakad sya palayos sa'kin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. I fall in love with the wrong person.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 205K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
21.1M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
13.8M 302K 44
He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite of that-- She left him.. Nang magta...